webnovel

LUCID DREAMER

Completed IM BEGGING YOU PLEASE DONT WAKE ME UP Kahirapan? Depression? Anxiety? Lack of self-confidence? Ilan lang yan sa normal na pinagdadaanan ng mga tao sa mundo ilan ay kinikitil ang buhay upang matakasan ito pero iba ang paraan ni Michelle... Bihira lang ang may kakayahan na kontrolin ang panaginip isa siya sa maswerteng nakakaranas nito kakayahang gawin lahat ng kanyang ninanais na di kailanman kanyang makukuha sa totoong buhay... Sa pagkakataon ito naging masaya sya tuwing syang naiiglip sa gabi at ito rinl ang siyang nagiwan ng sakit sa kanyang puso Ang... LUCID DREAMING

Kishialycotna · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
11 Chs

Ikatlong kabanata

Sa pananaw ni Michelle

Sikat ng araw ang bumungad sa akin pagbalik ko, bakit ako agad gumising eh wala naman palang pasok ngayon argh

Napahawak nalang ako sa mukha ko ,

Bakit di nalang ako natulog pa ng matagal pala nakilala ko manlang siya, bakut ako gumising ng maaga nataranta rin kasi ata ako sa gwapo niya!.

"Hindi ko man lang tuloy na tanong ang pangalan nya!" Sunod sunod kong sinuntok ang kama nakakainis argh ang gwapo pa naman nyang ginoo,paikot ikot ang sa kama pagulong gulong habang iniisip ang mukha niya napakagwapo niya!

Di ko maiwasang hindi siya isipin.

sayang lang ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya, kung saan siya nakatira kung sino ang ama niya sino ang ina niya, kung masaya ba siya kung kumain na ba siya--teka self? Pafall ka? Pero argh napakahina ko tlga!

nawawalan kasi ako ng sasabihin pag nagsasalita sya nawawala ako sa sarili ko! Nawala ako sa kagwapuhan niya ni ang karapatan ko bilang lucid dreamer hindi ko na nagamit, pero hindi!!! ano ba karapatan nya pumasok sa panaginip ko! , Dapat pinaglaban ko pala ang karapatan ko argh! Sya parin pala ang mali pero...

"Ang gwapo nyaa!!!!" Hinampas ko ng malakas ang pinto pagkalabas ko dahilan para magulat sila mama, dapat nga pala di ako masaya ngayon, parang nakalimutan ko ang nangyari kagabi, baka isipin ni ina na wala na akong pake sa nangyari kagabi, dapat hindi ako magsaya.

Pero dapat hindi rin ako magdusa dapat di ko ikulong ang sarili ko sa past, kailangan mamamuhay ako ng normal ngayon at future wala naman magagandang dulot ito kung magdradrama lang ako, lalaban kami fighting!

Tumayo ako ng maayos at umaktong parang nalulungkot kahit ayaw ko, dapat maging masaya nga kami dahil malayo na kami sa kasinungalingan at sakit na dulot ng aming ama dapat maging masaya kami sa desisyon niya. Pero si ina mukhang malungkot siya.

"lo siento" paghihingi ko ng paumanhin sa inasal ko, napayuko nalang ako mukhang malungkot sila mama at carl hindi dapat ako maging masaya!

"Ohsiya sige maupo ka na anak" inayos ni mama ang upuan ko at inantay akong umupo bago sila kumuha ng makakain, napaka maalaga ng aking ina maasikaso siya sa amin hindi niya kinakalimutan ang tungkulin niya hindi lang bilang ina kundi kaibigan sa amin ni carl.

"Ma maghuhugas lang ako ng kamay at mag hihilamos sa cuarto comodo" habang nag lalakad ako papuntang cr hindi ko maiwasang mapangiti dahil bumabalik sa isip ko ang imahe ng lalaking aking nakilala, tunay na nakakabighani ang ngiti niya.

Na hulog na kaya ako sa unang pagkikita pa lamang? Na love at first sight na nga ba ako, kay tagal na noong sinubukan kong umibig nabigo ako ng ilang beses kaya pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba.

nang bumalik ako sa wisyo nagulat ako ng nakalimutan kong isara ang tubig sa lababo, maysado ko na siyang iniisip ano ba ito.

*********

"Carl!? Paki sabi kay ina matutulog na ako" nagulat si carl sa sinabi ko mukhang nagtataka sya sa mga sinabi ko, minsan ang sarap tlga utusan ng kapatid ko dahil napakabait niya, walang reklamo reklamo.

"Matutulog kana po? Ang aga pa ah hindi ka pa nga nakain eh... himala naman!" Nginitian ko sya ng may halong pagbabanta, baka ano nanaman kasi isipin eh baka isipin niya na may gusto akong makita sa panaginip ko, eh wala naman.

{Malambing si carl napakalambing niya pagdating sa amin ni ina, tahimik ngunit mapangasar sa amin, mahal na mahal ko ang kapatid ko, kahit lagi akong inaasar ayaw kong nasasaktan siya}

"Oo sige ate sabi ko nga matulog kana po sleepwell HAHAHAHA" Pinatay ko na ang mga ilaw na nagbibigay liwanang sa kwarto ko gusto kong makapadali ang pagpunta ko sa bahay ko, hindi nako makapagantay pa, ewan ko ba pero gustong gusto ko na siyang makitang muli.

"Hi binibini ko!" Nagulat ako dahil biglang bumungad sakin ung lalaking trespassing sa buhay ko este sa bahay ko argh, pero di ko maiwasang mapangiti, ang gwapo nya talaga.

Bakit ganun kahit gaano ko kagustong magalit at tarayan siya nawawala pagnakikita ko na siya, kinakabahan ako bimibilis ang tibok ng puso ko, na love at first dream na nga!

"Maupo ka na , ipinagluto kita alam kong babalik kana eh" tinarayan ko sya para magmukhang galit ako sa kanya, tulad ng inaasahan biglang nagbago ang expression ng mukha nya, hangkyut, ay hindi! galit dapat ako galit.

"Bakit binibini ayaw mo bang nandito ako? *Pout* pwede naman akong lumipat ng bahay eh kung ayaw mo" akmang aalis na siya pero ang bagal ng paglakad niya inaasahang niyang pipigilan konsiya , pero teka ano ito? Nagpapacute ba sya sakin? Argh ang cute nyang tignan, kahit hindi siya magpacute ang cute na talaga ng mukha niya.

"Wag ka ngang mag pa cute dyan hilain ko nguso mo eh!, Nga pala ano pangalan mo?" Tinarayan ko pa sya upang maniwalang galit ako, gusto ko lang naman malaman pangalan nya eh.

Bigla siyang tumayo at inayos ang kanyang damit na parang isang business man na may eneendorso HAHA

"My name is Christian, Christian Cruz..." Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil bigla akong nahilo at nagulat nalang ng nagising ako,

"Bakit carl anong problema?" May halong pagaalala at galit ang ang nararamdaman ko nakakainis naman eh

"Namimiss ko si papa" sabay upo nya sa tabi ko at niyakap ako, "bunso namimiss ko den si tatay kung alam mo lang" bulong ko sa sarili ko.

"Makikipagkita tayo kay tatay bukas? Gusto mo?" Biglang naging masaya ang malungkot na batang pumasok sa kwarto ko, "carl patulungin mo lang ako please" pagmamakaawa ko kahit alam kong di nya ako naririnig.

"Talaga ate? Sige matutulog nako gusto ko na makita si tatay!" Masaya syang tumayo sa pagkakaupo sa kama ko at masayang lumabas ng kwarto ko buti naman at makakatulog nako.