webnovel

Mary's Sweet Revenge

-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin. Oo, yan ako three years ago. Ang apat na bagay na bumabalot saking pag-katao ay bigla nalang naglaho. Inaapi, nagpapa-api at lalong hindi lumalaban. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao ay nagbabago. Lahat ng sakit ay naiibsan. May umaalis pero napapalitan. May nawawala meron ding bumabalik. Umalis ako para palitan at bagohin ang aking sarili. At nawala ako para paghandaan ang pagbabalik sa mga taong nanakit. Im Virgin Mary and im back for my Sweet Revenge. [MARY's SWEET REVENGE] WRITTEN BY: Mommy_J (All rights reserved 2016)

Mommy_J · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
43 Chs

KABANATA 37

Mary Point of View

Kinaumagahan ay maaga nga akong sinundo ni Venus sa condo ko. Gustohin ko mang huwag sumama ngunit kailangan ko ring makausap si Mr. Francisco. Kinakabahan ako sa puntong ito. Sa sinabi sakin ni Venus nong nakaraang gabi ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Anong balak ni Mr. Francisco at bakit bigla-bigla niya akong tinanggap?

Naalala ko pa noon kong pano niya ako itinaboy at kamuhian ng dahil lang kay Nanay at Tatay. Ginagawa ba nila ito para lang harangin ako sa gagawin kong plano? O baka natatakot syang maagawan ng posesyon sa hospital na iyon. Hindi ako sigurado pero ibang-iba ang kutob ko ngayon. Parang may mali sa mga ngiti ni Venus habang nagmamaneho. Buong akala ko ay ayaw nila sakin pero bakit yata biglang nag-bago?

Naiisip ko si Matteo. Alam niya kaya ito? Alam niya kayang magkapatid kami ni Venus?

"Anong iniisip mo? Kong nagdadalawang isip kang sumama sakin. Pwede kang tumalon palabas ng kotse." bumalik ang diwa ko ng biglang magsalita si Venus. Sobrang lapad ng kanyang ngiti at tila nang-aasar pa sakin.

"Bakit pa ako tatalon kong pwede namang ikaw ang itulak ko palabas ng kotse mo." sarkastiko kong sagot. Sumulyap sya saking nakataas ang kilay.

"Hindi ko lubos maisip na mas maldita ka pa sakin." pabarang niyang sagot na may tawa. Tumawa rin ako kahit walang nakakatawa.

"Hindi naman ako maldita. Hindi ko lang talaga ugaling mag plastikan." matalim niya akong sinulyapang muli. Tinaasan ko sya ng kilay habang nakangiti. Umirap si Venus at tila wala nang maisagot.

Naging tahimik kami buong byahe. Hindi na niya ako muling kinausap pa. Maging ako ay wala naring balak tanongin sya. Ilang sandali lang ay hininto ni Venus ang kotse sa isang malaki at malawak na spasyo ng gate. Sinuri ko ng maigi ang bahay na nasa harap ko ngayon. Naikuyom ko ang aking kamao. Minsan na ako dito nong una kong pinuntahan si Mr. Francisco. Kinakabahan ako ng bumukas ang gate. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maipasok ni Venus ang kotse niya.

Sumulyap ako sa kanya at nahuli ko itong nakataas ang kilay sakin.

"Wala akong pakialam kong anong pag-uusapan nyo ni Daddy. Gusto ko lang maging masaya sya, that's all. Hindi ka na kasama sa gusto ko pang mangyari." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Venus. Padabog syang bumaba ng kotse saka naman ako sumunod.

Nalilito ako sa sinabi niya. Hindi na ako kasama sa gusto niyang mangyari? I know it. I am not mistaken. Scripted ang lahat ng ito. Kong balak nilang kunin ang loob ko at pumayag na makibuo sa pamilya nila ay hindi ako papayag. Hindi ako papayag na gamitin nila ako. Kong gusto nila ng plastikan? Kaya kong gawin iyon.

Sumunod ako kay Venus papasok ng kanilang bahay. Sobrang tahimik at ni isang katulong ay wala akong makita. Tanging gwardya lang sa labas. Bumungad sakin ang kulay puting paligid. Halos puti ang nakapinta mula sa pader, kisame at ang maging sahig ay kulay puti na gawa sa marmole.

"Tatawagin ko muna si Daddy sa may garden. Feel free to look around," ngiti niya bago ako tinalikuran. Pinapanuod ko syang lumabas sa isang malawak na veranda. Siguro iyon ay patungo sa may garden nila.

Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Nakuha ng atensyon ko ang iilang larawan mula sa isang stand. Dahan-dahan akong lumapit mula roon at tinignan ang mga larawan. Sa pagkakaalam ko ay wala na ang Mommy ni Venus. Hindi ko pa sya nakikita pero sa pagkakataong ito ay sigurado akong ito nga ang Mommy niya. Sobrang ganda niya kaya siguro minahal sya ni Mr. Francisco dahil sa sobrang amo ng kanyang mukha.

Mula sa pagkabata, birthday, graduation, at iilang larawan ni Venus ay kasama ang Mommy at Daddy niya. Napahawak ako saking dibdib. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Para bang na iingit ako dahil lang sa mga larawang ito. Napapikit ako sa sakit. Pinipigilan kong maiyak ngunit hindi ko nalang namalayan na may luhang tumulo saking mga mata. Hinahayaan ko ang bawat patak ng aking mga luha.

Ang sakit pala. Ang sakit makakita ng buo at masayang pamilya. Ang sakit mawalan ng magulang. Ang sakit lang kasi dahil panandalian lang pala ang mga kasiyahan na iyon. Panandalian lang palang makasama ko si Nanay at Tatay sa isang simpleng pamumuhay. Bakit ganon? Yong mga taong mahal ko ay iniiwan ako?

Napikit ako at isa-isang pinunasan ang mga luha sa pisnge. Sobrang sakit lang kasi, dahil iniwan ako ni Nanay at Tatay naluhaan. Ang hirap makalimot, lalo na't palagi mong naaalala ang nangyari.

"Mary," isang basag na boses ang umalingawngaw sa buong bahay. Mabilisan kong inayos ang aking sarili bago dahan-dahang humarap kay Mr. Francisco.

Kumunot ang noo ko dahil naka wheelchair sya habang tulak-tulak ng isang katulong nila. Nasa gilid niya ay si Venus na walang ekspresyon ang mukha.

"Maiwan muna namin kayo, Dad." hinimas ni Venus ang likod ni Mr. Francisco. "Tayo na manang. Tulongan na kitang magluto sa kusina," huling sabi ni Venus at tuluyan kaming iniwan sa sala.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong ano ito. Nagagalit, nagtataka, naiinis at nasasaktan. Kuyom ang kamao ko sa galit. Napasinghap ako!

"Gusto mo akong makausap?" una kong salita.

"Maupo ka muna, Mary." sagot niya. Iminuwestra niya ang kulay dilaw na sofa. Dahan-dahan akong umupo mula roon. Sobrang bigat ng damdamin ko. Nasasaktan ako!

"I thought you don't like me as your daughter." sambit ko agad. Dahan-dahan syang napayuko sa sinabi ko.

"I am sorry for what I've done, Mary." natawa ako sa sinabi niya.

"Then you must admit it." sagot ko namang pabarang.

"Naging unfair ako sayo anak." namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto ko syang sigawan pero hindi ko magawa. Kahit papano ay may natitira pa akong respito sa kanya.

"Anak?" sarkastiko kong tanong. "Nasaan ka nong kailangan ko ng ama? And this? You call me anak?" natatawa kong sambit. Napailing ako sa tawa dahil nakakatawa naman talaga. Ngayon pa niya ako tatawaging anak?

"Patawarin mo ako." malumanay niyang sabi. Patawad?

"Hindi ko kaya. Sorry, I think I have to go." aakmang tatayo sana ako ng bigla syang magsalita. Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Francisco.

