webnovel

EPISODE 6

DALAWANG buwan na rin ang nakalipas. Dalawang buwan ko nang hinahawakan ang grupo ni Trina. Gusto niya sana, sumali sa crew namin pero puro lalake kasi kami saka no space for new members. Ayaw ni Daddy Gee na magdagdag kami, kapag may aalis lang saka kami magpapalit. 

Saka, hindi kami basta kumukuha lang ng members. Ilan ang pagdadaanan mo bago ma-approved. Gano'n katindi ang dance crew namin. May pangalan kasi kaming iniingatan, though hindi gano'n kasikat sa ilan sa Pilipinas, pero pagdating sa dance battle matunog ang pangalan namin. Pinoy Power!

" So, Clint! Sa place ko tayo after ha! " sabi ni Trina.

Katatapos lang namin mag-practice, bumaba na muna kami para tumambay sa coffee shop. Kadalasan after punta kami dito, kakain then kuwentuhan habang nakatambay.

" Ano sa'yo Clint? Iced coffee? Caramel? " tanong ni Trina habang sumasabay sa akin palapit sa counter.

Tumango lang ako. Nauna na siya at umorder kay Gemma na nasa counter. 

" Akyat muna ako! " paalam ko.

Dumiretso ako sa second floor. Puntahan ko muna si Mama Cha sa room.

Nasa bungad pa lang ako sa itaas ng hagdan dinig na dinig ko na ang malakas at parang kinikilig na tawa nito. Walang tao sa second floor, patay na oras kaya wala masyadong tao. 

Palapit pa lang naririnig ko na ang boses niya, sino naman kaya ang kausap nito at kinikilig pa! Sarado ang kuwarto kaya hindi mo kita sa loob, binigla ko ang bukas ng pinto para magulat siya.

" Hi.. " bati ko pagpasok.

Ngumiti lang siya sa akin tapos sumenyas na huwag akong maingay. 

Umiling lang ako.

Isinara ko ang pinto. Lumapit ako at naupo sa dulo ng office table niyang kulay black. Naupo lang ako doon at pinanood kung paano siya kiligin sa kausap niya, flat faced walang reaksyon man lang ang mukha.Nakahalata yata na parang inaasar ko siya, hanggang sa..

" Okay, I'll call you later. May gagawin lang ako Jet! " sabi niya.

" Jet? " bulong ko.

Napangiwi ako sa narinig. Nang matapos na silang mag-usap, hinarap na ako.

" Tapos na kayo? Malamang niyan sa dups na naman ni Trina ang tuloy niyo, tapos uuwi ka na namang lasing Clint! " sabi nito habang may tinitingnan kunwari sa laptop.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakayapak lang kasi naka-carpet naman ang office niya. Naka- V-neck dress na mahabang kulay itim, abot hita ang magkabilang biyak na sleeveless pa, kitang-kita ang malalaki niyang polynesian na tattoo sa binti.

Hindi ako kumibo.

" Okay lang lumandi Clint, pero ingat lang please. Kahit kaibigan ko si Maggie at gusto ko si Trina ay ayoko pa rin sa kanya para sa'yo. Gets mo? Hmn? " sabi nito sa akin sabay tingin.

Napaismid ako. Napangiti bahagya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Seryoso at hindi ngumingiti, habang ako naman ay pangisi-ngisi lang, pinapungayan ko pa ng mata na may halong pang-aasar pa.

Hanggang sa..

" Lumabas ka na nga! " sabi nito sa akin sabay hawak sa braso ko at tulak sa akin.

Natawa tuloy ako.

" Mang-asar ka pa Clint! " sabi nito na halata kong naiinis na dahil namumula na ang pisngi. Lalo tuloy sumisingkit ang mga mata.

" Ikaw nga e! Pinagbabawalan ba kitang kiligin sa Jet mo? " asar ko.

" Ako tigilan mo ha! Lumabas ka na nga at si Trina nando'n na dala iyung paborito mong Iced coff! Daliii! Labas na! " sabi nito. Paulit-ulit pa akong tinutulak papunta sa pinto.

" Lalabas na! " sagot ko.

Tinaasan lang niya ako ng kaliwang kilay saka sinimangutan.

Binagsakan pa ako ng pintuan nang makalabas na. Kahit kaylan talaga itong si Mama Cha, may toyo! Malakas mang-baterya, mauuna tapos siya rin ang mapipikon. 

Pero aminin ko, kinilig ako sa reaksyon niya. Nagulat din ako sa sinabi niya tungkol kay Trina.

