Epilogue
Nasa balkonahe ako ngayon ng Mansion na pag-aari ng mga Williams o mas kilala bilang La Marceña Mansion. Tapos na ang kasalan, asawa na ni Amber ang lalaking mahal na mahal ko. Wala na akong magagawa kundi ang suportahan na lamang silang dalawa, dahil alam ko naman na masaya rin si Von sa naging kasalan.
Iniwan ko muna si Shion kasama sila Tita dahil kausap ng mga ito ang Mom ni Von at ag umampon kay Amber. Ayaw kong ma-out of place dahil puro business ang pinag-uusapan ng mga iyon at ni isang negosyo, wala ako.
"Hey," bumuntong hininga ako noong marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Unti unti akong humarap at sumalubong sa akin ang mukha ng lalaking hindi ko na nakita simula noong gabing nakipaghiwalay ang kambal nya sa akin. Nakasuot ito ng Black Tuxedo at pormadong pormado.
Hindi ako nagsalita o maski binati man lang sya pabalik dahil wala naman akong ganang gawin iyon, at isa pa ay wala akong makapa na mga salita na sasabihin ko sa kanya. Mukhang ganoon din naman si Uno, hindi na ito muli pang nagsalita at tumabi na lamang sa akin at sumandal sa railings ng balkonahe at tumitig sa kawalan.
"How are you?" Bumuntong hininga akong muli bago ko ginaya ang kanyang pwesto at humawak sa railings para makakuha ng kahit na kaunting lakas.
"I'm doing fine, I think." Mahina kong sagot sa tanong na iyon ni Uno sa akin habang nakatingin sa ibaba kung saan matatanaw ang bagong kasal na sina Amber at Von.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kailangan kong mag-move on. Kailangan dahil ko lang din ang masasaktan kapag pinilit ko paring mahalin si Von.
"Wala na 'atang mas sasakit pa nang makita mo ang mahal mo na ikakasal na sa iba." Napatingin ako kay Uno at nakita ko na nakatingin ito sa direksyon ng kambal nya at ni Amber.
Muli akong nagpakawala ng isang buntong hininga. Tama su Uno, wala ng mas sasakit pa doon. Pero ano namang magagawa ko, hindi ba? Alangan naman na pigilan ko ang kasalan nilang dalawa eh alam ko naman na masaya na si Von sa kanya.
Ano pang magagawa ko?
"Did Von told you that he fell out of love?" Umiling ako at hindi na tinanggal pa ang mga mata ko sa direksyon nila Von.
"No, He didn't. Sinabi lang nya sa akin na maghiwalay na kami, and with that, he left me wondering what did i do wrong." Sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo.
Noong sinabi ni Von na maghiwalay na kami noong gabing iyon, gusto ko syang tanungin kung anong dahilan nya kung bakit sya nakikipaghiwalay sa akin ngunit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko, tinakasan ako ng sarili kong boses.
Noong gabi ring iyon, inantay ko si Von na bumalik at pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang nangyari noon... Na babalik rin si Von sa akin ngunit mali ako, dahil matapos ang gabing iyon ay hindi na sya muling nagparamdam sa akin.
Minsan natanong ko ang sarili ko kung ako ba ang nagkamali? Ako ba ang nagkulang? Pero ang laging naiisip kong sagot ay siguro, pareho kaming nagkulang sa isa't isa.
"Do you still love him?" Natigilan ako sa tanong na iyon ni Uno. Sinulyapan ko sya at nakita ko na seryoso itong nakatingin sa akin.
Mapait akong ngumiti bago dahan dahang tumango.
"I love him. But I'll try my best to say that I loved him." Sagot ko kaya naman bumuntong hininga si Uno at kumuha ng dalawang baso ng wine mula sa dumaan na nagse-serve nito.
Binigay nya sa akin ang isang baso na agad ko namang tinanggap at sumimsim doon, muli kong binalingan si Uno at nakita ko na nakatingin nanaman ito sa direksyon ng kambal nya at ni Amber.
Napapailing na lamang ako at tumingin sa madilim na kalangitan bago ko sya tinanong.
"Are you in love with her?" Tanong ko at hindi tinatanggal ang mga mata sa kalangitan.
Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang paggalaw ni Uno at ang pagharap ng katawan nito sa aking direksyon. Ngumiti ako ng maliit. Hindi sya sumagot, pero naniniwala ako na silence means yes at base na rin sa mga tingin nya ay alam ko na kung ano ang sagot.
Ano ba naman itong nangyari sa aming dalawa?
"Is it too obvious?" Ngiti lang ang isinagot ko sa tanong na iyon ni Uno at muli akong sumimsim ng wine.
