WARNING SPG:
Dali-dali akong lumuhod para hawakan si Rocky. Hinawi ko ang kamay niya sa kanyang ulo ngunit sumisigaw lang sya sa sakit. Hindi ko alam kong anong nangyayari dahil biglaan syang natumba at sumigaw.
Sumulyap ako sa gilid at nakaupo si Matteo sa sahig habang hawak ang kanyang ibabang labi na may dugo. Tinulongan sya ni Jessica at Grace na tumayo. Sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin kay Rocky na hanggang ngayon ay umuungol parin sa sakit ng kanyang ulo.
"R-Rocky? Okay ka lang?" gusto kong tignan ang mukha niya subalit nakayuko lang sya. "R-Rocky dadalhin ka namin sa hospital." suhestyon ko. Aakmang tatayo ako para mang hingi ng tulong ng biglaan niyang hinila ang isa kong kamay.
"Huwag na--," naging paos ang boses niya. "I'm okay," dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo. Nakapikit ang isa niyang mata habang ang isa ay nakabukas.
"Sigurado ka ba?" nag-alala kong tanong. Tinignan niya akong nakangiti ngunit pilit. Kakaiba ang awra ni Rocky ngayon. Namumutla ang kanyang labi.
"Oo," tipid niyang sagot ngunit may pakas na pagsisinungaling. Inalalayan ko syang tumayo at pinaupo sa silya.
Sumulyap ako kay Matteo na katabi ngayon ni Jessica at Grace. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Bumagsak ang mata ko sa sugat sa kanyang labi.
"M-Matteo. Ano bang problema mo? Bakit mo iyon sinabi?" halos bumulyaw ako sa inis. Tinignan niya lang akong igting panga.
"Bakit ako? Sinuntok ako ni Rocky, Mary. Anong naging kasalanan ko?" nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Napapikit ako sa galit at di umano'y nagtitimpi.
"Sa sinabi mong iyon. Hindi mo ako pagmamay-ari, Matteo. Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin iyon." sa pagkakataong ito ay sumigaw na ako. Aakmang tatayo si Rocky ng pinabalik ko sya sa pagkaupo.
Halos binalotan kami ng katahimikan. Si Grace at Jessica ay nagulat din sa narinig mula sakin. Sobrang lalim ng titig ko kay Matteo.
"Makapal na kong makapal. Putik na madumi, mahal na mahal kita Mary." isang panibagong pamimilog ng mata ang nagawa ko.
Si Jessica at Grace ay nakatakip sa kanilang bibig. Hindi ko alam kong anong reaksyon ni Rocky ngayon dahil hindi ko sya magawang tignan. Ayaw umalis ng mata ko sa titigan namin ni Matteo.
"M-Matteo," pagbabanta ko. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang boquet. Kitang-kita ko kong pano niya iyon hinawakan ng mahigpit. "Pwede ba Matteo. Huwag dito. Mabuti pa't umalis kana. Kong nandito ka para sabihin iyan ay wala akong pakialam. Akala ko ba ay trabaho lang at walang personalan?" wika ko. Naglaban kami ng titig tila ayaw niyang magpatalo sa titigan naming dalawa.
"I'm not ashamed to tell them how much I love you. I got no regrets for it." namilog ang mata ko sa sinabi niya. Halos manginig ang kamay ko sa inis.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Rocky at aakmang lalapitan si Matteo ng hinila ko agad sya sa may braso. Ayaw ko ng gulo lalo na't biglaang nanakit ang ulo ni Rocky.
Nagtama ang mga mata namin ni Rocky sobrang sama ng tingin niya sakin at tila gusto ulit suntokin si Matteo.
"H-Huwag na Rocky please. Hayaan nanatin sya." saad ko. Napapikit si Rocky habang nakakapit sa ulo niya. Dahan-dahan syang kumalma at bumalik sa pagkakaupo.
"Masakit ang ulo ko," saad ni Rocky habang nakayuko at nakatukod ang magkabilang siko sa kanyang magkabilang hita.
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kamay niya mula sa kanyang ulo.
"Rocky may sakit ka ba? Kanina ko pa kasi nahahalata ang pamumutla mo. Pumunta nalang kaya tayo sa hospital!? Nag-aalala na ako sayo oh," halos maluha ako pagkatapos sabihin iyon. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo.
Kitang-kita sa mukha ni Rocky ang mabigat niyang nararamdaman.
"I'm okay. Don't worry about me. Dala lang siguro ito sa init ng panahon." sagot niya bago sumulyap sa likod ko. Sinundan ko ang tingin ni Rocky at nakatitig lang sya kay Matteo.
Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakatayo. Lumapit ako kay Matteo na may inis at galit.
"If you are here about our business matter. Please, Matteo. Pwede bukas nalang? Tsaka ayaw ko ng gulo. Pwede ba umalis ka nalang dito." wala sa sarili kong sabi. Kitang-kita ko kong pano bumagsak ang magkabila niyang balikat.
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa binitawan kong salita. Para bang pinagsisihan ko iyong sabihin.
"Nakakagulo lang ba ako sayo, Mary? Is that what you think of me?" mapaklang sagot ni Matteo. Naikuyom ko ang aking kamao. Bakit nga ba ako nagsisisi sa binitawan kong salita?
Nasaktan niya ako noon, kaya mabuti lang iyon sa kanya. Ang mabastos sa harap ng mga kaibigan ko.
"Oo, Matteo. Nakakagulo ka lang dito. You're free to leave now," turo ko sa labas. Sobrang igting ng kanyang panga. Ang titig niya sakin ay naging iba. Ibang-iba sa Matteo na nakilala ko noon.
Ma awtoridad, ma tigre, may galit na titig na di umano'y nasaktan sya.
Masakit Matteo diba? Yan din ang ginawa mo sakin noon. Ang ipagtaboy ako sa mismo mong bahay.
"Nakakagulo ba talaga ang magmahal? I'm not here for that fucking business matter of yours. I am here to see you," natawa ako sa sinabi niya. Ang mga kaibigan ko ay halos matulala sa nasaksihan.
"Umalis kana please. Wala akong oras sayo, Matteo. And beside we dont have business agreement today. What brings you here? Para saan? Nagsasayang ka lang ng oras dito." wika ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Tama ba itong ginagawa ko? Hindi ba ako masyadong bastos? Hindi ko alam dahil galit ako sa kanya. Galit na galit.
"I'm sorry," sagot niya sa paos na boses. Bahagya syang yumuko at dahan-dahan ibinaba ang isang kamay na may hawak na bulaklak. Napahimas sya sa kanyang batok at tila nag-sisisi kong bakit naparito. "Siguro nga't tama ka. Nakakagulo lang ako dito. I'm sorry," mahinahon niyang dugtong.
Dahan-dahan syang lumapit sakin habang hawak-hawak ang bulaklak. Hindi ko mabigyan ng kahulogan kong anong nararamdaman ko ngayon. Tila nag-sisisi at nangangamba saking ginawa.
Uminit ang magkabila kong pisnge ng makalapit na sya sakin. Hindi parin sya nagbabago ngayon. Ang kanyang tindig at ayos ay nanatiling makisig at mabagsik. Ngunit may nag-iba. Ang kanyang kulay na masyadong masilaw dahil sa kaputian.
"I feel hurt though I dont have the right to feel hurt cause I know you're not mine. I'm sorry again." napalunok ako sa narinig mula sa kanya. Dahan-dahang bumagsak ang mata ko sa dala niyang bulaklak. Inilahad niya sakin iyon na walang ekspresyon sa mukha. "Beautiful flowers from my heart for your heart, with love . I hope you like it, Mary." inabot niya ang kamay ko bago ibinigay sakin ang bulaklak.
Na statwa ako sa kinatatayuan ko ngayon. Halos hindi ako makagalaw. Sobrang bilis ng pangyayari dahil nawala agad si Matteo sa paningin ko. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong boquet.
Tila na wala ako sa sarili at sa matinong pag-iisip. Hindi ko alam kong sinong nagtulak sakin amoyin ang bulaklak na bigay ni Matteo. My heart sings when I smell the flower. How can you not love that? The colors, the softness, the growth. It's just so beautiful. It's harmony for me.
"Oy. Inamoy niya!" mabilisan kong ibinaba ang bulaklak. Natataranta ang kilos ko ng nasa harap ko ang dalawa. Sobrang lapad ng ngiti nila.
"May sinasabi ka Grace? Hindi kasi kita narinig?" tanong ko na wala sa sarili. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Wala hehe. Ang sabi ko, akin nalang iyang bulaklak kong itatapon mo huh!?" komento nito na parang nang-aasar. Napanguso ako sabay ng pag nguso din ni Jessica.
May itinuturo sya saking likuran. Nanlaki ang mata ko, dali-dali akong humarap kay Rocky. Nanatili itong nakaupo sa silya na walang ekspresyon ang mukha. Mabilisan kong inilapag ang boquet sa mesa bago tumabi sa kanya.
"Okay ka na ba? Wala ka na ba talagang nararamdamang masakit? Yong ulo mo kumusta?" hinimas ko ang noo niya. Maging ang kanyang leeg. Mahina niyang hinawi ang kamay ko na ikinagulat ko.
Sobrang lalim ng titig ni Rocky sakin. Hindi ko alam pero feeling ko ay namumutla ako. Namamawis din ang aking kamay. Sigurado akong nakita niya kong pano ko inamoy ang bulaklak kanina. Nakakahiya!
"Okay lang ako, Mary. Ikaw? Okay ka lang ba?" sarkastiko nitong tanong na ikinayuko ko. "Anong amoy ng bulaklak?" sa pagkakataong ito ay mabilisan ko syang tinignan. Nanatiling malalim parin ang titig niya sakin.
"Ahem, exit muna kami guys huh.." bahagya akong lumingon sa likuran. Suminyas sakin ang dalawa bago ako tumango. Tuluyan ng nawala sa panginin ko si Jessica at Grace ng makalabas sila ng tent.
Ibinalik ko ang tingin kay Rocky.
"R-Roc--,"
"I know, Mary. I know. Kaya kitang bilhan ng bulaklak na mas maganda pa dyan." matalim niyang titig sa boquet sa mesa.
"R-Rocky, ano bang pinagsasabi mo?" naging mapakla ang boses ko. Bahagya syang nag-iwas ng tingin.
"Nagseselos ako at kanina pa, Mary. I'm fucking jealous and it's fucking hurt. Sobrang sakit alam mo ba 'yon?" bagsak boses niya bago ibinalik ang tingin sakin. Nagulat ako sa binitawan niyang salita.
Sobrang sikip ng dibdib ko sa titig niya sakin na kanina pa ay sobrang galit.
"R-Rocky--," iyon lang ang tangi kong naisagot dahil sa totoo lang. Talo ako ngayon ni Rocky. Hindi ko alam kong pano mag explain, kong hindi ko rin alam kong anong nagawa ko kanina, o saan ako nagkamali saking mga kilos. "R-Rocky. Hindi mo kailangang magselos kay, Matteo. Wala kang dapat ikaselos sa kanya." wika ko na may bahid na pangangamba. Bumagsak ang mata ko sa nakakuyom niyang kamao.
"Then, give me one reason why should I'm not be that sitution." nakagat ko ang ibaba kong labi bago yumuko. Pinag-lalaruan ko ang aking kamay. Natahimik ako!
Isang rason kong bakit ayaw kong mag selos sya? Ang dami kong rason ngunit walang tamang kasagotan sa mga iyon.
"D-Dahil--,"
"Dahil mahal mo pa sya diba? Diba?" namilog ang mata ko sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso ko. Gusto kong magalit subalit ayaw kong iparamdam kay Rocky na tama ang sinabi niya. "Totoo diba? Mahal mo pa si Matteo?"
"R-Rocky. Hindi ko na sya mahal. Matagal ko na syang nakalimutan. I already move on." sagot ko na ikinasighap niya. Napahilot sya sa kanyang sentidu.
"I'm sorry," wika niya habang nakayuko. Napasinghap din ako. Bigla nalang bumigat ang aking puso. "I am sorry for being rude. Mahirap lang pigilan ang selos lalo na't sayo ko maramdaman." napapikit ako sa binatawan niyang salita. Alam ko iyong pakiramdam nang nagseselos.
"Sorry, Rocky. Hindi ko sinasadyang mag selos ka. Hindi ko naman alam na pupunta sya dito." inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Kitang-kita sa mata ni Rocky ang umaapaw na selos.
"Natatakot lang ako. Natatakot na baka isang araw ay bumalik ka sa kanya." babalik? Hindi na mangyayari iyon Rocky. Ayaw ko na sa kanya. Tapos na ang lahat samin, at wala narin akong nararamdaman para sa kanya. "Please, dont back to him, Mary. Be mine and I will show you, what I am when it comes to love." mas lalong napahigpit ang hawak niya saking kamay.
Naglaban kami ng titig ni Rocky. Hindi pa ngayon ang tamang oras. Kailangan ko munang harapin ang tatay ko, pagkatapos nito ay handa na akong magbukas ulit.
Buksan ang puso para sa lalaking mahal na mahal ako.
Inangat ko ang aking isang kamay at hinimas ang pisnge niya. Ayaw kong lukohin ang sarili ko. Mahal ko na yata sya. Mahal ko na si Rocky.
"Makakapaghintay ka ba sakin?" tanong ko na ikinagiti niya. Umaliwalas ang mata ni Rocky kahit may bahid na pamumutla ang kanyang mukha.
Inusog niya ang upoan at hinila ako para yakapin ng mahigpit. Isinubsob niya ang kanyang mukha saking balikat. Niyakap ko rin sya pabalik. *Dug dug dug* Hindi nga ako nagkamali sa narinig. Mahal ko si Rocky at alam iyon ng puso ko.
"Nakaya nga kitang hintayin sa limang oras mong pagkikilay." mabilisan akong kumalas sa yakap at hinampas sya sa dibdib. Napanguso ako habang sya ay tawang-tawa. Inaamin ko sobrang gwapo ni Rocky sa tawa niya.
"So nang-aasar kana sakin ngayon?" taas kilay ko. Inabot niya ang kamay ko at idinampi niya iyon sa pisnge niya. Ramdam na ramdam ko ang makinis at malabot na pisnge ni Rocky.
"Kong sa paghihintay lang ang pag-uusapan? Kaya ko. Tatlong taon akong naghintay, Mary. Ngayon pa ba ako susuko?" sobrang lapad ng ngiti ni Rocky ngayon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay ko sa kanyang didbdib. "I do not even want to think what my life would be like without you, Mary. I love you and I can wait you." hinalikan niya ang likod ng aking palad.
Isa-isang nag sitindigan ang mga balahibo ko sa malambot at mainit na labi ni Rocky. Hihintayin niya talaga ako? Sana, kong dumating 'yong araw na sasagotin ko si Rocky. Sana ay matanggap niya ako. Matanggap niya ako ng buong-buo.
"Excuse me, Ma'am and Sir." sabay kaming napalingon sa labas ng tent. Nakatayo mula roon ang isa sa mga construction workers ni Matteo.
"Oh Loloy? May problema ba?" yumuko ito sa katanongan ni Rocky. Sabay kaming tumayo ni Rocky at lumapit sa kanya.
"Wala naman po, Sir. Pinapatawag po kayo ni Engineer Junfil." saad nito. Nagkatinginan kami ni Rocky.
"D-Dito ka lang. Pupuntahan ko muna si Junfil." aakmang aalis sya ng hinila ko ang braso niya.
"Baka sumakit ulit yang ulo mo. Ako nalang ang kumausap sa kanya. Stay here, Rocky." suhestyon ko. Umiling lang sya bilang sagot. Inabot niya ang isa kong kamay at hinawakan niya iyon ng mahigpit.
"I'm okay because of you." kindat niya na ikinatawa ko. Sumulyap ako kay Loloy at nakangiti na ito samin ngayon.
"Sige na. Pumunta kana doon. Dito lang ako sa tent maghihintay," suhestyon ko. Tumango si Rocky bago nakisabay sa pag-alis ni Loloy.
Sobrang lapad ng ngiti ko habang pinapanuod si Rocky na kausap si Junfil. Bawat galaw niya ay sinusundan ko. Napahawak ako saking dibdib. Sobrang bilis talaga ng tibok ng aking puso. Confirm na ba talaga ito?
"Wow. Nakangiting mag-isa? Parang baliw lang?" mabilisan kong inayos ang aking sarili. Tumambad sakin ang dalawa na may bitbit na supot.
"Ano yan?" tanong kong ikinalapit ng dalawa. Itinaas ni Grace ang supot.
"Kwek-kwek, bola-bola. Isaw, tempura." napalunok ako ng iilang laway dahil sa dala nila. Nagutom yata ako. "Hali ka. Kainin natin ito, alam naman naming paborito mo ang mga pagkain sa street foods." ngisi ni Grace bago ako nilagpasan.
Sumunod ako sa kanila. Umupo kami sa harap ng maliit na mesa.
"Salamat guys huh!?" ani ko. Sumulyap ang dalawa sakin na may ngiti.
"Wala 'yon. Nakakahiya nga eh dahil ito lang 'yong nadala namin para sayo. Mayaman kana Maey at napaka ilegante. Hindi na babagay sayo ang mga pagkaing ganito." nag-taas ako ng kilay sa sinabi ni Jessica. Punong-puno ang kanyang bibig dahil sa sunod-sunod niyang nilamon ang isaw.
"Jessica, stadu lang ng buhay ko ang nag-bago. Hindi ako. Hindi lahat ng mayayaman ay hindi kumakain ng ganito. Iba ako sa mga 'yon," sagot ko bago sumubo ng isaw. Tawang-tawa sila sa reaksyon ko.
Napailing narin ako sa tawa. Ilang sandali lang ay natahimik kaming tatlo.
"Maey. Ano 'yong kanina?" tanong ni Jessica. Dahan-dahang napawi ang ngiti ko.
"Kanina?" denial ko.
"Yong sagotan nyo ni Matteo." si Grace habang nakanguso. Nakagat ko ang ibaba kong labi.
"Bagay lang sa kanya 'yon." padabog kong sagot. Nagkatinginan ang dalawa.
"P-Pero, Maey. Alam mo naaawa talaga ako kay Sir kanina. Yong feeling na kaya niyang sabihin sa harap namin kong gano ka niya ka mahal? Hayy. Nakakakilig!" dahan-dahan kong naibaba ang isaw na hawak ko. This time ay nawalan ako ng gana.
"He's just acting nice, guys. Huwag kayong magpaniwala sa lalaking iyon. Pagkatapos niya akong saktan? Sasabihin niya ulit saking mahal niya ako? Para saan pa? Para saktan ako ulit? Huwag na noh. Magdusa sya!" sunod-sunod kong sabi na may iritasyon. Sabay silang napa whoa habang nakataas ang magkabilang kamay.
"Maey, relax. Naaawa lang naman ako kay fafa Matteo ko. Hayy boto pa naman ako sa kanya para sayo." nag-taas ako ng kilay sa sinabi ni Grace. Fafa? Narinig ko palang iyon ay natatawa na ako.
"Sorry, Grace. Mas boto ako kay Rocky. Tama si Maey, hindi ka dapat nagpapaniwala sa lalaking iyon. Imagine that, nong umalis si Maey ay ibat-ibang babae ang dinadala niya sa bar. Duh, fuckboi be like!" napasinghap ako sa sagot ni Jessica at the same time natawa.
"Oo alam ko. It doesn't mean hindi na niya mahal si Mary? Kahit tikman pa ni Matteo lahat ng babae pati ako," biglaan syang binatokan ni Jessica. Natawa tuloy ako!
"Ang landi," ngiwi ni Jessica.
"Sorry. Umaasa lang naman. Haha!" halakhak ni Grace na ikinalingaw-ngaw sa loob ng tent. "Okay fine," umayos sya ng upo bago ako tignan. "Kahit ilang babae pa ang tikman niya gabi-gabi. Ikaw at ikaw parin ang laman ng puso niya." nag taas ako ng kilay sa dugtong sinabi ni Grace. Talaga? Pagmahahal ba iyon?
"Ows? Mahal? Tumikim nga ng iba diba? Tumahimik ka nga Grace. Basta ako? Mas gusto ko si Rocky," irap ni Jessica bago sumubo ng isaw. Sinamaan sya ng tingin ni Grace.
"Tikim lang naman at hindi niya mahal. Panandaliang aliwan niya lang iyon. Tsaka wala namang mawawala kay Matteo dahil lalaki sya. Basta ako? Mas boto ako kay Matteo." irap din ni Grace bago padabog na sumandal sa backrest.
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
"Sigurado akong mananalo si Rocky. Mas gusto ko sya para kay Maey. Tahimik ngunit matinik. Diba, Maey?" namilog ang mata ko sa tanong ni Jessica.
"Sigurado akong mananalo si Matteo. Mas gusto ko sya para sa kaibigan natin. Maginoo pero medyo bastos. Diba, Maey?" namilog ang bibig ko sa sinabi naman ni Grace.
Palipat-lipat parin ang tingin ko sa dalawa. Naglaban sila ng titig habang nakapamewang.
"Team Marky ako. Tignan lang natin!" pang-aasar na sabi ni Jessica.
"Team Matty ako. Che!" pang-aasar na bulyaw ni Grace. Napasinghap ako bago tumayo ng padabog. Sabay silang napatingin sakin.
"Guys. Enough! Pwede ba? Huwag nyong ipagbanggga 'yong dalawa." wika ko na ikinahalukipkip nila. Bumalik ako sa pagkaupo na may galit at inis.
"Sorry, Maey hehe." tawa ng dalawa. Napasinghap ako ulit at nilibang ang sarili sa isaw sa plato.
"Ayaw kong pag-awayin nyo si Matteo at Rocky. Ayaw ko ng kumpetasyon." kalmado kong wika. Nakanguso ang dalawa sa harap ko.
"Ayaw ko lang naman kasing masaktan ka ulit. You dont deserve to be hurt. You deserve to be loved. You deserve someone who is willing to fight for you and that was, Rocky." natahimik ako sa sinabi ni Jessica. Bahagya akong nag-iwas ng tingin.
"Everyone deserve a second chance. Forgive those who hurt you. Let Matteo love you again. Let love renew you, Mary. Ang sabi nga nila, love is sweeter the second time around." ngusong sagot ni Grace. Napasinghap ako ulit! Hindi ba sila titigil?
"Ewan. Hindi ko alam!" yuko ko. Natahimik ang dalawa.
Bakit naman ako babalik kay Matteo, Para saan pa? Para makipaglaro ulit sa kanya. Once a ex always an ex. Hindi na dapat binabalikan ang pagkakamaling nagawa mo na noon. I have to face what I have and I am right now. Nandyan naman si Rocky at alam kong hindi niya ako iiwan..
Nag tagal ang dalawa sa mismong renovation. Ilang oras din kaming naghintay kay Rocky. Pagkatapos ng working hour niya ay sabay kaming umuwi. Inihatid namin ang dalawa sa bar bago niya ako idinirekta sa condo ko.
Sobrang tahimik ni Rocky habang nagmamaneho. Para bang naiilang akong kumausap sa kanya dahil bitbit ko ang bulaklak na bigay ni Matteo. Napagpasyahan kong tumahimik nalang din.
Pagdating namin sa condo ko ay agad akong sumulyap sa kanya. Hindi niya ako magawang tignan sa pagkakataong ito. Ang kanyang titig ay nasa harap lang.
"Salamat sa paghatid. I have to go inside na." aakmang lalabas ako ng magsalita sya bigla.
"Why you dont throw that fucking flowers?" bumagsak ang mata ko sa hawak kong boquet. Umayos ako ng upo bago sya hinarap.
"Ayaw kong magkalat sa shop ko. Itatapon ko rin naman ito pagdating ko sa itaas," sagot ko na may ngiti. Dahan-dahang sumilay ang ngiti ni Rocky.
"Sorry." napakati sya sa kanyang batok. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"It's just a flowers, Rocky." agaran kong sagot. Rinig na rinig ko ang mahina niyang buntong hininga.
"Pumasok ka na. Huwag ka ng bumalik bukas sa shop. I can handle everything there. Kindly please stay here? Ayaw kong magkasakit ka, Mary." lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.
Pagkatapos kong mag paalam sa kanya ay dumaan ako sa parking area. May trash can don at kailangan kong itapon ang bulaklak na bigay ni Matteo. Sobrang tahimik ng paligid. Dali-dali akong tumungo sa isang trash can.
Binuksan ko ang takip ng basurahan at aakmang itatapon ang bulaklak ng may biglang humila saking braso. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Bumungad sakin si Matteo na sobrang galit ang mukha. Ang kanyang titig sakin ay palalim ng palalim.
"Itatapon mo?" igting panga niyang tanong. Binawi ko ang aking braso.
"Kita mo naman diba? Magtatanong ka pa?" sarkastiko kong sagot. Bumagsak ang magkabila niyang balikat sa narinig.
"I want to see your smile. Thats why I gave you some flowers." nag-taas ako ng kilay sa sinabi niya. "I got buy you a flower the expensive one, Mary, cause I know you ain't cheap either, but what wories me the most is you throw it." isang mapaklang pangungusap ang binitawan niya. Napahigpit ang hawak ko sa boquet.
"Hindi ako masaya, Matteo. Kahit ilang beses mo pa akong dalhan ng bulaklak hindi ako natutuwa." malakas kong hinampas ang boquet sa didbdib niya.
Mabilisan ko syang tinalikuran. Padabog akong naglakad. Bakit sya nandito? Sinusundan niya ba ako?
"Mary," malakas niya akong hinila sa may braso. Napaharap ako sa kanya na may galit. Nagtama ang aming mga mata.
"Bitawan mo ako. I dont have time for you. Stop sending flowers for me. What is your motive Matteo? Why did you send me those fucking flowers?" binawi ko ang aking braso. Hingal na hingal ako sa pagkakataong ito.
"I want to go out a date with you, Mary." natawa ako sa sinabi niya. Gusto ko syang halakhakan. Nagpapatawa ba sya?
"A date with you?" sarkastiko kong tanong na may ngiting pang-aasar.
"Remember what I said earlier. Liligawan kita ulit. Susuyuin, kahit araw-araw akong manghingi ng tawad sayo. Gagawin ko. Please date me back." sa pagkatataong ito ay hindi ko mapigilang matawa.
"Edi gawin mo. Wala akong pakialam sayo. Tandaan mo Matteo. I am just connecting with you, because of our business." padabog kong sagot bago sya tinalikuran.
Tawang-tawa ang isipan ko. Ngayon maghabol ka sakin Matteo. Habolin mo ako hanggang sa madapa ka. Bagay sayo ang mga masasakit kong salita.
Nawalan ako ng gana sa gabing ito. Kailangan kong uminom kahit kunti lang. Dali-dali akong nagtungo saking kotse. Hindi ko pa nabubuksan ang pintoan ay may humila na saking magkabilang bewang. Nanlaki ang mata ko dahil isinandal ako ni Matteo sa kotse ko. Napaatras ang ulo ko dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sakin.
"Ask what your heart desires, Mary. Alam kong mahal mo pa ako." itinulak ko sya sa dibdib ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak saking magkabilang bewang. Shit! Nasasaktan ako.
"Masyadong makapal ang mukha mo, Matteo. Bitawan mo ako!" itinulak ko sya sa didbdib ngunit mas lumapit sya sakin. Bahagya akong tumagilid para umiwas ng tingin sa kanya. Halos manginig ang binti ko dahil ramdam na ramdam ko ang maumbok niyang bahagi sakin.
"You are a goose, aren't you, Mary? I know you still love me, whether you'll admit it or not." napatitig ako sa mata ni Matteo. His eyes on the spacious horizon at tila gustong hulihin ang mga kasagotan ko.
"Hindi na kita mahal, Matteo. Hindi na. Naiintindihan mo ba ako?" sigaw ko sa galit. Sobrang init ng pisnge ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hawak-hawak niya parin ang magkabila kong bewang habang ang dalawa kong kamay ay panay tulak sa kanya. "Just let me go. Pwede ba Matteo huwag mong idikit 'yong ano mo. Ugh! Shit! Stupid! Lumayo ka sakin." sinuntok ko sya sa braso. Ramdam na ramdam ko ang matigas at maumbok niyang masilang bahagi.
Sobrang dikit niya sakin dahil pinipigilan niya ang paa ko sa pagsipa.
"Ano ang dapat kong hindi idikit, Mary?" naging malademonyo na ang kanyang titig sakin. Napapikit ako sa galit.
"Ano bang gusto mong mangyari? Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Hindi na kita mahal. Hindi kita mahal at hinding-hindi na kita mamahalin ulit." sigaw ko na ikinangiti niya. Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa umaawang niyang labi. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
Tila bumabalik lang sakin ang lahat? Bakit nanginginig ako? Pumipiglas ako sa bisig niya.
"Sige. Bibitawan kita. Pero sa isang kondesyon," nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Nakagat ko ang aking ngipin sa galit.
"A-Ano?" bulyaw ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa ngiti ni Matteo.
"Hindi mo na ako mahal diba?" tanong niya na ikinatawa ko. Inulit pa talaga? Hindi pa talaga naging kuntento sa sinabi ko kanina.
"Oo. Sana ay mataohan kana." padabog kong sagot. Nagulat ako sa paglapit niya saking tenga. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga rason kong bakit nag sitindigan ang aking mga balahibo.
"Then prove it." nanlaki ang mata ko. Napalunok ako dahil sa malamig niyang boses na umalingawngaw saking tenga.
"Prove what?" nanginig ang boses ko.
Bahagya syang lumingon sakin. Nagtama ang pisnge ko at ilong niya. Oh ghad. Halos bumagsak ang katawan ko sa sahig. Baka may makakita samin dito at kong ano pa ang sabihin.
"Kiss me," namilog ang mata ko sa sinabi niya. Itinulak ko sya sa dibdib ngunit sobrang lakas ni Matteo.