webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
86 Chs

Kakaibang pangyayari

Napatulala ang mga tao sa bayan ng Malaya nang makita nila ang mga halimaw na nagpapanic habang tumatakbo sa takot.

Nang masaksihan nila ang kaganapang ito ay hindi sila makapaniwala sa nangyari. ilang sandali lamang ang nakakalipas, akala nila ay mamamatay na sila. ngunit sa loob lamang din ng isang segundo ay nagbago ang lahat!

Walang sinuman ang nag akala na ang ray of lightning na bumaba mula sa kalangitan ay lilipulin ang lahat ng mga halimaw na umaatake sa bayan.

Ang lahat ng ito ay nangyari lamang sa loob ng ilang segundo kaya't hindi nila mai-proseso nang maayos ang kanilang mga saloobin.

"Master.." sinabi ni Coco sa mahinang boses.

Nang makita niya ang kidlat sa langit, naisip niya kaagad si Ye Song dahil mayroong koneksyon sa pagitan nila. nakaramdam siya ng pamilyar na aura sa misteryosong kidlat na bumaba mula sa langit. kahit na hindi siya sigurado kung paano niya ito nagawa, sigurado siyang may kaugnayan ito kay Ye Song kahit papaano.

Ang iba pang mga kasama niya sa lemons ay nararamdaman din ang katulad na bagay na kanyang nadama.

Matapos ang mahabang pagtahimik ng buong lugar, ang mga tao ay nagsimulang tumalon sa kagalakan. marahil ito ang pinakamasayang sandali sa kanilang buhay.

Parang panaginip lang ang lahat.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita nila ang maraming halimaw na natalo sa isang single strike at tumakbo palayo dahil sa takot.

Ngunit ang kaligayahan ng mga tao sa bayan ay hindi nagtagal.

Habang lahat sila ay naglalabas ng buntong hininga dahil sila ay naka-survive, isang ulap ng alikabok ang lumitaw sa horizon. kahit na ang ulan ay hindi mapipigilan ang ulap ng alikabok na ito sa isang maikling panahon.

Hindi mabilang na mga nakabaluting sundalo ng halimaw ang sumusugod sa ulap ng alikabok habang nakasakay sa mga beast mounts at lahat sila ay naglalabas ng isang makapal na hangarin sa pagpatay.

Isang malaking minotaur na naka-mount sa isang malaking hayop sa itaas ng mga sundalo ng halimaw ang sumusugod kasama ang hukbo at may mga halimaw na may malakas na titig ang pumapalibot sa minotaur na ito!

Nang makita ng mga residente ng bayan ng Malaya ang pangalawang pag-atake ng mga halimaw, lahat sila ay natulala!

Ang buong akala nila ay tapos na ang bangungot na kanilang kinakaharap ngunit parang nagmumulto muli ito sa kanila!

-

Habang si Toro at ang devilslave army ay nagmamartsa patungo sa bayan, isang silweta ang biglang lumitaw sa tabi ni Toro.

Isang madilim na anino ng halimaw na kasing laki ni Toro ang naglalakad sa kanyang tabi at sinabi.

"Ang mga Ammuts ay namatay .."

Nang marinig ang sinabi ng dark shadow monster, tumingin si Toro sa kanya na may kalmadong ekspresyon at tumango lamang.

Inaasahan na niya ito.

Hindi nila madaling mapapatay ang batang iyon. kung ang misyon na ito ay napakadali lamang, bakit pa sila inutusang lahat ni God Yeti na huntingin ang isang walang kwentang tao.

Nag uusap ang dalawa habang sumusugod ang mga sundalong halimaw patungo sa bayan. ang lahat ay binilisan ang kanilang paglakad upang maabot kaagad ang bayan ngunit nang makarating sila sa gate ay kumunot bigla ang noo ni Toro.

"Hm? bakit walang mga bantay dito ?" nakaramdam din ng pagkalito ang dark shadow monster sa kanyang tabi.

Matapos bumalik sa kanilang pandama ay sinenyasan niya ang mga sundalong halimaw na tumayo lamang sa kanilang posisyon at dahan-dahan siyang humakbang upang suriin muna ang paligid ng lugar.

Sinabi na sa kanya ni Toro ang tungkol sa kidlat na halos umubos sa lahat ng halimaw na kanilang ipinadala nung una.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya naging pabaya sa oras na ito at naging alerto.

"Hindi lamang ang mga bantay," sinabi ni Toro, "bakit wala rin ang mga residente dito?"

Ngayon na ang kanilang grupo ay nasa bayan na at nakikita ang mga kalye sa loob, napansin nilang lahat na kahit isang tao ay hindi makikita sa mga lansangan. hindi lamang iyon, ni hindi rin nila ma-sense ang sinumang tao sa mga gusali sa gilid ng mga kalye.

"Napakatahimik nito ..." ungol ng dark shadow monster.

Sa katunayan, ang bayan ay napakatahimik. mula pa simula nang pumasok sila sa bayan sa totoo lang ay wala ka talagang maririnig.

Sa buong bayan, wala kahit ni isang ingay ang maririnig.

Ang dark shadow monster ay ginamit ng todo ang kanyang pandama habang naghahanap siya sa paligid.

"Bakit nakakakuha ako ng masamang pakiramdam tungkol dito? wala pa kaming nakikita ni isang tao, parang ..."

Bago niya matapos ang nais niyang sabihin,

"Teka, may nahanap akong tao!" nasasabik niyang sinabi, "At isang disenteng dami din ng mga tao. nasa gitna sila ng bayan. lahat ay nandoon."

Tumingin si Toro sa kanyang tinuturo.

Sa kanyang sariling pandama, naririnig rin niya ang maraming ingay na nagmumula doon. kung gaano sila kahina, malamang na mga ordinaryong tao lamang ang mga ito, ngunit mayroon ding ilang mga chosen ang nandoon.

"Kakaiba ito .." pabulong niyang sinabi, "Bakit lahat sila nandiyan?"

"Heh, ano naman kung ganoon? bakit hindi na lang natin tingnan sa ating sarili kung ano ang ginagawa nila doon?" ang madilim na anino ay nagkibit balikat, "Gusto kong makita kung ano ang kanilang binabalak. tara, tingnan natin."

Limang minuto na ang nakalilipas mula nang pumasok sila sa bayan, at wala pa silang makasalubong ni isang tao. "Siguradong may mga tao sa unahan o nagkakamali lang ako ng pakiramdam?"

"Meron talagang mga tao sa unahan at sobrang dami nila"

Habang sila ay naglalakad, medyo hindi mapalagay si Toro tungkol sa kung ano.

Dahil dito ay tinanong niya ang dark shadow monster na suriin muli ang buong lugar ngunit binigyan siya nito ng isang inis na sulyap bilang kapalit.

"Maraming beses mo nang pinagawa sa akin ito. sigurado na ako na maraming tao sa unahan. Lahat sila ay mahina kaya't sa tingin ko ay mga ordinaryong tao lamang ang mga ito"

Hindi mukhang kumbinsido si Toro sa kanyang sinabi. "Ngunit iyon nga ang kakaiba dito !!" ekslamasyon niya.

Dalawang hakbang sa unahan ng madilim na anino, ibinaling ni Toro ang kanyang ulo pabalik.

"Anong meron?" Tanong niya sa kanya.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts