Agad akong lumapit sa kanila na may pagtataka. Bakit sila nandito? Bakit sila nagkakasiyahan? Kitang-kita sa mga ngiti ng mga kaibigan ko kong gano sila katuwa habang nagsasalita si Robi.
"Oh andyan na pala si Maey," kumaway si Ivony sakin. Sabay silang napalingon sa direksyon ko. Halos matalisod ako ng tumambad sakin si Rocky at Matteo na magkatabi sa iisang sofa.
Ngumisi ako sa kanila bago inayos ang sarili.
"Just wow. Mas lalong gumanda yata si Mary ngayon ah." tumayo si Robi na ikinalapit ko. Nakipag beso-beso ako sa kanya.
"I agree with that, dude. Kaya pala patay na patay si--," nagkatinginan si Clifford at Robi habang nag-uusap ang kanilang mga mata. Kumunot ang noo ko na ikinatawa nilang dalawa. "HAHA! Never mind." lumapit sakin si Clifford at nakipag beso-beso rin.
Lumingon ako sa gilid kong nasan si Matteo at Rocky ay magkatabi. Si Matteo na nakasandal sa sofa habang naka number four ng upo. May hawak syang baso ng alak habang ipinaikot-ikot niya ang yelo mula sa loob nito. Inilipat ko ang tingin kay Rocky. Sobrang maaliwalas ng kanyang mukha. Lumapit ako sa kanya at tumabi.
"Sorry." agad kong sabi. "Nag-usap kami ni Venus." gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo.
"Nag-usap kayo? Kong ganon? Alam na niya ang lahat?" napasinghap ako bago dahan-dahang tumango. Hinawakan ni Rocky ang kamay kong nasa aking hita. "I think we should talk this later. Okay ka lang ba?" napangisi ako sa pag-alalang tanong ni Rocky.
"Maybe. Pero tika lang. Bakit sila nandito?" kunot noo kong tanong bago sinulyapan si Clifford at Robi na tila nag eenjoy sa apat kong kaibigan. Sumulyap ako sa gilid ni Rocky kong nasan si Matteo. Nanlaki ang mata ko dahil sa amin ito nakatitig habang sumisimsim ng alak.
"Pagdating ko ay nandito na sila. They here for some chill. Nakita lang daw nila yong apat mong kaibigan kaya sila nakisabay sandali dito." sagot ni Rocky ngunit nanatili akong nakatitig kay Matteo. Kumukulo ang dugo ko pag nakikita sya. Hindi ako natutuwa sa kahambogan niya ngayon. Umiinom sya ng alak na may ngiting hindi ko alam kong ano. "Mary, are you okay?" bumalik ang diwa ko ng hinimas ni Rocky ang pisnge ko. Umayos ako ng upo bago tumango.
"Umalis na tayo," nagulat kami sa biglaang pagtayo ni Matteo bago nilagok ang isang basong alak. Natigilan sila sa tawanan.
"Oh? Kararating lang natin dito? Uuwi kana? Sumabay muna tayo sa kanila, dude. Maaga pa naman para umuwi." sambit ni Robi na bumubuga ng usok ng sigarilyo. Nahuli ko ang pag siko ni Clifford kay Robi at hindi ko alam kong bakit iyon ginawa ni Clifford sa pinsan niya.
"Pagod narin ako. May laro pa tayo bukas diba? I think we need to go now, dude." sinuntok ni Clifford ang braso ni Robi.
"Pano ba yan girls? Mauna na kami sainyo. Manuod nalang kayo sa laro namin bukas huh? Aasahan ko kayo roon." wika ni Robi na mukhang lasing narin. Nagmamaktol ang mga mukha ng apat dahil aalis na ang tatlo. Napailing ako sa tawa at the same time.
"Tsss... I'm just wasting my time here," nagulat kami sa mabilisang pag-alis ni Matteo. Nakapamulsa itong naglakad at dali-daling sumulong sa gitna ng dance floor. Hindi ko alam kong bakit bumigat ng ganito ang pakiramdam ko. Naiinis ako sa pag-alis niya ng walang paalam, nagagalit ako sa sinabi niya.
"Pasensya na guys. Wala yata sa mood ang pinsan namin." saad ni Robi at sabay silang nagtawanan ni Clifford. Napailing ako sa tawa. "Rocky, mauna na kami sainyo." lumapit si Robi at Clifford samin bago ito nakipag high five kay Rocky.
"Sige mga dude. Sa laro nalang tayo magkita-kita bukas." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rocky. Anong laro?
Tuluyan ng umalis ang dalawa sabay ng pag mamaktol ng apat.
"Hayy. Ano ba yan!" si Jessica at padabog na sumandal sa sofa.
"Umuwi na sila. Ang sarap pa namang kausap ni Robi," nguso ni Ivony bago lumagok ng alak.
"Ang KJ kasi ni Matteo eh. Nakita lang magkahawak ang kamay ni Maey at Rocky umusok agad ang tenga. Hayy!" namilog ang mata ko sa sinabi ni Grace. Agaran kong binawi ang kamay ko na hawak ni Rocky. Umayos ako ng upo. Hindi ko alam pero ramdam ko ang init ng aking pisnge. Hindi na ako bata para makaramdam ng ganito.
"Kayo talagang tatlo. Puro kayo kalandian. Hindi nyo rin ba naiisip na mga boss natin iyon," sermon ni Erika sa tatlo. Isa-isa silang nagtawanan at sabay tumingin samin. Kitang-kita sa mga mata ng apat kong pano sila kiligin at nang-aasar samin ni Rocky.
"Oh? Bakit ganyan kayo makatitig?" saad ko at isa-isa silang kinunotan ng noo. Nagkatinginan ang apat at sabay tumayo. Mas lalo akong nagtaka dahil pareho silang sabay tumayo.
"Wala hehe. Sasayaw muna kami huh? Let's go girls." anyaya ni Grace na ikinatango ng tatlo. Anong meron? May itinatago ba sila sakin?
"Maiwan muna namin kayo Sir Rocky," Kaway ni Ivony habang naka kindat pa. Pinapanunuod ko silang umalis. Sobrang saya nila na para bang mga bata. Gumuhit ang malaking question mark saking mukha.
Una, bakit nandito kanina ang tatlo. Pangalawa, bakit umalis agad ang apat ng wala manlang maayos na dahilan. Anong meron? Dahan-dahan akong sumulyap kay Rocky at nakangiti na ito sakin.
"Nagugulohan ako." kunot noo kong wika. Natawa si Rocky. Isang tawa na ikinapula ng aking pisnge. Naging isip bata na ba ako? Bakit parang lahat ng bagay na konektado sakin ay bigla-bigla akong nagiging walang alam.
"Saan ka nagugulohan? They are just happy Mary. Anong magulo don?" natatawang sambit ni Rocky. Nagkibit ako ng balikat bago lumingon sa dance floor. Masaya silang nag-sasayaw at mukhang nadala yata sa kalasingan.
"Siguro nga at tama ka. Gusto mong uminom?" anyaya ko sabay ngusong turo sa mga alak sa mesa. Tumango si Rocky at napagpasyahan naming uminom ng kaunti.
Hinahayaan ko nalang ang apat na magsaya at sumayaw sa dancefloor. Mas itinuon ko ang aking pansin kay Rocky.
Hindi ko alam kong bakit iba ang nararamdaman ko pag kasama sya. Parang may mali kay Rocky at gusto kong malaman kong ano iyon. Matagal ko naring napapansin ang pamumutla ng kanyang labi. Ang pananamlay ng kanyang katawan at panghihina ng kanyang boses. Kinakabahan ako sa maari kong katanongan sa kanya.
"R-Rocky," saad ko na ikinalingon niya. Sobrang lapad ng ngiti ni Rocky. Kahit madilim at tanging ilaw lang ng disco light ang nagbibigay liwanag samin ay alam kong namumutla sya.
"B-Bakit Mary? Pagod ka na ba? Gusto mo ng umuwi?" sunod-sunod niyang tanong. Umiling ako ng may tawa. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang namumutla. Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko?
"May sakit ka ba?" wala sa sarili kong tanong. Natawa si Rocky ng mahina. Dahan-dahan niyang ibinalik ang baso sa mesa. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang braso saking braso. Tila nanghihina ako!
"Oo Mary at matagal na ang sakit na 'to." namilog ang mata ko sa sinabi niya. Agaran akong lumapit sa kanya ng kaunti. Hinimas ko ang kanyang noo maging ang kanyang leeg.
"Are you sure? Bakit hindi mo sinabi agad sakin? Matagal ko ng napaghahalatang lagi kang namumutla. May itinatago ka ba sakin Rocky huh? Anong sakit mo?" sunod-sunod kong katanongan at patuloy hinimas-himas ang kanyang noo at leeg. Sobrang nag-alala ako para sa kanya. Hindi ko kayang may mangyaring masama kay Rocky. Wala na akong pagkukunan ng lakas ng loob.
Nagulat nalang ako dahil hinuli niya ang kamay ko. Natigilan ako sa ginagawa ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng tinitigan niya ako ng malalim. Seeing him directly makes my heart really beat fast. Nakagat ko ang aking ibabang labi bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko alan kong bakit nangi-nginit ang pisnge ko. Siguro ay dala ito sa inumin o di kaya'y tuluyan na nga akong nahulog kay Rocky.
Pero---? Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Tinignan ko sya sa mata.
"Sabihin mo nga sakin ang totoo. May itinatago ka bang sakit?" ulit ko sa kunot noo. Dahan-dahang lumapad ang ngiti ni Rocky.
"Dito," dahan-dahan niyang ibinaba ang palad ko sa may puso niya. Napangiti ako at hindi ko alam kong maiinis ba ako sa kanya ngayon. "Matagal na ang sakit na ito, Mary. Isang sakit na tanging ikaw lang ang lunas." napanguso ako sa sinabi ni Rocky. Natawa ako ng mahina.
"Rocky naman eh!" pagmamaktol ko na mas lalo niyang inilapit. Napahawak ako ng mahigpit saking skirt. Nanatiling hawak niya ang kamay ko na idinikit niya sa kanyang dibdib.
"Mahal na mahal kita, Mary. Pano nalang ako pag wala ka?" parang sinaksak ng iilang kutsilyo ang puso ko sa sinabi ni Rocky. Kitang-kita sa mata niya kong gano niya ako kamahal. Napapikit ako ng mariin. Ramdam na ramdam ko ang bawat kabog ng kanyang puso. "Do you know that I love you so much. already told you that. But I'm going to keep saying it again. I love you, Mary." napakagat ako saking labi. Pinipigilan kong magsalita at hindi ko din naman alam kong anong isasagot ko sa kanya.
"R-Rocky," pigil ko sa muli niyang pagsalita. Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit niyang hawak saking kamay mula sa kanyang dibdib.
"There is no lies in these words, Mary. Not one bit. Alam kong hindi ka pa handa sa ngayon. Pero sana ay hayaan mo akong iparamdam sayo kong gano kita kamahal." ang sarap pakinggan sa sinabi niyang iyon. Ang sarap sa damdamin. Ang daming babaeng naghahangad sa pagmamahal ni Rocky at sobrang swerte ko dahil ako pa ang minahal niya ng ganito. Ako pa ang napili niyang tiisin at hintayin. Am I deserving for him? Am I deserve for his love? Every man must get love. No man deserves to go unpunished. Pero para ba talaga ako sa kanya? Deserve ko bang mahalin si Rocky? Kaya niya kaya akong tanggapin kong ano ako noon at ngayon?
Dahan-dahan kong hinimas ang pisnge ni Rocky. Napapikit sya sa ginawa ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo syang gumwapo ng malapitan. Ang swerte ko! Ang swerte, swerte ko!
"Mahal na mahal kita, Rocky." sagot ko na ikinangiti niya. Dinala niya ang palad ko sa labi niya at hinalikan iyon. Ramdam na ramdam ko ang init at lambot ng kanyang labi. Halos mag sitindigan ang balahibo ko sa kaba. Ang sarap sa pakiramdam!
Hinahayaan ko syang gawin niya iyon.
"Hindi man kita masasagot ngayon, Rocky. Sayo lang din naman ang bagsak ko pagkatapos ng lahat na 'to. Pangako hindi magbabago ang isip ko, Rocky. Mahal na kita!" umaliwalas ang mukha ni Rocky sa sinabi ko. Nagulat ako ng hinila niya ang magkabila kong bewang at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat Mary. Pangako hindi ka mag-sisisi. My love for you is unchange. God know's how much I love you, Mary." mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na yakap ni Rocky. Siguro ito na ang tamang panahon para bagohin ang lahat.
Tama na siguro! Tama na ang lahat at sapat na si Rocky para sakin. Simula noong una hanggang sa huli ay sya ang palaging nasa gilid ko. He deserve my love, he deserve to love and beloved. He deserve to be happy. I want to give him all the happiness that he deserves. Hindi ako nagkakamali sa nararamdaman ko, at mas lalong sigurado ako sa bawat pintig at tibok nito. Si Rocky ang isinisigaw ng puso ko. Mahal ko na si Rocky. Mahal na mahal! Takot na takot akong masaktan sya, takot na takot na akong mawala sya. Nasanay at sinanay niya akong kasama sya. Hindi ko na kayang mawala ka pa sakin Rocky.
Kailangan ko ng taposin ang laban na to. Kailangan ko ng sumuko patungo kay Rocky.
Sinabi ko sa kanya kong anong pinag-usapan namin ni Venus kanina. Maging sya ay hindi makapaniwala. Sa pagkakataong ito ay hawak ko ang disesyon. Nasa akin lang kong tatanggapin ko ang anyaya ng mag ama. Kong ano man ang mangyayari ay handa akong ipagtanggol at susuportaan ni Rocky.
Nag tagal kami sa bar bago napagdesyonang umuwi. Hinatid namin ang apat bago kami dumirekta sa condo ko. Gusto ko pa sanang makasama si Rocky subalit ay kailangan niyang bumalik agad sa Batangas. May appointment sya ng kliyinte niya roon.
Bumagsak ang katawan ko sa pagod. Nakapag ayos narin ako ng aking sarili. Gumapang ako sa kama ng patalikod. Naiisip ko ang nangyari kanina. Masaya kaming nagsasayaw sa dancefloor. Buti nalang talaga at nandoon si Rocky ng sa ganoon ay safe ang apat.
Napa upo ako sa kama ng maalala ko ang sinabi ni Erika. Natampal ko ang aking noo. Bakit ko nga ba hindi iyon naalala kanina. Nakalimutan kong tanongin sya tungkol sa nakita niya.
Dali-dali kong inabot ang aking phone at denial ang kanyang numero. Nakadalawang tawag na ako ngunit hindi niya sinasagot. Siguro ay sa susunod ko nalang kakausapin si Erika.
Napasinghap ako at pumikit. Hindi pa ako nakakaidlip ay biglang tumunog ang aking phone. Siguro ay si Rocky ito. Dali-dali ko iyong inabot sa mesa. Kumunot ang noo ko dahil pangalan ni Matteo ang lumabas sa screen.
From Matteo:
Open the door please!
Napaupo ako sa kama dahil sa gulat. Open tha door? Don't tell me nasa labas sya ng condo? Bakit sya nandito? Pano sya nakapasok ng building sa ganitong oras? Kumulo ang dugo ko sa galit at dali-daling lumabas ng kwarto ko. Padabog akong tumungo sa main door. Binuksan ko iyon sabay ng pagkalbog ng aking puso.
Nakayuko si Matteo habang ang isa niyang kamay ay nakasandal sa gilid ng pintoan. Nakapamulsa naman ang kanyang isang kamay habang naka ikis naman ang isa niyang paa sa kabila. Nagmumukha syang modelo sa posesyon niya ngayon. Kumunot ang noo ko dahil sa gusot niyang suot. Anong nangyayari sa lalaking ito?
"Why are you here? Gabi na at---,"
Naputol ang sasabihin ko ng inangat niya ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata ko sa itsura niya.
"Anong nangyari sayo? Bakit may mga pasa ka sa mukha?" bulyaw ko subalit ngumiti lang ito kahit may dugo pa sa labi.
"Nilabas ko lang ang galit ko." sagot niyang mapakla.
"Nilabas ang galit mo? Kanino? Saan? Nakipag-away ka? May binugbog ka?" sunod-sunod kong tanong. Mas lalong gumuhit ang masaya niyang mukha. "Anong nakakatawa Matteo?" pagbabanta kong tanong na ikinapawi ng kanyang ngiti.
"Nah. Gamotin mo nalang ang sugat ko."namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Nagsimulang kumulo ang dugo ko sa inis.
"Wow? At dito mo pa talaga naisip pumunta? Sakin pa talaga? Hiyang-hiya naman ako sayo Matteo." nakapamewang kong sabi. Hindi ko alam kong bakit kanina pa sya tumatawa. Ngayon pa ako nakaencounter ng taong tumatawa dahil nabugbog.
"Sayo lang naman kasi gumagaling ang sugat ko," natahimik ako sa sinabi niya. Ang kilay koy nagkasalubong kanina ay umatras.
"Umuwi kana. Hindi ko iyan magagamot. Hindi ako nurse," aakmang isasara ko ang pinto ng hinarang niya ang kanyang katawan. Dali-dali syang pumasok sa loob at sya na mismo ang sumara ng pinto. Hindi ko alam kong bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Dahil ba sa galit? O dahil alam na alam ko ang ugali ng lalaking ito.
"Can you be my nurse for this night, baby? Please." kumunot ang noo ko sa puppy eyes niyang ginawa. Sinuri ko ng mabuti ang mukha ni Matteo. Parang ako ang nasasaktan sa sugat niya sa mukha. Sobrang sakit tignan.
"Fine, maupo ka sa sofa. Pagkatapos kitang gamotin. Umalis ka agad." sagot ko at dali-daling pumasok ng kwarto. Tumungo ako sa drawer at kinuha ang first aid kit sa ilalim nito.
Pagbalik ko sa sala ay nakaupo na si Matteo sa sofa. Suot ang kulay puti niyang long sleeve ay nakatupi ito hanggang siko. Napadpad ang mata ko sa nakabukas niyang botones sa may leeg. Ano ba itong naiisip ko? Shit!
Naipilig ko ang aking ulo bago lumapit sa kanya. Halos hindi ako makalakad ng direstso dahil sa titig niya sakin ngayon. Tumabi ako sa kanya ng may distansya. Binuksan ko ang box at alam kong pinapanunuod niya ako. Nilagyan ko ng betadine ang bulak bago sya sinulyapan.
"Lumapit ka dito," suhestyon ko na ikinalapit niya ng kaunti. Walang ekspresyon akong tumitig sa kanyang mukha. "Ano bang napasok sa isip mo at nakipag bugbogan ka?" sermon ko. Hinahayaan niya akong dampiin ang kanyang mga sugat sa pisnge gamit ang bulak.
"Dahil galit ako," sagot niyang sakin nakatingin. Napangiwi ako!
"Dahil lang dun? Nandadamay ka pa ng ibang tao? Tss. So stupid, Matteo." sa galit ko ay napangiwi sya dahil padabog kong itinulak ang bulak sa kanyang pisnge.
"Dahil nagyakapan kayo ni Rocky. Sapat na ba iyong rason?" natigilan ako sa sinabi niya. Bumagsak ang kamay ko saking hita. "You don't know how it hurts, baby." ngumisi ako sa gilid ng aking labi dahil alam kong nasasaktan sya.
Ipinagpatuloy ko ang pag gamot sa kanyang pisnge.
"Dapat kasi ice nalang ang kinuha ko eh." pagmamaktol ko at gusto kong ibahin ang usapan. Nagulat ako ng hinuli ni Matteo ang kamay ko. Nagsimulang bumilis ang tabok ng puso ko.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" isang pangungusap na ikinatigas ng aking katawan. Mariin akong huminga ng malalim.
"Hindi na." simpleng sagot na ikinayuko ni Matteo.
"Bakit ang dali mong nakalimot?" tanong niya sakin na ikinagalit ko.
"Dahil ang dali mong nakahanap," sagot ko naman. Naging seryoso ang pagitan naming dalawa. Tila magsisimula ulit kaming magsumbatan.
"Hindi ako nakahanap, Mary. Dahil ikaw lang naman ang hinahanap ng puso ko." confident niyang sagot. Napailing ako sa tawa!
"Sapat na sakin ang mga nakita ko noon, Matteo. Sapat na para makalimot." sagot ko ring hamon. Bahagya syang yumuko. Ramdam na ramdam ko ang mabigat niyang hininga.
"Lahat ng iyon ay hindi totoo, Mary. Nagawa ko lang iyon dahil mahal kita." natawa ulit ako sa sinabi niya. Gusto kong humalakhak sa pagmumukha ni Matteo ngayon.
"Dahil mahal mo ako? Kong mahal mo ako hindi mo iyon gagawin. Totoo man o hindi dapat alam mo na iyon, Matteo." naging marahas ang boses ko sa galit. Nagagalit lang ako pag naalala ang lahat. Nasasaktan lang ako ulit pag pinag-uusapan pa namin ang nakaraan. "Magpapaliwanag ka sakin ngayon? Para saan pa?" dugtong kong sabi. Nanatili syang nakatitig sakin.
"Para bigyan mo ulit ako ng isa pang pagkakataon." napailing ako sa tawa. Napahilot ako saking noo.
"Everybody wants a second chance, but not everybody deserves one, Matteo. Not you!" wika ko. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Nanginginig ako at hindi ko alam kong bakit.
"Forgive me, it's enough for me." saad niya. Kaya ko na ba talaga syang patawarin? Hindi ako sigurado pero para ito sa ikakatahimik ko at niya.
"Pinapatawad na kita. Kalimutan nanatin ang nakaraan. Okay kana?" ngiti ko. Natawa si Matteo habang hinimas-himas ang kamay ko.
"Hindi okay." sagot niya na agad kong ikinabawi ng aking kamay. "It's not okay until i move on." natampal ko ang aking noo sa pagod. Napasinghap ako dahil sa totoo lang ay inaantok na ako.
"Pagod na ako Matteo. Please, umuwi kana." suhestyon ko.
"Halata nga," sagot niya at tinignan akong may malademoyong ngiti. "You forgot to wear your bra." namilog ang mata ko at mabilisang niyakap ang sarili. Shit! Napamura ako saking isipin. Sobrang nakatayo ang dalawa kong bundok at hindi ko manlang naiisip iyon.
Sobrang init ng pinsge ko. Nang-iinit
rin ang katawan ko.
"Damn, Matteo. Umalis kana. Shit!" nagmura ulit ako at dali-daling tumayo. Nanatiling yakap ko ang aking sarili.
Tawang-tawa si Matteo ngayon. Ang kanyang ngiti ay halos umabot hanggang tenga.
"It's okay baby. Remember, I already see that, not just see. I already taste it." nguso niyang turo saking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Inis na inis ko syang hinarap.
"Ewan ko sayo. Umuwi kana!" dali-dali ko syang tinalikuran at mabilis pumasok sa kwarto. Sumulyap akong muli sa kanya. "Don't forget to lock the door," huli kong sabi bago isinara ang pinto ng kwarto.
Napahawak ako sa magkabila kong pisnge. Ang init-init! Hindi ko alam kong bakit ako natatawa ngayon. Dali-dali akong lumapit sa salamin at tinignan ang sarili. Namilog ang mata ko dahil sobrang klaro ng dibdib ko. Ang kulay puting silky dress na suot ko ay nakalimutan kong sobrang ikli pala nito. Napahilamos ako saking mukha dahil sa kahihiyan. Gusto kong sumigaw sa inis pero hindi ko naman maiwasang tumawa.
"I hate you! I hate you!" sigaw ko habang sinasabunotan ang buhok.
"Mary?" namilog ang mata ko dahil sa isang boses na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Mabilisan akong humarap sa pintoan.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? I told you just leave and lock the door." sigaw ko ngunit sinara niya lang ang pinto.
"Na lock ko na." sarkastiko niyang sagot. Mas namilog ang mata ko dahil naghubad sya ng sapatos.
"Hey. What are you doing?" tanong kong pasigaw. Nagkibit lang sya ng balikat.
"I can't go home like this. Can I sleep with you?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Dali-dali niyang hinubad ang kanyang sleeveles pagkatapos ay ang kanyang pants. Nag-iwas ako ng tingin dahil tanging itim na boxer ang suot niya. Kitang-kita ang kabuohan ng kanyang ibabang bahagi.
"Matteo ano ba! Lumabas ka sa kwarto ko ngayon din. Kong gusto mong matulog edi sa sofa ka huwag dito. Respito naman oh..." sigaw ko sa sobrang galit. Sumulyap sya sakin na natatawa. Humiga sya sa kama ng nakatitig sakin.
"Why you just don't sleep with me, Mary. Wala naman tayong masamang gagawin. Unless, you expect me for doing bad thing." namilog ang bibig ko sa sinabi ni Matteo. Halos mataranta ang kilos ko at gustohin na syang batohin ng unan.
Literal akong hindi makagalaw. Nakahiga na sya saking kama at tila hinahamon akong magalit ng lubosan.
"Come on baby. I will behave, I promise." saad niya pang paniguradong-panigurado. Baliw na ba ako para tabihan sya? Baliw na ba ako para sabayan sya sa kanyang kabaliwan ngayon?
Hindi ko alam at wala akong ideya kong sinong tumulak sakin para lumapit sa kama. Ang alam ko lang ay sobrang bigat na ng aking mata at gusto ko ng matulog saking kama. Wala na akong nagawa at tuluyan ng gumapang sa malambot kong kama.
Dahan-dahan akong humiga at dali-daling kinumotan ang katawan. Tinalikuran ko si Matteo na may kaba at pawis sa noo. Rinig na rinig ko ang tawa niya mula saking likuran.
"Hmhmhmhmhm," ungol niya bago ko maramdaman ang mainit niyang kamay saking tyan. Ipinulupot niya ang kanyang kamay saking bewang at isinubsob ang kanyang mukha saking leeg. Hindi ako makagalaw! Hindi ako makapagsalita. Gustohin ko mang itulak sya subalit may pumipigil sakin. Parang may pumipigil saking sarili.
"M-Matteo please," pigil ko subalit mas niyakap niya ako ng mahigpit. May iilang boltahe ng kuryente ang dumaloy saking tyan hanggang batok. Ang kanyang kabuohan ay ramdam na ramdam ko mula saking may pwetan. Napamura ako saking isipan! Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ako nagpadala at sumunod sa maaring gusto ni Matteo?
"Please baby. Ngayon lang 'to. Please hayaan mo akong yakapin ka kahit talikuran mo lang ako." bulong niya saking leeg. Napalunok ako. Wala na yata akong magagawa at hahayaan syang yakapin ako ng ganito.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata. Sobrang init ng katawan ko kahit sobrang lamig ng aircon. Ang matigas na katawan ni Matteo ay nagpapatigas saking katawan. Gumalaw sya ng kaunti rason kong bakit niya natamaan ang dibdib ko. Isa-isang nag sitindigan ang mga balahibo saking katawan.
"Matteo huwag ka ngang gumalaw!" pagbabanta ko na ikinatawa niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga saking leeg.
"I am sorry. Natamaan ko ba?" mabilisan ko syang hinarap at sinuntok sa dibdib. Napangiwi sya sa ginawa ko.
"Bastos ka talaga. Ano bang gusto mong mangyari?" bulyaw ko at hinampas sya ulit sa dibdib. Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Namilog ang mata ko dahil itinalikod niya ako ulit at niyakap pabalik.
"Alam mo naman ang gusto kong mangyari diba? Yong may mangyari satin." bulong niya saking tenga. Napapikit ako sa inis. Umuusok na ang tenga ko sa galit.
"It's not even funny, Matteo." sagot ko.
"I am fucking serious, baby. I'm not joking." naging paos ang boses niya ngayon.
"Seryoso, inaantok na ako. So please, matutulog na ako. Huwag na huwag mong subukang gumawa ng masama, Matteo." pagbabanta ko sa iritasyong tono. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Yes boss. Behave 'yong akin!" sagot niya pang tawang-tawa. Behave huh? Eh bakit parang ramdam na ramdam kong---- Ugh hindi ko alam. Pano ako makakatulog nito?
Hindi ko na sya muling sinagot pa. Pinilit kong ipinikit ang aking mata. Ang kanina'y inaantok kong mata ay biglang naging agresibo. Hindi ko na magawang matulog. Sapilitan akong pumikit at nagbabasakaling makatulog ng tuluyan. Pero hindi-- hindi ako makatulog!
"I can feel the burn baby." mahinang sabi ni Matteo. Hindi ako sumagot. Wala akong pakialam sayo! Hindi lang ikaw ang nang-iinit dito. Pati ako. "Baby Mary I can't breathe." kumunot ang noo ko sa kadramahan niya. Hindi ko sya pinansin. "I am fucking serious, Mary. I can't breathe." idinilat ko ang aking mata. Maniniwala ba ako sa komag na ito? Ang daming alam nito at ang hirap ng paniwalaan pa.
Mas tumagilid ako lalo at hindi sya pinansin.
"What the fuck, Mary. I can't breathe. I am not joking. Fuck!" sa puntong ito ay kinabahan ako. Sobrang bigat ng damdamin ko sa kaba.
"Matteo," mabilisan akong humarap sa kanya na natatakot. Sakto sa pagharap ko ay nadampi ang labi ko sa kanyang labi. Namilog ang mata ko sa nangyari. Agaran kong inatras ang aking mukha ng mahuli ko ang malapad niyang ngiti. "Anong kadramahan nanaman ba ito huh?" bulyaw ko.
"Baby, you're my oxygen." ngisi niya. Sinamaan ko sya ng tingin. Padabog akong umupo sa kama ngunit hinila niya ako pahiga pabalik. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Nakaharap ako sa kisame. Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong gano niya ako tinititigan.
"I am sorry." saad niya. Sumulyap ako sa kanya ng kaunti rason kong bakit nagtama ang pisnge ko at ilong niya.
"Pinapatawad na kita, Matteo. Kong ano man ang nangyari satin noon. Nakaraan na iyon. Please, kong ano man ang ginagawa natin ngayon. Wala lang ito. Ito na ang huli at huwag muna akong gulohin pang muli. Ayaw kong masaktan si Rocky. Mahal ko na sya Matteo, sana ay maintindihan mo." wika ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang kamay saking tyan. Bakit ganito kabigat ng nararamdaman ko? Parang ako lang din ang nasasaktan sa sinabi ko.
"I don't care. I can still love you, Mary." sagot niya at ibinalik ang mahigpit na yakap sakin. Napapikit ako. Kahit hindi pa kami ni Rocky ay nakokonsensya ako sa ginagawa ko ngayon. Para bang nagtaksil ako sa kanya dahil katabi ko si Matteo ngayon.
Mali ako diba? Mali itong ginagawa ko dahil nasasaktan ko si Rocky.
"I've been seeking, you've been hiding out. I've been searching but I cant find you." naging paos ang boses ni Matteo. Tanging pag singhap lang ang nasagot ko sa puntong ito. Hindi ba talaga sya tumigil sa paghahanap sakin? Tatlong taon iyon, hindi ba talaga sya nag-sawang maghintay sakin? Ang hirap kasing paniwalaan sa posesyon kong ito.
"How can I believe you?" tanong ko na wala sa sarili. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa katanongang iyon.
"Hindi na sana kita hinahabol pa ngayon." sagot niyang ikinatahimik ko. May bumara saking lalamunan at hindi ko na magawang sumagot pa. Naiisip ko rin iyan matagal na. Bakit sya humahabol-habol sakin ngayon? Bakit niya pilit isiniksik ang kanyang sarili sakin kahit paulit-ulit ko na syang itinutulak.
Humikab ako! Ang mata koy unti-unting pumikit dahil hindi ko na kaya ang bigat pa nito. Kahit sa pagtulog ko ay naririnig ko ang boses ni Matteo. Hindi ko alam kong nanaginip lang ba ako, o dala lang ba ito ng kapagoran ko.
"My heart beats only for you, Mary. My eyes only want to see you. My pulse race's fast losing at you. I think it's only you, Mary. I so love you and dead for you. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo para kay Rocky. Selfish nakung selfish. I am going to get you back no matter what." naramdaman ko nalang ang malambot na labi ni Matteo saking noo at ang malambot at mainit niyang kamay saking buhok na paulit-ulit niyang isinusuklay.
Am I afraid to go back? Or I am afraid to love again with the same man?
****
Other Person's:
Nakakadalawang tawag na si Mary pero hindi ko parin sya sinasagot. Hinahayaan ko lang na tumunog ang aking cellphone. Natatakot, nangangamba at kinakabahan ako sa maaari niyang malaman. Hindi ako sigurado sa nakita pero hindi naman maaring magkamali ang mga mata ko.
Alingasa ako sa kama. Hindi ako makatulog dahil gumugulo parin sa isip ko si Rocky. Ang hirap magtago sa katotohanang dapat sinabi ko agad kay Mary. Ayaw ko lang naman kasing sumawsaw at makialam pa sa buhay nila. Pero kaibigan ko si Mary. Konektado at naging parte na sya ng buhay ko.
Napaupo sa kama. Iginala ko ang aking mata sa kwarto. Tulog na tulog na silang lahat. Maging ang tatlo kong kaibigan. Tumayo ako at napagdesyonang mag pahangin sa labas ng bar. Umupo ako sa may bench. Gusto kong makalanghap ng malamig na hangin.
Nanliit ang mata ko dahil sa itim na jaquar ang huminto sa unahan. Kinakabahan ako. Hindi nga ako nagkakamali at si Rocky ang bumaba sa itim na kotse. Napatayo ako sa kaba. Sa puntong ito ay alam ko na kong bakit sya naparito. Hindi naman sya pumupunta dito sa bar ng walang dahilan o di kaya'y magkipag inuman kasama ang dalawa.
"Good evening, Sir." bati ko na may tapang.
"Gusto kitang makausap, Erika." bahagya akong nag taas ng kilay. Para saan? Para makiusap sakin? Kaibigan ko si Mary at sasabihin ko kong ano man ang nakita ko.
"Kong tungkol ito sa nakita ko, Sir. Hindi ko pa nasasabi kay Mary." sagot ko agad. Wala akong karapatang makialam pero may karapatang malaman ito ni Mary.
"I know. Pero--- Erika, kong ano man ang nakita mo nong nakaraang araw. It's not what you think." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rocky. Ano ang gusto niyang isipin ko? Na magbulag-bulagan lang ako sa nakita ko?
"Then, ano po ang gusto nyong isipin ko Sir? Na tinulongan nyo lang ang babaeng buntis na 'yon na maglakad? Ano ang gusto nyong isipin ko pa Sir? Na sinamahan nyo lang ang babaeng iyon na mag pa check-up? Ang hirap paniwalaan kasi Sir eh. Maniniwala na sana ako kaso kilala ko ang babaeng kasama nyo. Hindi po ba Sir?" sunod-sunod kong sagot. Hindi ko na mapigilang magalit. Buong akala namin ay hindi sya katulad ni Matteo. Buong akala namin ay totoo ang nararamdaman niya para sa kaibigan namin.
"Look Erika. Listen to me. Kong ano man ang iniisip mo tungkol samin ng babaeng iyon. Wala kaming relasyon. Mahal ko si Mary simula pa noon at kahit kailan hindi ko sya niluko. Please!" naging maamo ang mukha ni Rocky ngayon. Tama ba talaga itong ginagawa ko? Tama ba talaga itong mga kasagotan ko?
"Wala kayong relasyon sa babaeng 'yon, pero may anak ka sa kanya, Sir. Diba tama ako?" bahagyang napayuko si Rocky sa katanongan ko. Sa puntong ito ay tama nga ako. Sinubukan ko lang naman iyong sabihin pero sa katahimikan niya ngayon ay alam ko na ang kasagotan.
"I need your sense, Erika. I want you to be quiet. Naging parte ka ng buhay ni Mary, pero hindi ka parte ng buhay ko. Manahimik ka dahil problema ko ito. Mind your own business. Let me face this problem of mine. Nakikiusap ako sayo. Kong ano man ang iniisip mo tungkol sa nakita mo, hindi iyon totoo. Wala kang alam kaya manahimik ka nalang. I am sorry for being rude, sana lumugar ka nalang. Kong nag dududa ka sa pag-mamahal ko sa kaibigan mo? Mahal ko sya at papakasalan ko pa. Excuse me!" huling sabi ni Rocky bago ako tinalikuran.
Napahawak ako saking dibdib. Ito ang unang pagkakataon na ma involved ako sa isang bagay. Nalilito ako at the same time. Tama sya, wala akong alam tungkol sa kanilang tatlo ni Matteo at Mary. Kong may alam man ako. Yon ay ang nararamdaman ni Mary.
Alam kong si Matteo parin ang laman ng puso niya.
Labas na ako sa problemang ito. Siguro ay kailangan kong manahimik para sa ikakabuti ng lahat. Sana ay maayos ito ni Rocky. Nangangamba ako sa maaring malaman ni Mary. Alam kong kilala niya ang babaeng tinutukoy ko.
Sana mali ako!
Continue...