Hindi na talaga ako pinansin ni Luis kahit na nagpaalam na 'ko sa kanya. Nanatili siyang walang imik at nakatiim bagang lamang. Pagkasarado ko nga ng pinto ng kotse niya ay agad niyang pinaharurot 'yon paalis.
Kahit nakakatampo ang asta niya ay hindi ko pa din naiwasang i-text siya para mag goodnight. Nakasanayan na kasi eh, but since I've already made up my mind for this one-sided love that I have for him ay mas maigi nga sigurong umpisahan ko na ding sanayin ang sarili ko na baguhin na ang mga nakagawi-an ko.
I slept that night with a heavy heart, lalo na't hindi siya nagreply man lang sa text ko. Pero dahil paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na I should know my stand on his life ay doon na lang din guminhawa ang naramdaman ko at tuluyan ng nakatulog.
Nagising ako kinabukasan sa malakas na tunog ng phone ko. Sumagi sa isip ko na baka si Luis 'yon, lalo pa't naalala kong may lakad pala kami mamaya with his girlfriend. But when I grabbed my phone ay nakita kong si Mommy pala 'yon. She's currently in the US with daddy.
"Mom, good morning." I greeted.
"Anak, kakagising mo lang ba? Its almost lunch time na diyan. You haven't eaten your breakfast yet?" Concerned na tanong ng mommy ko.
"Oo, mommy. Late na 'kong umuwi kanina. I'll eat na lang po pagkatapos natin mag-usap. Anyway, why'd you call po?"
"Oh, about that! I have good news for you!" Excited na sabi ng mommy ko and I even heard her squealed on the other line.
Nasabik din tuloy ako sa ibabalita niya.
"Do you remember your Aunt Margaret? 'Yong kababata ng daddy mo?"
"Aunt Margaret? Oh, yeah! I know her. Siya 'yong may ari ng isang clothing brand na based sa America, 'di ba?"
"Uh-huh! Pero may branch office din siya in Manila. Anyway, I told her about your plans. I even asked your sister to send me the pictures of your designs last night so I can show it to Margaret. And guess what?" Pathrill na sabi ng mommy ko.
"W-What, Mom?"
"She loves it! May talent ka daw talaga! And she's willing to collaborate with you along with your designs! She's willing to guide you din daw and ipapadala niya daw immediately ang magagaling na mga tauhan niya para makatunggali mo sa plano mo. She even offered her branch office in Manila, that if you like we can buy her shares para ikaw na ang magiging may-ari. Basta daw ay nakacollaborate pa din sa brand niya. That's her only condition para hindi ka na daw mahirapan. Like you should take it as your stepping stone para in the future ay kung plano mo ng magsarili ay madali na lang sa'yo. Pwedeng hindi ka na mag-aral, anak! But its still up to you, though. Me and your daddy will support you on this!"
"We always do." Dinig kong sabat ng daddy ko na siyang ikinatuwa ko.
Manghang-mangha talaga ako sa ibinalita ni mommy. Ramdam ko ang sobrang galak sa puso ko and hindi ko napigilang mapaluha sa sobrang saya. Ang bilis lang! Matutupad na agad ang pangarap ko!
Now, I realize that I was really made for this one. This path is really for me! Sabi nga nila madali lang ang lahat kung eto talaga ang nakatadhana at nararapat sa 'yo. Sobrang naexcite talaga ako kaya noong tuluyan ng nag-sink-in ang mga sinabi ni mommy ay hindi ko naiwasang tumayo sa kama at magtatalon sa tuwa.
Nag-usap pa kami about sa sinabi ni Aunt Margaret sa kanya. We even did a video conference call together with Aunt Margaret and I can see how proud and happy they are for me. I'm happy for myself too. Super duper happy.
Sa sobrang saya ko nga pagkatapos ng pag-uusap namin ay agad na 'kong lumapit sa mesa kung saan ako nagdedesign. Sobrang inspired ko yata talaga! Naka tatlong design na 'ko ng damit ng kinatok ako ni yaya. Its way past lunch time na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kasiyahan at pagkakasabik ko sa magaganap sa buhay ko.
Some good changes are about to happen in my life! Finally!
Pagkatapos kung mag-ayos ng sarili at kumain ay agad din akong bumalik sa pagdedesign. Mas gusto kong dagdagan pa ang mga gawa ko lalo pa't sa susunod na linggo ay pinapapunta na ako nina mommy sa Manila. Uuwi daw sila nina daddy kasama si Aunt Margaret para matuloy na ang napagdesisyonan naming collaboration.
Inspired na inspired tuloy ako at hindi ko na naman nalamayan ang oras. Nagulat na lang ako ng may kumatok na naman sa pintuan ng kwarto ko. Paniguradong si yaya na naman 'yon at nag aalala na naman. Doon lang din ako napatingin sa orasan at nagulat na magse-seven-thirty na pala ng gabi.
"Teka, yaya! Bababa na po ako. May tinatapos lang." Agaran kong sinabi habang patuloy pa ding nagdadrawing ng isang magarbong bestida sa sketchpad ko.
"Ella, si Luis nasa sala inaantay ka." Dinig kong sabi ni yaya.
"Huh?"
Oh, shit! Doon lang ako nataranta ng maalalang may lakad pala dapat kami ngayong gabi! Dinner sa beach house pala with Marilou! Ako pa naman nag-aya sa kanila tapos ako pa 'yong nakalimut! Hindi ko pa naman nasabihan ang caretaker doon. Nawala talaga sa isip ko eh!
"Teka, yaya! Pakisabing bababa na ako!"
"Oh, sige." Dinig kong sagot ni yaya sa labas.
Pero imbes na mag ayos ng sarili para sa lakad ay dali-dali kong kinuha ang phone ko para tawagan ang caretaker. Hindi naman kasi nagtext o tumawag si Luis kaya nakaligtaan ko talaga 'yong lakad.
But in fairness, nakalimutan ko nga siya sa sobrang pagkagiliw ko sa ginagawa ha? Effective nga pala talaga. Tama nga si ate Michelle!
"Hi!" Magiliw kong pagbati sa kanya pagkababa ko sa sala. Tuwid siyang nakaupo sa sofa namin na parang malalim ang iniisip.
I saw how Lu clenched his jaw noong dumapo ang tingin niya sa 'kin, especially at the clothes I'm wearing. Nakapambahay lang ako with matching fluffy slippers pa.
Well, that's because hindi ako sasama.
Mas gusto kong magfocus ngayong gabi sa pagdedesign eh ayokong mawala ang mga ideas na pumapasok sa isip ko ngayon. I need this to add more designs for my portfolio! Oh 'di ba? Designer na designer!
"Hindi ka pa nakabihis?" Malamig na tanong niya sa 'kin pagkalapit ko.
Hindi na siya pipi, ha?
"Eh, hindi na ako sasama, Lu. Kayo na lang-"
"What?"
"Eh may ginagawa kasi akong importante! Nakaligtaan ko nga 'yong tungkol sa dinner eh. Sorry!" Sabi ko sabay bigay ng peace sign. "Babawi na lang ako sa susunod. Promise! Natawagan ko na din naman 'yong caretaker doon. Nagpaayos na ako ng mesa niyo ni Marilou sa mismong gazebo."
Kita ko ang pagtalim ng mga mata niya sa sinabi ko bago siya umiwas ng tingin at tumayo.
"Huwag na lang kung ganoon." Galit na sabi niya at agad ng humakbang paalis.
Sumunod din ako sa kanya sa paglalakad. "Lu naman! Ba't ba ang suplado mo na talaga ngayon, sa 'kin? Nagkagirlfriend ka lang eh. Tss! Pero sorry na nga! Nasabihan ko na nga ang caretaker na pupunta kayo. Tsaka paniguradong excited na din si Marilou! Sige ka! Magtatampo 'yon sa 'yo." Sabi ko habang humahabol sa kanya. Ang bilis lumakad eh!
Hindi talaga siya sumagot ni tumigil sa paglalakad hanggang sa malapit na kami sa sasakyan niya.
"Grabe ka na talaga, Lu! Ganoon ba talaga pag magkagirlfriend na? Nagbabago na ang ugali? Naku! Kapag ako nagkaboyfriend baka susundin ko din 'yang inaasta mo! Sige ka!"
"Shut the f*ck up!" Malakas na pagsinghal niya sa 'kin.
Nagulantang talaga ako. Its the first time he raised his voice and cursed at me! Parang hindi ko na siya kilala. Is he still the same Luis whom I've known for nine years? Parang nag-iba na talaga siya.
Kita ko ang pagkabalisa niya ng makita niya ang natatakot na facial expression ko. Mabilis niyang ginulo ang buhok bago siya tumingin sa 'kin. This time with a gentle expression written on his face.
"I'm sorry.. I'm just.." Mahinang sabi niya na hindi niya naman matuloy-tuloy.
"M-May problema ka ba, Lu? I'm sorry. Are we still okay? A-Am I frustrating you or something? You've changed.. a lot." Hindi ko namalayang napaluha na pala ako habang nagsasalita.
Mabilis siyang umiling ng ilang beses bago hinilamos ang mukha gamit ang palad. He moved forward and immediately embraced me. Ramdam ko pa ang panginginig niya. I'm not sure if he's crying though, parang nahirapan lang siyang huminga habang akap-akap ako.
