KABANATA 8: The make-over
Panay tawa sakin ni Russel habang nag-uusap kami sa phone. Nasa Airport na kami ni Rocky at hinihintay nalang lumipad ang plane. Buti nalang at nagbanyo sya saglit kaya minabuti kong tawagan muna si Russel.
"Russel anong gagawin ko? naiilang na ako kay Rocky." Mahina kong sabi. Tawang-tawa sya sa kabilang linya.
"Oh gosh, Mary. Go with the flow. Don't mind what happen lastnight. Ginusto nyo naman 'yon diba?" Halakhak niya. Nag-sisi na ako kong bakit sinabi ko pa sa kanya ito.
"Pero pareho namin 'yong hindi sinasadya," Napahilamos ako sa mukha sa kahihiyan. Naghalikan kami? hindi ako makapaniwala.
"Hindi sinasadya? o baka nadala lang kayo sa tukso? Oh come on, Mary. That is not love, it's lust." Pagtatama niya. Nakagat ko ang aking kuko habang nakatuon ang tingin sa labas ng bintana.
"Russel, hindi sa ganon. Naghalikan kami at alam kong ginusto ko rin 'yon." Sagot ko sa naiilang na tono. Sobrang lakas ng halakhak niya sa kabila.
"God, Mary. Kong ginusto mo ang halikan nyong dalawa, ang ibig sabihin niyan ay may kasunod pa. So you we're going about to sex. OMG! I can't wait," Nalag-lag ang panga ko sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa binitawan niya. She's crazy.
"Russel,"Pigil ko sa tawa niya. "Rocky won't do that-,"
"Sinong kausap mo?" Naibaba ko bigla ang phone ng tumambad sakin si Rocky. Dali-dali kong pinatay ang tawag sa kaba. Umupo sya sa tabi ko. "Mary, are you okay?" Hinimas niya ang noo ko. Titig na titig ako sa mukha niya. Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.
"A-h Oo, It's just Russel. She just asking for some update about the company." Agaran ko sagot. Umayos ako ng upo bago nag-iwas ng tingin. He still looking at me now.
"Anong balita?" Tanong niya. Sumulyap ako sa kanya na nakangiti.
"She still working of it. Mapagkakatiwalaan si Russel, and im sure she won't leave the company. She can handle everything." Tumango sya bilang sagot. Nakagat ko ang labi ko bilang pakalma. Panay tingin niya sa kanyang relo dahil hindi pa umaandar ang plane. Hindi ko mapigilang tumitig da kanya. Bumagsak ang mata ko sa mapupula niyang labi. Naalala ko nanaman ang halikan namin kagabi.
Naiilang na ako!
"Gusto mong matulog?" Naputol ang imahinasyon ko sa tanong niya. Hindi ko pala namalayan na nakatitig na sya sakin.
"Medyo naantok narin ako," Pagod kong sagot. Isang oras at kalahati kasi papuntang Gregoria kaya nararamdaman ko na ang pananakit saking pwet.
"Come here," Biglaan akong inakbayan ni Rocky at hinila ako palapit sa bisig niya. "You can sleep now, Mary. Gigisingin lang kita pag nakarating na tayo sa Manila." Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tumama ang noo ko sa labi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
Hindi na ako sumagot at hinila na ako paantok. Nakatulog ako sa bisig ni Rocky ng mahimbing. Sa pagkakataong ito ay kaylangan kong kalimutan ang nangyari samin. I have to forget about that kissed. If we both mistaken and I'm really sorry for doing that such a thing. I know it's just a kiss, pero naiilang na ako kay Rocky dahil lang dun. Parang may malaking pader na nakaharang sakin na ayaw akong palabasin sa kahihiyang ito. Madali lang naman kalimutan, pero mahirap gawin.
Nang makarating kami sa Manila ay inihatid ako ni Rocky sa condo. Sinubukan niya akong yayain sumama sa kanya, but I refuse it, and beside Im tired. May dadaluhan kasi syang party and one of his client. Madami-dami naring client si Rocky, dahil isa sya napakagaling na Engineer. Halos magagandang babae at modelo ang gustong makatrabaho si Rocky at iwan ko lang kong lahat ng mga babaeng 'yon ay natikman niya. I heard some humor about the girl he working for, but I don't mind them. I know Rocky, after all. And if he did that surely? No problem, dahil lalake sya at gwapo pa.