Ganoon din ang ginawa nya bago ito kumaway sa akin na hudyat na nagpapaalam na ito at aalis na. Pero bago ito tuluyang umalis at may sinabi pa ito sa akin at may tinuro.
"You two should talk and clear some things." Ibinaling ko ang mga mata ko sa itinuro ni Uno at halos matumba ako sa kinatatayuan ko noong makilala ko kung sino ang tinutukoy ni Uno.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Nagbawi agad ako ng tingin noong magtama ang mga mata naming dalawa ni Von. Nagbaba ako ng tingin at naramdaman ko na lamang na huminto na si Von sa gilid ko at ramdam ko ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
Pinilit kong maging kalmado kahit ang gusto ko ay umalis na lamang at iwasan si Von ngayon, dahil bumabalik lamang ang sakit na naramdaman ko noong naghiwalay kaming dalawa sa araw mismo ng Third Anniversary naming dalawa.
"Irene," pagtawag nito sa pangalan ko na halos mawalan ako ng hininga at hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa mga mata nya.
"How are you?" Huminga muna ako ng malalim bago ko napagpasyahang mag-angat ng tingin sa kanya at sa sandaling magtama ang mga mata naming dalawa ay tila napaso ako at agad akong nagbawi ng tingin dito.
"Ayos lang, ikaw?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako naging uutal-utal habang nagsasalita sa harapan ni Von.
Tumango lamang ito at ipinatong ang magkabilang siko sa railings ng balkonahe at ibinaling ang mga mata sa ibaba---kung nasaan si Amber na asawa na nya ngayon.
Lumunok ako at pilit na pinakalma abg sarili ko na huwag maging awkward sa sobrang awkward situation naming dalawa ngayon.
"I'm happy that you're doing fine," napatingin ako kay Von at sa sandaling iyon ay nawala ang pagiging awkward naming dalawa sa isa't isa at nagawa kong ngumiti kahit papaano.
"About that night, I'm sorry kung hindi ako nakapagpaliwanag sayo." Binalingan nya ako at hindi ako nagbawi ng tingin sa kanya.
Nakipagtitigan ako kay Von at ilang segundo rin ang itinagal ng pagtititigan naming dalawa bago sya unang nag-iwas ng tingin sa akin.
"It's okay. You fell out of love, i know that."
"No, I didn't." Tinignan ko sya ng bahagyang kunot ang noo dahil hindi ko sya maintindihan.
Kung hindi, anong dahilan nya at nakipaghiwalay sya sa akin noon? May iba pa bang dahilan kung bakit nya ginawa iyon sa akin? Kung meron, ano naman?
Pero mahalaga pa ba 'yon? Aasa lang ako kapag nalaman ko ang totoo nyang dahilan.
"Kahit na sabihin mo sa akin ang dahilan mo noon, hindi mababago ang mga nangyari na ngayon. Lumipas na 'yon, nakaraan na. Isa pa ay kasal ka na at alam kong masaya ka kay Amber." Pinilit kong huwag mahalata sa boses ko ang panghihinayang ang lungkot dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon.
"You're wrong," napaangat ang mga mata ko kay Von dahil sa sinabi nyang iyon at sakto namang nakatingin din sya sa akin, nang sandaling magtama ang mga mata naming dalawa ay naramdaman ko nanaman ang pamilyar na bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Kahit nakaraan na, mahalaga parin na malaman mo kung ano nga ba talaga ang naging dahilan ko kung bakit ko ginawa 'yon sa'yo. At kahit sabihin mo na tapos na, naging parte parin 'yun ng buhay nating dalawa at mahalaga na malaman mo kung ano nga ba talaga ang dahilan ko." Mahabang pagpapaliwanag nito sa akin at hindi inaalis ang mga mata nya sa akin.
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay hinihigip ako ng mga mata nyang nakatingin parin sa akin hanggang ngayon. Akala ko ay tatagal pa ng ilang segundo ang mga mata nyang nakatingin sa akin pero nagbawi din ito ng tingin.
Nakahinga ako ng maluwag at nag-iwas na ng tingin.
"I want to clear it to you. Ginawa ko 'yon dahil may mabigat na dahilan," mahinang saad nito kaya naman napayuko ako.
Alam ko naman na may mabigat syang dahilan, ngunit hindi ko lang alam kung ano nga talaga ang dahilan nya.
Nanahimik lamang ako at inantay ang mga susunod nyang sasabihin sa akin. Humawak ako sa railings ng balkonahe at ganoon rin ang ginawa nya at muling lumingon sa kinaroroonan ni Amber na asawa na nya ngayon.
