webnovel

Mature Enough (COMPLETED)

Chewzychick · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter 2

Chapter 2

Nakatingin sa akin si Shion habang sinusubo ang kahuli-hulihang kanin na nasa kanyang kutsara, habang ako naman ay halos durugin na ang ulam na nasa plato ko. Naiinis ako. Naiinis ako kay Von!

Ilang araw na ang lumilipas noong magsimula nya akong asarin. Lagi nya akong iniinis, tapos kapag nakita na nya na gusto ko na syang sapakin ay bigla bigla na lamang itong aalis at magtata-takbo papalabas ng classroom.

"Irene, baka naman makasuhan ka na ng murder dyan sa ginagawa mo?" Tinuro ni Shion ang pagkain ko gamit ang kanyang tinidor. Tinignan ko lamang ang pagkain ko bago ko binitawan ang kutsara't sumandal sa upuan.

Huminga ako ng malalim. Kalma lang Irene, h'wag mo ng patulan si Von. Masyado lang syang isip bata kaya ganon sya kung umasta. Pero nakakainis sya! Kung pwede ko lang sabihin na nakaka-ilang beses na syang pinaglalamayan sa isipan ko, pero hindi dahil baka mamaya magsumbong pa iyon sa 'Mommy' nya't patalsikin ako sa VWIS.

Ayokong mawala ang scholarship ko dahil lang sa papatol ako sa katulad nyang isip bata kung mag-isip.

"Kung alam mo lang Shion kung ilang beses ng pinagbuburulan yang si Von sa isip ko, baka magulat ka." Sagot ko na ikinatawa ng bahagya ni Shion. Napapailing na lamang ito sa akin bago muling nagsalita.

"Don't you think you're being too harsh to him? I mean, mabait si Von, i know him ever since First year high school." Umikot ang mata ko sa mga sinabi nya. Mabait? Yun si Von, Mabait?

Baka tinakasan ng bait! Sobra na sya kung mang-asar sa akin to the point na gusto ko na syang ipatapon sa Bermuda triangle. Hindi naman masyadong harsh ang mga ginagawa nya sa akin, pero kasi nakakainis sya.

Pwede naman nya akong asarin kung hindi oras ng klase o di naman kaya ay hindi ako nag-aaral. Pero kasi kung mang-asar sya, sa gitna mismo ng klase at tuwing nagbabasa't nag-aaral ako ay kinukulit nya ako.

"Ganyan na ba yan si Von noong first year high school palang? Ang kulit, ang sarap ipatapon sa ilog." Tinawanan lamang ako ni Shion bago uminom ng tubig at humalukipkip sa harapan ko.

"Yung totoo, hindi naman ganyan dati si Von. Actually, sya nga yung laging rank 1 sa VWIS, noon. Ewan ko lang kung anong nangyari kay Von at naging gago sya ngayon." Naiiling na kwento ni Shion na hindi ko naman agad pinaniwalaan. Syempre, si Von yung pinag-uusapan dito. Gago si Von, walang gana sa pag-aaral tapos malalaman ko na rank 1 sya noon palagi?

"Sige, kunwari naniniwala ako." Diretso kong sagot na talaga namang ikinatawa ni Shion.

"Grabe ka, Irene. Ganyan ka na na ka-galit kay Von, na hindi ka makapaniwala sa mga sinasabi ko tungkol sa kanya?"

"Shion naman kasi. Masama magsinungaling, 'wag kang gumawa ng mga kwento para lang mapagtanggol si Von." Natawa lamang si Shion dahil sa sinabi ko sa kanya. Tumayo ito at saka binitbit ang mga gamit nya.

"Seriously, Irene? Hindi ako gumagawa ng kwento. Sinasabi ko lang kung anong totoo." Ngumiti ito sa akin bago nagpaalam na aalis na para sa next sub nya. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa malaking orasan ng Cafeteria.

"Irene Sanchez Dela Vega!" Pumikit ako at taimtim na nanalangin na 'wag ko sanang masapak ng wala sa oras si Von na papalapit na sa akin ngayon.

Nag-jog ito para mabilis na makalapit sa akin. At ewan ko sa sarili ko kung bakit bigla na lamang bumagal ang lahat, tanging si Von lamang ang nakikita ko na nasa paligid ko.

Gwapo rin pala 'tong gago na 'to.

Ngayon ko lang na-realize dahil masyado akong focus sa pag-aaral, plus masyado akong naiirita sa mga pang-aasar nya sa akin.

"Kumain ka na? Libre na kita." Tanong nya kahit nakikita naman na nya ang plato na nasa harapan ko.

"Oo, Williams." Sagot ko. Ngumuso ito at naghatak ng upuan upang makaupo sa harapan ko.

Shit. Bakit nagiging cute na sya sa paningin ko? Maybe, he's really cute, right?

"Talaga lang, huh? Eh hindi nga nabawasan 'yang kanin mo. Tara na, libre kita. Nakaka-umay na mga pagkain dito sa Cafeteria." Yaya nya sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

Nanigas ako noong sandaling mahawakan nya ang kamay ko na tila may kuryenteng gumapang sa aking katawan.

"M-May gagawin pa ako."

"What is it this time?" Napalunok ako. Oo nga pala, nakaka-ilang yaya na sya sa akin na kumain pero lagi ko syang tinatanggihan dahil sa mga mata na nakatingin sa amin.

At mukhang hindi ko sya malukusutan ngayon.

"May quiz bukas--"

"It's Saturday tomorrow."

"May pupuntahan ak---"

"Lagi ka nalang may pinupuntahan. Seriously, Irene. I'm getting jealous." Napakurap kurap ako dahil hindi ko inaasahan ang binitawan nyang salita.

Umawang ang mga labi ko na agad ko rin namang isinarado kahit na gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa mga labi ko. Natahimik ako. Ngumiti lamang sa akin si Von bago ako muling hinila papunta sa kung saan.

"Why do i feel like you're mad at me?" tumingin ako kay Von na nakatunganga lamang sa akin, pinagmamasdan akong kumain habang sya naman ay wala pang bawas ang pagkain.

"Uh-hmm. Lagi mo akong inaasar, sino bang hindi mabi-bwiset sayo, diba?" Honest na sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito bago muling ngumiso.

Hobby nya na ba ang pagnguso?

"I'm just doing those shitty things for you to be comfortable with me." Natahimik ako. Ano daw?

"Like, seriously, Irene? Month na ang lumipas pero wala ka paring kaibigan."

"So, naawa ka sa akin? Tigilan mo na ako, Von. Kaya ko sarili ko kahit wala akong kaibigan." Mahina kong sagot sa kanya kaya naman napakamot ito sa kanya ulo na tila frustrated.

So, ginagawa nya lahat ng pang-aasar dahil lang kinakaawaan nya ako? Mas priority ko ang pag-aaral kesa sa pakikipag-kaibigan. Nagpunta ako sa paaralan para mag-aral hindi makihalubilo sa mga tao na maaring makapang-bad influence sa akin.

"That's not what i mean, Ire---shit."

"Minumura mo ba ako?" Naiinis na baling ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, imbes ay hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha na hindi ko namalayang tumulo na.

Umiyak ako. Nice. Sa harapan pa mismo ni Von. Nice.

"Ba't ka umiiyak? Sorry na." Lumambot ang boses nya habang patuloy parin ito sa pagpunas ng luha ko sa aking pisngi.

Umiling ako kaya tumingin sya sa mga mata ko. Noong mapatingin ako sa kanya ay tila hinahatak ako ng mga mata nyang kulay brown pala sa malapitan.

"Sorry, it's my fault. Hindi ko na uulitin. Just please, don't cry." Halata mong nagsisisi ito sa tono palang ng pananalita nya.

"Hey, sorry na. You can hit me if you want." Umiling ulit ako at saka iniwas ang mukha ko sa mga kamay nya.

Naiilang ako. 'Yun iyon. Pinunasan ko na ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Grabe, ba't parang naging sobrang emosyonal ko naman ngayon? At sa mismong harapan pa ni Von.

Sinulyapan ko sya at nakita na nakatingin parin ito sa akin na tila pinagmamasdan ang mga galaw na gagawin ko. Nailang tuloy ako. Lalo na kanina na sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Kung naaawa ka sa akin, pwede ka ng umalis." Sabi ko at pilit na pinagtatakpan ang pagka-ilang ko sa kanya.

Bakit na kasi ako nakaramdam ng biglang pagka-ilang?

"Hindi naman 'yun ang gusto kong sabihin. I'm worried about you,"

"Bakit? Kaya ko naman sarili ko ah."

Napakamot na lamang ito sa kanyang batok at itinaas ang magkabilang kamay na tila suko na. Napanguso tuloy ako. Ang bilis naman pala nitong sumuko.

"Fine. Kaya mo na 'yung sarili mo, pero don't think na dahil sa sinabi mo, lalayo na ako sayo. Friends na tayo, diba?" Napalunok ako noong sumeryoso sya.

Ngayon ko lamang ito nakitang seryoso. Madalas kasi ay sobrang jolly nito at laging may mapaglarong ngiti sa labi nya. Peri ngayon, kunot ang noo nito habang nag-iintay sa sagot ko. Nape-pressure tuloy ako.

"Hindi kita kaibigan." Hindi ko alam pero gusto kong ngumiti dahil sa salitang lumabas sa mga labi ko.

Nakita kong umikot ang mga mata nya at kinuha ang kutsara't tinidor at sinimulang kainin ang pagkain na nasa harapan nya. Napangiti ako. Ang sarap rin pala nyang asarin. Siguro ganito 'yung feeling nya tuwing inaasar nya ako. Now i know.

Natapos na pagkain namin at noong dumating ang waiter upang makapag-bayad na kami ay tinignan ko si Von dahil sya ang magbabayad ng lahat ng kinain namin ngayon.

"Mr. Williams," Mr. Williams ang tawag ko sa kanya o 'di naman kaya ay Williams. Wala lang, parang ang awkward kasi kung tatawagin ko syang Von eh hindi pa naman kami masyadong close.

Tumingin lamang ito sa akin bago kinuha ang phone sa kanyang bulsa at---tumayo? Iniwan nya akong mag-isa habang nag-iintay ang waiter kung sino ba ang magbabayad.

"Ms?" Nabaling ang atensyon ko sa waiter at saka ngumiti. Humingi ako ng Five Minutes dahil baka nag-cr lang si Von pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi pa sya bumabalik sa table namin.

Bumuntong hininga ako at nilabas ang wallet ko sa jacket ko.

"Magkano po ba 'yung total?" At sa huli, ako din ang nagbayad ng pagkain namin ni Von dahil ang gago, iniwan ako mag-isa sa Restaurant.

Paglabas ko ng Restaurant ay buong akala ko ay babalik ako mag-isa sa VWIS pero nakita ko si Von na naka-tayo sa isang gilid at tila may inaantay. Agad akong lumapit sa kanya at hinampas sya sa kanyang braso na ikinakunot ng noo nito.

"Gago ka! Sabi mo ikaw magbabayad ng mga kakainin natin, tapis iniwan mo ako sa loob? Magbayad ka, ubos 'yung ipon ko dahil ang mahal ng mga pagkain do'n!" Inis na saad ko sa kanya noong tumingin ito sa akin.

"Magbabayad ako kung kaibigan na ang turing mo sa akin." Napaawang ang bibig ko noong sabihin nya iyon bago ako muling talikuran at maglakad papalayo sa akin.

Naiwan nya akong nakatunganga doon habang iniisip ang mga sinabi nya. Ano daw?

Tinatawag ko ang pangalan nya pero hindi ito huminto, kaya ang ending, ako ag humabol sa kanya para makahabol sa paglalakad nya. Ang tangkad naman kasi nitong si Von eh!

Gusto ko sana syang kausapin at tanungin kung ano'ng ibig sabihin nya sa sinabi nya kanina, pero nagbago ang isip ko dahil baka mamaya ay barahin lang ako ni Von.

Nanahimik na ako dahil tahimik naman na rin si Von at wala na 'atang balak magsalita. Kanina pa 'to sa restaurant, ang tahimik nya at hanggang ngayon na pabalik na kami sa VWIS ay tahimik parin sya. Nakakapanibago.

Pinabayaan ko na lamang sya kahit ang totoo ay gusto ko na syang kalabitin dahil nakabusangot ito. Pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon hanggang sa makarating kami sa parking lot at isang sasakyan ang kinatok nya doon.

Pinagmamasdan ko lamang ang mga kilos nya at hindi ko maipagkakaila na malakas talaga ang appeal nitong si Von. Kung hindi lamang siguro sya gago ay marami ng babae ang nagkakandarapa sa kanya ngayon, pero minus pogi points dahil gago sya.

Binuksan nya ang pintuan ng kotse bago tumingin sa akin, nahuli nya aking nakatingin sa kanya kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin at ibinaling ag mga mata sa ibang direksyon.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga nya bago ko naamoy ang natural na mabango nyang amoy. Lumapit na pala ito sa akin at hinatak ako para nakapasok sa loob ng kotse. Napanguso ako noong tumabi sya sa akin.

Akala ko sya ang magd-drive pero naalala ko na minor palang pala sya at sigurado akong wala pa syang license. May driver na nasa harapan at panay ang tingin na ginagawa sa akin. Gusto ko sanang punain iyon pero parang na-drain 'ata ang katawan ko't sobrang napagod na pati ang pagsasalita ay tinatamad na ako.

"Ihatid na kita sa inyo, it's already late." Hindi ako sumagot kay Von at tumingin na lamang sa labas ng kotse.

"Irene, anong street ka?"

"Ibaba mo nalang ako dyan sa tabi ng simbahan," sagot ko dahil ayokong malaman nya kung saan ang bahay ko.

At bukod pa doon, kapag nakita sya ni mama ay sandamakmak na tanong lamang ang ibabato sa akin non. Ayoko ng ganon kaya hanggang maaari ay hindi ko papayagan si Von na ihatid ako sa tapat mismo ng bahay namin.

"Sige, salamat sa binayadan kong pagkain. Sa susunod ikaw na magbayad, ubos ang pera ko." Reklamo ko sa kanya. Ngumiti ito at tila isang virus ang mga ngiti nito't napangiti na rin ako.

Nakakahawa talaga ang mga ngiti nito.

"Yes, boss. Ingat ka." Kumaway ako sa kanya bago muling umandar ang sasakyan. Pinanood ko itong lumayo hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko itatanggi na mabait si Von, makulit nga lang minsan. At sa kakulitan nya ay nararamdaman ko ang dapat hindi ko maramdaman para sa kanya.

Kailangan kong pigilan 'to hanggang maaga pa. Dahil sigurado ako na kapag lumalim ang pagka-gusto ko kay Von ay sa huli, ako lang din ang masasaktan.

-

Written by Chewzychick