webnovel

Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga

MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya.But, the real journey will start there and the rest of the story is history. NOTE: No part of this novel may be copy, reproduced or transmitted in any forms by any means. Please respect the author. PLAGIARISM is a Crime

Shiani_chii · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
33 Chs

Emergency Meeting

Sumunod kami kay Mrs. Clementine palabas ng witches' dormitory hanggang sa makarating kami sa conference house ng academy. Pagpasok pa lamang sa gusali, masasabi ko na may kalawakan ang loob ng conference house at mayroong mahabang varnished wooden conference table ang naka-ayos sa sentro, habang ang mga bintana ng conference house ay gawa sa pinakamatibay na uri ng salamin. Take note, magic-proof din ito. May ilang conference chairs ang nakapalibot din sa table. Nagtaka kami kung bakit kasama rin namin sa conference house sina Loki, Rincewind, Luccas, Calum, at Gwydion. Maging sina Leon at Rage ng Twilight Flame, Loure at Von Marcus ng Night Shadows at Henry ng Radiant Heart. Habang kami ay nakatayo sa may bandang pintuan ng conference house, pabulong na nagtanong si Phyra kay Prof. Rudolf na katabi lamang niya dahilan para makuha ang atensiyon namin mga babae, "Mawalang-galang na po prof, bakit po nandito sina Aeris at ang iba pang taga-kabilang dorm?"

Kalmadong sumagot si Prof. Rudolf kay Phyra, "You were on the same boat, Ms. Blaise. Parehas lamang ang insidenteng na-experience ninyo at ng mga warlock na'to ngayong gabi, and Mr. Worth was one of the victims, at nawawala rin si Crow Ravencraft, the younger brother of Loure."

Nagkatinginan kami matapos sagutin ni Prof. Rudolf ang usisa ni Phyra. Pati kapatid ni Loure nawawala, pero bakit? Tumungo ako at napakagat-labi saka mahigpit kong hinawakan ang kanang kamay ko kung nasaan naka-ukit ang crescent moon mark ko. This was my fault. I am a weak and helpless heiress. Nagutla ako and I came back to my senses nang hinila na ako ni Stella papalapit sa conference table.

Pina-upo kami ni Mrs. Clementine sa mga conference chairs. Samantalang umupo ang matandang dalagang propesor sa malaking swivel chair sa unahan. Katabi naman niya si Prof. Beatrix sa bandang kanan, sa bandang kaliwa naman si Prof. Rudolf. Katabi naman ni Prof. Beatrix si Professor Crazy Jerk, at si Prof. Irvin naman ay naka-upo sa tabi ni Prof. Rudolf. Seryoso ang mga hitsura ng mga propesor na kaharap namin, habang ang mga kasama ko ay halatang hindi makalimutan ang mga nasaksihang pangyayari kani-kanina, lalo na ang mga ka-roommates ng mga nabiktima. Mukhang mabigat ang magiging diskusyonan namin ngayong gabi. Naantala ang pag-iisip ko nang naulinigan ko ang marahang pagpalakpak ni Mrs. Clementine sa kaniyang mga kamay, dahilan para maagaw ang atensiyon namin lahat.

"Una sa lahat, ikinalulungkot ko ang nangyari kay Ms. Hyacinth Gray ng Night Shadows. As for Mr. Wainsley Worth ng Twilight Flame, nasa emergency room siya ng ating klinika, kasama si Margaux, ang batikang academy's doctor natin," malungkot na saad ni Mrs. Clementine.

Napasinghap kami ng mga kasama ko dahil sa gulat. Ibig sabihin, pati na rin sa boys' dorm ay nangyari rin ang ganitong kahindik-hindik na insidente.

"S-Si Wainsley? A-Ano po ang nangyari kay W-Wainsley?!" gulat na bulalas ni Agatha.

"Nang maabutan namin siya sa may aisle ng dorm, naghihingalo na siya. Thank goodness at naroon pa sa salas ng dorm ang Big Three, si Gwydion, Calum, at maging si Von Marcus, kaya agad siyang nalapatan ng lunas." saad ni Leon.

Tumulo muli ang mga luha ni Agatha saka napahawak siya sa kaniyang dibdib. Ngumiti naman si Von Marcus kay Agatha, "Don't worry Agatha, he's safe now. Matutuwa siya kapag nalaman niya na nagwo-worry ka sa kaniya once he wakes up."

I saw Agatha flashed a genuine but painful smile at Von Marcus. May kung anong bagay ang sumalpok sa dibdib ko sa mga ngiti nyang iyon. Awa at simpatiya para sa kanila ang naramdaman ko dahil sa pighati na dinanas nila ngayong gabi. I felt guilty as well, dahil bilang anak ng sumakabilang reyna, wala akong magawa para protektahan ang mga kasama ko. Kung sigurong hindi ako nag-emote sa kuwarto dahil sa pagpapahiya na ginawa nila sa akin kanina sa dininig hall at nag-stay muna ako sa salas ng dorm namin, baka sakaling nailigtas ko pa sina Alice at Carmilla, maging si Hyacinth, kahit hindi maayos ang pakikitungo nila sa akin. Gulong-gulo ang utak ko. And, the fact na kakaiba rin ang kinikilos ni Lucia de Sienna lately, ang isa sa nakakadagdag sa stress at isipin ko. I heard Mrs. Clementine coughed to caught our attention again.

"H'wag kayong mag-alala. We still managed to control the situation right now, at ipaparating ko kaagad ang balitang ito sa Council para mapagdesisyunan kung ano ang marapat na aksyon ang maari natin gawin. Kaya ko kayo isinama rito, it was because you are the persons involved in the incdent and this is also considered as an emergency meeting. Most likely, isang babala para sa atin lahat," paliwanag ni Mrs. Clementine saka humugot ng hininga bago magsalita, "Kumikilos na ang kalaban, at hindi natin alam kung kailan mangyayari ang ganitong sitwasyon— ang mas malalang sitwasyon sa academy. Ang ilan sa inyo ay maituturing namin na witness. Isa na si Mr. Worth na kasalukuyang 'unstable' ang kondisyon. Si Mr. Amaro, Ms. Wizcon, Ms. Ashton, Ms. Evergreen, at syempre, ikaw Ms. de Sienna." marahang sinabi ni Mrs. Clementine.

Sumabad si Loure na halos mangiyak-ngiyak sa galit, "Prof, please hangga't maari gumawa na po tayo ng action plan. Besides, kailangan natin panagutin ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kailangan po natin mabawi ang kapatid ko, maging sina Carmilla at Alice. Hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyari kay Crow! Bukod doo—" hindi na natapos ni Loure ang sasabihin nang hinila siya ni Henry paupo sa kaniyang upuan. He sealed Loure's mouth using his magic and we heard Loure whined and growled at Henry. Muling nagsalita si Henry, "Pagpasensyahan ninyo na po si Loure, dala lamang po ng masidhing damdamin." Henry smiled at us, while Mrs. Clementine looked startled and dismayed as well.

Tumikhim si Lucia dahilan para tapunan namin siya ng tingin, "It's fine with us na maging witness sa mga nangyari, Mrs. Clementine." madiing sagot ni Lucia sa propesor at head ng academy.

Nagtaas ng kilay ang propesor saka ito tipid na ngumiti kay Lucia. Sumang-ayon din ang ibang mga kasama namin maging ang ibang mga propesor. Sumabad naman si Prof. Irvin upang magbigay ng suhestiyon kay Mrs. Clementine, "Tingin ko Clementine, mas makabubuti kung papuntahin natin ang Council dito sa academy, at dito na rin mismo pag-usapan ang aksyon na dapat natin gawin sa lalong madaling panahon." Tumigil saglit si Mrs. Clementine saka nagsalita, "May punto ka riyan, Irvin."

I sighed. Buti naman at nagkasundo sa wakas ang dalawang matandang propesor. Napalingon naman ako sa direksyon kung saan naka-upo si Prof. Beatrix nang magsalita siya, "Mrs. Clementine, to my co-professors and to my students, ayokong gumawa ng issue or ruckus sa mga nangyari ngayon gabi. Pero, come to think of it. Papaano na-infiltrate ng kaaway ang academy— our base, kung protektado ito ng powerful barrier spell, a barrier spell formed by our ancestors and passed down onto us. No powerful wizard can break the spell, unless if it is Lady Minerva or a much mighty wizard. Nakakapagtaka, right?"

"Do you think, is it possible na baka may traydor sa loob ng academy?" sabad ni Rage na nakatingala at nakatulala sa ceiling.

Natigilan ang lahat ng mga kasama namin sa silid dahil sa mga sinambit ni Prof. Beatrix at Rage, saka walang pag-aagam-agam na sumabad si Stella, "I agree with Prof. Beatrix and Rage! Actually, I… I sensed something different lately po, at mayroon din na na-encounter na kakaiba ang dalawa sa mga kasama ko sa Silver Moons. Hindi lang nila ito nahalata pero ako, napansin ko ito. Though, hindi ko kaagad nakita sa visions ko na mangyayari ang insidenteng 'to ngayon." lumingon si Stella sa akin saka kumindat.

Mrs. Clementine fidgeted her fingers then, she caught a shallow breathe and flashed a set smile on us especially to Stella, "As expected sa susunod na head ng Éclair family. Salamat sa impormasyon at babala," tumikhim ang matandang dalagang propesor saka ito muling nagsalita, "Tingin ko, alam ko na ang gagawin natin bukas kasama ang council. Thanks to Prof. Reed, Mr. Visco and Ms. Éclair for your hypotheses. Let's have an interrogation tomorrow, and after that a trial."

What? A trial? Sino naman ang lilitisin? Dahan-dahang napaginda ang aking mga mata kay Lucia na nasa tabi ni Agatha. She frowned and hissed when Mrs. Clementine uttered the word "trial". Ano ba talaga ang problema ng babaeng 'to? Sa unang pagkakataon, narinig namin muli ang boses ni Professor Crazy Jerk aka Prof. Emmelline, "If that's your decision madam, ikalulugod namin na tanggapin at gawin bukas na bukas. Pero, ang concern ko lamang po ay ang mga bata, at tayo. Maga-alas diyes na po ng gabi and I think all of us should take a beauty rest now upang makabawi tayo ng lakas para bukas." magaspang ngunit may respeto niyang sinambit sa propesor. I saw Mrs. Clementine sighed inwardly, habang ang ibang propesor ay napanganga sa ginawa ni Prof. Emmelline. Kahit ganiyan si professor crazy jerk, we love her unique attitude.

Muling nagsalita ang matandang dalagang propesor, "That's all for now, bumalik na kayo sa kani-kaniyang quarters ninyo, and take a rest. Tomorrow will be an exhausting and enthralling day."