"I'm sorry, Eya.. Natatakot kasi ako.. I'm more frustrated with myself because I don't know how to convince you to stay.. Hindi ko alam kung anong mangyayari once malayo ka na dito. Sa tagal na nating magkaibigan ay sanay na akong malapit ka lang. I'm scared you might bump into some random people who will only take advantage of you and I wouldn't be there to help you.. I'm not yet prepared for this kaya hindi ko alam kung paano ka pigilan. I'm sorry."
Now, I understand.. He treasures and values our friendship too much. We were inseparable naman kasi talaga for nine years and bigla na lang akong nagdesisyong magpakalayo sa kanya. But I need this though. We both need this for our friendship's sake. He doesn't know about my feelings kaya kailangan ko talagang lumayo para hindi na masira ang pagkakaibigan na kailangan naming ingatan.
Napahigpit din tuloy ang yakap ko sa kanya. "I'm sorry din.. Alam kong padalos-dalos ang desisyon kong umalis and to change my career path. Kaso, Lu, I'm really happy with the outcome of my decision to pursue my dream..." Sabi ko at agad ng kinwento sa kanya ang tungkol sa tinawag ni mommy kanina.
Mas lalong napahigpit ang yakap niya sa 'kin pagkatapos kong magkwento. He let out a heavy sigh bago lumuwag ang pagkayakap niya sa 'kin.
Kahit agad siyang umiwas ng tingin sa 'kin ay nakita ko pa din ang pamumula ng mga mata niya. Alam kong ayaw niyang ipakita ang weaker side niya. The same reason kung bakit hindi niya agad directly na sinabi na ayaw niya akong umalis. That's how proud he is and I still adore this certain side of him.
"Will you support me on this, Lu? I'm really happy right now, you see. Kaya nga busy ako ngayon kasi I'm adding more collections on my portfolio." Sabi ko habang nakatingin pa din sa kanyang hindi na umimik.
He finally let out another heavy sigh and turned his head to look at me. This time ay humupa na ang pamumula ng mga mata niya.
"Fine. But in one condition, promise me you'll go home every weekends."
"Huh? Eh paano kung may meetings or something? I can't promise but I will try though, would that work?"
"Tss."
"Tatry ko nga eh. You won't feel lonely naman while I'm away kasi you have your girlf- Hala! Si Marilou pala! 'Yung dinner niyo!" I exclaimed.
"Oh, shit!" He uttered and immediately went inside his car to grab his phone.
I heard him cursed again noong tiningnan niya ang screen ng phone niya.
"12 missed calls!" He informed me pagkalapit ko.
"Naku! Lagot ka, Doctor Lu. Tell her na lang na tinawagan pa kasi natin 'yong caretaker and hindi natin agad nacontact. That it was my fault kasi nakalimutan ko!"
"H-Hindi ka ba talaga sasama? Pwede namang sa susunod na lang kapag nandiyan ka. N-Nakakahiya kung kami lang-"
Eto na naman siya. Ewan ko ba dito kay Luis. Tapos naman na ang issue na 'yon. Basta pagdating talaga sa pagiging mayaman ng pamilya ko ay naiilang siya. Kasalanan kasi ng mga inggitero't-inggitera naming mga kaklase noong early nursing days namin. Ginawan ng issue si Luis na dahil lang daw mayaman ako kaya nakipagkaibigan siya. Muntik na ngang umiwas si Luis sa 'kin noon, mabuti na lang at hindi niya naman tinuloy dahil sinabi ko nga sa kanya na huwag na lang pansinin ang mga walang kwentang issue na 'yon. Tss.
"Ayan ka na naman! Ang tagal na nating magkaibigan, Lu! Sige na, call her na. Baka makipaghiwalay pa yan, sige ka!" I urged him sabay pananakot sa kanya.
Agad nga niyang tinawagan ang girlfriend niya and for sure nagtampo na talaga 'yon dahil nakadalawang tawag na siya ay hindi pa din sinasagot 'yon. Napapakagat labi tuloy ako habang nakikita ang pagkabalisa ng kaibigan ko.
May kirot pa din naman kahit paano pero hindi na 'yon ganoon ka grabe. Naaccept na nga kasi ng puso ko na hanggang kaibigan ko lang talaga ang lalaking 'to. I should just forget about this feelings, lalo na 'yong naganap three years ago. Specifically on our graduation party. I should just treat it as an accident. That certain memory needs to be kept on the inner part of my brain to completely forget that it ever happened.
"Love, pasensya na!" I heard him say na nagpabalik sa huwisyo ko.
I'm glad she finally answered.
"Nakatulog ka? I'm sorry. Uh.. Yeah, t-tuloy tayo. H-Hindi makakasama si Eya. Uhmm.. Oo, pupunta na ako diyan, love. Yeah.. I love you too." He sweetly said before he ended the call.
I genuinely smiled at the words he said to his girl, especially at his last phrase. Though it wasn't meant for me, I'm still happy and that is because he is happy.