Araw araw na binabantayan ni cha si jinho sa hospital hanggang isang araw habang tulog siya naramdaman niya ang paggalaw ng kamay ni jinho.
Minulat ni cha ang mga mata niya at nakatingin lang si jinho sa kaniya.
"jinho salamat sa Diyos at gising kana"
Pero nakatingin lang si jinho sa kaniya
"jinho? Bakit hindi ka ngsasalita?"
Kinabahan na agad si cha agad siyang lumabas sa kwarto at tinawag ang doctor
Agad na tinignan ng doctor si jinho
Wala naman problema kay jinho pero gagawa ng ibang test para malaman bakit hindi makapagsalita si jinho
Hindi tinitignan ni jinho si cha nakatingin lang ito sa malayo.
Mamaya maya dumating si tanya.
"My dear jinho.. how are you are you okay now?'
Nagaalalang tanong ni tanya
"may dala akong fruits oh.."
Sabay abot kay cha
"tanya hindi siya makapagsalita sa ngayon kaya hindi niya masasagot ang mga itatanong mo sa kniya"
"oh no! my poor jinho.. don't worry I'm here for you"
Hindi nadin nagtagal si tanya sa hospital at umalis na din ito.
"jinho.. kaylangan mo ng kumain para makainom kana ng gamot"
Dinala ni cha ang soup sa tabi ni jinho at susubuan niya na ito pero tinabig ni jinho at natapon ito sa damit ni cha.
"jinho! Ano ba! Galit kaba sakin!? Kung ayaw mo kumain hindi mo kaylangan gawin ang ganito"
Inayos ni cha ang sarili at pinulot ang pagkain na natapon
At nilinis niya ang sarili niya sa cr
Ilang araw na din na ganun si jinho pahirapan na pakainin
Kakain lang ito kapag ang mama niya ang magpapakain
"hija pagpasensyahan mo na ang anak namin..'
"okay lang po tita"
Nakangiti si cha pero napakungkot ng mukha nito habang nakatingin siya kay jinho.
Nakatulog si cha sa sofa at si jinho naman gising pa at bumangon siya para mag cr
Huminto siya sa harap ni cha inayos niya ang kumot ni cha at umupong paluhod
"cha.. I really miss you.. gusto kitang kausapin, yakapin pero ayaw ko dahil alam ko na magugulo lang ang buhay mo dahil sakin." Pabulong na sabi ni jinho
Ng gumalaw si cha agad na tumayo si jinho at pumasok na sa cr.
Nakatingin si jinho sa salaming..
Ayaw ko ng masaktan siya kaya ako nalang ang lalayo..
Kinaumagahan pag gising ni cha wala si jinho sa kama niya.
Napabangon siya agad at hinanap si jinho sa buong building hanggang sa roof top.
Pero pag balik niya sa silid ni jinho may nurse na nag-aayos na ng kama
"ma'am bakit andito pa po kayo?"
"asan po ang pasyente na binabantayan ko?"
"hindi mo po ba alam ma'am na discharge na po siya maaga po"
"what! pano nagyari yun?"
"hindi ko po alam, sige po.. may gagawin pa ako"
At lumabas na ang nurse.
Agad na nagtungo si cha sa bahay nila jinho
"hija andito ka."
"ma asan po si jinho?"
"si jinho? Akala ko ba magkasama kayo?"
"hindi po. kaya ko nga po siya hinahanap dito"
"ano! Hindi ba nagpapagaling siya sa hospital?"
"nawawala po siya at sabi ng nurse sakin na discharge na po"
"naku naman saan na naman kaya nagpunta ang batang iyon.."
Tinawagan na ni cha ang mga kaibigan ni jinho pero isa sa kanila ay walang nakakaalam kung nasan ito.
Tinawagan niya si Ry at nanghingi ng tulong
Hinanap nila si jinho kung saan man ito pwedeng magpunta
Sobrang nagaalala na si cha tumutulo ang luha nito habang nasa byahe sila ni Ry na nghahanap
"okay ka lang?"
Hinawakan ni Ry ang mga kamay ni cha.
"ano na kaya nangyari sa kaniya Ry? Hindi pa siya magaling at hindi makapagsalita tapos umalis na siya.."
