webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
388 Chs

I am a nobody

"Tulog ka na po uli Ma'am!" Muling sabi ni Mang Kanor. Literal pala talaga ang sabi niya sa akin kanina na sa kotse nalang ako matulog uli kasi pinaghanda pala niya ko ng unan at kumot. Pero bigla naman akong nahiya pano dapat yung pwesto na ito kay Martin. Bigla uli akong napatingi sa kanya. Nakapikit ang mata niya habang nakasandal sa bintana. Habang naka cross yung dalawa niyang kamay sa dibdib niya. Parang nakaka awa yung pwesto niya. Kaya di ko mapigilang tawagin siya.

"Di naman na ako inaantok. Ikaw muna matulog dito Martin!" Mahina kong sabi.

"Okey lang ako dito! Mamaya papalitan ko si Mang Kanor mag drive kaya dito na ko. Sige na matulog ka na diyan!" Sagot niya sa akin habang nakapikit parin yung mata.

"Pero di ka naman makakapagpahinga diyan!" Muli kong giit.

"Wag ng makulit! Tara na Mang Kanor!" Iretable niyang sabi.

Di ko na pinagpilitan yung gusto kong mangyari kasi nga galit na siya. Nanahimik nalang ako habang nakatingin sa may bintana. Pinag mamasdan ko yung kapaligiran na kung tutusin wala naman ako halos makita kundi kadiliman at maliban sa maliliit na liwanag na nagmumula sa mga kabahayan at lamp post.

Dahil nga nakatulog ako kahit papano di pa ako dinadalaw ng antok. Di ko naman magawang makipag kwentuhan ky Mang Kanor kasi nga natutulog si Martin. Mahirap ng maka istorbo lalo pa nga at mukang mainit ang ulo.

Iniisip ko kung bakit biglang siyang naging cold dahil ba di ko siya pinagbigyan sa gusto niya o dahil babalik na kami sa Maynila. Di ko maiwasang makaramdam ng kalungkutan.

Bigla akong napangiti nung maalala ko yung kantang "Isang lingong pagibig" ni Imelda Papin diba nga sabi sa kanta:

"Lunes, nang tayo'y magkakilala!"

"Martes, nang tayo'y muling nagkita!"

"Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig!"

"Huwebes ay inibig din kita!"

"Biyernes ay puno ng pagmamahalan

Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan!"

"Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan

At pagsapit ng linggo

Giliw ako'y iyong iniwan...!"

Dahil ngayon linggo na kailangan na namin maghiwalay. Sabagay di naman talaga ako umaasa na seseryosohin niya ako. Sino ba naman ang isang tulad ko?

"I AM A NOBODY!"

Bahagya akong nalungkot dahil sa naisip ko na yun at di ko maiwasang mapatingin sa direksyun niya. Natutulog parin siya na parang walang pake sa mundo. Kasi kahit papano merung kumirot sa puso ko.

"Hays!" Butong hininga ko, "Bakit ba kailangan kong stresin yung sarili ko sa isang bagay na wala namang commitments at sa bandang huli ikaw lang din ang talo kung mag invest ka ng feelings kaya habang maaga dapat ng kalimutan.

Para matapos na yung iniisip ko minabuti ko nalang na humiga at matulog para bukas may lakas. Kaya agad akong humiga sabay takip nung muka ko ng kumot at bumaluktot sa upuan. Kahit papano kumportable naman yung pwesto ko kaya di ko namalayang nakatulog na ko.

Nagising ako ng maramdaman ko na parang di na umaandar yung sasakyan namin kaya agad akong nagmulat ng mata at tumingin sa labas ng bintana. Naka hinto kami sa isang kainan sa gilid ng kalsa. Agad kong napansin na wala na si Mang Kanor at Martin sa unahang upuan. Kaya agad akong nagsuot ng sapatos ko at lumabas ng sasakyan.

Agad hinanap ng mata ko yung dalawa. Doon ko sila nakita sa may gilid naka upo loob ng kainan at nagkakape. Nagkatinginan kami ni Martin pero agad kong binaling yung tingin ko. Agad akong naghanap ng CR dahil tinatawag ako ng pantog ko na kailangan ng magrelease.

Agad ko naman yung nakita sa kabilang gilid na agad kong pinuntahan.Agad kong ginawa yung orasyun ko. Sinipat ko yung muka ko sa salamin at inayos ko yung buhok ko na nagulo dahil sa pagkakahiga. Agad narin ako nagsipilyo ng ngipin at nagpahid ng pulbos bago tuluyang lumabas ng CR.

Andun parin silang dalawa sa pwesto nila at nagkakape parin. Pinili kong bumalik nalang sa kotse kaysa pumunta sa table nila. Di ko kasi alam kung pano siya approach kaya hanggat kaya umiiwas nalang ako.

Di aki pumasok sa.loob ng kotse sa halip sumandal ako sa bandang likuran ng sasakyan. Pinagmamasdan ko yung kapaligan para kung sakali malaman ko kung saan na location namin. Four o' clock na ng madaling araw tantiya ko mga ten o' clock nasa Manila na kami. Malamang bago mag lunch nasa bahay na ko. Kaya minabuti ko ng magtext kay Mama para sabihing on the way na ko pauwi at kung anung oras ang tantiya ko na nasa bahay na ko. Pero nagulat ako ng may biglang magsalita.

"Excuse me Miss! Tanong ko lang sana anong oras na?" Magalang na tanong sa akin ng isang lalaki.

"Four AM na po ng umaga!" Magalang ko ring sagot. Di ko siya masyadong tiningnan kasi nga di pa ko tapos magtext. Akala ko pag sinagot ko siya ay aalis na siya pero muli siyang nagtanong.

"Papunta kayong Manila?"

"Pauwi na po ng Manila!" Pagtatama ko sa tanung niya sabay ngiti. Sakin naman di big deal na sagutin siya kasi kahit papano muka namang friendly yung lalaki nung tingnan ko siya. Maputi siyang lalaki pero halos magsing tangkad lang kami may katamtamang pangangatawan. Kung sa kabuuan masasabi mong my itsura siya pero di hamak na mas guapo si Martin. Mukang biyahero din siyang kagaya namin.

"Ah... taga Manila ka pala! Ako din taga Manila. San ka dun banda?" Muli niyang tanong.

Pero bago ako makasagot narinig ko yung boses ni Martin.

"Kung gusto mo pang makipag kwentuhan diyan! Sabihin mo lang at iiwan ka nanamin!" Pagalit niyang sabi. Di ko namalayan na nakabalik na pala sila kaya agad akong nagpaalam sa kausap ko.

"Sorry, alis na kami!" Agad akong pumasok ng sasakyan at di ko na hinintay magsalita pa yung lalaki. Doon ko nakita ang nakasimangot na muka ni Martin at nakatingin siya sa akin ng masakit pero di ko siya pinansin at agad akong umupo na parang walang nangyari. Siya na yung nasa driver seat at si Mang Kanor na ung nasa passenger para siguro makapagpahinga naman yung isa naisip ko.

Nang makita niyang nakasakay na ko agad niyang pinaandar ang sasakyan at agad kaming umalis. Pero nakita ko pang kumaway yung lalaking kausap ko kanina kaya nginitian ko siya. Pero di ko akalaing napansin iyon ni Mang Kanor.