At bago pa man ako humiwalay sa pintuan ay..

" Huwag ka mag-alala! Hindi kita ipagpapalit do'n! Walang papantay sa'yo! Promise! " malakas na pagkakasabi ko tapos ay lumakad na pababa.

Alam ko na narinig niya ang sinabi ko dahil narinig kong bumukas ang pintuan nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan.

Napangiti at napailing na lang ako.

***

CHARI'S  POV

Ano raw?

Tama ba narinig ko na sinabi ni Clint?

Baliw talaga iyong bata na 'yon! 

Hindi niya raw ako ipagpapalit!

Napaupo tuloy ako bigla..

Napakapit sa buhok kong maigsi at napaisip.

Bakit ganito?

Bakit parang --- parang iba na iyong dating sa akin ni Clint.. 

Parang all of a sudden feeling ko nagseselos ako kay Trina kaya naiinis siguro ako minsan sa kaniya lalo na kapag hinaharot niya si Clint! Saka!

Kapag madalas na pumupunta sila sa dups ni Trina after practice kung ano-ano naiisip ko at minsan hindi ako mapakali, gusto ko siyang tawagan para umuwi na o sunduin na lang ba! 

May katagalan na rin mula no'ng dumating si Trina, habang tumatagal nakikita ko na nagiging malapit siya rito, ito namang si babae matamis din! Guwapo e! Behave pa! Suwerte niya kapag nainlove sa kaniya si Clint, seryosong tao iyon e!

Napasandal ako sa sofang inuupuan. Napatapik pa sa noo ko.

Ano ba nangyayari sa akin? Nagseselos ba talaga ako?

Bakit parang binibigyan ko na ng malisya ang sweetness ni Clint? Ganito naman talaga kami, magyayakapan, kiss! Daig pa nga namin minsan ang mag- jowa. Pero hanggang doon lang naman talaga iyon.. 

Hanggang doon nga lang ba? 

Minsan..

Minsan parang nakakaramdam din ako ng ano kapag nagkakatitigan kaming dalawa! Pagdating tuloy sa bahay parang naiilang na ako sa kaniya. Iniisip ko rin minsan na nagbibinata na nga pala talaga siya at nasa mid twenty's na rin, idagdag pa na talaga namang may kaguwapuhan si Clint, maganda pa ang katawan.

Iyon nga lang napakapihikan sa babae, ayaw manligaw! Puro sayaw! Oo nga, bakit nga ba walang hilig manligaw itong lalakeng 'to?

Ano ba'to? 

Bakit gano'n? 

Diyos ko po alam ko mali 'to! Parang kapatid ko na si Clint and worst ay parang tumayo akong nanay niya na halos, napakasagwang isipin na nahuhulog na ako sa kaniya! Sa batang inalagaan ko ng ilang taon.

Punyeta ka Chari kung ano-ano iniisip mo! Dala iyan ng pagiging single mo e! Pati alaga mo pinagnanasaan mo na e! 

Tumigil ka na nga at kapag nalaman ni Clint nakakahiya! Kapag nalaman na feeling jowa ka! Baka mapahiya ka pa dahil hindi at malabo naman siyang magkgusto rin sa akin if ever nga! 

Five years ang age gap namin! Medyo masagwa talaga kung tutuusin, saka, nasa peak pa ng kainitin si Clint. Masasaktan lang ako kapag hinayaan ko itong kagagahan ko! 

Kaya kalma lang! Tigilan din kasi ang kababasa ng mga erotica novels! Iyan tuloy!

Hmp! 

Grabe!

Makababa na nga para makakain! Baka gutom lang 'to!

Isinuot ko ang manipis kong kulay peach na sandals, inayos ang magulong buhok tapos dinampot ang susi sa office para lumabas at bumaba na.

Sandali pa nang makababa na..

" Hi Tita Cha! " bati agad ni Trina.

Hindi naman ko nakabati at ngiti agad dahil kay Clint nadako ang mata na kumakain katabi niya. Pakiramdam ko ay naiinis ako talaga sa kaniya tapos si Trina pa ang bubungad sa akin.

" Kumain ka na Ma? " tanong ni Clint.

Ngumiwi ako. Inirapan siya at umakyat na lng uli sa itaas.

" Ma! " tawag sa akin ni Clint.

Tumawa lang si Trina.

" Ang cute ni Tita Cha kapag umiirap! " narinig ko pang sinabi nito. " Bakit mukhang binad- trip mo na naman nanay mo? Hahaa! " 

Narinig kong sabi pa nito.

June_Thirteen