JEWEL
"Uy may sale dito tayo!"
"Mommy huwag diyan!" Hinawakan ko ang strap ng bag ni Mommy. Hindi pa rin siya nagpapigil. Pumasok pa rin kami sa tindahan ng mamahaling boutique.
"Halika na malay mo may mahanap tayong maganda pero mura," excited na sabi niya.
We are at Shangri-la Mall kung saan dati ay madalas silang magshopping ni Daddy. Tutol ako na dito kami pumunta pero pinagbigyan ko ang aking ina. Napakatagal na rin kasing panahon na hindi siya nakakapag-ikot ikot sa gaya nitong high-end mall. Natutuwa akong makita ang kanyang mga ngiti habang nagwiwindow shopping kami. Marahil ay namumuni-muni niya ang mga panahong sunod pa siya sa luho ni Daddy.
"Mommy kahit sale dito, mahal pa rin," mahinang sabi ko habang nagsisimula na siyang pumili sa hilera ng mga naka-sale na damit.
"Okay lang yan. Kahit isa lang ang mabili natin ngayon ang importante ay magandang quality naman ang mapili natin. Look at my clothes na hanggang ngayon ay nagagamit mo pa rin. Bawing- bawi na ako sa mga nagastos ko doon tapos wala pang pwede magsabi sayo na mumurahin ang damit mo."
I shrugged. Kunsabagay may point naman siya. Madalas nga ay napapahanga sa mga damit ko ang aking mga kasamahan. Kung alam lang nila na mga pinaglumaan na yun ng lahat ng nanay ko.
"Eto ang ganda nito!" bulalas ni Mommy nang may namimilog na mga mata. She is holding a retro style checkered dress. She quickly checked the tag price. "1,250 na lang from 7,500. Luma na yung stock pero pag nilabhan natin to, ang ganda nito! Isukat mo, bilis!"
Sinukat ko ang damit. I can't help not to smile while looking at myself in the mirror. The dress looks good in me. It's simple yet classy. Mabuti na lamang ay may fashionista akong nanay or else my ordinary eyes won't discover the hidden beauty of the dress.
"Let me see," my mom said.
Lumabas ako nang dressing room at namilog agad ang mga mata niya. I know what she'll say, I told you I'm right.
"See! I'm right! Bilhin na natin ito," ika niya.
The saleslady approached us with a wide smile. "Bagay na bagay po sa inyo ma'am. Marami pa po kaming magagandang dress dito na tiyak na mas mababagay pa sa ganda at sexy niyo."
"Thank you pero tama na ito," sagot ko agad.
"Halika magsukat ka pa rin ng iba," sabik na wika ni Mommy. Tiningnan ko siya nang makahulugan.
"Ah oo nga pala marami pa tayong pupuntahan. Sige tama na yan,"
biglang preno niya.
1,500 lang ang budget namin. Wala na rin naman kaming mabibili kaya mag-aaksaya lang ako ng oras kung magsusukat pa ng mga damit na hindi ko naman bibilhin.
"Ang saya-saya ko na nakahanap tayo ng sulit at magandang damit," my mother said while we're heading out of the store. I suddenly feel bad for her na ang ilang oras na pag-iikot namin ay inilaan lang sa paghahanap ko ng damit.
"Mommy bili rin ho tayo ng damit niyo," I suggested.
Ngumiwi siya. "Naku huwag na. Aanhin ko naman yang bagong damit. Hindi naman ako nag-oopisinang gaya mo." Pagkuway unti-unting nagliwanag ang mga mata niya. "Yung sobra dun sa budget natin sa damit, pwede bang ipambili ko na lang ng mask yun?"
"Oo naman ho. Bumili na ho kayo ng marami," natatawang tugon ko.
"Halika hanap tayo sa watson!" Humawak siya sa aking braso at masigla naming itinuloy ang aming pag-iikot.
"Jewel, is that you?"
Napahinto kami ni mommy. Nagulat ako nang makita si Ma'am Stella na kasalubong namin. Marami siyang bitbit na mga malalaking paper bags na ang nakasulat ay mga brands na may nakakalulang presyo.
"Ma'am Stella!" bulalas ko. "Good afternoon po!" Ngumiti siya at napatingin kay mommy. "Ma'am mommy ko po."
"Hello po." Kusang si Ma'am Stella na ang nag-offer ng handshake.
"Hi Ma'am. I'm Feliza. Nice meeting you," sagot ni mommy na galak na galak makipagkamay at mistulang nakakita ng artista ang namamanghang mga mata.
"Mommy siya po ang girlfriend ni Sir Yul," I said.
"Really? Naku ang ganda-ganda niyo po ma'am," tumingin sa akin si mommy. "Siguro ang gwapo rin ng boss mo no?"
"Yes. At sobrang bagay na bagay po sila," natutuwang sagot ko.
"I was trying to call you. Busy ka pala kaya di mo nasagot," may ngiting wika ni Ma'am Stella.
"Tumawag kayo?" Tarantang hinalukay ko sa aking bag ang cellphone. "Naku pasensiya na nakasilent po. Ay oo nga pala! Tumawag sa akin si Sir Yul kagabi at nasabi niyang tumatawag kayo kaso nakapatay ang phone ko. Sorry po kasi hatinggabi na ako nakauwi tapos na-low bat ako."
"It's okay."
"Bakit nga po pala kayo napatawag?"
"Hindi naman ganun kaimportante. Magpapasama lang sana ako later mag fitting para dun sa pag-aabayan ko sa kasal. But nevermind at may lakad pala kayo ng mommy mo."
Bigla akong itinulak ni mommy papalapit kay Ma'am Stella." Ma'am tapos na ho kaming mamili pwede niyo na ho siyang isama!"
"Mom may bibilhin pa kayo di ba?" ika ko.
"Naku kayang-kaya ko na mag-isa yun Jewel. Samahan mo na si Ma'am Stella. Kayang-kaya ko na ring umuwing mag-isa."
"S-Sige ho," medyo atubiling sambit ko.
"Tita it's okay. Ayoko hong maging sagabal sa bonding niyo ni Jewel," Ma'am Stella said.
"Tapos na ho kami Ma'am. Pagkauwi namin sa bahay, wala na rin naman kaming gagawin."
Tumingin sa akin si Ma'am Stella. "Okay lang ba Jewel? It's just a petty request of mine. Kung may gagawin kang iba, of course you can say no."
"Ah... okay lang naman ho. Inaalala ko lang naman ang pag-uwi ni mommy but since she said na kaya niya na then I can go with you now," ngiti ko sa kabila ng isipin na marami pa kaming mga lalabhan ni mommy. Pero ipagpapabukas ko na lang kesa naman walang makasama si Ma'am Stella.
"Really thank you! Akala ko mag fifitting ako mag-isa," she said with a wider grin.
"Paano mommy kita na lang ho tayo sa bahay mamaya. Ingat ho kayo sa pag-uwi." I kissed her at the cheek.
"Kayo rin ingat."
"Tita Feliza thank you for lending your daughter to me," Ma'am Stella said.
"Naku wala po yan ma'am."
Nang paplakad na kami palayo kay mommy, kinuha ko ang mga dala-dalang paper bags ni Ma'am Stella. "Ma'am ba't wala po kayong kasama or alalay man lang?"
"Minsan gusto kong magshopping mag-isa."
"Kunsabagay masarap din yung napapag-isa paminsan-minsan." Tumingin ako sa mga pinamili niya. "Ang dami po nito," komento ko.
"Bumili ako ng mapagpipilian kong mga accessories at sapatos para sa dress na isusukat ko later. It's my bestfriend's wedding kaya pinaghahandaan ko talaga."
Napanganga ako habang tinitingnan ang mga paper bags. Para sa isang klase ng damit, namili na siya ng apat na pares ng sapatos at ilang box ng accessories. Nakakalula pala talaga gumastos ang mga mayayaman. "May mga bibilhin pa ho ba kayo?"
"I'm done. Papunta na ako sa wedding boutique. Buti na lang pala eksaktong nagkasalubong tayo."
"Oo nga ho eh. Pasensiya na ulit kayo't hindi ko narinig ang tawag niyo."
Sa parking ay sinalubong agad kami ng driver niya at tinulungan ako sa pagsakay ng mga paper bags. Her car is a silver mercedez benz. Sa unahan dapat ako sasakay pero sinabihan niya akong maupo sa backseat kasama siya.
"You said Yul called you last night," tanong niya nang umaandar na ang kotse.
"Opo."
"Why? Is he giving instructions even at midnight?"
"Ho? Hindi naman ho. Kagabi lang naman siya tumawag sa akin nang ganoong oras. He called just to say na tumatawag po kayo sa akin."
"Ah I see," she uttered with a quick grin.
"Nasan nga po pala si Sir Yul? Ba't di niya kayo nasamahan ngayon?" usisa ko.
"He's doing inspection at the factory with a VIP Japanese client."
"Sino ho? Si Mr. Takakura?"
"I think so."
Kumunot ang aking noo. Yun ata ang tinutukoy sa akin ni Mr. Takakura nang sinabi niya sa aking see you tomorrow. Wala namang binanggit si Sir Yul sa akin tungkol dito. Marahil ay magaling na si Ma'am Nora at siya na lamang ang isinama.
"By the way, Yul is very impressed about last night meeting. He said you did a very good job."
"Really he said that?" I said with bright eyes.
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?"
"Ah hindi naman ho. Kaya lang wala naman ho siyang sinasabi kagabi. Kinakabahan pa nga ho ako na baka may nagawa akong palpak. Ang istrikto niya po kasing tumingin lagi."
"He said it. Are you happy to hear it?"
Napangiti ako sabay hawak sa aking pisngi. Bahagyang uminit ito. "Siyempre masaya ho. Kahit sino naman ho sigurong empleyado ay matutuwa kapag nalamang pinuri sila ng kanilang boss."
She sighed. "My boyfriend looks firm in the outside but actually soft in the inside. Kaya nga kahit matagal na kami ay natatakot pa rin ako na maagaw siya ng iba sa akin. You'll never know baka bigla na lang siyang madevelop sa iba."
I looked at Ma'am Stella in awe. I can hardly believe that a woman like her has still some hidden insecurities within her. "Ma'am sa ganda at status niyong yan, sa tingin niyo may maglalakas loob pang kompetensiyahin kayo? Saka ang tanga-tanga naman ni Sir Yul kung titingin pa siya sa ibang babae. Nasa mga kamay niya na ang napakaganda't napakabait na gaya niyo tapos pakakawalan niya pa. Only stupid man will do that!"
May sigla ang mga matang tumingin siya nang diretso sa akong mukha. "Sa palagay mo hinding-hindi titingin sa ibang babae ang boyfriend ko?"
"Oo naman ma'am. Kung alam niyo lang kung gaano niya kayo kamahal." Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na ginagawa na ng boyfriend niya ang lahat ng paraan upang mapakasalan na siya. "I don't think that third party will be an issue. Kung magkakaroon man kayo ng problema baka sa trust issue kasi parang hindi pa hundred percent ang binibigay niyong tiwala kay Sir Yul," lakas loob na pagsasaboses ko sa aking opinyon.
"I trust him kaya lang minsan madalas akong matakot, mag-alala at magselos sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari," medyo nahihiyang pag-amin niya. "I know it's wrong that's why I'm trying to overcome these bad side of mine."
"I don't think it's wrong to feel that way. That's just part of being you. We all have imperfections at nasa partner niyo na yan kung paano ihahandle ang imperfection niyo. Ang mahalaga ay nagtitiwala, iniintindi at nangingibabaw ang pagmamahal nyo sa isa't isa."
She gave me an admiring look. "Do you have an idea on how good you are in giving advices?"
I chuckled. "Maybe because I haven't been really in love at all so my feelings and perception in life isn't impaired and biased. Who knows kapag natuto ho akong magmahal ay mas malala pa pala ang pagiging selosa ko at mas marami pa akong maging fears kesa sa inyo. Sabi nila magaling lang daw magsalita theoritically ang mga taong wala sa sitwasyon ng pinagpapayuhan nila."
"I think kapag na inlove ka, you'll remain as objective as you are now. That's just you're personality."
"Sana nga ho," ngiti ko. Napakunot ako nang sumagi sa isip ang lihim namin ni Sir Yul. "Ma'am how much do you love Sir Yul?"
"I love him so much. Ipaglalaban ko siya kahit kanino. Siya lang ang lalaking gusto kong makasama habangbuhay," siguradong-siguradong sagot niya.
"Does it mean that you're also willing to accept his imperfections?" tanong ko.
"Yes." She laugh softly. " But he's perfect to my eyes from head to toe."
"But nobody is perfect. Paano kung nalaman niyong may nagawang malaking maling desisyon dati si Sir Yul. Maybe during the time na hindi pa kayo magkakilala, are you still willing to accept him wholeheartedly?"
"Of course I will."
Nakahinga ako nang maluwag sabay ngiti.
"But I don't think he made a big mistake in his life. Kilala ko siya. Hindi siya ang tipo ng taong makakagawa nang malaking pagkakamali dahil lahat ng desisyon niya ay pinag-iisipan niyang mabuti," she added.
Biglang naglaho ang ngiti ko. Bumuntong-hininga ako nang malalim. Mukhang mahirap pa ring hulaan kung ano ang magiging reaksiyon ni Ma'am Stella kapag nalaman niya ang sekreto namin ni Sir Yul. Although we will have an annulment, para sa akin she still deserves to know the truth. Sana kapag dumating na ang sandaling iyon ay manatiling matibay pa rin ang kanilang pag-iibigan at ang pinagdarasal ko sa lahat ay sana huwag akong kamuhian ni Ma'am Stella. Sana mabilis niya lang itong matanggap. I want to remain friends with her and I also want to keep my job above anything else.
Tumigil ang pagkukuwento ni Ma'am tungkol sa amo ko nang marating na namin ang boutique ng isa sa mga sikat na wedding designer sa Pilipinas. Personal na sinalubong mismo siya ng designer upang i-welcome.
"Hi Stella! As always you look gorgeous my dear! Where is Mr. Dela Vega?" he asked.
"He's working."
"Yang boyfriend mo talaga laging busy. Naunahan ka na ng bestfriend mo. Eh kayo ano bang plano niyo?"
I noticed na medyo sumama ang hitsura ni Ma'am Stella. "It will come. Medyo busy pa kami parehas sa mga work namin," sagot niya nang may pilit na ngiti.
"Bilisan niyo na at kating-kati na tong kamay ko isketch ang wedding gown mo."
"Just be patient. Darating din tayo diyan," kunway natatawang wika niya.
"O siya. Saglit lang ha! Ireready ko lang yung damit mo at mukhang nilalagyan pa ata ng mga beadworks."
"Okay. We'll wait."
Napapabuntong hiningang naupo si Ma'am Stella. Tinabihan ko siya. Nakatitig siya sa mga nakadisplay na wedding gown at tila lumilipad ang isip. Tumayo siya at lumapit sa mga gowns. Sinundan ko siya.
"Jewel I'm embarrassed to say this but I think Yul isn't sure yet about his feelings for me,"'she said out of the blue while checking the dresses.
"Bakit niyo naman nasabi yan ma'am?"
"Because until now, he isn't proposing. Matagal na rin naman kaming magkarelasyon at nasa tamang edad na para mag-asawa pero bakit kahit konting sign ay wala akong makita at maramdaman na gusto niya akong mapangasawa?" she said in despair.
Napalunok ako. I'm hating my old self again. Because of my selfishness another heart is suffering right now. "You're getting the wrong idea Ma'am. I think Sir Yul is completely in love with you. Maybe he has a reason why he won't propose yet."
"What reason?"
I can hardly look in her sad eyes. "I can't tell but I'm sure he has reason. I-I just feel it and I feel too that he loves you so much."
Ngumiti siya and it's not as dull as the previous one. Muli siyang tumingin sa mga gown at marahang hinawakan isa-isa. "If we'll get married, I want a gown with a very long trail. Ikaw anong gusto mong wedding gown sa kasal mo?"
I looked at the gowns with blank face. "I have no idea. Hindi ko pa kasi nakikita ang sarili ko na kinakasal-" Natigilan ako nang magawi ang mga mata ko sa isang napakasimpleng wedding dress. Malaki ang pagkakahawig nito sa damit na isinuot ko sa civil wedding namin ni Ulysses. "I-I think I like a simple dress. Gaya nun," turo ko sa damit.
She chuckled. "It's very you. Simple but beautiful. I wonder why you have no boyfriend until now. Talaga bang hindi ka pa nagkakaboyfriend kahit kailan?"
"Totoo po."
"Does it also mean that you haven't sleep with a man?"
"Hindi pa ho."
"How about a kiss?"
I am still thinking what to answer.
"Stella dear, your dress is ready. Let's go to the fitting room," the designer said.
Iniwan ako ni Ma'am Stella na nanatiling nag-iisip. I'm thinking about the obligatory kiss during my wedding. If it counts as a valid kiss then it's my first and last kiss.
Napaiktad ako nang biglang may kumalabit sa aking likuran. Nagulat ako nang paglingon ko ay nakita ko si Sir Yul.
"You're here," he smiled and stood beside me.
Di sinasadyang napatingin ako sa mga labi niya. Those were the lips that just ran through my head. Nakatanga lang ako habang nakapako ang mga mata sa kanyang mukha. My heart is pounding. It's still in surprise of his unannounced arrival. Huminga ako nang malalim at saka lamang unti-unting kumalma ang aking dibdib.
"Sir akala ko po magkasama kayo ngayon ni Mr. Takakura?" natutuwa nang sabi ko.
"Maaga kaming natapos."
"Naku matutuwa nito si Ma'am Stella," excited na wika ko.
He put his finger to his lips. "Shhh... I want to surprise her."
Ngumiti ako at tumango. Nakikinikinita ko na ang masayang mukha ni Ma'am Stella.
"Mabuti naman at nasamahan mo siya," he said.
"Anytime sir basta si Ma'am Stella. Sige sir magpapaalam na po ako. Kayo na lang ho ang magsabi na umalis na ako."
"Ba't aalis ka na?"
Napigilan ang paghakbang ko. Medyo matigas ang pagkakatanong niya. Kinabahan ako na baka namisinterpret niya na napilitan lang ako sumama kaya atat akong umalis. "Sir gusto ko pa naman hong mag-stay but I think mas masusurpresa si Ma'am kapag ikaw lang ang maabutan dito," malumanay na paliwanag ko.
"Can we at least offer you a dinner? Yun man lang ay makabawi ang girlfriend ko sa pang-iistorbo niya sayo on your day off mo?"
"That's not necessary. Minsan na nga lang kayong magkaroon ng oras ni Ma'am mang-iistorbo pa ako."
"It's just a brief dinner. We have all the time to be alone after that so you don't have to worry about it."
Mabilis na nag-isip ako ng excuse. "Ano kasi sir. Weekend kasi ngayon kaya sana masamahan ko naman si Mommy mag-dinner sa bahay."
Mukhang effective ang excuse ko at medyo lumambot ang hitsura niya. "I understand. Pahahatid na lang kita kay Alfred kung ganun. Baka mahirapan ka na namang sumakay gaya kagabi."
"Ay sir huwag na po. Sanay na sanay ho akong magcommute," mariing tanggi ko.
Muling tumigas ang kanyang mukha. "Lahat na lang ba ng offer ko tatanggihan mo?"
Napakurap ako. "S-Sige sir. M-Magpapahatid na po ako. Saan ho ba nakapark si Alfred? Ay di bale ako na lang ho ang tatawag sa kanya. A-Alis na po ako. Pasabi na lang kay Ma'am."
Tumalikod ako't mabilis na humakbang.
"Saan ka pupunta?" he asked.
"Aalis na po."
"Andun ang pinto oh," turo niya sa kabilang direksiyon.
"Ah oo nga pala." Tumungo ako dahil dama kong nakatingin pa rin siya sa akin baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Pagkalabas ko ay muli kong naramdaman ang pagkabog ng aking dibdib. Kinakabahan o nagi-guilty na naman ata ako. I can't explain why I'm suddenly getting this weird feelings. Gusto ko nang umuwi hindi para huwag makaistorbo sa kanila kundi dahil parang hindi ko na kayang tumingin nang diretso sa mga mata ni Ma'am Stella kapag kasama ko silang dalawa. Habang tumatagal at naglalabas ng saloobin sa akin ang girlfriend ng amo ko, unti-unti kong napapagtanto na meron akong nagawang napakalaking kasalanan sa kanya na hindi ko naman sinasadya.