"Nagalit ako dahil kamukhang-kamukha mo si Floora." padabog niyang sabi na ikinabalik ng upo ko. Naikuyom ko ang aking kamao. Naalala ko ang sinabi niya sakin noon sa bar. Ito ba ang rason kong bakit hindi niya ako tinaggap noon? "Nagalit ako dahil naalala ko ang ginawa sakin ng Nanay mo. Naalala ko kong pano nila ako niluko ni Agoncillio. Hindi mo ako masisi sa ginawa ko, Mary. Iniwan ako ng Nanay mo at sumama sa bestfriend ko." may iilang luha ang bumuo sa gilid ng mata ni Mr. Francisco. Ang kanyang titig sakin ay sobrang sinseryo. Hindi ko alam kong nagsasabi sya ng totoo o gumagawa lang ng kwento para mapaniwala ako o di kaya'y nagmamalinis.

"Hindi ako naniniwala," ngisi ko na may galit. Nanatiling kuyom ang aking kamao.

"I don't need you to believe me, Mary. Gusto ko lang na malaman mo ang totoo. And if you don't believe me after all? Wala akong magagawa. I just want to apologize. Kaya gusto kitang makausap dahil nanghihingi ako ng kapatawaran mo." natawa ako sa sinabi niya. Sobrang bigat ng damdamin ko at hindi ko alam kong anong isasagot ko sa puntong ito. Pagod na pagod na ako! Ang iniisip ko lang ngayon ay si Rocky. Sya nalang ang importante sa buhay ko.

"I wan't to know everything between you and Nanay." naging pormal ang boses ko. Dinig na dinig ko ang malalim na hininga ni Mr. Francisco. Dahan-dahan niyang ginalaw ang wheelchair at lumapit ito sakin. Hinayaan ko lang syang lumapit sakin dahil gusto kong marinig ang lahat. Gusto kong malaman kong bakit hindi sila ang nagkatuluyan ni Nanay at kong bakit itinago ito sakin ni Nanay at Tatay.

"Mahal na mahal ko si Floora," isang pangungusap na ikinalaglag ng aking panga. "Mayaman ako mahirap sya. Party boy ako probinsyana sya. Nagkakilala kami ng Nanay mo sa isang University dito sa Manila. Scholar sya sa school at dumbass naman ako sa buong campus. Sobrang perpekto ni Floora. Maganda, mabait, matalino ngunit maldita. Hindi sya ang tipo ko ngunit nabihag niya ang puso ko." habang sinasabi niya iyon ay may iilang luha ang dumaloy saking mga mata. Ang kanina koy pusong masakit ay biglang lumuwag. "Agoncillio is one of my bestfriend. Isa naroon ang Daddy ni Matteo." namilog ang mata ko sa narinig. Kong ganon? Kilala ni Mr. Antonio si Tatay at Nanay?

"Kilala ni Mr. Antonio si Nanay at Tatay?" tanong ko sa gulat. Dahan-dahang tumango si Mr. Francisco. Natulala ako ng panandalian. Alam kaya ito ni Matteo?

"Minahal ko ng totoo ang Nanay mo noon, Mary. Alam kong minahal niya rin ako. Oo nagkamali ako. I am the bar that night. She saw me kissing with another girl. Lasing na lasing ako non dahil hiniwalayan niya ako sa isang mababang rason. Hindi niya ako kayang ipaglaban sa parents ko. I fight for her, pero mas pinili niyang umalis at sumama kay Agoncillio. Isang araw nalaman kong kasal na sila. Ayaw ko sanang maniwala subalit saksi ako sa kasal niya." napatakip ako saking bibig. Hindi ako makapaniwala na magagawa yon ni Nanay. Hindi ako makapaniwala. Parang sinaksak ako ng iilang kutsilyo sa likod. Ang bigat-bigat ng puso ko.

"Pumunta ka sa Gregoria?" gulat kong tanong na nanginginig. Bahagyang yumuko si Mr. Francisco. Mas lalong lumakas ang daloy ng luha ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito?