Nilibang ko ang sarili ko sa mainit na tubig. Pinaunlakan ko ang katawan ko sa mainit na daloy ng tubig mula sa shower. Tomorrow, I' am going to meet you Matteo. Kumusta na kaya sya? may relasyon pa kaya sila ni Venus? Probably, Mary. What are you thinking for? sila ang may dahilan sa masasakit mong naranasan noon diba? bagay nga silang dalawa eh. Isang bitch, at isang bastard.
Bumulagta ako sa kama pagkatapos malinis ang sarili. My room cover by all black and white, at mas gusto ko 'yong hindi makulay sa mata. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata at iniisip ang kalabasan ng gagawin kong 'to. Magkikita nadin tayo Matteo! Ano kaya ang magiging reaksyon mo pag nagkita tayo? Maybe you'll be happy, dahil isa ako sa mga babaeng nabilog mo. I'm sorry but it long long time ago. I've been completed for three years, and Im working not for applause, I'am working for a cause just because of you. I wan't to work with you, not to impress, but I'am doing this to express. Express what I'am now.
I won't never ever fallin inlove with you again, Matteo. In the other way, ikaw ang mababaliw sakin.
***
Dumaan ang dalawang linggo ay bumalik si Joyce sa Manila. Pinatuloy ko sya sa condo ko for a maintime. I really need to know what Matteo reaction will be.
Tinawagan ko si Joyce na hintayin ako sa Mall para sa pagkikita namin. Nagulat sya kong bakit niyaya ko syang mag Mall, for unreasonable. But the truth is theres a reason. Gamit ang kotse kong Audi S8, ay matagal ko ng pinangarap na matutong mag-drive. And these? I am good as enough. Madali lang naman palang matuto, pero dadaan ka parin pala sa sakit. Just like life, ang sarap matulog pero ang hirap bumagon. Ang sarap magmahal pero hindi maiiwasan ang masaktan. Ang sarap mainlove, pero hindi madaling mag move-on. Life is unfair, that's why you have to make it fair.
Napahinto ako sa pagmamaneho mula sa traffic light. Sobrang sikip ng dibdib ko habang pinapanunuod ang mga batang lansangan na namamalimos sa mainit at maalikabok na kalsada. I don't know who forced me to park my car at fast food chain. Dali-dali akong lumapit sa kanila.
"Hello," Kaway ko sa limang bata.
"Ate palimos po," Agad nitong hingi. Natawa ako! Parang kinurot ang puso ko sa nakita. Ang kanilang mukha ay napagkikitaang pagod, ngunit mas pumangibabaw sa kanila ang mga ngiti.
"Bibigyan ko kayo ng pera, pero nasan ang mama at papa nyo?" Isa-isa kong tanong sa kanila. Hawak ko ang magkabila kong tuhod habang nakayuko. Kahit mainit ay hindi ko na 'yon pinansin.
"Ate magkakapatid po kaming lahat. 'Yon po ang mama namin oh!" Sinundan ko ang tinuro niya. Nasa gilid ang mama nila at mukhang nagpapasilong dahil nagpapadede ito ng baby.
"Pwede nyo ba akong samahan sa mama nyo?" Tanong ko na ikinangisi nila.
"Sige po ate, hali po kayo." Nag-uunahan silang tumakbo habang ang isa ay hila-hila ako. Sobrang lapad ng ngiti ko dahil sa mga ngiti nilang nakakahawa. Nang makalapit ako sa mama nila ay napatingin ito sakin. Hindi ito nagsalita kaya minabuti kong yumuko.
"Manang ilang buwan na si baby?" Hinimas ko ang buhok ng bata at buti nalang ay hinayaan niya lang ako.
"Tatlong buwan," Tipid niyang sagot. Tumabi sa kanya ang limang anak niya na kausap ko kanina. Ang kanilang titig sakin ay halos dinurog ang puso ko. Dahan-dahan akong tumayo saka ko hinalungkat ang bag ko. Nagbilang ako ng pera na mahigit sampong libo. Inabot ko ang kamay ng mama nila saka ko ibinigay ang pera. Nanlaki ang mata ng mga bata pati narin ang mama nila.
Bumalik ako sa pagkakayuko.
"Manang..bilhan nyo ng gatas ang baby nyo. Bilhan nyo narin ng masasarap na pag-kain ang lima nyong anak." Tumalon-talon sa tuwa ang mga bata. Sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi mapapalitan ang mga ngiti nila.
"Maraming salamat po ma'am, maraming salamat." Umiyak ang mama nila sa tuwa. Maging ang limang bata ay naiiyak narin.
"Mama..bili tayo ng masarap na pag-kain,"
"Mama..gusto ko po 'yong humburger,"
"Mama may nakadisplay'ng laruan sa park. Bili po tayo!"
Pinagtulongan nilang inalalayang tumayo ang kanilang mama at umalis itong masyang-masaya. Pinapanunuod ko silang umalis na may ngiti sa labi. Ang sarap magkaroon ng mama, na ngayon ay hindi ko na mararanasan pang muli. Napatingala ako sa langit na may namumuong luha sa mata.
"Nay, Tay. Kong sana nandito lang kayo. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito ngayon." Bulong ko saking sarili. Pinigilan kong umiyak at nagawa ko naman 'yon.
Sobrang gaan ng pakiramdam ko ng ako ay bumalik sa kotse. Minadalian ko ang pag-mamaneho dahil hinihintay na ako ni Joyce. Pagdating ko sa Mall ay agad ko syang tinawagan.
"I'm already here, nasan ka?" Luminga-linga ako sa parking lot.
"Ma'am nakita ko na po kayo," Si Joyce at mukhang nasa malapitan lang sya.
Dali-dali syang lumapit sakin saka ko narin ibinaba ang phone.
"GoodMorning po, Ma'am." Pormal nitong bati. Wearing her nerd glass again and it seems she can't leave without it.
Bahagya syang yumuko dahil sa titig ko.
"Joyce...may masakit ba sa mata mo?" Nagulat sya sa tanong ko. Inayos niya ulit ang kanyang salamin pataas, papaba.
"Wala po ma'am..Nasanay lang po ako sa kakasuot nito simula elementary," Sagot nito. Kumunot ang noo ko. Nasanay? bakit kaylangan pang isanay ang mga ganyang bagay kong pwede mo namang subukan lang.
Napasinghap ako!
"Throw it," Bagsak boses ko na ikanatahimik niya.
"P-po?" Utal nito.
"Joyce throw that eye glasses of yours. I'am going to change you right now. Looks, clothes even your hair. Masyadong kulot! Kaylangan mong mag-ayus, Joyce." Wika ko na ikanalag-lag ng panga niya.
"But ma'am," Utal ulit nito.
"No buts, Joyce. This is my order, and Im the boss, right? I wan't you to change for patience." Halos hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi habang buhay ay ganito na lamang sya. She need some change, not for the people around her. But she need to change herself for her ownself. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan yon ng mahigpit."I'm sorry Joyce. Hindi ko sinasabing hindi ka maganda. Maganda ka Joyce, sobrang ganda mo. Gusto ko lang ayusin ang sarili mo. I hope you don't mind," Bahagya syang napayuko. Ang titig niya ay nasa kamay naming dalawa.
"K-asi ma'am. Nakakahiya po eh!" Ngisi niyang mahinhin. Natawa ako sa ngisi niya ngayon at alam kong gustong-gusto niyang mag-bago.
"Huwag kang mahiya. Ako ang bahala sayo. Huwag mo naring problemahin ang gastosin, Joyce. I'am doing this for you. I know you are broken hearted, Joyce." Namilog ang mata niya sa sinabi ko. Tila hindi sya makapaniwala na alam ko ang tungkol dito.
"Ma'am..pano nyo--" Pinutol ko agad ang sasabin niya.
"Through you're status on facebook " Mas lalo syang nagulat. Kinati niya ang kanyang batok sa kahihiyan. Inabot ko ang isa niyang kamay. "Change for the better, Joyce. Iniwan ka diba? kaya mag paganda ka, para mabaliw sya sa kakasunod sayo. But, ofcourse huwag munang balikan. Ipakita mo sa kanya kong gano kaganda ang binitawan niya." Napasinghap si Joyce sa sinabi ko. Ang kanyang titig sakin at di umano'y interesado sya sa pagbabago.
Pagkatapos ng usapin naming 'yon ay pumayag sya sa gusto kong mangyari. Binili ko ang mga damit kong saan sya komportable. Mula sa heels, dress, bag at ang huli ay pagbago ng kanyang itsura. Isinama ko sya sa salon para mag-ayus. Ilang oras din akong nag-antay at hindi nga ako nag-kamali. Mas lalong gumanda si Joyce. Kahit siguro ibalik niya ang kanyang salamin ay mas pumangibabaw ang kanyang angking ganda.
Napag-usapan namin ang pagkikita nila ni Matteo bukas para sa request ko. Mag-papanggap si Joyce bukas bilang ako, kahit isang araw lang.
Sigurado akong mababaliw ka sa kakaisip Matteo. Then, if you refuse everything? ako na mismo ang pupunta sa opisina mo.
Continue...