webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time Webnovel Edition

Two years after her mother died, Darlene received a letter from her telling her to help her dad, Kenneth, fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervention' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa nga kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina? *Inspired by the Hindi movie Kuch Kuch Hota Hai.

joanfrias · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
1 Chs

. Prologue

𝐃𝐞𝐜𝐞𝗺𝐛𝐞𝐫 2014

Damang-dama na ng lahat sa 𝘊𝘢𝘳𝘭𝘰𝘴 𝘗. 𝘙𝘰𝘮𝘶𝘭𝘰 𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 ang spirit of Christmas. Naka-Christmas get up na rin halos lahat ng mga tao sa nasabing unibersidad. Malamig na kasi sa paligid kaya halos naka-sweater na ang mga empleyado at estudyante ng CPRU.

Lalo na ang mga elementary students. Air conditioned din kasi ang mga classrooms kaya lalong lumalamig ang paligid. Pati nga sa cafeteria ay air conditioned din. Napaka-colorful tuloy ng buong elementary cafeteria dahil sa iba't ibang kulay ng sweater ng mga estudyante.

Sa kanang bahagi ng elementary cafeteria nakapuwesto si Darlene Oliveros. Grade three na ang eight-year-old student at kasama niyang kumakain ng lunch ang kanyang mga kaklaseng sina Kim, Paula at Apple.

"Hindi ako makapaniwala na dalawang taon na palang patay ang mommy mo," ang sabi ni Kim kay Darlene.

"Oo nga, Lene," sang-ayon ni Paula kay Kim. "Parang kailan lang nung nagpupunta kami sa inyo tapos pinagluluto tayo ng meryenda ni Tita Kristine."

"Ang bait-bait pa naman ng mommy mo," ang sabi naman ni Apple. "Siya nga iyong nagbigay nitong sweater ko." Hinawakan pa nito ang suot na pink sweater.

"Miss na miss na nga namin siya," ani Darlene. "Pero buti na lang medyo naka-recover na si Daddy. Dati kasi sobrang busy siya sa trabaho. Ang sabi ni Lola, iyon daw iyong paraan niya para makalimot sa pagkawala ni Mommy."

Nasa ganoon silang pag-uusap nang lapitan sila ni Ryan.

"Hi Ladies!" bati nito sa kanila.

"Ninong!" Nilapitan ni Darlene si Ryan at niyakap ito.

"Hello po, Tito!" bati naman ng mga kaibigan ni Darlene.

"Pwede ko bang mahiram sandali itong kaibigan ninyo?" tanong ni Ryan sa mga kaibigan ni Darlene.

Pumayag naman ang tatlo.

"Lene, mauna na kami sa classroom natin," paalam ni Kim.

"Sige, susunod na lang ako," ani Darlene sa kaibigan.

Umalis na ang tatlong kasama ni Darlene. Naupo naman si Ryan sa tabi niya.

"Meron akong ibibigay sa'yo," ani Ryan sabay abot ng isang sulat.

"Ano po ito?" Kinuha ni Darlene ang envelope. Medyo makapal iyon na parang napakaraming papel ang laman nito.

"That's from your mom."

Napatingin si Darlene kay Ryan.

"Ibibigay ko sana sa iyo iyan kahapon, kaya lang baka magtaka ang daddy mo. Your mom gave me that before she died. Sabi niya ibigay ko daw iyan sa'yo after two years."

Yesterday was her mom's death anniversary. May konting salo-salo sa bahay nila at padasal, at nandoon ang mga kaibigan ng kanyang mga magulang. Kabilang na nga doon si Ryan.

"Sekreto daw nating tatlo iyan, pero sabi niya, huwag ko daw babasahin. Para sa iyo lang talaga iyan, at ikaw daw ang magdedesisyon kung sasabihin mo ba sa akin ang laman niyan."

Lalong namangha si Darlene sa sulat, at may kung ano siyang naramdaman pa. Sulat iyon galing sa kanyang mommy, sa kanyang yumaong mommy na mahal na mahal niya. Pakiramdam niya ay nagmula ito sa langit kung saan naroon ang kanyang ina.

Hinawakan ni Ryan ang balikat niya. "Paano? I'll leave that to you now. Baka maghinala ang daddy mo kung matagal akong mawawala. Babalik na ako sa shop."

Ryan and Darlene's dad both work in a furniture shop. Malamang na tumakas lamang ito para ibigay sa kanya ang sulat.

"Thanks, Ninong."

"You're welcome." Ryan smiled at her.

Nang mag-isa na lamang siya ay ang sulat ang pinagtuunan ng pansin ni Darlene. Gustong-gusto na niya itong buksan at basahin, pero magsisimula na rin kasi ang klase nila. Baka hindi niya iyon matapos at mabitin lamang siya sa pagbabasa. Mukha pa namang mahaba ang sulat na naroon dahil sa kapal nito.

Buong maghapon ay ang sulat ang nasa isip ni Darlene. Medyo naging detached na siya sa surroundings niya, although hindi siya nagpahalata. At nang gabing mag-isa na lamang siya sa kwarto at akala ng lahat ay natutulog na siya, noon niya binuksan ang sulat.

𝑻𝒐 𝒎𝒚 𝒃𝒆𝒍𝒐𝒗𝒆𝒅 𝑫𝒂𝒓𝒍𝒆𝒏𝒆,

Unang pangungusap pa lamang ay parang maiiyak na si Darlene. "Mom..." Talagang miss na miss na niya ang ina.

𝑰𝒕 𝒉𝒂𝒔 𝒃𝒆𝒆𝒏 𝒕𝒘𝒐 𝒚𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒏𝒐𝒘, 𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕? 𝑼𝒏𝒍𝒆𝒔𝒔 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝑵𝒊𝒏𝒐𝒏𝒈 𝑹𝒚𝒂𝒏 𝒅𝒊𝒅𝒏'𝒕 𝒇𝒐𝒍𝒍𝒐𝒘 𝒎𝒚 𝒊𝒏𝒔𝒕𝒓𝒖𝒄𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒎𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒊𝒚𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂-𝒑𝒂𝒔𝒂𝒘𝒂𝒚. 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐 𝒍𝒂𝒏𝒈.

Napangiti ang teary eyed nang si Darlene.

𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒚𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒐𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒆 𝒎𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒂𝒅𝒖𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒂𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏 𝒌𝒂 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒖𝒔𝒂𝒚. 𝑷𝒊𝒏𝒂𝒑𝒂𝒍𝒐 𝒃𝒂 𝒔𝒊𝒚𝒂 𝒏𝒊 𝑴𝒂𝒎𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒔𝒂𝒘𝒂𝒚 𝒔𝒊𝒚𝒂?

Natawa na si Darlene sa binabasa. Oh, how she misses her mother! Na-miss tuloy niya ang humor nito at ang kunwa-kunwariang pambu-bully sa daddy niya.

𝑺𝒑𝒆𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅... 𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒉𝒆'𝒔 𝒇𝒊𝒏𝒆, 𝒃𝒖𝒕, 𝒉𝒂𝒔 𝒉𝒆 𝒂𝒍𝒓𝒆𝒂𝒅𝒚 𝒎𝒐𝒗𝒆𝒅 𝒐𝒏? 𝑰 𝒎𝒆𝒂𝒏, 𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒂 𝒃𝒂 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒑𝒂𝒈-𝒅𝒂𝒕𝒆 𝒖𝒍𝒊𝒕 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒓𝒍𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅 𝒏𝒂 𝒃𝒂 𝒔𝒊𝒚𝒂?

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Darlene.

𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒊𝒕'𝒔 𝒉𝒂𝒓𝒅 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑺𝒄𝒂𝒓𝒚, 𝒉𝒖𝒉? 𝑷𝒆𝒓𝒐, 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒔𝒊𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒂𝒅𝒖𝒉𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒂𝒕 𝑳𝒐𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒆 𝒎𝒐 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒉𝒐𝒆𝒗𝒆𝒓 𝑲𝒆𝒏𝒏𝒆𝒕𝒉 𝒊𝒔 𝒅𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈, 𝒔𝒉𝒆'𝒍𝒍 𝒃𝒆 𝒈𝒐𝒐𝒅 𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖. 𝑨𝒏𝒅, 𝑰'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒔𝒐 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒔𝒖𝒓𝒆 𝒔𝒉𝒆'𝒔 𝒏𝒊𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖. 𝑰 𝒄𝒂𝒏 𝒔𝒆𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒊𝒏 𝒉𝒆𝒂𝒗𝒆𝒏, 𝒚𝒐𝒖 𝒌𝒏𝒐𝒘. 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒉𝒖𝒘𝒂𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂. 𝑰'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒍𝒐𝒐𝒌 𝒂𝒇𝒕𝒆𝒓 𝒚𝒐𝒖.