"Nakilala ko si Amber sa Pangasinan, kasama ang mga umampon sa kanya. Naging mabait ako sa kanya dahil sya ang nawawala at hinahanap mong kapatid mo. At first, it's okay. We're okay," pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan habang nakikinig sa mga sinasabi ni Von sa akin ngayon.
"Not until she told me that she likes me, at nalaman iyon ng mga umampon kay Amber to the point na pinipilit nila akong i-date ang kapatid mo dahil they want the best for her. But I'm not the best for her because that time, I'm yours. Sinabi ko sa kanila that i already have someone pero nagbanta lamang sila sa akin," napapikit ako dahil sa narinig ko.
Iyon ba talaga ang nangyari?
"They threatened me that they'll not stop hanggang hindi ka nasasaktan ng husto, binantaa nila ako na pababagsakin ang tinatayo mong negosyo noon. Sinabi ko sa kanila na huwag ka nilang idadamay, pero titigil lamang sila na sirain ka kapag pumayag na akong pakasalan si Amber." Tumulo ang luha ko na agad ko namang pinunasan dahil ayokong makita ako ni Von na mahina.
Ayokong makita ni Von na naaapektuhan parin ako dahil sa ginawa nyang desisyon, ni hindi man lang nya sinabi sa akin iyon. At ang masakit pa, noong sinabi ni Shion na magkikita na kami ng kapatid ko ay sa mismo palang kasal ni Von at ni Amber.
Hindi ko nagawang makita si Amber noon dahil humaharang ang mga umampon sa kanya, nagawa ko na lamang makita ang nawawala kong kapatid sa araw mismo ng kasal nya sa lalaking pinakamamahal ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi dahil sa sobrang sama ng loob ko, pero talagang taksil ag mga ito at maski ang luha ko ay tila binuksang gripo dahil sa bilis ng pagtulo nito.
Hinarap ko si Von gamit ang namumugto kong mga mata at nakita ko ang sakit sa mga mata nya noong sandaling makita nya ang mukha kong luhaan dahil sa mga nalaman ko ngayon.
"Don't cry...please," pagpapatahan nito sa akin na hindi tumalab at lalo lamang akong naiyak dahil bumalik ang mga alaala naming dalawa noon na tuwing umiiyak ako ay nandyan si Von upang patahanin ako.
Masakit lang dahil parang ang sarili ko pang kapatid ang naging dahilan kung bakit naghiwalay kaming dalawa ng lalaking mahal ko. Pero wala namang kinalaman si Amber doon, hindi ba? Ang mga umampon lamang sa kanya ang may kagagawa no'n.
Pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko at tumahan dahil nakakakuha na kaming dalawa ni Von ng atensyon mula sa mga bisita. Tumalikod ako at humarap sa railings at todo ang pagpunas ko sa luha ko.
"Thank you for telling me this," garalgal ang boses ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa pagpigil kong umiyak at huwag lumabas ang paghikbi.
"Irene..." Tawag ni Von sa pangalan ko kaya naman hinarap ko sya at maliit na ngumiti para ipakita sa kanya na ayos lamang ako.
"Ngayon alam ko na na ginawa mo lamang kung anong mas makakabuti para sa aming dalawa ni Amber." Dagdag ko sa kanya at muling ngumiti.
Lumungkot naman ang mga mata ni Von dahil sa sinabi kong iyon.
"Pero sana lang, huwag mong sisisihin ang kapatid ko sa naging hiwalayan nating dalawa. Sana para sa akin, alagaan mo sya at kung kaya mo naman... M-Mahalin mo ang kapatid ko higit pa sa naging pagmamahal mo sa akin." Hindi kumurap si Von at bahagyang nangunot ang noo at alam kong pinipigilan lamang nya ang pagtulo ng luha nya dahil nakikita ko na namumula at nanunubig na ang mga mata nito.
"You know I c-cant do that, right? I can't love her like I love you, Irene." Ngumiti ako dahil ito nanaman si Von.
"But you have to, Von. Kalimutan mo na na minahal mo ako, kalimutan na natin ang nakaraan at harapin na lamang ang mga susunod na araw na hindi tayong dalawa." Sagot ko na gusto kong bawiin dahil bumigay na si Von.
Tumulo ang luha nito na kanina pa nya pinipigilan, yumuko ito at kitang kita ko ang pag-angat ng kanyang magkabilang balikat hudyat na umiiyak ito sa mismong harapan ko.
Bakit ba naman kasi ganito ang nangyari sa amin?
"Don't cry, Von. Tinanggap ko na na simula noong mawala sa akin, hindi ka na kailan man magiging akin. Kaya pakiusap ko sa'yo, tanggapin mo na hindi talaga tayo para sa isa't isa para hindi na tayo makasakit pa ng iba." Saad ko kay Von na tahimik lamang na nakayuko at hindi nag-aangat ng mga mata sa akin.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"I know you're mature enough to understand that we're not meant to be together. Hindi ako iiwas, magiging magkaibigan parin tayong dalawa, katulad nang dati kung saan tayong dalawa nagsimula." Saad ko kay Von, ngunit hindi sya nag-angat ng tingin sa akin at nakayuko parin ito.
Tumigil na ang pagtaas baba nga kanyang balikat at ang kanyang mumunting paghikbi, pero ito parin ang puso ko at nasasaktan dahil alam kong nasasaktan at nahihirapan din si Von sa mga nangyari. Pero ano pa nga ba ang magagawa naming dalawa, hindi ba?
Nangyari na, wala na. Tapos na.
Nakakalungkot nga lang isipin na matatapos ang relasyon namin dalawa, at babalik iyon kung saan kami nagsimula. Pero siguro ay mas mabuti ng maging magkaibigan na lamang kaming dalawa.
-
Umalis na si Von at pumayag na sya sa sinabi ko ngunit sa isang kundisyon, iyon ay hindi ako lalayo sa kanya at hindi rin ako iiwas. Pumayag ako dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ako iiwas, hindi ako lalayo dahil magmumukha lamang akong kaawa-awa kapag ginawa ko ang bagay na 'yon. At iyon ay ayaw ko.
"Irene," naibaba ko sa maliit na lamesa ang hawak kong wine, huminga ako ng malalim bago ko hinarap ang tumawag sa pangalan ko.
Sa sandaling makita ko ang babaeng matagal ko ng gustong makita ay gusto ko syang yakapin ng mahigpit, sabihin sa kanya kung gaano ko sya namiss, ngunit hindi ko magawa dahil para na syang babasaging bagay na kapag hinawakan ko ay maaaring mabasag.
Elegante na ang dating ngayon ni Amber, walang wala noon nang nasa poder pa namin sya ni Mama. Ang daming palamuti sa kanyang katawan, at ang bawat palamuti na iyon ay may crystal o di naman kaya ay may mamahaling kumikinang na bagay doon.
"Hmm?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, o kung paano ako magsisimula.
Kapatid ko itong nasa harapan ko, pero ito ako ngayon at hindi man lang sya mayakap kahit ilang segundo man lang. Dahil ba natatakot ako sa kung anong sasabihin nya sa akin? Kung anong isisipin nya sa akin?
Kita mo, Irene na lamang ang tawag nya sa akin. Hindi na Ate Irene kundi Irene na lamang. Palihim kong nakagat ang aking pang-ibabang labi dahil sa kaisipang iyon.
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan nyo ni Vrent," paninimula nito kaya naman kinuha ko ang baso ng wine at sumimsim doon upang mabawasan kahit konti ang kagustuhan kong yakapin ang matagal ko ng nawawalang kapatid.
"Sorry. Sorry kasi mukhang ako ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay na dalawa. Pinilit ko kasi ang sarili ko sa kanya, hindi ko man lang inisip na mayroon akong masasaktan." Dagdag pa nito kaya naman muling nanubig ang mga mata ko na kanina lamang ay umiiyak na.
Ano ba yan? Ngayong araw ay masyado na akong maraming naiiyak, hindi man lang nauubos ang luha ko?
"Amber Reliano Williams, hindi mo na maibabalik ang lahat ng nangyari na ngayon. Kasal ka na kay Von, wala na." Sagot ko sa kanya at hinarap sya upang makita kung anong reaksyon nya.
"H'wag mong sisihin ang sarili mo, dahil may kasalanan din naman kaming dalawa ni Von kaya kami naghiwalay na dalawa. Nagkulang kami ng oras sa isa't isa, at...tanggap na naming dalawa ni Von na kahit na anong laban naming dalawa sa isa't isa, kung hindi naman kami ang para sa isa't isa, wala rin. Tanggap na namin 'yon kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo." Mahabang litanya ko at sa sandaling magtama ang mga mata naming dalawa ay tumulo na ang luhang pinipigilan ko.
"Sorry, Irene." Paghingi parin nito ng tawad sa akin kaya naman napayuko ako dahil hindi ko na mapigilan ang mga mapangahas sa luha ko.
Hindi ko na alam kung para saan ang luha ito ngayon, at hindi ko alam kung para saan ang paghingi ng tawad ni Amber sa akin. Kung para ba iyon sa paghihiwalay namin ni Von o para iyon sa pag-iwan nya sa amin noon ni Mama.
