webnovel

EPISODE 7

ELEVEN in the evening.

Nagulat ako nang magsabay pa kaming dumating ni Mama Cha. Siya eksaktong kabababa lang sa kotse at ako naman sa kotse ni Trina. Nagkawayan na lang silang dalawa dahil hindi na nagtagal si Trina at umalis din agad.

Paglapit ko sa kaniya amoy na amoy ko ang alak.

" Saan ka galing Ma? " tanong ko.

" Ah! Diyan lang! " mabilis na sagot niya.

" Amoy alak ka ah! Nakainom ka nagda-drive ka! Dapat nag-pasundo ka na lang sa'kin, may lakad ka pala hindi mo sinabi sana sinamahan kita! " sabi ko.

Hindi siya sumagot. Ni-lock niya na ang pinto ng kotse, naunang lumakad sa akin papunta sa pulang gate namin, kasunod ako.

" Saan ka uminom? " tanong ko habang binubuksan ang gate.

" Nagkita kami ni Maggie, nag-bar lang. " sagot niya. 

Pumasok na siya, sumunod ako. Diretso lang lakad niya, walang lingon-lingon sa akin.

Pagpasok sa loob diretso siya akyat sa taas. Hindi man lang ako nilingon talaga, hindi rin tinanong kung kumain na ba ako. Parang wala talaga siyang paki sa akin ngayon e! 

Lately talaga may napansin ako kay Mama Cha, parang sa tingin ko boyfriend niya na si Jet na madalas kausap niya sa cellphone kaya nawawalan na siya ng gana sa akin! 

Napabuntong-hininga ako nang maisip iyon. Feeling ko kasi one week na rin kaming nagkakaroon ng barrier e! Parang nagkakailangan na tuloy kami rito sa bahay, ramdam ko lang naman. 

Parang --- parang may nagbabago! Ako lang ba nag-iisip o meron talaga?

" Haaaah.. "

Umakyat na ako sa itaas. 

Pag-akyat, kuwarto muna ni Mama Cha ang madadaanan, magkatapat lang ang pinto ng kuwarto namin pero nasa bandang kanan ang sa akin, sa kaliwa naman ang kanya.

Nang matapat ay huminto ako sandali sa pinto, idinikit ko pa ang tenga ko para pakinggan kung ano ginagawa niya.

Narinig ko ang tunog ng umaagos na tubig mula sa shower, naliligo si Mama Cha sigurado. 

Sandali pa, natagpuan ko na lutang na naman ako. Hinawakan ko ang doorknob, pinihit ko at bukas nga ito. 

Nang bumukas ang pinto naamoy ko kaagad ang amoy kending sabon na madalas niyang gamit, ang tamis ng amoy, sarap amuyin. Bahagya kong binuksan ang pinto at tinanaw ang loob ng kuwarto. Naririnig ko na naliligo pa rin siya. 

Maya-maya, biglang tumigil ang tunog ng tubig. Isinara ko dahan-dahan ang pinto at lumayo na doon. Baka makita niya pa ako at magagalit iyun sigurado. Naka-inom pa naman siya at mukhang wala sa mood. Naka-inom din ako at kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Pumunta na ako sa kuwarto ko, maliligo na rin ako para mawala man lang tama ko.

***

CHARI'S  POV

Gabi na rin siya umuwi. 

Mabuti pala at nagyaya si Maggie, kung'di mag-isa na naman ako dito habang siya nando'n umiinom kasama si Trina. Halos isang linggo na niyang ginagawa iyon, isang linggo na siyang umiinom na hindi naman niya dapat ginagawa kasi bawal sa kanila. 

Nabaliw na yata talaga si Clint kay Trina na parang hindi maganda ang impluwensiya sa kanya. Nando'n na ako na malaki ang bayad pero parang sinisira naman niya ang katawan niya.

Haist! 