Napangiti na ulit si Darlene. "I know, Mom. I can feel that you're always looking after me."

𝑮𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒌𝒐 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒖𝒍𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐. 𝑵𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒂𝒓𝒐𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒏𝒚𝒂.

"Naiintindihan ko naman po, Mom. Pero, si Daddy rin ang ayaw eh. Parang hindi pa rin siya maka-move on."

𝑨𝒏𝒅 𝒂𝒍𝒔𝒐, 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒎𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒇𝒊𝒈𝒖𝒓𝒆. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒏𝒅𝒊𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒊 𝑳𝒐𝒍𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒆 𝒎𝒐, 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒊𝒃𝒂 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒏𝒂𝒚. 𝑳𝒂𝒍𝒐 𝒏𝒂'𝒕 𝒍𝒖𝒎𝒂𝒍𝒂𝒌𝒊 𝒌𝒂 𝒏𝒂 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒂 𝒃𝒆𝒂𝒖𝒕𝒊𝒇𝒖𝒍 𝒚𝒐𝒖𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒅𝒚.

𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒓𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒅𝒂𝒍𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒂𝒌𝒊𝒏 𝒊𝒕𝒐. 𝑯𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒊𝒕𝒐, 𝒃𝒖𝒎𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒊𝒃𝒅𝒊𝒃 𝒌𝒐 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒊𝒕'𝒔 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝑰'𝒎 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑰 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒕𝒐 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆 𝒆𝒍𝒔𝒆. 𝑩𝒖𝒕 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒄𝒂𝒏 𝑰 𝒅𝒐? 𝑰 𝒄𝒂𝒏'𝒕 𝒔𝒕𝒂𝒚 𝒕𝒐 𝒎𝒂𝒌𝒆 𝒉𝒊𝒎 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒚 𝒇𝒐𝒓𝒆𝒗𝒆𝒓.

"Mom..." Nakaramdam ng awa si Darlene sa yumaong ina. Parang nakikita niya itong nahihirapan ang damdamin dahil sa isinusulat at parang napapaiyak na nga ito.

𝑨𝒏𝒅 𝒔𝒐, 𝒊𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆 𝒕𝒐 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒂𝒍𝒓𝒆𝒂𝒅𝒚, 𝒑𝒍𝒆𝒂𝒔𝒆 𝒃𝒆 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒚 𝒇𝒐𝒓 𝒉𝒊𝒎. 𝑰 𝒉𝒐𝒑𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒔𝒖𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕 𝒉𝒊𝒎 𝒊𝒏 𝒉𝒊𝒔 𝒏𝒆𝒘 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒍𝒊𝒇𝒆. 𝑰 𝒂𝒄𝒕𝒖𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒘𝒓𝒐𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒊𝒑𝒂𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒍𝒖𝒌𝒖𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒔𝒕𝒂𝒅𝒐 𝒏𝒈 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒍𝒊𝒇𝒆 𝒏𝒊𝒚𝒂. 𝑰𝒔𝒊𝒑𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒏𝒂 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐 𝒔𝒂 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒊𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒆𝒔𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏. 𝑰𝒔𝒂 𝒑𝒂, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒓𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒌𝒂𝒔𝒊 𝒎𝒂𝒅𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒘𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈. 𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒕𝒉𝒂𝒕, 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝑰 𝒆𝒙𝒑𝒆𝒓𝒊𝒆𝒏𝒄𝒆𝒅 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅.

𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐 𝒓𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒂𝒍𝒂 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐 𝒂𝒔 𝒚𝒐𝒖 𝒓𝒆𝒂𝒅 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒅𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒂-𝒎𝒐𝒗𝒆 𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒅𝒂𝒅𝒅𝒚 𝒎𝒐. 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒂𝒌𝒐 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒌𝒂 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒎𝒖𝒎𝒖𝒌𝒎𝒐𝒌 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒔𝒊 𝑲𝒆𝒏𝒏𝒆𝒕𝒉. 𝑨𝒏𝒅 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒔𝒆, 𝒎𝒆𝒓𝒐𝒏 𝒂𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒂𝒌𝒊𝒖𝒔𝒂𝒑 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐. 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒉𝒆𝒍𝒑 𝒉𝒊𝒎 𝒇𝒊𝒏𝒅 𝒂 𝒏𝒆𝒘 𝒍𝒐𝒗𝒆.

Natigilan si Darlene sa nabasa.

𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒚𝒐𝒖 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒕𝒉𝒊𝒏𝒌 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒔𝒐𝒖𝒏𝒅𝒔 𝒄𝒓𝒂𝒛𝒚. 𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒈𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒃𝒊 𝒌𝒐, 𝑰 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒉𝒂𝒑𝒑𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏. 𝑬𝒗𝒆𝒏 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒊𝒅𝒆𝒂 𝒄𝒓𝒖𝒔𝒉𝒆𝒔 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕. 𝑨𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒊𝒊𝒏𝒕𝒊𝒏𝒅𝒊𝒉𝒂𝒏 𝒎𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒈𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏. 𝒀𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒆𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒚𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒐𝒍𝒅 𝒏𝒐𝒘, 𝒂𝒏𝒅 𝑰 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒂 𝒔𝒎𝒂𝒓𝒕 𝒈𝒊𝒓𝒍. 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒂𝒍𝒂𝒎 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒎𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒑𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐.

"Pero, ano ang gagawin ko, Mom?"

Para namang sinagot ni Kristine ang tanong ni Darlene sa mga sumunod na pangungusap nito.

𝑭𝒊𝒓𝒔𝒕, 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐 𝒍𝒐𝒐𝒌 𝒇𝒐𝒓 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆. 𝑻𝒉𝒆 𝒓𝒆𝒂𝒔𝒐𝒏 𝒘𝒉𝒚 𝑰 𝒂𝒔𝒌𝒆𝒅 𝑹𝒚𝒂𝒏 𝒕𝒐 𝒈𝒊𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒉𝒆 𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝒊𝒔 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒉𝒊𝒎 𝒕𝒐 𝒈𝒆𝒕 𝒊𝒏𝒗𝒐𝒍𝒗𝒆𝒅 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒊𝒔. 𝑯𝒆 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒑𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒘𝒉𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒈𝒊𝒓𝒍 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒕 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒇𝒂𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒕𝒐 𝒎𝒆𝒆𝒕 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏. 𝑺𝒉𝒆 𝒘𝒂𝒔 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅'𝒔 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒍𝒐𝒗𝒆, 𝒂𝒏𝒅 𝑰 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒇𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒇 𝒉𝒆 𝒔𝒆𝒆𝒔 𝒉𝒆𝒓 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏, 𝒉𝒊𝒔 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝒉𝒆𝒓 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒄𝒐𝒎𝒆 𝒃𝒂𝒄𝒌.

𝑩𝒖𝒕 𝒃𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆 𝒕𝒆𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒇𝒖𝒓𝒕𝒉𝒆𝒓 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒕𝒐 𝒅𝒐, 𝒔𝒊𝒈𝒖𝒓𝒐 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒌𝒐 𝒎𝒖𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆𝒏𝒈 𝒕𝒊𝒏𝒖𝒕𝒖𝒌𝒐𝒚 𝒌𝒐. 𝑯𝒆𝒓 𝒏𝒂𝒎𝒆 𝒊𝒔 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝒅𝒆 𝑽𝒆𝒓𝒂. 𝑺𝒉𝒆 𝒘𝒂𝒔 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅'𝒔 𝒃𝒆𝒔𝒕 𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅. 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝑰 𝒎𝒆𝒕 𝒉𝒆𝒓, 𝑰 𝒊𝒎𝒎𝒆𝒅𝒊𝒂𝒕𝒆𝒍𝒚 𝒅𝒊𝒔𝒄𝒐𝒗𝒆𝒓𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒔𝒉𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅 𝒉𝒂𝒔 𝒊𝒔 𝒅𝒆𝒆𝒑𝒆𝒓 𝒕𝒉𝒂𝒏 𝒇𝒓𝒊𝒆𝒏𝒅𝒔𝒉𝒊𝒑. 𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒅𝒐𝒏'𝒕 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒊𝒕 𝒚𝒆𝒕.

𝑨𝒏𝒅 𝒔𝒐, 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒉𝒐𝒘 𝑰 𝒎𝒆𝒕 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒂𝒅, 𝒂𝒏𝒅 𝒉𝒐𝒘 𝑰 𝒎𝒆𝒕 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒏𝒕𝒉𝒂 𝒅𝒆 𝑽𝒆𝒓𝒂. 𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒉𝒐𝒘 𝑰 𝒇𝒆𝒍𝒍 𝒊𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒉𝒊𝒎, 𝒂𝒏𝒅 𝒉𝒐𝒘 𝑰 𝒕𝒐𝒐𝒌 𝒉𝒊𝒎 𝒂𝒘𝒂𝒚 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒉𝒊𝒔 𝒇𝒊𝒓𝒔𝒕 𝒍𝒐𝒗𝒆, 𝑺𝒂𝒎.

✉️