"Sumunod ako sa kanila ng ilang araw. I fix my parents decision first, but it's to late. Huli na pala ako. Ang babaeng pinakamamahal ko ay nagpakasal sa bestfriend ko." napahagulgol ako sa narinig. Tila nabingi ako sa sinabi ni Mr. Francisco.  Nagagalit ako kay Nanay ngunit mas pumangibabaw sakin ang sakit. Lumaki akong walang alam. Lumaki ako na puro kasinungalingan ang pumapalibot sakin.

Napayuko habang umiiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili. Naaawa ako kay Mr. Francisco. Bakit ganito ang epekto sakin? Naramdaman ko nalang ang mainit na kamay niya sa hita ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Mas lalo akong naiyak dahil may iilang luha ang pumatak sa mata ni Mr. Francisco.

"Bakit hindi nyo ipinaglaban si Nanay?" tanong ko sa galit. Isa-isa kong hinawi ang aking luha.

"May laban pa ba ako? Wala akong laban sa isang papel na nagpapatibay ng kanilang relasyon. Kasal si Floora at Agoncillio, may magagawa pa ba ako non? Wala na Mary dahil alam kong ginusto iyon ng Nanay mo. Nakita ko syang masaya sa araw ng kasal niya at dahil sa mga ngiti niyang iyon, may rason na ako para bitawan si Floora. Masaya sya kay Agoncillio at iyon ay hindi niya mararamdaman sakin." nagpatuloy ako sa iyak. Nasasaktan ako sa buong katotohanan. Isa lang naman ang gusto kong malaman. Kong bakit niya ako itinaboy? Bakit niya ako hindi tinanggap? Bakit niya ako sinaktan na para bang hindi niya ako anak.

"Hindi nyo ba nalaman na may anak kayo kay Nanay?" tanong ko ng mahinahon. Umiling sya ng ilang ulit.

"Wala akong alam. I sent my spy at Gregoria at ang sabi niya sakin your mom is already pregnant. What you want me to expect for, Mary? Iisipin kong iyon ay akin samantalang kasal sila ni Agoncillio?" naging sarkastiko ang boses ni Mr. Francisco. Bahagya akong yumuko ulit. Kuyom na kuyom ang kamao ko.

"Hindi ko alam kong anong rason ni Nanay at Tatay kong bakit nagawa nila iyon. Isa lang ang gusto kong malaman. Bakit hindi nyo ako tinanggap nong una nating pagkikita?" sa puntong ito ay naging sakim ang boses ko. Patuloy kong pinunasan ang mga luha saking mata. Hinawakan ni Mr. Francisco ang braso ko.

"Hindi mo pa nasasabi sakin ang lahat alam kong anak ka ni Floora. The way you talk, smile even your action ay kuhang-kuha mo si Floora. Nadala ako sa galit non dahil naalala ko si Floora. Mary anak, patawarin mo ako. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo. Matagal ko ng pinagsisihan ang ginawa ko. Gabi-gabi akong hindi makatulog dahil alam ng puso at isip ko na sakin ka nang galing. Patawarin mo ako, Mary. Patawad!" yumuko si Mr. Francisco bago ito humagulgol ng iyak. Napatakip ako saking bibig. Halos sumabog ang dibdib ko sa sakit. Sabay kaming umiyak at tanging hagulgol lang namin ang maririnig sa buong bahay.

Mapapatawad ko ba talaga sya? Hindi ko alam dahil wala akong ibang maisip ngayon kundi sakit at galit.

"Sorry, anak. Sorry!" inabot niya ang magkabila kong kamay at niyakap niya iyon mula sa kanyang mukha. "Handa kong tanggapin ang parusa mo, handa kong bitawan ang posesyon ko sa hospital patawarin mo lang ako. Handa akong magbayad sa ginawa ko." napapikit ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang mainit kong luha saking pisnge. Bawat patak ng luha ni Mr. Francisco ay bumabagsak saking kamay na hawak niya. "Mahal na mahal ko ang Nanay mo mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal ko sya." namilog ang mata ko sa sinabi ni Mr. Francisco. Humihikbi ako sa sakit. Hindi ko na kaya! Bakit ganito kasakit? Bakit ako nasasaktan sa binitawan niyang salita. Dapat nga diba ay magalit ako. Dapat nga diba ay pinaparusahan ko na sya. Pero bakit ngayon ay kusang sumuko ang puso ko? Bakit?

"Daddy?" lumingon ako sa may kusina. Dali-daling lumapit samin si Venus na nag-aalala. Hindi niya ako magawang tignan at dali-dali syang lumuhod sa harap ni Mr. Francisco na ngayon ay nakapikit habang umiiyak. "Manang tulongan mo akong iakyat si Daddy. Bilisan mo!" bulyaw ni Venus at dali-daling lumapit ang isang katulong nila. Hindi ko magawang gumalaw sa kinauupoan ko ngayon.

Hindi rin ako tinitignan ni Venus. Nakapikit si Mr. Francisco habang yakap-yakap ang sarili. Dali-dali nila itong inakyat sa itaas. Napakapit ako saking dibdib. Gustohin kong sundin sila ngunit nawawalan ako ng lakas. Tila hindi ako makatayo sa kinauupoan ko. Ayaw gumalaw ng paa ko lalo na ang bibig ko. Naalala ko ang sinabi ni Mr. Francisco. Mahal niya si Nanay hanggang ngayon? Pano ang Mommy ni Venus?

Napahilamos ako saking mukha. Nagugulohan ako. May parte sakin na huwag maniwala pero mas pumangibabaw sakin ang maniwala.

Lahat ng bagay sa mundo may rason. Ang bawat nangyayari ay planadong planado. Wala naman kasing aksidente, lahat ng 'to ay tinadhanang mangyari. Pero bakit lahat ng nangyayari sakin noon hanggang ngayon ay puro masasakit? Kailan ba ako magiging masaya? Kailan ko ba makakamit ang kaligayahan na minimithi ko?

Isa lang ang naiisip ko ngayon. Magiging malaya at masaya lang ako kong buong puso ko silang papatawarin lahat. I think its about time to forgive and forget, learn to let go of the things that didn't meant for me. I am now ready to let go my pride and anger. I am sorry. Naging masama ako ng sandali. I have to fix this. I have to be matured to fix everything.

Para sa katahimikan ng lahat. It's begin with forgive.

***

Venus Point of View

Pagkatapos naming painumin ng gamot si Daddy ay mahimbing na itong nakatulog. Titig na titig ako sa kanya habang hinimas-himas ko ang kanyang noo. Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam kong magagalit ba ako kay Mary. Hindi ko alam kong sisisihin ko ba sya sa pag-iyak ni Daddy ngayon. But I can't. I know the reason behind. I already know about my Daddy's past. I already know about Mary's mom. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat.

Dahan-dahan akong tumayo bago kinumotan si Daddy ng maayos. Sumulyap ako kay Laylay ang katulong namin.

"Ikaw na ang bahala kay Daddy," saad ko bago ito tumango. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Daddy. Dumungaw ako mula sa ibaba at nanatiling nakaupo mula doon si Mary.

Bumaba ako at lumapit sa kanya. I don't see anything of her face. Halo-halo ang ekspresyon ng mukha ni Mary ngayon. Inaamin ko, nag-sisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Nag-sisisi ako sa nangyari samin noon.

"We have to talk," saad ko na ikinataas niya ng kilay. Umupo ako sa kabilang sofa sa may gilid niya. "Do you want anything? Juice? Coffee?" sunod-sunod kong tanong.

"I'm okay. I don't need anything!" mapakla niyang sagot. Napairap ako. Hindi ko alam kong tatanggapin ko ba talaga si Mary, o habang buhay ko na syang iinisin palagi.

"You know what, Mary. I don't care about my parents past, your parents past. I wan't peace of mind, gusto ko ng tahimik na buhay. You know what, I am sorry. I am sorry for everything." nag taas sya ng kilay habang sinusuri ako. I know, I know she's checking my expression if I am telling this fucking truth of mine. "I am serious, Mary. I am sorry from the bottom of my heart." bigla nalang sumikip ang dibdib ko sa puntong ito. Napasinghap ako sa sikip. Hey guys, I am telling the truth. I am sincere.

"Ikaw ba talaga yan, Venus?" sarkastiko niyang tanong sakin. Umirap ako dahil sa inis.

"What do you think of me? Alien? Picture? Chandelier?" padabog kong sagot na ikinangisi niya ng mahina. "Ito na nga oh, nanghihingi na ako ng sorry tapos tatawanan mo lang?" bulyaw ko na ikinatahimik niya.

"I am not forcing you to apologize, Venus. Stop the drama." ngisi niya sakin. Namilog ang bibig ko sa sinabi niya. What the heck! Ibinaba ko na nga itong pride ko tapos iyon lang ang sasabihin niya? Oh my ghad.

"Fuck, Mary. Nagsasabi ako ng totoo. Gusto kong mag kaayos tayo. Gusto kong kalimutan ang alitan nating dalawa. Patawad sa mga kasalanan ko, patawad sa ginawa ko." sabi ko ng walang pag alinlangan. Naging seryoso ang mukha ni Mary. Fine, she's beautiful. We know that right? But hello mas maganda ako.

"Ganon lang ba kadali? Ganon lang ba 'yon? Sorry? Yon lang? Hindi matutumbasan ang sakit na ginawa nyo saking lahat sa isang sorry lang, Venus. Madaling magpatawad, pero hindi madaling makalimot." umigting ang panga ko sa sinabi niya. Gustohin ko mang sampalin si Mary ngayon, but I have to hold my pride.

"Hindi kita pipiliting patawarin kami ni Daddy. The important is, we say sorry to you. Nagsisisi kami sa lahat ng ginawa namin, Mary. At isa pa, hindi lang ikaw ang nasaktan dito. Hindi lang ikaw ang naluko at naging tanga dito. Dahil pati ako. Niluko, sinaktan, at naging tanga. Hindi ko naman aakalaing magkapatid tayo eh. Pareho tayong nagmahal ng isang lalaki. Oo mahal ko si Matteo, pero sa puntong ito mas mahal ko ang sarili ko. Hindi mo ba iyon naiisip? Pareho tayong natikman ni Matteo. Pareho niya tayong minahal subalit mas nauna lang ako sayo." salaysay ko naay ngiti. Kitang-kita sa mata ni Mary kong pano sya nagalit sa sinabi ko. Kitang-kita sa panga niya kong gano sya naiirita. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. Mary, Mary, Mary. Ayaw ko ng makipag-away sayo dahil hindi ka naman nakakaganda. 

"Hindi ka niya mamahalin kong hindi ko sya sinaktan diba?" ngisi ko na ikinatayo niya. Aakmang sasampalin niya ako ng magsalita ako agad. "Kong hindi dahil sayo hindi ko mari'realize na iba pala ang gusto ko, na iba pala ang mahal ko. Salamat at inagaw mo sakin si Matteo, dahil sa ginawa mo bumalik ako sa taong mas magmamahal pa sakin." kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.

"Correction, hindi ko inagaw si Matteo sayo. Kusa syang lumapit sakin, Venus." sagot niyang may galit. Natawa ako!

"Oh come on, Mary. Wala na akong pakialam kong anong irarason mo. Listen, gusto kita bilang kapatid ko." kusa nalang iyong bumitaw sa bibig ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang magkabilang kamay. "Sorry naging masama ako sayo. Sorry sa lahat-lahat, sorry." agad kong niyakap si Mary. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko maramdaman ang yakap niya pabalik but this time, may luhang pumatak sa magkabila kong mata. Hinahayaan ko lang iyon and beside masaya ako sa ginawa ko. Para akong nabunotan ng tinik na bumubuo sakin ng puot at galit.

Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga luha. Humarap ako kay Mary na ngayon ay may bumubuong luha sa kanyang mga mata. Napangiti ako, alam kong gusto niyang umiyak at alam kong kinakain pa sya ng kanyang pride.

"Pinapatawad mo na ba ako?" nabitawan ko ulit ang salitang iyon. Nag-iwas ng tingin si Mary bago inayos ang sarili.

"I don't know. Mahirap ang mag patawad. Hindi ko alam, Venus." umiiling sya ng ilang ulit. Napayuko ako. Hindi ko rin alam kong tama ba itong gagawin ko. Hindi ko alam kong magagalit ba si Matteo pag ginawa ko ito.

"Kong sasabihin ko ba sayo ang buong katotohan kong bakit ginawa namin ni Matteo iyon, mapapatawad mo ba ako?" namilog ang mata niya sa sinabi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Siguro ito na ang tamang panahon para malaman niya ang totoo. Ang kaototohanan kong bakit nagawa namin iyon ni Matteo.

"Hindi kita maintindihan, Venus. Anong katotohanan ang sinasabi mo?" nalilito ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. Napapikit ako!

"Mary mahal na mahal ka ni Matteo. It was all lie, about me and Matteo is just all lie. It's all scripted, Mary listen to me. Halos mabaliw si Matteo nong mawala ka. I tried my best para pasayahin sya, but hindi ko nagawa. Mary ayaw ko sanang malaman mo ito mula sakin ngunit mukhang nahuhulog kana kay Rocky. Sinasabi ko ito dahil sa ayaw ko kay Rocky, sinasabi ko ito dahil ayaw kong malito ka sa mga disesyon mo. I know about you and Rocky since before." mas lalo kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Mary. Ang kanyang mukha ang puno ng pagtataka, pangangamba at takot. "Mary hindi ko alam kong pano sasabihin ito. May sakit si---,"

"V-Venus---," namilog ang mata ko sa narinig. Sabay kaming humarap sa main door at nakatayo mula roon si Matteo.

***

Mary Point of View

Nawalan ako ng ekspresyon ng tumambad samin si Matteo. Kanina pa ako kinakabahan. Halos hindi ako makahinga sa narinig mula kay Venus. Nanginginig ang kamay ko sa takot, nangangamba ako kong ano man ang katotohanan sa kabila ng lahat ng 'to. Napahawak ako ng mahigpit saking sling bag.

"Babe?" namilog ang mata ko sa sinabi ni Venus. Mabilisan ko syang nilingon na may inis. Kanina lang ay ang sabi niya'y may iba na syang mahal. Ngunit tinawag niyang "Babe" si Matteo?

Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko. Siguro ay dala sa galit. Siguro ay nang dahil sa katangahan na paniwalaan ang lahat ng sinabi ni Venus kanina.

Sobrang higpit ng pagkakuyom ng aking kamao. Sinundan ko ng tingin si Venus. Tumakbo sya palapit kay Matteo na nakabahagi ang magkabilang kamay nito para yakapin si Matteo.

"Babe!" saad nito sabay nang pagbilog ng aking mata. Kumunot ang noo ko ng nilagpasan ni Venus si Matteo. Tumagilid si Matteo at dahan-dahan kong naaninag ang lalaking nasa likuran niya. Nalaglag ang panga ko sa nakita.

"Clark?" bulong ko saking sarili. Yumakap si Venus sa nakakabatang kapatid ni Matteo. Kong ganon? Si Clark ang ibig sabihin ni Venus? Kumaway sakin si Clark na may ngiti. Hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya dahil nanatili akong nakatulala.

Sumulyap ako kay Matteo at Venus. Tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Mary, Matteo. Maiwan muna namin kayo. Bye guys take your time." kaway ni Venus at inakbayan ito ni Clark. Napapikit ako, nalilito sabayan mo pa sa pananakit ng aking ulo.

"Mary," agaran kong binuksan ang aking mata. Napaatras ako dahil nasa harap ko na si Matteo. Sobrang lapad ng ngiti niya. Ang kanyang magkabilang pisnge ay sobrang pula. Magulo ang kanyang buhok subalit nagpapabagay ito sa kanya. Nagsimulang tumakbo ng mabilis ang puso ko. Halos hindi ako makahinga ng lumapit sya sakin ng kaunti.

Continue...