webnovel

Prologue

A.D. 458, Central America.

Isang batang lalaki ang naglalakad patungo sa burol, kung tawagin nito ay Cumorah. may dala itong itak, upang kumuha ng mga punong kahoy na maaaring pwedeng ipang gatong. nang marating niya ang lugar, kaagad siyang naghanap ng mga kahoy sa pali paligid, nakakita naman siya at kanya itong pinagputol putol. at halos paulit ulit lang naman ang kanyang ginagawa buong magdamag, ngunit habang siya'y nag puputol ng kahoy biglang may kakaibang liwanag ang namutawi sa kanyang harapan. sa una, natakot siya na baka kung anong nilalang ang lumabas sa liwanag, ngunit wala namang lumalabas o kababalaghang nangyayari kaya't huminahon siya at pinakalma ang sarili.

Ano itong kakaibang liwanag na sa aking harapan? tanong niya sa sarili.

ito ba'y multo o kakaibang nilalang na mula sa ibang planeta? aniya.

Hindi niya malaman at maipaliwanag kung anong klaseng liwanag ang nakikita ng dalawa niyang mga mata. kalaunan biglang may nagsalita, na kanyang ikinagulat.

Moroni...? aniya nito. tinatawag siya.

dahil sa takot ni moroni, hindi siya nagsalita. pero muli itong tinawag ang pangalan niya.

Moroni.. huwag kang matakot.

Hindi mo ba ko nakikilala?

unti unting lumapit si moroni kung nasaan ang liwanag, at nagsalita na siya pabalik dito.

sino ka? at bakit mo ako kilala? tanong niya.

Hindi mo ba ko talaga nakikilala?

Ako ang lumikha ng langit at ng lupa, at nang ibang nilalang sa lupa. at ako rin ang nagbigay sayo ng buhay.

at nagpakita na ito kay moroni, dalawang lalaki ang nakatayo sa kanyang harapan. at ang mga suot nito'y purong puti na kasing kulay ng niebe. napaluhod si moroni sa harapan nito at kanyang sinabing..

kayo po ba ang manlilikha ng sanlibutan? may pag aalinlangan sa kanyang sinabi.

Moroni.. wag kang mag alinlangan. hindi ka nagkakamali, Ako nga ang Manlilikha ng sanlibutan.

tanggalin mo ang takot at pag aalinlangan sa iyong puso. at pagkinggan mo ang aking sasabihin.

sapagka sabi sa kanya niyaon ay kanya itong sinunod. hindi malaman ni moroni kung ilang oras na siyang nakaluhod at nakikipag usap sa Manlilikha. pero isa lang tumatatak sa kanyang isipan.. ay ang mensahe nitong ipinadadala sa kanya..

Ang mensahe ng KALIGTASAN.