"mahahanap din natin siya.. alalahanin mo kung saan siya pwede magpunta"
Maya maya naisip niya ang lugar kung saan ng propose si jinho kaya pinutahan nila ito
Ngunit nabigo sila wala si jinho dun.
Napaupo nalang si cha kung saang parte ng propose si jinho at naalala niya ang lahat
Wala ng tigil ang pagbuhos ng luha niya sa mga mata niya.
Pinatayo siya ni Ry at niyakap..
Mamaya habang yakap yakap ni Ry si cha
Papaakyat si jinho sa lugar kung nasaan sila.
Napahinto si jinho at hindi nagtuloy at nakita niya sila cha at jinho napatalikod ito at napahinto.
"dapat hindi na ako nagpunta dito daretso nalang sana ako sa airport"
Umalis agad si jinho sa lugar.
Umuwi si jinho sa bahay nila
"jinho! Saan kaba nagpupunta! At umalis ka ng hospital na hindi kapa magaling!"
Galit na galit ang mama nito at pinaghahampas siya.
"ma okay na ako.."
"oh.! Nakakapagsalita ka?"
"opo.. "
"pero.. bakit.."
"ma sige na may kukunin lang akong gamit aalis din ako"
"aalis ka na naman? Hinahanap ka ni cha pumunta siya dito, saglit lang at tatawagan ko siya"
Inagaw ni jinho ang phone at pinatay ang call
"wag na ma"
"bakit nagaalala siya sayo"
Nagaalala siya? Pero nakita ko kayakap niya si Ry sabi ni jinho sa isip nito
"saan kaba pupunta anak?"
"hindi niyo na kaylangan malaman magiging maayos ako kung asan man ako
tatawagan ko kayo"
Pagkatapos nitong kunin ang gamit niya umalis na ito
Daretso na si jihno sa airport at bumili ng ticket papuntang U.S
Tumawag ang mama ni jinho kay cha
"hija umuwi si jinho kanina dito sa bahay pero umalis din siya"
"ma hindi ba niya sinabi kung saan siya nagpunta?"
"hindi.. mukang maayos naman na siya. Pero nagaalala ako sa lagay niya, ano man ang prolema niyo hija ayusin niyo sana"
"opo"
At pinatay na nito ang tawag ng mama ni jinho.
"bukas nalang ulit natin siya hanapin cha gabi nadin magpahinga kana" sabi ni Ry
Hinatid na ni Ry si cha sa bahay nito
Hindi makatulog si cha baligtad ng baligtad siya sa kama kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang number ni jinho pero not attended ito.
Tinignan ni cha ang gallery niya sa phone niya tinitignan niya ang mga picture nila ni jinho na masayang magkasama.
Tumulo na naman ang mga luha niya at wala na naman siyang ginawa kundi umiyak ng gabing iyon hanggang sa makatulog siya.
nanaginip si cha na nasa tabi niya si jinho na hinahaplusan ang buhok niya habang tulog.
nagising si cha ang akala nito totoo pero panaginip lamang pala.
kinaumagahan nag-umpisa na naman siyang maghanap at nag paprint na din siya ng picture at nagtatanong sa daan kung may nakakapansin kay jinho.
tumatawag si Ry sa kaniya
"asan ka?"
"asa plaza ako nghahanap kay jinho"
"bakit hindi mo ako inantay? sige papunta na ako diyan'
nasa malayo si Ry at pinagmamasdan si cha na ng bibigay ng flyers..
naaawa si Ry kay cha, nilapitan niya ito.
magpahinga ka muna mainit oh tirik na ang araw baka mapano ka diyan.
umupo sila sa bench
"oh.. tubing uminom ka muna, nagugutom kaba bibili ako ng makakain mo"
"hindi na okay lang ako"
"sure ka? mukang hindi ka okay.. mahahanap din natin siya. Cha.. sorry"
"sorry for?"
"sa panggugulo ko sa buhay mo"
"tapos na yun, kalimutan na natin Ry.. ang importante ngayon kaylangan ko mahanap si jinho at makausap"
__Chapter 41 end__
Author: please don't forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.