webnovel

Chapter Eight

Nagdilat ng mga mata si Abegail nang maramdaman nya ang mainit na hininga ni Daniel sa noo nya. Tumitig sya sa gwapong mukha ng natutulog pang asawa. Bahagya itong kumilos so she remained still para hindi ito tuluyang magising. Dalawang araw na silang kasal. Dalawang umaga na syang nagigising na yakap sya nito habang nakaunan naman sya sa mga braso nito.

Magkabilang bahagi ng kama ang ukopa nila bago matulog pero sa nakalipas na dalawang araw, parehong sa gitna ng kama ang ending nilang dalawa. Magkayakap pa.

"Ang pogi mo talaga." Mahina nyang sabi, parang timang na napapangiti habang titig na titig sa mukha ni Daniel.

Nakaawang ng konti ang mamula mulang mga labi nito at mangani ngani na syang bigyan ng good morning kiss ang tulog na tulog na lalake. Kinilig sya sa naisip. Eh kung nakawan nya na nga kaya ito ng halik? Mukha namang harmless ang lalake, hindi sya sasapikin kung sakaling magising. Hindi pa sya nakakakita ng lalakeng kasing gwapo ng asawa kapag bagong gising. Nakakatempt i ****.

Nagulat pa sya nang kumilos si Daniel. Lumuwang ang yakap nito sa kanya. Kinakabahan na pasimple syang gumulong papunta sa pwesto nya. Mahigpit nyang niyakap ang teddy bear nya at ipinikit ng todo ang mga mata. Pigil pigil nya ang sariling hininga.

Nakiramdam sya. Nagdilat sya ng mga mata nang manatiling walang kakilos kilos ang asawa mula sa likuran nya. Tulog pa marahil. Maingat uli syang tumagilid paharap kay Daniel para lang mabilis na ipikit ulit ang mga mata. Gising ang asawa at nang iinis sa pagkatitig sa kanya!

"For a moment I thought you're going to devour me, wife. What's holding you back?" Tumaas ang kilay nito sa obvious na pagtutulug-tulugan nya.

Nag inat sya kasabay ng pekeng hikab. Kunwari ay bagong gising. Sana lumusot.

"May sinasabi ka, Daniel?"

"Muntik na akong matunaw sa tagal ng titig mo. I was waiting for the kiss, yon naman ang gusto mong gawin diba? Bakit hindi mo ginawa?"

Napangiwi sya ng lihim. Nagbwisit bwisitan naman sya para itago ang pagkapahiya.

"Excuse me, Daniel. Huwag kang feeling."

"Your voice should sound husky. Diba bago kang gising?" Habol nito.

"Letse." Nagdadabog na nag walkout sya. Caught in the act talaga sya eh.

Naglulunoy sya sa swimming pool kasama si Lian nang sununod na araw. Kulay pulang two piece swimsuit ang suot nya. Pinatungan nya ng maiksing maong shorts ang bikini para komportable syang makakilos. Naupo sya sa gilid ng pool nang makaramdam ng pagod. Nagkasya na lang syang panoorin si Lian na walang kasawa sawa sa tubig.

Nami miss nya si Daniel. Nagising sya kanina ng nag iisa na lang sa kama, yakap nya ang teddy bear nya. Ang sabi ni Manang Guia ay maaga daw itong umalis dahil may importanteng aayusin. Kung ano at saan ay hindi daw sinabi.

Nakaramdam sya ng lungkot kaya kanina pa sya nag e emote. Hindi man lang nagpaalam sa kanya ang asawa na may lakad pala ito. Eh di sana ay pinilit nyang gumising ng maaga para naasikaso nya man lang ito at nasabayan sa almusal.

Alam nya naman na wala syang karapatan. At lalong hindi obligasyon ni Daniel na ipaalam sa kanya kung saan ito pupunta o kung sino ang pupuntahan nito. Pero hindi nya pa rin maiwasang hindi makaramdam ng pinong kurot sa puso nya. Syempre kahit sa papel lang sila mag asawa, sa mata ng tao at mata ng Diyos ay mag asawa pa rin sila.

Nahinto ang soundless nyang himutok nang marinig ang pagbukas ng main gate at pagpasok ng kotse ni Daniel sa garahe. Kumabog ang dibdib nya. Sinundan nya ng tingin ang kotse ng asawa. Nakamasid sya hanggang bumaba ito sa sasakyan.

Simpleng tshirt lang, jeans at shoes ang suot nito. Bitbit sa kaliwang kamay ang isang box ng cake mula sa isang kilalang cake shop.

"Daddy! Daddy!" Tawag ni Lian. Lumingon sa kanila ang lalake.

"I bought your favorite cake." Anito kay Lian nang makalapit. Iniangat nito ng kaunti ang hawak na box ng cake.

"Yey! That's mommy's favorite also!" Bulalas ng bata.

Nilingon sya ni Daniel. Pinili nya naman na hindi ma conscious nang pasadahan sya nito ng tingin.

"Hindi mo ba ako pwedeng tingnan nang hindi mo ako pinagnanasaan?" nakangising tanong-biro nya. Nawala na ang lungkot nya makasilay lang sya sa asawa.

"I like your confidence."

"So in love ka na ba sa akin?"

Napailing ang lalake sa tanong. Gusto nyang madisappoint pero pinigil nya. Umasa kasi syang sasagutin man lang sya ng lalake ng yes or no para at least malinaw ang sagot.

"Husbands should kiss their wives when they come home. You didn't kiss Mommy." Salubong ang mumunting kilay na sabat ni Lian.

Nagkatinginan silang dalawa ni Daniel. Saglit lang ay humakbang si Daniel para tuluyang makalapit sa kanya. Umahon naman sya sa pagkakaupo sa gilid ng pool at hinintay itong huminto sa harap nya.

Akmang hahalik sa kanya ang asawa nang itaas nya ang isang kamay para pahintuin ito.

"Hep!" Pigil nya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Daniel. Tumuwid sa pagkakatayo.

"Bawiin mo muna yong sinabi mo dati na walang shape ang katawan ko at hindi ako attractive."

"It's just a kiss, Abegail. And it's for my son." May diin ang pagkakasabi nito sa huling pangungusap. Parang ipinapaalala na bayad sya nito at ginagawa nila iyon para kay Lian.

Sumimangot sya. "Nakakailang halik ka na sa akin pero hindi naman pala ako attractive sa paningin mo? Ano kaya yun?" Humalukipkip sya at inirapan ang asawa.

Sinulyapan naman ni Daniel ang anak na ngingiti ngiting nakatingin sa kanila bago muling itinuon sa kanya ang mga mata.

"I'm taking back my words." Umpisa nito. Nakatitig sa mga labi nyang bahagyang kumikibot sa pigil na ngiti. "You are gorgeous with all the curves in the right places, Abegail. Enough to drive a man crazy.."

Hindi nya mapigil ang paglitaw ng ngiting wagi sa sinabi ng lalake.

"Hindi naman mahirap sabihin hindi ba?"

"So, can I kiss you now?"

Bumuka ang bibig nya para magsalita pero nagulat sya nang kabigin sya ni Daniel palapit dito. Ipinulupot ng lalake ang isang braso sa katawan nya at saka sya siniil ng mariing halik sa mga labi.

Na tense sya nang lumalim pa ang halik. Humigpit pa lalo ang yakap nito sa kanya.

Gusto nyang pumalag pero umaapela ang sistema nya. Hindi sya makapaniwalang hinalikan sya ng ganoon ng asawa. Puro smack lang kasi ang natitikman nya galing dito umpisa nang ikasal sila. Pero bakit parang mas gusto nya ang klase ng halik nito sa kanya ngayon kasehodang malagutan sya ng hininga?

"You deserve more than that for being so dominating yet... yet lovely, sweetheart." Anito sa kanya nang pakawalan sya.

For the first time in forever, wala syang mahagilap sabihin. Kahit nang pumalakpak si Lian ay hindi pa sya natatauhan.

"Sir, tumawag po si Maam Paula. Tawagan mo daw sya agad." Si Tere iyon na sumulpot sa likuran ni Daniel.

Doon sya nahimasmasan. Ano ang kailangan ng babaeng amazona sa asawa nya? Nang tumalima si Daniel at pumasok sa kabahayan ay inulan naman syang tukso kay Tere. Niyaya nya na si Lian na umahon na para makapag meryenda. Nagkulong naman si Daniel sa library. Lumabas lang ito para sumabay sa hapunan sa kanila pagkatapos ay trabaho naman ang hinarap nang makapasok sa kwarto nila.

Naiinis sya kay Daniel. Sigurado syang nagkausap ito at si Paula. Gusto nyang malaman kung tungkol saan ang pinag usapan ng dalawa pero hindi nya naman matanong ng derekta ang asawa. Hinihintay nya sana itong magkwento pero tikom naman ang bibig ng lalake.

Hindi rin naman talaga sya magtatanong kung hindi mauunang magsalita si Daniel. Baka isipin naman nito ay F na F nya ang pagiging asawa dito. Nagseselos pa sya sa ex girlfriend nito.

Kaharap nya si Daniel na nagbabasa ng kung ano anong papel sa ibabaw ng desk nito. Matapos ang hapunan ay nilantakan nya ang dalang cake ng asawa habang panay ang irap nya dito. Nakasimangot pa rin sya nang mag angat ng mukha si Daniel at sulyapan sya.

"May icing ka sa gilid ng bibig mo." Anito sa kanya sa kaswal na tinig.

"Ha?" Tanong nya na natigil sa pagsubo nga cake, pati pag irap nya sa asawa ay nahinto.

"May icing ka sa gilid ng bibig mo." Ulit nito sa sinabi bago itinuon uli ang mga mata sa binabasang papeles.

Icing. Eh bakit hindi nito pahirin iyon para sa kanya tutal ito naman ang nakakita. Wala ba talagang ka sweet-an sa katawan ang Mister nya? Binitiwan nya ang hawak nyang tinidor bago sya dumukwang sa lamesa at iniumang ang mukha dito.

"What are you doing?"

"Ayaw mo bang ikaw ang magpunas ng icing sa bibig ko?" Sa halip na sumagot ay tanong nya.

Ilang saglit na nakatuon lang ang mga mata ni Daniel sa bahagyang nakapout na mga labi niya.

"Abot kamay mo lang ang tissue, Abegail."

Ngumuso si Abby. Disappointed na bumalik siya sa pagkakaupo. Napanood nya na ang eksenang iyon sa TV. Pero walang epekto kay Daniel.

"Sure ka ayaw mo talaga?"

Hindi sumagot ang lalake, pagkatapos ay bahagyang kumibot ang mga labi. Parang may pinipigil na ngiti. But then again, Abby thought she must be imagining things. Nang muli nyang sulyapan ang asawa ay pormal na uli ang ekspresyon nito sa mukha.

Pagkatapos, pabuntong hiningang kumuha ng tissue si Daniel sa tissue holder. Awtomatikong itinaas nya naman ang mukha. Kulang na lang umaray sya nang walang ingat nitong punasan ng tissue ang gilid ng bibig nya.

"Happy?" Tanong nito. Iniitsa ang ginamit na tissue sa ibabaw ng lamesa.

"Thank you. Touched na touched ako." Nakasimangot na aniya sabay tayo. Dinampot nya ang platito na may laman pang cake at inis na tinalikuran ang lalake.

Si Daniel ay amused na sinundan ng tingin ang asawa. Abegail never fails to amuse him. She was adorable despite her love for money. Kung nag umpisa lang sana sila sa tama, he wouldn't have to suppress any feelings for her. Pero gaano nga ba sya kasigurado na hindi pa sya in love sa babae? Ramdam nya kanina pa na naiinis ang asawa sa kanya. Kung dahil sa paghalik nya rito kanina ay hindi sya sigurado. Gusto nya itong lapitan at suyuin pero pinipigil nya ang sarili.

Sigurado syang sya ang unang halik ni Abegail kung pagbabasehan ang reaksyon nito nang halikan nya ito kanina. Ang totoo ay hindi nya alam kung bakit nagawa nyang palalimin ang halik na iyon. It was supposed to be a brief and light kiss but when their lips touched, mas nanaig ang hindi nya maipaliwanag na damdamin.

Since their wedding. He had been longing to kiss his wife, iyong malasahan ang tamis ng mga labi nito. He was dreaming of her every night and he was dying to held her in his arms.

Naloloko na ata sya dahil una pa lang ay sinabi nya na sa sariling hindi sya ma iinlove dito. Hindi nya naman pinlano ang kasal na ino offer nya kay Abegail. Parang natural lang na lumabas sa bibig nya iyon.

Pero marahil ang katotohanang attracted na sya dito noon pa mang nagkokolehiyo ito sa DM University ang nagpadali ng desisyon nyang alukin ito ng kasal sa halip na sesantehin. Inakala nya rin na may makakapa syang pagsisisi sa paglipas ng mga araw. Pero nanatiling excitement ang nararamdaman nya sa puso nya.

Hindi nya alam kung tamang si Abegail nga ang pinili nyang maging Ina ni Lian. Pero gusto ng Mama nya ang babae, lalo na si Lian. He may have doubts but the feeling just felt right. Na parang ang puso nya mismo ang nagsasabing tama ang desisyon nyang ito ang pakasalan at samahan habang buhay.

Ang totoo ay inaasahan nya namang madedevelop sya kay Abegail pagdating ng panahon. Hindi nya lang in-expect na mas maaga syang magkakagusto dito. Pero siguro, tama lang na hayaan nya ang sariling mahulog na ng tuluyan sa asawa. Sooner or later ay doon din naman sya papunta.