Heto na naman ako. Bakit ba parang naiinis ako sa kaniya! Hindi ko dapat iniisip ang mga ganito. Dapat nga matuwa pa ako kasi nagkaka- interes siya kay Trina e napakapihikan ni Clint sa babae. And besides, ako pala ang nagpilit sa kaniya na turuan ang grupo ni Trina. Balak niya nga ipasa sana kay Nick dahil ayaw niya talaga pero ipinilit ko pa rin.

Nakatapos na akong maligo. Nang tumingin sa orasan e ala- una na pala halos. Hindi pa ako inaantok, nawala na rin ang tama ko kaya bababa muna ako para kumuha ng beer, sigurado naman ako na tulog na si Clint dahil mukhang marami siyang nainom. Sobrang pungay ng mata e, panay pa hawak sa tiyan na mukhang bloated na!

Inayos ko muna ang suot. Kulay dilaw na bathrobe na madalas kong gamit kapag tapos na maligo. Panty lang ang panloob ko at dahil sa aminado ako na hindi naman gano'n kalaki ang dibdib ko e kahit na wala akong bra okay lang, hindi naman halata. Saka, alam ko na wala namang makakakita sa akin sa baba, tulog na si Clint sigurado.

Ilang beses na rin naman niya ako nakikitang ganito. Wala naman sa amin iyon, siya nga madalas nakaboxer shorts lang sa gabi, bakat na bakat pa minsan iyong harapan. 

Baba na muna ako, alam ko may apat na beer pa ako sa ref..

***

Katatapos ko lang mag-impake ng mga dadalin ko bukas. Gabi pa naman ang flight namin ni Ben so mabibili ko pa lahat ng kailangan ko. Medyo, nalasing din kasi ako ngayon e, nakalimot ng konti na aalis na nga pala ako bukas. Gano'n din si Mama Cha, hindi niya rin naalala na bukas ang alis ko, hindi niya naasikaso ang mga gamit na dadalin ko. Hindi naman gano'n iyon, parang gusto ko na talagang isipin na nagbabago na siya.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Naubos ko na yta ang beer ni Mama Cha sa ref. Wala na rin palang laman itong hawak ko. Makalabas nga muna, mukhang tulog na si Mama Cha, gusto ko sana siyang katukin kanina para kausapin kaya lang wala sa mood e, sigurado na hindi rin ako kakausapin no'n kapag gano'n.

Lumabas na ako ng kuwarto.

Bumaba na at diretso sa kusina.

Pagdating ko..

" O! Gising ka pa pala? " sabi ko kay Mama Cha.

Nakasalubong ko. May bitbit na isang bote ng beer. Pareho pa kaming napatingin sa mga bote ng beer na bitbit namin.

" Umiinom ka pa rin? " tanong ko uli.

" Inubos mo iyung alak ko Clint? Hindi ka pa ba nagsawa? " mataray na sabi niya sa akin.

Lalampasan na sana ako nito nang pigilan ko. Hinawakan ko siya agad sa kaliwang braso.

" Sandali nga! Bitawan mo nga iyang bote na 'yan! " matigas na sabi ko sa kaniya sabay agaw sa bote ng beer na dala.

Hindi naman siya pumalag kaya nakuha ko agad ang bote, pero hindi ko pa rin binitiwan ang kaliwang braso niya. Matapos ay..

" Mag- usap nga tayo Ma, " seryosong sabi ko.

" Bakit? May problema ba tayo? " sarkastikang sagot niya. Tinaasan pa ako ng kaliwang kilay.

Hindi ko pa rin binibitiwan ang kaliwang braso niya.

" Ma, aalis ako bukas. Hindi puwedeng ganito tayo. "

" Aalis? Saan ka pupunta? Saka --- anong ganito? Okay naman tayo ah! Pareho tayong lasing! "

" Ha? Nakalimutan mo? "

Kumunot ang noo niya. Parang may inaalala siya.

