webnovel

Chapter 6

Tahimik at nakayuko ang ulo ko habang nakaupo dito sa couch nina Kian. Napapagitnaan ako ng upo nina mommy at daddy.

"Babae ang anak ko. Hindi ako makakapayag na hindi siya panagutan ni Kian," saad ni daddy. Hinahaplos Ni mommy ang braso niya upang pakalmahin siya.

Naiiyak ako at isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Ipapakasal kami ni daddy. Magiging asawa ako ni Kian..

Pero si Kian, papayag ba siya? Tiyak na tatanggi yun. Worst ay kung tumakas siya.

Tahimik lang ang magulang ni Kian. Hindi ko mahulaan kung galit ba ang daddy niya. Pero ang mommy niya ay nakangiti lang at kalmado.

Narinig namin ang Pagdating ng sasakyan ni Kian. Bumilis ang pintig ng puso ko. Pinagapapawisan ang mga palad ko.

Nang magbukas ang pinto ay nagyuko pa ako lalo. Hindi ko alam kung paano titignan si Kian.

Oo may kasalanan siya sa akin at galit ako sa kaniya. Kaso ngayon ay natabunan iyon dahil sa bago na namang problema na kinakaharap namin. Kung minamalas ka nga naman.

Naupo si Kian sa pang-isahan na couch. Narinig ko ang pagtikhim ng daddy.

"May relasyon pala kayo bakit naman naglilihim kayo sa amin?" tanong ng mommy niya.

Gusto kong sagutin pero tinikom ko ang bibig ko dahil kung itatanggi ko mas lalaki pa ang issue at madadagdag pa yun. Baka magkagulo pa.

At saka gusto ko ding malaman ang isasagot ni Kian. Itatanggi ba niya o sasabihin niya ang totoong nangyari.

"Kailangan mong pakasalan ang anak ko," diretsahang sinabi ni daddy. Dumoble pa yata ang tibok ng puso ko.  Ano na Kian? Hindi ka ba sasagot.

Bumuntong hininga siya. "Beth, ayos lang ba sa'yo na makasal sa akin?" tanong niya. Nag-angat ako ng mukha at tinignan siya.

May pagtatanong ko siyang tinignan. Bakit ako ang tinatanong niya? At sa itsura niya wala akong mababanaag na pag-protesta sa gustong mangyari ni daddy.

Hindi ako sumagot at nagbaba ulit ng tingin. "Papakasalan ko po ang anak niyo. Papakasalan ko po si Beth," seryodo niyang sagot kay daddy. Hindi nautal, hindi tunog natatakot, na-pe-pressure at hindi tunog napipilitan.

Nagkaroon ng ilang minuto na katahimikan ulit. Ang mommy niya ang unang nagsalita.

"I am happy for you, son. Welcome to the family, Beth," masayang usal ng mommy niya.

"So, paano ang pagpapakasal nila? Anong gusto mong kasal, Beth?" tanong ng daddy niya. Nakangiti na siya at hindi na seryoso.

Parang ang dali lang nilang natanggap lahat. Masaya pa sila. Ang daddy ang nagpumilit ng kasal pero mukhang siya pa ang bigo.

Malamang nabigo sa'yo, wika ng utak ko.

"Magpakasal na muna sila sa huwes bago ang kasal sa simbahan."

"Sige, tatawagan ko na agad ang kilala ko na judge." Alerto ang mommy niya na kinuha ang celphone at lumabas para tawagin ang kilala na judge.

NAKASAL KAMI agad ni Kian. Sumunod lang kami sa gusto ng aming mga magulang. At hindi na kumontra pa.

Pagsapit ng gabi ay dito na din ako sa kuwarto ni Kian matutulog. Wala pa din kaming imik sa isa't-isa. Bukod sa nakakabigla ang pangyayari, may kasalanan pa din siya sa akin. Ang babaeng b-in-lackmail niya at babaeng pinagpustahan nila ay ngayon ay asawa na niya.

Napakabilis ng pangyayari.

Tinuyo ko ang basang katawan ko at dito na din sa loob ng banyo nagbihis.

Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na

si Kian sa kama. Pinagmasdan niya ako, nakatingin siya sa bawat kilos ko. Naiilang man ay hindi ko na lang pinahalata.

Kailangan ko ng masanay. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging mag-asawa.

Mag-aaral pa din naman kami kahit mag-asawa na kami. Siguro kapag may parehas na kaming trabaho sa future at kaya na naming gumastos para sa annulment doon kami maghihiwalay.

Ngayon na umaasa pa din kami sa mga magulang namin ay susunod lang kami.

"Bakit ka pumayag na makasal sa akin?" tanong niya ng makaupo ako sa tabi niya.

Nagkibit balikat ako. Hindi ba niya nakita kanina ang itsura nina daddy at mommy? Kaunti na lang ay mapagbubuhatan na nila ako ng kamay.

"Ikaw, bakit ka pumayag?" tanong ko sa kaniya sa halip na sagutin ang tanong niya.

Nagkibit balikat siya. Kung ano man ang dahilan niya natitiyak kong parehas lang kami. Parehas kami na sumunod sa gusto ng mga magulang namin.

Bumuntong hininga siya. Nahiga na ako at hindi siya pinansin. Nakatihaya lang ako. Nagulat ako ng tumagilid siya at humarap sa akin.

"I am sorry," aniya na kinagulat ko. Pero sa halip na matuwa sa paghingi niya ng tawad ay nakaramdam ako ng galit. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa aking bunganga.

"Sorry? Sorry na pinagpustahan niyo ako, sorry na b-in-lackmail mo ako?" naiinis kong tanong sa kaniya. Sinamaan ko pa siya ng tingin.

"I am sorry kung kailangan pa kitang i-blackmail para mapansin mo ako." Lito ako sa sinabi niya pero hindi ako umimik.

"Sorry kasi natotorpe ako. Sorry dahil dinadaan ko sa pam-bu-bully mapansin mo lang ako."

Tinignan ko siya ng may pagkalito.

"Kahapon, ng makita ko na may nagpuntang lalake sa bahay niyo. Natakot ako. Naisip ko agad na kapag nakipag-boyfriend ka na mas lalong hindi mo na ako mapapansin."

Inikot ko ang mata ko. "Hindi mapapansin? Pansin na pansin ko nga eh, sa araw-araw ba naman na pang-aasar mo, hindi pa kita pansin sa lagay na 'yon?" masungit kong saad.

Napatawa siya. "Matagal na kitang gusto."

"Hindi convincing, matulog ka na. Galit pa din ako sa'yo."

"Mag-usap pa tayo," aniya na parang bata. Malambing ang tono na ginamit at kulang na lang ay yakapin ako.

"Noong elementary tayo at nabasa ng mga kaklase natin ang love letter mo para sa akin, inis na inis talaga ako."

"Pinagtawanan ako noon ng mga kaklase natin. Ikaw naman namumula ka sa galit at para bang kasalanan ko na mag-ka-crush ako sa'yo," sabi ko.

"Kaya ba hindi mo na ako tinitignan mula noon?"

"Galit na galit ka sa akin na nagka-crush ako sa'yo. Kaya naman naghanap na ako ng ibang crush." Pinahaba ko ang nguso ko.

"Naiinis ako sa'yo noong high school tayo."

"Kasi may crush ako at hindi na ikaw 'yon?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Oo, nagseselos ako," sagot niya.

"Tssss. Ang galing mo ngang magselos eh. Dinaan mo sa araw-araw na pang-aalaska sa akin. Ang iba nililigawan ang babae na gusto nila, ikaw naman iba ang ginagawa mo." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Sorry sa nangyari sa university kanina. Sinuntok ko si Harold ng makaalis ka. Hinabol kita kaso ang bilis mong nakasakay. Hinabol din ako ng guidance councelor," sabi niya at tumawa.

"Sorry. Sorry, Beth."

"Wala na tayong magagawa nakasal na tayo eh."

"Alam kong napilitan ka lang na pakasalan ako. Pero ako, Beth, hindi. Masaya ako. Masayang masaya."

"Sana magustuhan mo ulit ako." Nagtitigan kami. Maya-maya'y naging masama ang timpla ng mukha. "Sino ang lalake kahapon na kasama mo? Anong ginawa niyo? Naghalikan ba kayo?"

"Ka-M.U ko siya," sagot ko. Gusto kong matawa dahil halatang selos na selos siya.

"Huwag mo akong maiisipang pagtaksilan, Beth," banta niya.

"Hoy, lalake. Ikaw nga itong napakadaming babae."

"Nagseselos ka ba kapag nakikita mo akong may kasamang iba? Nagseselos ka ba?" Nakangiti siya.

Tinampal ko siya sa balikat. So, pinagseselos niya ako kaya madami siyang mga babae na kaakbay sa university lagi?

"Baby, promise araw-araw kitang liligawan. Babawi ako sa'yo, I love you."

Nginitian ko siya.

"Thank you," sagot ko para inisin siya.

Galit pa din ako dahil pinagpustahan nila ako. Pero kung hanggang kailan ang galit na 'to hindi ko alam.

Pero isa lang ang alam ko. Sa lahat ng nangyari sa amin. Mula noong mga bata pa kami at hanggang ngayon, nasisigurado kong gusto ko pa din si Kian.

Sana nga pang-habang buhay na kaming dalawa.