webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
21 Chs

Chapter 3 carrot cake

"Hoy, Cielo andito na tayo!" kinalabit sya ni Vince sa braso kaya napalingon siya dito, "ano bang iniisip mo? kanina kapang tulala riyan!"

Napatingin siya sa labas ng bintana ng kotse nito at noon lang niya napansin na nakapark na pala ang kotse nito sa labas ng restaurant ng kuya Juno niya.

"I-im sorry, may naalala lang ako!" bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse nito ng pigilan siya nito.

"Wait!" anito Nagtataka niyang nilingon ito.

"Tanggalin mo muna yang seatbelt mo."

Saka lang niya naalalang naka seatbelt nga pala sya.

"Ah, oo nga pala!" saka ni ini unbuckle iyon at saka niya binuksan ang pinto ng kotse nito.

"Sigurado ka bang okey kalang? Dapat yata talaga dinala na kita sa ospital kanina, ang kulit mo kase!" habang papasok sila ng resto.

Hindi naman niya pinansin ang mga sinasabi nito at dumiretso lang sya sa loob ng nasabing establisimiento.

"Good morning ma'am, here's our menu." Nang makaupo sila ay iniabot sa kanya ng waitress ang menu book ng mga ito, sa hinala niya ay bago lang ito dahil hindi siya kilala, tapos ay si Vince naman ang nilapitan nito at inabutan rin ng isa pa.

"Here's for you Sir!" tapos ay iniwan na sila nito. Sandali niya lamang binuklat ang menu dahil kabisado naman niya ang laman niyon. Hindi pa rin niya kinakausap ang kasamang binata na nakatingin lang sa kanya.

"Gusto ko ng carrot cake." Sabi niya sa waitress ng lumapit ito sa kanila para kunin ang order niya.

"Ma'am wala po kaming carrot cake sa menu, Cheese cake lang po ang available." Magalang na sagot nito.

"Sabihin mo sa Chef niyo, ang gusto ko carrot cake!" seryosong utos niya rito, gusto niyang malaman kung gaano kataas ang tolerance nito sa mga maarteng costumer katulad niya.

"Ma'am kung ano lang po ang nasa menu namin yun lang po ang available, pero itatanong ko pa rin po kung gumagawa sila ng special request." Halatang pinipigil nito ang sariling bulyawan siya para hindi ito mawalan ng trabaho.

"Stop bullying others Cielo," ani Vince ng makaalis ang babae, "Umaatake na naman ang princess syndrome mo!"

"Hindi ko ugaling mambully, sinusubukan ko lang kung hanggang saan sya katatag ang loob niya!" sagot niya dito.

"kung ako palang ang kaharap niya at hindi niya magagawa ang trabaho niya, pano na sya tatagal?" sa palagay ni Cielo ay tama naman siya at hindi naman para sa kanya ang ginagawa niya kundi para narin sa restaurant ng kuya niya. Alam niyang kahit hindi siya kinontra ni Vince ay hindi rin ito pabor sa ginawa niya.

Nang bumalik ang waitress ay kasama na nito ang kuya Juno niya na dala ang inorder niya. "Here's your carrot cake ma'am!" saka nito ibinaba sa mesa ang order niya.

"As expected! Pag sinabi kong may carrot cake dito siguradong pupunta ka!" sabi ng kuya niya saka naghila ng upuan sa pagitan nila ni Vince. "Bakit magkasama kayo? Wala ka namang mahila kaya inabala mo na naman sya!?"

"Pupunta talaga ako, nadaanan ko lang sya sa edsa kaya magkasama kami." Ani Vince dito. "naaksidente kase ang kotse nya kanina."

"What!? Naaksidente ka? Eh bakit nandito kayo dapat sa ospital ka nagpunta! Teka okey ka lang ba?Nasaktan kaba?" natakpan ni Cielo ang tainga niya sa sunod sunod na tanong ng kuya niya.

"Kuya, nagasgas lang ng konti yung kotse ko, hindi naman totally aksidente, sinadya yun nung bangag na kabangga ko." Nairita na naman siya ng maalala yung hudiyong lalaki kanina.

"Buti nalang dumating ako sa oras, pano kung hindi? Baka napatay mo na yung kawawang lalaki!"

Tiningnan niya ng masama si Vince. "Palagi ka na lang ganyan, tingin mo talaga sakin hindi babae ano!?" saka niya sinandok ng Malaki yung cake at inisang subo iyon, "hmmm!" pikit mata niyang ninamnam ang paboritong cake.

"Sis, hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka jan!" saad ng kuya Juno nyang enjoy na enjoy syang pinapanood habang inuupakan ang malaking carrot cake niya.

"Its seem that hindi ka natatakot sa carbohydrates! Girls usually doesn't like sweets and carbs!" nakisandok na rin si Vince sa kinakakain nyang cake.

"Nilulubos ko lang lang habang nandito pa ko sa kapatagan!" saka kumuha pa uli siya ng isang puno sa kutsara niya. "pagbalik ko sa bundok ay matatagalan pa bago ako makatikim uli ng mga ganitong pagkain."

Madalas ang pag akyat niya sa mga kabundukan para magsagawa ng medical mission para sa mga tribo na malalayo sa kabayanan na bibihirang maabot ng tulong mula sa gobyerno, Its her calling, ang pagtulong sa mga maliliit na mamamayan na mas higit na nangangailang ng tulong subalit hindi nabibigyang pansin ng lipunan. Madalas siyang biruin ng ama nila na tumakbo nang konsehal sa susunod na eleksyon dahil para daw syang kandidato kung tumulong sa kapwa.

"When are you living?" Vince asked her.

"As soon as Doc Martin arrives, wala pang exact date dahil puno pa ang schedule niya this week." Who cares kung may laman ang bibig nya habang nagsasalita sya.

"At sino naman si Doc martin?" habang nakamasid lang kuya niya sa kanila ni Vince na pinagsasaluhan ang cake na parang mag jowang patay gutom! Hahaha!!!

"My Ex." Kaswal na sagot niya dito.

Ehem, ehem! Nabilaukan si Vince sa kinakain niya. Tinapik-tapik nito ang dib-dib saka ininom ang tubig na iniiabot dito ni Juno.

Ng maging okey na ito ay nagpakawala muna ito ng hangin sa dibdib saka nagsalita. "Pupunta ka sa bundok with your Ex? Sigurado kaba? How old is he? Anung tunay niyang pangalan?" sunod sunod na tanong nito na dinaig pa ang kuya Juno niyang basta lang nakatingin sa kanya at walang naging reaksyon sa sinabi niya.

"Bakit naman ako hindi magiging sigurado eh matagal ko na naman siyang nakakasama sa mga medical mission namin tsaka isa pa eh sya ang isa sa pinakamagaling na neuro surgeon nankilala ko." Sagot niya dito, ano bang problema ng isang to! Daig pa si Dad kung makatanong ah.

"Ang Doc Martin ba na sinasabi mo ay yung pinaka batang neuro surgeon na kinilala ng WHO kamakailan na at pinarangalan dahil sa mga achievements nya?" tanong ng kuya Juno nya.

"Yes, he is!" sagot niya rito.