webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
86 Chs

Kalaban ang minotaur king!

Ang mga halimaw ay hindi nakalapag ng kahit isang hit sa kanya dahil si Ye Song ay madulas tulad ng isang igat. perpektong sinasamantala ang bawat opening sa pagitan ng bawat pag-atake upang makaiwas.

Patuloy na lumutang ang damage values sa itaas ng ulo ng mga halimaw hanggang sa kaunting HP na lamang ang matira. ang mga halimaw ay bumagsak sa lupa nang tinapos ito ni Ye Song sa ilang mga pag-atake.

"Sunod!" si Ye Song ay nasa zone.

Gumamit siya ng mga simpleng hakbang upang maiwasan ang pag-atake ng mga natitirang halimaw. kasabay nito ay ang maraming sugat dahil sa pagsaksak at pag-slash na iniiwan niya bago mabilis na umatras muli.

Ang mga halimaw ay patuloy na inaatake si Ye Song habang hindi mabilang na damage value ang lumalabas sa kanilang mga ulo.

Gayunpaman, anuman ang pilit nilang pagsisikap ay hindi nila mahawakan ang kahit isang buhok sa kanyang katawan!

Para nilang sinusubukan makatama sa isang kalaban na may translucent na katawan. kahit na sabay-sabay silang umaatake ay nahahampas lamang nila ang hangin.

Di nagtagal, ang mga halimaw ay hindi na nakatiis sa labis na pagpapahirap at nagtamo ng tuloy-tuloy na pinsala.

Sa isang iglap ay bumagsak sila sa lupa!

Hindi inaasahan ng lahat na sila ay mamamatay mula sa pagdurugo dahil sa patuloy na pag atake ni Ye Song!

Ginugol ni Ye Song ang kanyang oras upang makapagpahinga pagkatapos ng gayong labanan, kahit na pinagpapawisan siya dahil sa mabilis niyang paggalaw, hindi siya nakakuha ng anumang pinsala.

"Pagbabayaran mo ito!" nagalit ang minotaur king nang makita ang mga alipores nito na namatay nang malubha habang ang salarin ay hindi man lang nakatamo ng anumang pinsala.

"Makikita natin" sagot ni Ye Song sa minotaur king habang nakangisi ang kanyang mukha!

Sa isang kisap mata, nawala parang bula si Ye Song dahil ginamit niya ang cloaking at nagpunta sa likod ng minotaur king. samantala, ang minotaur king ay may naramdaman sa kanyang likuran at akmang tatalikod ito nang biglang sumugod sa kanya si Ye Song na may mabilis na pag atake at nagtamo ng critical strike.

Ang minotaur king ay natulala sa kanyang kinatatayuan dahil siya ay na-stun ng ilang segundo.

Ang sundang ni Ye Song ay sumaksak sa likod ng minotaur king, hiniwa niya ito at naging sanhi ng pag-agos ng dugo.

-850

-110

-125

-720

-132

Isang tuloy-tuloy na agos ng damage value ang lumutang sa ulo ng minotaur king! unang dumating ang pinsala mula sa kanyang pag-atake at sinundan ito ng patuloy na slash at stab.

Ang kalaban ay walang oras upang mag-react!

Dahil dito ay natakot ang minotaur king. ang tuluy-tuloy na pinsala ay labis na nakakatakot lalo na laban sa mga halimaw tulad ng minotaur king na may mataas na depensa.

Sa kasalukuyang bilis ni Ye Song sa kanyang pag-atake, balewala sa kanyang paningin ang lahat ng kanyang kalaban.

Kahit na labanan niya ang mga halimaw na mas mataas ang stats kaysa sa kanya, hindi ito magbibigay ng challenge.

Nilingon ng minotaur king ang kanyang ulo na halos mukhang napakalaking toro at tumakbo papunta kay Ye Song.

Nang mahulaan niya kung saan lalapag ang atake nito, nag-flash ang pigura ni Ye Song habang inikutan niya ulit sa likod ang Minotaur King.

Ang dagger sa kanyang kamay ay madaling tumusok sa makapal na balat ng minotaur king dahil ang dagger na ito ay ginawa upang patayin ang kanilang uri!

Ang dagger ni Ye Song ay bumabaon sa likod ng minotaur king nang paulit-ulit sa kabila ng pagtatangka nitong tumalikod at harapin ang kalaban nito.

Ngunit patuloy pa rin na dumadaloy ang damage values sa itaas ng ulo nito!

Napakabilis niya na sa tuwing susubukan siyang atakihin ng minotaur king ay mahuhulaan niya agad ang trajectory ng pag-atake nito mula sa mga pagsisimula nitong paggalaw at umiiwas siya ng bahagya upang maiwasan ang atake.

Ang mga paggalaw na ito ay naging sanhi ng pagkawala ng pag-asa ng minotaur king.

Mabilis na bumagsak ang hp ng minotaur king dahil sa dumudugo ang katawan nito.

Ang mabilis at tumpak na pag-atake ni Ye Song ay masyadong mabangis!

Kahit na ang minotaur king ay nakakarecover ng 20 HP bawat segundo, wala pa rin itong magagawa sa harap ng napakalaking damage sa pagdugo.

Ang mukha ni Ye Song ay gumawa ng isang masayang ekspresyon dahil ang antas ng kasanayang ito ay may kakayahang talunin ang anumang mga halimaw!

Ang kanyang isipan ay nagkaroon ng isang sulyap ng inspirasyon at sinabi sa kanyang sarili.

"Nakakatuwa ito kaysa sa isang suntok lang!"

Napagtanto ni Ye Song na kapag natalo mo ang kalaban sa isang suntok lang ay hindi exciting.

Sa anime, nakaka-excite makita ang mga halimaw na natatalo gamit ang sobrang lakas ngunit kapag naranasan mo ito sa iyong sarili ay boring. hindi ka makakaramdam ng anumang kasiyahan, magiging mapurol ka at magsisimulang mawala ang iyong emosyon.

Ayaw niyang mangyari iyon, kaya't gusto niyang maranasan ang pagbabago.

Nasisiyahan si Ye Song sa laban ngunit ang mga penguin at si Ahoka ay walang pakialam sa anuman sa mga iyon.

Pagkalipas ng sampung minuto, galit na galit pa rin ang minotaur king dahil hindi ito makatama ng isa kay Ye Song.

Sa mga oras na iyon ay nagsimula ng mabored ang mga penguin at si Ahoka.

Tinanong nila si Ye Song ng may tamad na boses.

"Master tapos ka na? gutom na ako.."

"Alam namin na nais mong subukan ang iyong mga kakayahan ngunit parang sobra naman ata ito!"

"Tama ang intuwisyon ko, alam kong pervert siya. gusto niyang pahirapan ang kalaban niya!"

"Ahh, boom! boom!"

Dahil sobrang bored, sa hindi inaasahan, nagsimulang magtapon si Hachi ng mga granada sa buong lugar.

Nagulat si Ahoka at ang tatlong Penguin sa nangyari at dali-daling iniwasan ang nagliliparan na mga granada.

"Hachi anong pinaggagawa mo!"

"Itigil mo na yan Hachi oi!"

Habang naglalaro sila Ahoka at ang mga penguin sa gilid, si Ye Song ay nakatuon pa rin sa kanyang laban.

Nang makita ni Ye Song kung ano ang ginagawa nila ay napailing na lang ito ng kanyang ulo.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts