webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
86 Chs

Meeting the son of governor!

Ginalugad ng mga everest guard ang buong Rockcliffe Mansion at ang sinumang mapansin nila na kahina-hinala ay agad nilang ini-interrogate.

Ang gabi ay siksik sa mga aktibidad dahil sa pagkamatay ni Wang Long, ang gobernador ng Everest!

Ang Rockcliffe Mansion ay nasa isang total lockdown dahil alam nila na ang pumatay sa gobernador ay nasa loob pa rin ng mansion.

Walang sinuman ang pwedeng umalis hangga't hindi nila natatagpuan ang killer!

Sina Ye Song at Kuchi na nagpanggap bilang mga everest guard ay malaya nang nakakagalaw sa loob ng mansion dahil sa disguise na kanilang suot.

Dahil hindi malalim ang kanilang mga sugat, agad silang inutusan na tumulong upang hanapin ang pumatay sa gobernador ng Everest.

"Siguraduhin niyong tingnan ang bawat sulok ng mansion. kahit na ang pinakamaliit na bakas nila ay magiging mahalaga upang mahanap natin ang killer!"

"Yes sir!"

Habang naghahanap sila sa buong lugar, ang anak ng gobernador na si Wang Bao ay bumalik sa mansion at nagulat siya nang makita ang kuguluhan na nangyayari sa loob ng mansion.

Nang malaman niya ang balita na ang kanyang ama ay pinatay, binugbog niya ang guwardiya na nag-ulat sa kanya kung ano ang nangyari dahil sa sobrang galit.

Pagkatapos niyang huminahon ay pinatawag niya ang dalawang guwardiya na nakakita sa kanyang ama nang siya ay mapatay.

Nang makarating ang dalawang guwardiya sa silid ni Wang Bao, nakita nila ang isang matabang tao na nasa tatlumpung taong gulang ang edad na nakahawak sa dibdib ng isang babae sa tabi niya habang nakatitig ng malamig sa kanila.

Ang payat na everest guard ay kalmado pa rin ang mukha nang makita niya si Wang Bao na minomolestiya ang isang babae sa kanilang harapan.

"Kayong dalawa, sabihin niyo sa akin kung ano mismo ang nangyari at kung ano ang hitsura ng pumatay sa aking ama!"

Inalala ng dalawang guwardiya ng everest kung ano ang nangyari at sinabi kay Wang Bao na nakita lamang nila ang isang silweta na umatake sa kanila at ang sunod na alam nila ay nakahiga na sila sa lupa.

Si Wang Bao na nakikinig sa dalawang guwardiya ay nakapikit at nakahawak pa rin sa dibdib ng babae habang sinusubukang isipin kung ano ang nangyari.

Habang siya ay nagmumuni-muni, napansin niya ang payat na everest guard ay mukhang pamilyar.

"Nagkita na ba tayo dati?" tanong ni Wang Bao sa payat na guwardiya.

"Hindi po, sir" sagot ng payat ng guwardiya.

"Pamilyar ang mukha mo saken"

"Marami po ang nagsasabi niyan sakin, sir"

"Hmm.."

Matapos silang tanungin ng iba pang detalye, papaalisin na sana sila ni Wang Bao nang makita niya ang payat na everest guard na parang may gustong sabihin sa kanya.

"Magsalita ka kung may gusto kang sabihin" sinabi ni Wang Bao.

"Sa totoo lang sir may hula ako kung saan nagpunta ang killer kaya hindi pa rin natin siya matagpuan" sinabi ng payat na everest guard.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tinitigan ng maigi ni Wang Bao ang payat na everest guard upang malaman ang iniisip nito.

"100% sure sir"

"Sabihin mo kung saan sa tingin mo nagtatago ang killer na pumatay sa ama ko"

"Sa palagay ko ay nasa food storage area ang killer" kampanteng sinabi ng payat na everest guard.

Kumunot ang noo ni Wang Bao nang marinig niya ang sinabi nito at tinanong niya ang payat na everest guard.

"Ano ang dahilan mo bakit sa tingin mo andun siya?"

"Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa food storage area maliban lang kung nakakuha ka ng pahintulot na pumunta dito. walang pumunta sa lugar na iyon upang hanapin ang killer dahil wala kaming pahintulot at sa palagay ko ay alam ng killer ang tungkol dito kaya't pumasok siya sa loob para magtago doon at tumakas kalaunan kapag nakakita siya ng pagkakataon"

Pinakinggan ni Wang Bao ang paliwanag ng payat na everest guard at naisip niya na may katuturan ito.

"So ang ibig mong sabihin ay alam ng killer ang mga patakaran at istraktura ng lugar na ito kaya't madali siyang nakapasok at patayin ang aking ama?"

"Opo sir"

Makalipas ang ilang sandali pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng payat na everest guard ay itinulak ni Wang Bao ang babae palayo at lumakad papunta sa dalawang guwardiya na nakasaksi sa pagkamatay ng kanyang ama.

"Good, magandang judgement ang iyong ginawa. puntahan natin ang area ng food storage at doon hanapin ang killer!"

Si Wang Bao at ang dalawang everest guard na pinatawag niya ay lumabas mula sa silid. nang makita ng mga everest guard si Wang Bao, mabilis silang tumakbo palapit sa kanila at binati si Wang Bao.

"Hindi pa rin namin nakikita ang killer captain, humihingi kami ng paumanhin!"

Tiningnan ni Wang Bao ang walong guwardiya at tumango sa kanila pagkatapos ay sinabi.

"Sumunod kayo sa akin. sa palagay ko ay alam ko kung saan nagtatago ang killer na yan"

"Saan po sa tingin niyo nagtatago ang killer captain?" nalilitong tanong ng mga guwardiya.

"Sa tingin ko ay nasa food storage area siya"

Nang marinig nila ito, ang mga mata ng walong everest guard ay kuminang nang maliwanag.

Dahil nandito ang kanilang kapitan, madali silang makakapasok sa lugar ng food storage nang hindi mapaparusahan.

Ang food storage area ay nakasarado at napakahigpit ng seguridad upang masigurado ang supply ng pagkain sa bayan ng Everest. mabubuksan lamang ito gamit ang isang susi na nasa kamay ng gobernador at ng kanyang pamilya.

Kapag pinilit mong pumasok ay sasalubungin ka ng mga traps at mga electrical wire na kayang pumatay ng isang balyena kung mahawakan mo ito.

Napakahigpit ng seguridad sa food storage area kaya't walang sinuman ang maglakas-loob na subukang magnakaw ng pagkain mula rito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sina Wang Bao at ang mga guwardiya sa food storage area.

Ito ay isang malaking bodega na may barbed wire electric fences na aabot sa limang metro ang taas.

Tiningnan ni Wang Bao ang payat na everest guard at ang guwardiya na mukhang isang penguin.

"Saan sa tingin niyo nagtatago ang killer?" tanong ni Wang Bao sa dalawang guwardiya.

Ang payat na everest guard ay naglakad nang kaunti at inobserbahan ang malaking bodega sa kanyang harapan.

Habang nagmamasid ay sinagot niya si Wang bao.

"Hindi ako sigurado kung nagtatago siya pero sigurado ako na nandito ang killer"

"Paano ka nakakasigurado na ang killer ay nandito!? ni hindi mo nga alam kung ano ang hitsura niya o kung saan siya nagpunta! nagmamagaling ka na lang hindi mo pa ayusin!" nagagalit na sinabi ni Wang Bao sa guwardiya.

Unti-unti nang nauubos ang pasensya ni Wang Bao dahil sa dalawang guwardiya na ito. iniisip niya na bakit ang ama niya pa ang namatay imbis na ang dalawang ito. kapag nakikita niya ang dalawang guwardiyang ito ay hindi niya mapigilan ang galit sa kanyang puso kaya nag isip siya ng ideya upang patayin ang dalawang ito.

Naisip niya na kailangan mamatay ang dalawang ito para mabawasan ang galit sa kanyang puso kaya sinama niya ang mga ito sa food storage area kung saan kakaunti lang ang makakasaksi sa kanyang gagawin!

"Hindi, sigurado akong nandito siya"

Lumingon ang payat na everest guard at tumingin kay Wang Bao.

Ngumiti ito ng malamig sa kanya at naglabas ng hangarin sa pagpatay.

"Dahil ako ang killer.."

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts