Sobrang laki ng ngiti ko habang nasa byahe kami ni Rocky. Hindi ko mapigilang kiligan ng paulit-ulit niyang hinahalikan ang kamay ko. Tila ayaw na niyang bitawan ang kamay ko kahit nagmamaneho sya. Ramdam ko narin ang pawis saming mga kamay ngunit hindi niya ito pinapansin.
Ang swerte ko, ang swerte ko sa lalaking ito.
"Wala ka ba talagang balak bitawan ang kamay ko huh?" sarkastiko kong sabi. Marahan syang lumingon sakin na may ngiti.
"Hawak ko na, bakit ko pa bibitawan?" nag taas ako ng kilay sa sinabi niya. Tawang-tawa sya sa reaksyon ko. Hinalikan niya ulit ang kamay ko bago niya ako sinulyapan muli. "Hinding-hindi kita bibitawan, Mary. Pangako yan!" nakagat ko ang aking labi sa sinabi ni Rocky. Ramdam na ramdam ko ang higpit na hawak niya saking palad. Sobrang ramdam na ramdam ko rin ang mahigpit at sobrang pagmamahal sakin ni Rocky.
Mahal niya ako at mahal ko sya, dalawang bagay na dapat panghahawakan ko simula ngayon. Buo na ang lahat at bubuo ako ng panibagong buhay kasama sya.
Hinatid niya ako sa condo ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mga iilang pabor sakin ni Tita Reina. Sobrang saya nilang lahat kanina para samin ni Rocky. Hinding-hindi ako mag-sisisi na minahal ko si Rocky.
"Nandito na tayo," naputol ang imahinasyon ko ng magsalita si Rocky. Nasa parking lot na pala kami ng condo ko. Lumingon ako sa kanya at nanatili syang nakahawak saking kamay. Ramdam ko ang pamumula saking pisnge. Hindi ko alam pero kakaiba ang titig sakin ni Rocky.
"Huwag mo na akong ihatid sa itaas, maaga ka pa bukas diba?" wika ko na ikinanguso niya.
"Kaya ko pa naman ang byahe pabalik, gusto pa kasi kitang makasama, Mary." napasinghap ako at dahan-dahang umusog at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Rocky.
"R-Rocky alam kong pagod ka sa araw na 'to. Don't worry about me, anytime pwede mo akong dalawin sa condo ko." kindat ko na ikinalaki ng ngiti niya. Dahan-dahan syang lumapit sakin na ma awtoridad. Sa puntong ito ay amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
"Promise?" saad niya na nakaawang ang bibig. Bumagsak ang mata ko sa mapupula niyang labi.
"Promise, Rocky. Andito lang ako at hinding-hindi ako mawawala sayo." kusang bumitaw iyon sa bibig ko na ikinangiti niya. Sobrang sigla ng mga mata ni Rocky.
Hinawakan niya ang pisnge ko, dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko pababa sa ilong hanggang sa umabot sa labi ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga. Nagtama ang ilong naming dalawa ng mas idiniin niya pa ang halik naming dalawa. Nang maubusan kami ng hininga ay agad syang kumalas sa halikan. Ipinagdikit niya ang noo naming dalawa.
"Huwag mo sana akong iwan, Mary. Hindi ko kayang mawala ka sakin lalo na't naging akin ka na ngayon." Nakagat ko ang aking ibabang labi sa binitawan niyang salita. Ramdam ko ang takot sa kanyang boses. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge. Tinititigan ko ang bawat anggulo ni Rocky. Mula sa noo, mata, ilong at labi. Ang sarap niyang titigan araw-araw.
"Walang rason para iwan ka. Na sayo na ang lahat, Rocky. Mahal na mahal kita." wika ko bago sya hinalikan sa labi. Isang mababaw na halik ngunit may dalang malalim na pagmamahal. Ramdam ko ang mainit na luha saking mata. Mahal na mahal ko si Rocky, ayaw ko naring mawala sya sakin.
Gustohin ko mang manatili sya sa condo ko pero may lakad pa sya bukas. Napabuntong hininga ako habang nakabulagta sa kama. Titig na titig ako sa kisame. Sigurado akong matutuwa ang apat para sakin. Sigurado akong gusto nila si Rocky para sakin. Napapikit ako ng maalala ko si Matteo. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Matatanggap niya kaya ang lahat? Hindi ko alam pero sana lang ay tigilan na niya ako.
Naimulat ko ang aking mata ng biglang tumunog ang aking cellphone. Agaran akong bumangon at inabot iyon mula sa mesa. Bigla akong kinabahan ng lumitaw sa screen ang pangalan ni Ivony. Nagtataka ako kong bakit napatawag sya sa mga oras na ito. Hating gabi na at siguradong kakasira lang ng bar ngayon.
Sinagot ko ang tawag bago inayos ang sarili.
"Hello Ivony," wika ko.
"Magkita tayo ngayon sa childrens park. May importante akong sasabihin sayo. Hihintayin kita." nagulat ako ng biglaan niyang pinatay ang linya.
Napakunot ang noo ko sa narinig. Ngayon na talaga? Mas lalo akong kinabahan dahil kakaiba ang boses ni Ivony kanina. Maging ang mga kilos niya kahapon kay Matteo ay ibang-iba. Anong importanteng bagay naman ang sasabihin niya sakin? Kong ano man iyon sana ay hindi makakagulo saking isipan.
Dali-dali akong nagbihis bago pumunta sa park. Pagdating ko sa park ay bumungad sakin ang madilim na paligid. Pinark ko ang kotse sa gilid ng daan bago nag tipa at tinext si Ivony.
"Nandito na ako sa park. Nasan ka?"
Agad akong bumaba ng kotse. Nag pa linga'linga ako sa paligid at hinahanap ng mata ko si Ivony. Medyo natatakot narin ako ngayon dahil sa malakas na hampas ng hangin, rason kong bakit bumagsak ang buhok ko. Yakap-yakap ko ang aking sarili at dahan-dahang naglakad sa gitna ng park. Ilang minuto ang dumaan ay dumating narin si Ivony. Madalian syang lumapit sakin at agad akong niyakap ng mahigpit.
Hingal na hingal syang humarap sakin na may ngiti sa labi.
"Maey, sorry kong nadisturbo ko ang tulog mo." una niyang sabi.
"Okay lang Ivony. Tika bakit gusto mo akong makausap? Dito pa talaga sa park? Mabuti pa't sa condo nalang tayo tumuloy. Baka ano pang mangyari satin dito." ngiwi ko na may takot. Luminga-linga ako sa paligid at sobrang dilim talaga.
"Maey," hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Hindi ako ang may gustong kumausap sayo," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa puntong ito ay nagsimula ulit akong kabahan.
"Ivony ano bang pinagsasabi mo? Kong hindi ikaw? Sino?" usal ko na may iritasyon. Halos hindi mapakali si Ivony sa harap ko. May tinitignan sya sa likuran ko kaya sinundan ko iyon. Mas lalong kumunot ang noo ko ng bumungad sakin ang isang matangkad na lalaki.
Nanlaki ang mata ko ng maaninag ko ito.
"M-Matteo?" sambit kong may paos. Nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib. Hindi ko alam ngunit may init at galit ito. Humarap ako kay Ivony na walang ekspresyon ang mukha.
"Ivony anong ibig sabihin nito?" wika ko. Nag buntong hininga sya na tila natatakot.
"Kaya lang naman ako dikit ng dikit kay Sir Matteo lately, dahil may pabor sya sakin eh, at ito iyon Maey. Pasensya na talaga huh?" Niyakap niya ako ulit bago ako hinarap na may ngiti. "Maey follow your heart. Kong saan ka masaya nandito lang kaming mga kaibigan mo. Pero Maey mas boto talaga ako kay Sir Matteo eh hehehe! Sige Maey maiwan ko muna kayo. Bye!" nanlaki ang mata ko ng bigla syang tumakbo ng walang pag alinlangan.
"Ivony wait," bulyaw ko na may inis. Ano bang balak ni Matteo? Dahan-dahan akong humarap kay Matteo na nakakuyom ang kamao. Napapikit ako sa galit, at hindi ko alam kong bakit ko ito nararamdaman ngayon.
"Mary baby," malamig niyang boses na ikinatindig ng aking mga balahibo.
"M-Matteo ano pa ba ang pag-uusapan natin? Pwede ba Matteo wala akong oras para dito. I need to go," aakmang aalis ako ng biglang isa-isang lumiwanag ang buong paligid. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang nakapalibot na palamuti sa paligid.
Literal akong nagulat! Naikuyom ko ang aking kamao, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ibanaling ko ang tingin kay Matteo na ngayon ay walang ekspresyon. Ma awtoridad niya akong tinititigan na may sakit. Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong tignan sya sa mata dahil pag ginawa ko iyon bumabalik lang sakin ang dati. Bumabalik lang saking isipan kong pano ako sumuko sa kanya.
"What is this for Matteo?" usal kong hindi sya tinitignan. Ramdam na ramdam ko ang paglapit niya sakin.
"Dahil sa mahal kita, Mary baby." nanlaki ang mata ko sa narinig. Agaran ko syang hinarap na may galit. Nanatiling kuyom ang aking kamao.
"Please Matteo, enough. Wala na akong nararamdaman para sayo." sagot kong may inis. Ramdam ko ang pagbagsak ng magkabila niyang balikat.
"But I still," sambit niya. "I still believe inlove with you, Mary. I am still fucking inlove with you." paulit-ulit niyang wika na may sakit. Napalunok ako sa narinig. Bakit ganito? Dapat ako ang nasasaktan sa puntong to, pero bakit feeling ko ay nasaktan ko si Matteo?
"Wala na tayong pag-uusapan pa, I have to go." Aakmang aalis ako ng bigla niyang hinila ang aking braso. Nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako ng masilayan ko ang iilang botel ng luha sa gilid ng kanyang mata. Nanlaki ang mata ko, hindi sa gulat kundi sa takot. Takot na baka mag bago nalang bigla ang lahat. Na baka mawala na parang bula.
"Mahirap ba akong mahalin ulit?" bagsak boses niyang tanong. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang nakahawak saking braso. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng hawak niya sakin. Marahan akong huminga ng malalim.
Mariin akong napapikit bago sya sinagot. Oo minsan na syang nagkamali subalit may kamalian din akong nagawa at iyon ay hindi karapat-dapat tanggapin ng tulad niya. Pareho kaming nasaktan ni Matteo, at ayaw ko nang maulit pa iyon. Mas mabuti nang lumayo hanggat maaga pa.
"H-Hindi," sagot ko. "Hindi ka mahirap mahalin Matteo. Sadyang maling tao lang ang binibigyan mo ng pagmamahal." dugtong kong sabi na mas lalo niyang ikinaluha. Isa-isang tumulo ang mga luha niya. Umiwas ako ng tingin, ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong magpatalo sa awa at kailangan ko ng gawa. Gawa para patunayan na mahal ko si Rocky at hindi si Matteo.
"Don't should ever said that, Mary. Kahit kailan, hindi ka magiging mali sa buhay ko. Kahit ano o sino ka pa, kahit kailan hindi naging mali ang pagmamahal ko sayo. Never, Mary. Never!" paulit-ulit umalingaw-ngaw sa tenga ko ang sinabi ni Matteo. Habang sinasabi niya iyon ay patuloy na umaagos ang kanyang luha. Sa puntong ito ay ayaw ko ng mag sinungaling pa, ayaw kong umasa sya sa wala. Ayaw kong palalain pa ang sitwasyon.
Gusto ko na ng tahimik! Dahan-dahan kong binawi ang aking braso mula sa kanyang kamay. Hinayaan niya akong makawala. Agaran akong umatras, hindi ko alam kong ano ito aking nararamdaman. Sobrang bigat ng aking damdamin.
"Patawarin mo sana ako sa sasabihin ko sayo Matteo. I'm sorry but I'm already inlove with someone else." sambit ko agad na ikinayuko niya. Napahilot si Matteo sa kanyang sintedu habang ang isa niyang kamay ay nakapamewang na tila bang pinipigilan ang sarili.
Napakapit ako saking dibdib. Dinig na dinig ko ang hagulgol ni Matteo. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Nanatili syang umiiyak at kitang-kita iyon sa balikat niya. Ang sakit, bakit ako nasasaktan ng ganito? Halos madurog ang puso ko.
"I'm inlove with you while you're inlove with someone else?" sa pagkakataong ito ay napaiyak ako sinabi niya. Isa-isang tumulo ang botel saking luha. Naglaban kami ng titig habang parehong umiiyak.
Halos sumabog ang aking puso, gusto kong umiiyak dahil sa marami akong dahilan. Kailangan niyang marinig ang lahat ng 'to. Ayaw kong mag pa asa ng tao, ayaw ko ng maraming iniisip ng dahil lang sa nakaraan naming dalawa.
Pinunasan ko ang aking pisnge at tumuwid ng tayo. Humarap ako sa kanya na may tapad. Enough, Mary. Focus what you want to do.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt your feelings. I told you in the first place that I dont want any commitment and I cant give you what you want, Matteo. I tried my best but I just cant do it anymore. I'm inlove with someone else. I appreciate your effort though. You can stay mad at me for as long as you want." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang ang kanyang balikat at tinapik iyon ng ilang ulit. Sobrang lalim ng titig sakin ni Matteo. Halo-halo ang ekspresyon niya ngayon na may luha. "Thanks for the memories, Matteo." huli kong sabi bago sya tinalikuran. Sobrang bigat ng damdamin ko ng iwan sya da gitna.
Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang pag sigaw niya.
"M-Mary wait," agad akong huminto ang hinarap sya. Kumunot ang noo ko dahil nakahawak sya sa kanyang balikat. Napaisip ako kong bakit? "M-Mary mahal na mahal kita, i can't live without you." Hindi ko alam kong bakit ako nahahawa sa mga luha ni Matteo. Kahit kanina pa sya umiiyak ay mas lalong nagpapakitaan ang kanyang perpektong mukha.
"Matteo please tama na. Sobrang nasaktan na tayo," tanging nasagot ko. Hinawi ko ang iilang luha saking pisnge at ganon din sya.
"Please I need to know everything. Just tell me the truth and be honest to me, and I will let you go." natahimik ako sa sinabi niya. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit sya sakin. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng kanyang katawan. Naging iba ang awra ni Matteo. Hindi ko alam pero para syang namumutla.
"You look pale, Matteo." saad ko na ikinaiwas niya ng tingin. Bumagsak ang mata ko sa nakakuyom niyang kamao.
"Don't mind me. Just tell me who is the guy. Because i'm willing to let you go." nabigla ako sa katanongan niya. Napalunok ako, dahil alam kong alam niyang si Rocky ang itinutukoy ko. Huminga ako ng malalim.
"Its Rocky," sagot ko agad. Napahilamos sya sa kanyang mukha. Ilang segundo rin kaming natahimik. Tumingin sya sakin na may ngiti.
Dahan-dahan syang lumapit sakin. Natigilan ako sa paghinga ng hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. Tinititigan niya ako ng ilang ulit, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi saking noo. Napapikit ako, naikuyom ko ang aking kamao. Gusto ko syang pigilan subalit hindi ko nagawa.
Dahan-dahan syang umatras ng matapos niya akong halikan sa noo.
"Yah, you still don't want me. I love you so much.... but i need to let you go. Take care mylove." Huling sabi ni Matteo bago ako tinalikuran. Literal akong na statwa saking kinatatayuan ngayon. Para bang may iilang bato ang nahulog saking likuran.
Sobrang bigat ng aking nararamdaman. Sobra akong nasaktan at ganon din si Matteo. Hindi ko nalang pala namalayan na isa-isa ulit tumulo ang aking luha. Bakit ako nasasaktan sa huli niyang sinabi? Bakit para bang hindi pa ako naging kuntento sa sinabi niya. Parang may gusto pa akong marinig mula sa kanyang labi.
Naipilig ko ang aking utak. Naalala ko si Rocky, naalala ko ang bawat sakripisyo niya sakin. Naalala ko ang bawat effort na ipinapakita niya sakin. Mahal na mahal ko si Rocky, at magsisimula ako ng panibagong buhay at love story kasama sya.
I am sorry Matteo, sana ay makita mo narin ang taong magmamahal sayo ng tunay.
I need to let him go to show him that i dont need him anymore. To show everyone who doubted me, that i am capable of living a full life without him. Ayaw kong isipin nila na mahal ko pa si Matteo. Ayaw ko ring isipin iyon ni Matteo dahil ayaw kong umasa sya sa wala. Ayaw kong isipin ang mga bagay na iyon dahil ayaw kong malito at umasa na baka nga mahal ko pa sya.
Isa lang ang paraan ng mga iyon. I need to let him go to finally start believing in myself again. Ang hirap masaktan ang hirap mag move on, pero mas mahirap mamili dahil pareho ko silang masasaktan.
I need to be strong and I wan't to follow my heart. I still believe that this is happen for a many reason.
Umuwi ako na may buong disesyon at ngiti sa labi. A strong woman is the one who was able to smile everymorning like she wasn't crying lastnight.
Goodbye heartache.........
Someone POV
Ilang araw na ako hindi lumalabas saking kwarto. Ilang araw narin ako walang ganang kumain. Sobrang sakit, napakasakit at ito na siguro ang rason kong bakit paunti-unti na akong nang-hihina.
Lagi kong sinasabi saking sarili. I can't live without her, kaya pala pahina na ako ng pahina dahil dahan-dahan narin syang nawawala sakin. Why not me Mary? Tell me, why not me? Tumulo ang iilang botel ng luha saking mata. Fuck this tears why always falling.
I always act like I'm fine and my friends thinks I'm okay, but when Im all alone. That's when my tears start to fall. This is so fucking gay, way!
"Son," bumalik ang diwa ko ng biglang pumasok si Daddy saking kwarto. Patago kong pinunasan ang aking luha at mabilisang tumagilid pahiga.
"Where is your manners dad? Why you don't knock." naging iritasyon ang boses ko. Ramdam ko ang paglapit niya saking likuran. Umuga ang kama ng umupo sya sa may gilid. Father and son talking? This is not new---
"Your sick, son. What the fuck are you doing? You need to help yourself." naging agresibo ang boses ni Daddy. May halong galit at takot.
Natawa ako bilang sagot.
"Para saan pa?" sarkastiko kong sagot na may tawa. Ramdam ko ang galit ni Daddy saking sagot. I don't care, this is my life.
"Hindi ko alam kong pano kita sasagotin ngayon. Ilang araw ka ng ganito." naging mahina ang boses ni Daddy sa puntong ito. Nasaktan ako sa sinabi niya. Niyakap ko ang aking unan at hindi nalang nagsalita ulit. "Life runs on energy. If you don't have enough, you become more sick. Then you need more to become well. It's easier just to stay well. Prevention is key. Did you hear me, son?" Wika ni Daddy na araw-araw ko nalang naririnig ito sa kanya.
Naikuyom ko ang aking kamao. Natawa ako dahil wala ng silbi ang buhay ko sa mundong ito.
"Mamamatay lang din naman ako diba? Bakit pa natin papatagalin? I am tired dad, i need to rest. Please hayaan nyo na akong mamatay. Wala lang din namang silbi ang buhay ko." Saad ko. Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi 'yon. Oo, alam kong nasaktan ko si Daddy sa binitawan kong salita. Mas mabuti na 'yong masaktan sya kesa umasang mabubuhay pa ako ng matagal.
Umuga ang kama ng maramdaman kong dahan-dahan syang tumayo. Rinig na rinig ko ang malalim na hiniga ni Daddy.
"On the day you die a lot will happen. A lot will change, son. Please help yourself to live more." napapikit ako sa sinabi ni Daddy. Nakagat ko ang aking labi sa galit. Naalala ko lang ang babaeng pinakamamahal ko.
"Alam kong mahal na mahal mo sya. Alam ko ring nasaktan ka ng lubos dahil sa kanya. Son, ginawa mong mundo ang dapat tao lang." natamaan ako sa sinabi ni Daddy. Nagsimulang bumigat ang damdamin ko. Bakit hindi ko magawang tanggapin ang lahat?
Ang hirap lang kasi dahil may mahal na syang iba samantalang ako ay mahal parin sya.
"I cant live without her, dad. I cant!" sa puntong ito ay napaiyak ako. Yakap-yakap ang unan ay mas lalo kong naramdaman ang sakit. I love her so much. Yes i can live without anyone but i can't live without her. I can't live without her, I am slowly dying. I am!
Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko na mapigilang ibuhos lahat ng sakit sa harap ni Daddy. Ayaw ko ng mahiya.
Naramdaman ko ang kamay ni Daddy saking balikat. Tinapik niya ako ng ilang ulit bago ko naramdamang tumayo sya.
"Son, Matteo. Don't miss the chance to dance with her while you can. Dont miss the chance to talk her while you can. Dont miss the chance to see her while still. It's easy to waste so much daylight in the days before you die. Don't let your life be stolen every day by all that you believe matters son, dahil sa mga iniisip mo ngayon ay mas lalo kang pinapahina ng kalooban mo. Son, you can't live without her right? Pero nandito ka parin buhay, ng dahil yon para sa babaeng mahal mo." natahimik ako sa sinabi ni Daddy. Tila napaisip ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumahan at literal na natulala. I am look like a kid now at nahihiya akong humarap kay Daddy. Hinayaan ko syang magsalita ulit. "Live while you inlove because on the day you die, much of it simply won't." tinapik ulit ni Daddy ang likod ko bago ko narinig ang yapak niya palabas. Hindi ko pa naririnig ang pagsara ng pinto ang may huli pa syang sinabi sakin. "Lets sched your theraphy, son. Please ikaw nalang ang natitira sa buhay ko. Huwag mo naman sana akong iwan anak." tumulo ang huling botel ng aking luha sa huling sinabi ni Daddy.
Dahan-dahan akong humarap sa kisame na luhaan. Bawat anggulo ng mukha ni Mary ay naalala ko. Bawat ngiti niya sa kanyang labi ay namimiss ko. They say: you need to learn how to let go of things. Kaya pala hindi ko natutunang bumitaw dahil alam kong sya ang bagay para sakin.
They say: In order for you to move on, you must understand why you felt what you did and why you no longer need to feel it. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi ko parin naiintindihan kong bakit mahal na mahal ko pa sya, dahil may rason ang lahat. Dahil walang hangganan ang pagmamahal ko sa kanya.
Mahal na mahal kita ng sobra Mary.
Kahit kailan hindi naging mali ang magmahal ka ng sobra kasi mas masarap sa pakiramdam yung alam mong nagmahal ka, kahit alam mong masasaktan ka. Kahit na alam mong iiyak ka kahit alam mong luluha ka. Kasi sa bandang huli atleast alam mo na lumaban ka.
Kaya pa kaya kitang ipaglaban Mary?
I always imagine, how i am fucking inlove with you but you inlove somebody else. Mary baby, dont be to much inlove with him. Just hold on and wait for our turn.
Yes, I will die one day. But before that day comes: YOUR WITH ME!
~The End~