"It's okay, nangyari na. Gusto ko lang na sana ay mahalin mo si Von, higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Mabait ka, Amber. Alam kong buwan lamang ay magugustuhan ka na ni Von." Saad ko sa kanya bago ko sya tinalikuran at naglakad papalayo dahil hindi ko na kaya pang magpanggap na malakas sa harapan ng kapatid ko.
-
"We're going back to China, Irene." Napaangat ako ng mga mata ko at nakita ko si Von na nakatingin sa akin ng diretso, katabi nya si Amber na nakayuko lamang.
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Okay. Call me if something happened, Von. Alagaan mo sana si Amber," nag-angat ng mga mata si Amber sa akin kaya naman ngumiti ako ng napakatamis.
"Kapag may ginawang kagaguhan ito, tawagan mo ako, Amber." Nakangiti kong dagdag at dinuro pa si Von na ngayon ay mahinang napatawa.
Ngumiti naman si Amber kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Buwan na ang lumipas at okay naman kaming tatlo ni Von at ni Amber. Natanggap na naming dalawa ni Von na hindi kami para sa isa't isang dalawa, at nangako naman sya sa akin na aalagaan at hindi nya sasaktan si Amber. Kapalit noon ay nangako ako sa kanilang dalawa na hindi ako iiwas dahil katulad ng sabi ko, tanggap ko na.
"Ipakilala mo sa amin kung may makikilala kang ibang lalaki, Ate Irene. Dadaan muna 'yan sa kamay ni Vrent." Natatawang saad ni Amber na bahagyang ikinatawa ko.
"Oo ba, basta huwag nyo lang haharasin." Natatawang sagot ko habang naglalakad kaming tatlo palabas sa kanilang bahay na binili ng Mom ni Von para sa kanilang dalawa.
"Ikaw na ang bahala sa Rest House si Dad, Irene. Babalik ako." Tumango ako kay Von bilang sagot.
Si Von naman ay ipinagkatiwala sa akin ang Rest House ng Dad nya, kasama ko si Uno sa iisang bahay kaya naman hindi ako nahihirapan kung maglilinis man dahil tumutulong naman sa akin si Uno sa paglilinis.
"Pagbalik nyong dalawa, pwede bang may balita na kayong ibabalita sa akin na magiging ninang na ako?" Pangaasar ko sa dalawa na ikinapula naman ng mukha ni Amber samantalang ay tinawanan lamang iyon ni Von.
Huminto na kaming tatlo, napatingin ako sa kotseng nag-iintay sa kanilang dalawa. Muli akong nagbalik ng tingin sa kanilang dalawa at saka bumuntong hininga.
"Sige na, baka mamaya ay maiwan pa kayo ng eroplano." Kumaway ako sa kanilang dalawa pagkatapos kong yakapin si Amber.
Si Von naman ay tinapik ko sa balikat dahil iba parin ang epekto nya sa akin kahit na sabihin pa nating naka-move on na ako, sa tulong na rin ni Uno ay masasabi kong naka-move na ako.
"Alagaan mo ang kapatid ko, Vrent Onesei Williams." Banta ko sa kanya, sumaludo naman ito at saka tumango.
Napatango tango naman ako at kumaway na noong pumasok na silang dalawa sa kotse. Umandar naman agad ang sasakyan papalayo sa kinaroroonan ko ngunit hindi ako tumigil sa pagkaway hanggang sa tuluyan ng mawala ang sasakyan sa paningin ko.
Nagbuga ako ng hangin at saka napangiti.
Marami akong natutunan sa nangyari sa aming dalawa ni Von. Na minsan kailangan mo ring magparaya at palayain ang taong mahal mo kung sobrang sakit na para sa inyong dalawa, sa paraan na iyon ay makakahinga ka ng maluwag at makakapag-isip isip ka.
Dahil kung kayo talaga, kayo talaga. Hindi na kailangan ipilit dahil ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para mapalapit kayong dalawa sa isa't isa. Sa sitwasyon naming dalawa ni Von ay masasabi kong hanggang magkaibigan lang talaga kaming dalawa at hindi na hihigit pa doon.
Kailangan mo ding maging mature para mas maintindihan mo ang mga bagay bagay, na hindi kailangan lumayo dahil lang may nakaraan kayong dalawa.
Kaya mabuti na lamang ay mabilis naming natanggap ni Von na hindi kami para sa isa't isa, at para hindi na kami makasakit pa ng ibang tao na nakapaligid sa amin ay kailangan naming palayain ang isa't isa.
-END-