Mary Point of View
Sinimulan narin ang pagpatayo saking shop. Apat na araw na nila itong sinimulan. Sobrang ingay ng buong paligid sa mismong renovation.
Napagdesyonan kong ipatayo ang shop malapit lang sa traffic light. Mas malapit lang sa mga naglalakihang building at lalo sa lahat mas kita ng mga nagdadaanang tao at sasakyan. Malapit lang din ito sa mga pribehadong skwelahan at sigurado akong lalapitin ito ng mga tao at dito magkakape o kaya'y tumambay.
Sobrang graveyard ng paligid. Maingay, maalikabok, mausok, magulo, maalimpuot. Subalit lahat ng mga construction workers ay nakangiti. Tila na e'enjoy sa kanilang ginagawa.
Siguro ay dala sa kainitan na dumadampi sa kanilang mukha at silaw ng araw na sumasalubong sa kanilang mga mata.
Ibat-ibang kagamitan pang construction worker ang nakikita ko sa buong paligid. Mula sa steel cutter, mga pangharang, mga pamporma at iba pang kagamitan. May nagtutuyo ng simento mula sa batching plant na di umano'y nagpapakapal ng alikabok sa paligid. Ang mga pump crate na nakapalibot sa naturang daan na nagpapahiwatig na working hours, working area.
Panay takip ko saking bibig at ilong habang ikinakaway ang isang kamay sa mukha dahil sa alikabok. Nandito ako sa malaking tent at nakasilong habang pinapanuod ang mga kalalakihang construction workers. Sobrang init at halos gusto ko ng tumalon sa malamig na tubig. Bawat pawis saking noo ay pinupunasan ko. Hindi ko magawang umalis dito, dahil kailangan kong samahan si Rocky. He create and design the building. Sya narin mismo ang umaasekaso. Sobrang swerte ko kay Rocky mula noon hanggang ngayon.
Kinakausap niya ang ibang construction. Panay sulyap niya sakin habang nagsasalita. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila dahil malayo lang sila sakin.
Pagkatapos niyang kausapin ang mga kalalakihan ay lumapit sya sakin. Inaamin ko. Sobrang gwapo ni Rocky sa suot niya ngayon. Ang kulay itim na long sleeve na suot niya ay mas lalong nag paputi kay Rocky. Ang kulay dilaw na helmet na suot niya ay nag papabagay sa kanya.
Lumapit sya sakin bago niya tinanggal ang helmet sa ulo niya.
"H-Hindi ka pwede dito, Mary. You should go home." suhestyon niya. Umiling ako agad.
"Okay lang ako Rocky. And beside nag-eenjoy ako sa panunuod!" nguso ko. Bahagya syang nag-taas ng kilay.
"Nang ano? Nang mga alikabok?" napanguso ulit ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba. Parang hindi ka naman nasanay sakin. Alam mo namang M.U na sakin yang alikabok. Palagi kaya tayong nasa kalsada noon. Diba?" komento ko. Napailing sya sa tawa tila naalala ang mga ginagawa naming laro noon. Tulad ng tumbang preso, sekyu, langit lupa at iba pa.
"Okay. Papayag akong nandito ka. But please, sa loob ka nalang ng tent. Ayaw kong magkasakit ka." sobrang lapad ng ngiti ko sa sinabi ni Rocky. Humalukip-kip ako sa harap niya.
"Sige." kibit balikat ko. "Anyway. Gutom ka na ba? Kumain muna tayo. May dala akong pagkain." umaliwalas ang mukha ni Rocky sa sinabi ko.
"Yeah. Gutom na nga ako. Let's go inside," anyaya nito bago kami pumasok sa loob ng tent.
Tumungo ako sa mesa kong saan nakapatong ang kulay brown na paper bag. Isa-isa kong inilabas ang mga garapon saka iyon ipinatong sa mini mesa. Sinulyapan ko si Rocky at nakaupo na ito sa harap ko.
"Why we just dont eat outside? May malapit lang namang restaurant dito." napasulyap akong muli sa sinabi niya. Umupo narin ako bago sumagot.
"Ayaw mo dito?" mahina kong tanong.
"Hindi naman sa ganon. Masyado lang kasing mainit, baka naiinitan kana dito." komento ni Rocky. Dahan-dahang sumilay ang ngiti ko sa labi.
"Okay lang ako. Beside ayaw kong magtagal tayo sa labas. May trabaho ka pa diba?" sagot ko. Napaawang ang labi ni Rocky bago nagkibit ng balikat.
"Okay. Basta't sigurado kang okay ka lang dito huh!?" pangungulit niyang ulit. Natawa ako!
"Oo nga. Ikaw talaga! Sanay na ako sa maalikabok at maingay na paligid." usal ko. This time ay nanliit ang mata ni Rocky. Sobrang lalim ng titig niya sakin habang ngumunguya ng pagkain. "Oh? Bakit ganyan ka makatitig?" taas kilay ko. Bahagya syang nag-iwas ng tingin. Kinabahan ako sa inasta ni Rocky. "Rocky? May problema ba?" tanong ko.
Ibinalik niya ang tingin sakin na may ngiti. Isang ngiti na hindi ko alam kong paniniwalaan ko ba iyon. Sobrang lalim ng titig ni Rocky sakin.
There's something wrong and I can feel it.
"Nah, I just want to stare you. Thank you my angel for being around everywhere I go." natawa ako sa sinabi ni Rocky. Angel talaga huh!?
"Ewan ko sayo, Rocky. Kumain ka na nga lang dyan." suhestyon ko at the same time nanginginit ang magkabila kong pisnge.
Nilibang ko ang sarili ko sa hapag. Alam kong sa pagkakataong ito ay nasa akin parin ang titig niya. Inangat ko ang ulo ko at nagtama ang aming mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. *Dug dug dug* halos hindi ako makatitig sa kanya ng diretso.
"Mahal na mahal kita, Mary." napalunok ako sa sinabi niya. Ang kobyertos kong hawak ay mas lalo kong hinawakan ng mahigpit. Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Halos mabaliw ako sa kakaisip sayo. Not one day goes by that I am not thinking of you, Mary. Not only one." nakagat ko ang ibaba kong labi sa sinabi ni Rocky.
Sobrang sarap sa pakiramdam ngunit hindi ko maiwasang hindi mangamba. Pano kong hindi niya ako matanggap? Pano kong malaman niya ang totoo? Mamahalin ba niya ako?
"R-Rocky, I appreciate the love. But---," umawang ang kanyang labi sa sinabi ko. "But-- I dont know kong matatanggap mo pa ba ako?" bahagya akong yumuko pagkatapos sabihin iyon.
Humalukipkip ako sa harap niya. Tila nahihiya. Ramdam ko ang pagtayo niya mula sa upoan. Dahan-dahan syang lumapit sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dahan-dahang lumuhod sakin si Rocky na nakangiti. Nanatili akong nakaupo. Inabot niya ang magkabila kong kamay at hinawakan iyon ng mahigpit.
Nakapatong ang mga kamay naming dalawa sa hita ko. Magkalevel kami habang naglaban ng titig.
"I love you means that I accept you." napangiti ako sa sinabi niya. Halos manginig ang tuhod ko sa pangungusap na iyon. "Tanggap kita, dahil mahal kita, Mary. Kong natatakot kang magmahal muli? Matakot ka lang dahil hindi kita kailanman iiwan." bawat bitaw na salita ni Rocky ay umalingawngaw saking tenga. Kabaliktaran pala ang naiisip ko tungkol sa kanya.
Even though part of me thinks I'm broken, I love myself and accept how I feel. Sa puntong ito ay sigurado akong may nararamdaman na ako para kay Rocky. Kong wala? Bakit ganito kabilis ang tibok ng aking puso.
Napasinghap ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Bumagsak ang mata ko saking hita kong nasan nakapatong ang kamay naming dalawa.
"R-Rocky," paos ang boses ko sa nginig. "Hindi ko alam kong ano ang aking sasabihin. Sobrang bait mo sakin, sobrang mong mapag-alaga at mapagmahal. Kong sa isang tulad mo ako magmamahal muli? Siguro ay hindi na ako matatakot pa." umaliwalas ang mukha ni Rocky sa sinabi ko. Ang kanyang ngiti ay halos umabot sa tenga. Sobrang gwapo niya sa ngiti niya ngayon.
"Kong ganon? Payag kang ligawan kita?" dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Inaamin ko sobramg init ng aking magkabilang pisnge. "Shit!" napamura si Rocky bago tumayo at hinilamos ang kanyang mukha. Tila gusto niyang tumalon sa pagkakataong ito. "I'm so fucking damn happy, Mary. So much happy!" hinilot niya ang kanyang sentidu at tila hindi makapaniwala.
Isa sa mga pinakagusto ko kay Rocky ang kanyang presenta. Sobrang napaka patient niyang tao, lalo na sa lahat tahimik ngunit matinik. Siguro ay ang dami niyang nabibihag na babae. Maybe, but I dont want to know about it.
Bumalik sya sa pagkakaluhod sa harap ko. Hinawakan niya ulit ang magkabila kong kamay.
"I know this is not the right place and the right time. I can wait you, Mary. I can." hinalikan niya ang magkabila kong kamay. Sa pagkakataong ito ay sigurado akong namumula na ang aking magkabilang pisnge.
Sobrang lapad ng ngiti ko. Bakit nga ba hindi? Sobrang gwapo ni Rocky, halos perpekto ang pagkaguhit sa kanyang mukha. And beside, nakapag move-on na ako kay Matteo. Wala na akong nararamdaman sa kanya kundi galit. Bakit nga ba hindi ko subukang bumukas ulit ng bagong pintoan para sa taong mahal ako?
Dahan-dahan kong hinawakan ang isang pisnge ni Rocky. Hinimas ko iyon rason kong bakit sya napapikit. This time ay mas lalo kong nasilayan ang mahaba niyang pilik mata. Sobrang gandang tignan at mas lalo syang gumwapo.
Hinuli niya ang kamay ko at inilapat niya iyon sa kaliwang dibdib.
"Listen carefully to my heart, Mary. Every beat of it says your name. Ikaw lang ang tinitibok nito." halos may kumiliti saking batok dahil sa binitawan niyang pangungusap. Napalunok ako! Hindi ko alam kong pano ko sya sasagotin.
Gusto kong masigurado ang nararamdaman ko para kay Rocky. I want to clarify my feelings for him. I don't want to live life being bossed around by my feelings. Ayaw ko ng masaktan, maging sya ay hindi ko kayang saktan. Don't get me wrong. It's good to feel to make it sure. And it's good to honestly assess what we're feeling and why. We need to keep a gage on our heart so we can process, clarify and understand things more deeply. Gusto ko ng malalim na pag-iisip at mag desisyon ng tama, kahit alam kong walang mali kay Rocky.
"R-Rocky. Hindi na ako mag pa ligoy-ligoy pa. Inaamin ko, masaya ako pag kasama ka. Ngunit sigurado ka ba talaga sakin? Liligawan mo ba talaga ako?" salaysay ko. Naramdaman ko ang maluwag na pagbitaw niya saking kamay. Bahagya syang yumuko habang pinaglalaruan ang dulo ng aking mga kamay.
Nag-sisisi na ako kong bakit ko naitanong 'iyon. Nakagat ko ang ibaba kong labi at tila pinipigilan magsalita ulit.
"Sigurado na ako sayo, Mary. Minsan lang akong nakadama ng ganito." naging maamo ang mukha ni Rocky. Ang kanyang titig sakin at tila nagmamakaawa.
Bumagsak ang mata ko sa kamay kong hawak niya. Hinawakan ko iyon ng mahigpit. Nanatili syang nakaluhod saking harapan. Ayaw kong masira ang plano ko. Ayaw kong madamay si Rocky. Ayaw kong sagotin sya agad dahil kong iyan ang mangyayari ay hindi ko na maitutuloy ang plano ko.
"Mary, kaya kitang alagaan at protektahan. Naiintindihan kong hindi pa sa ngayon ang gusto mong mangyari." inilapat niya ang magkabila kong kamay sa kanyang magkabilang pisnge. "Pero hayaan mo akong gawin ito, dahil trabaho ko ang protektahan ang taong mahal ko." namilog ang mata ko sa sinabi ni Rocky. Tila may paru-parong nag-siliparan saking dibdib. Sobrang kiliti at kay sarap sa damdamin.
"R-Rocky," singhap ko. "Mahal kita--,"
"Oh my ghad!" mabilisan akong napatingin sa labas ng tent sa may pintoan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa nakita.
Maging si Rocky ay dahan-dahang tumayo sa pagkakaluhod. Halos hindi ako makatayo sa kinauupoan ko ngayon.
"Luh. Sorry! Hindi namin sinasadya," paumanhin ni Grace habang naka peace sign.
"Ikaw kasi eh. Sabi ko na sainyo na huwag tayong pumunta dito," sambit ni Jessica sa iritasyong tono.
"Eh kasi ano eh. Ito kasi si, Sir." turo ni Grace sa lalaking katabi niya.
Sobrang lalim ng titig sakin ni Matteo. Kitang-kita ko kong pano bumagsak ang magkabila niyang balikat. Bumagsak ang mata ko sa hawak niyang bulaklak na nakabalot sa kulay pink na shine paper. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang galit niya.
Binalotan kami ng katahimikan sa lob ng tent. Si Jessica at Grace na nagtutulakan at tila nag-sisisi.
Bakit wala ang dalawa?
"Si Ivony at Erika? Nasan?" tanong ko na ikinaputol ko sa katahimikan. Dali-daling lumapit sakin ang dalawa.
"Sorry, Maey huh. Nadisturbo yata namin kayo." ngusong saad ni Jessica. Umiling ako agad.
"H-Hindi naman." ngiti ko bago sulyapan si Matteo sa may pintoan. Hindi ko talaga alam kong pano sya lapitan o kaya'y kausapin. Naiintrega ako sa dala niyang bulaklak.
Kong hindi ako nagkakamali para sakin iyan.
"Maey sya nga pala. May pinabibigay si Erika satin." may inalahad sakin si Grace. Tinanggap ko ang kulay puting card na mukhang----
"Ivitation?" Namilog ang mata ko sa nabasa. "Ikakasal na si Erika?" laglag panga ko. Sabay silang tumango bilang sagot.
"Oo, Maey. Nakakabigla diba? Itinago niya satin ang tungkol dito. Gusto niya tayong surpresahin." natawa ako sa sinabi ni Grace. Nasurpresa nga ako. Aba, pano niya ito naitago samin? Kaya pala palagi syang wala sa mga lakad naming magkakaibigan dahil busy sya sa pag preperasyon sa darating niyang kasal.
Napatitig ako sa hawak kong invitation.
"Tsaka kaya wala si Ivony, dahil umuwi muna saglit sa kanila. Miss niya raw kasi ang kapatid nya." dugtong naman ni Jessica. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.
"Mary," naramdaman ko nalang ang kamay ni Rocky sa likod ng bewang ko. Bahagya akong lumingon sa gilid. Iminuwestra niya si Matteo gamit ang kanyang mga mata.
Tumingin ulit ako sa may pintoan. Nanatiling nakatayo mula roon si Matteo.
"Ah.. Oo nga pala. Si Sir hehe. Buti nalang at nakita niya kami sa daan. Dito din pala ang punta niya kaya nakisabay kami ni Jessica," sambit ni Grace na mukhang kilig na kilig pa. Nahuli ko kong pano kinurot ni Jessica ang tagiliran ni Grace.
"So are you here for checking the work hour?" mabilisan akong napasulyap kay Rocky dahil sa ma awtoridad niyang tanong kay Matteo.
Dahan-dahan itong lumapit samin na ma awtoridad din. Bawat yapak ni Matteo ay napapatitig ako.
"Are you asking or complaining?" sarkastikong sagot ni Matteo na may ngiti. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
"Oo. Nagrereklamo ako! May magagawa ka ba?" hamon namang sagot ni Rocky. Hinawakan ko ang braso ni Rocky para pigilan sya.
"Yah." matigas na english ni Matteo. "Wala karing magagawa kong gugustohin kong pumunta dito anytime. And beside they are my construction workers." turo niya sa mga kalalakihan sa labas na nagtatrabaho. "Mula sa cement, and all the supplies here. It's all mine, pati na si Mary. It's mine." namilog ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Halos malaglag ang panga ko sa narinig.
Gustohin ko mang magsalita ngunit may bumara saking lalamunan. Sobrang bilis ng pangyayari dahil lumapat ang kamao ni Rocky sa mukha ni Matteo.
Sumigaw si Jessica at maging si Grace.
Mabilisan akong lumapit kay Rocky para hilahin sya ngunit natumba sya bigla sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang ulo.
Continue..