" Aah.. Shucks! Bukas nga pala flight mo, akala ko next week pa! " sabi niya. Sabay biglang.." O! Dapat natutulog ka na! " sabi nito sabay kabig sa braso niyang hawak ko.

" Ma sandali lang! " kinapitan ko siya uli.

" Galit ka ba sa akin? Mula pa kaninang tanghali hindi mo na ako kinausap after natin mag- usap sa office mo e, tapos panay iwas mo. " sabi ko.

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin na nakasalubong ang kilay. Parang naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin, binitiwan ko na ang braso niya. Inirapan niya muna ako bago tumalikod at diretso nang umakyat. Pinanood ko lang siya sa marahang paghakbang niya hanggang sa makarating na sa itaas.

At nang nasa itaas na siya at panantiya ko na malapit na sa kuwarto niya ay tumakbo ako paakyat, hinabol ko siya. 

At bago niya pa mabuksan ang pintuan ng kuwarto niya ay..

" Clint! "

Dinakma ko siya mula sa likuran at saka binitbit ko sa kuwarto ko.

" Clint para kang tanga! "

Pagpasok sa kuwarto ay kaagad ko siyang ibinalibag sa kama. Nakita ko pang lumilis ang suot niyang bathrobe pagbagsak niya. Tapos ay binalikan ko ang pinto at ni- lock. 

Naghubad ako ng t-shirt na suot pagharap ko sa kaniya at tanging gray na boxer shorts na lang ang natira. Kinapitan ang dalawa niyang binti at hinatak palapit sa dulo ng kama. Dahil sa payat lang siya ay kayang-kaya ko.

Matapos ko siyang hatakin ay tiningnan ko pa muna siyang mabuti. Hindi naman din siya pumipiglas at nanatiling nakatingin lang din sa akin.

Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang binabalak. Nakainom kami pareho na nakadagdag pa sa init ng katawan ko.

Sandali pa at tinabig niya ang mga hita ko, sinipa niya ako bahagya palayo sa harapan niya. 

Tumayo na siya sa kama, inayos ang dilaw na bathrobe na suot niya at lalabas na.

Pero..

Hindi! 

Hindi ako papayag na lilipas pa ang gabing ito na hindi niya malalaman ang nararamdaman ko para sa kaniya!

Ang akala ko ay lalabas na siya talaga pero tumayo lang muna siya sa pintuan at hinawakan ang doorknob.

" Kung alam mo na tama ang gusto mong gawin sa akin e --- gawin mo! Pero hindi ako papayag na gagawin natin 'to nang naka-inom, nasaan ang feelings do'n? " sabi niya sa akin. 

Nagulat ako sa sinabi niya.

" Alam natin mali Clint, maling-mali.. " sabi niya muli.

" Mali ba na mahalin kita higit pa sa inaakala mo? " sabi ko naman.

Sandali siyang nanahimik.. Tapos ay..

" Siguro.. " mahinang sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya, iniharap ko siya sa akin.

" Mahal kita Ma, mahal na mahal kita.. " sabi ko sa kaniya. 

Hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumitingin sa akin.

Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may bumabara na sa lalamunan ko at parang nahihilam ang mga mata ko. Ramdam ko na ngayong gabi matatapos at masasagot ang matagal ko na itinago at gustong itanong sa kaniya.

" Mahal mo ba ako Ma? Kaya mo ba akong mahalin na hindi anak o kapatid ang turing sa akin? " tanong ko.

Hindi siya sumagot. Tumalikod na siya sa akin, pinihit ang doorknob at lumabas na ng pinto.

" Ugh! "

Napasinghap ako nang umalis na siya. Napasalampak ako bigla sa sahig at napakapit sa nakasabog kong mahabang buhok.

At..

" Napakagago mo Clint! Tanga mo! "

Kasabay ng mga salita kong iyon ay ang pagtulo ng luha.

June_Thirteen