webnovel

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!

AnnaShannel_Lin · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 27: A Horrible Announcement

AN anger showed on his face while he settled beside his best friend. Hindi siya makahanap ng tamang salita na sasabihin rito. Nilibot ng paningin niya ang buong kwarto at hinanap ang presensya ng kapatid.

Carl raised his head and said, "I guess your sister doesn't love me," bakas sa boses nito ang lungkot.

"Why did you said that? Anong nangyari sa inyong dalawa?" aniya.

"Hindi ko alam buddy. Kanina lang ang saya pa namin sa baba habang kinausap ang mga bisita. Saglit lang siyang nagpaalam sa akin na umakyat muna dahil magpapalit nga raw siya ng damit pero di na siya bumalik," muling nakatungo ang ulo nito.

"We should find her before the party start. Malilintikan talaga sa akin ang malditang iyon. Anong nakain niya at biglang naglaho na parang bula?" tanging nasabi ni Brielle ngunit sa mga sandaling ito kinabahan at masama ang kutob niya.

Bumaba na tayo, pumunta ka sa venue at ako naman tutungo sa main lobby. I will ask the management permission to check the CCTV Camera. Masama ang kutob ko,"

Napaangat muli ang ulo ni Carl. "Huh, anong ibig mong sabihin?"

"Saka ko na sasabihin. Halika na, hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon," tumayo na si Brielle at naunang naglakad palabas ng kwarto.

Naguguluhang sumunod si Carl dito at isinara ang pinto. Habang nasa hallway na sila patungo sa elevator, nagtanong si Carl sa kanya.

"Buddy, may ideya ka ba kung nasaan ang kapatid mo?"

Brielle slows down his pace and enters the elevator before answering Carl's question. "I think my sister didn't run away. Merong masamang nangyari sa kanya,"

"What?!" Carl's reaction was shocked upon hearing Brielle's comment.

"How sure are you that Denise didn't leave me?" He asks out of frustration.

"My instinct told me. Kilala ko ang kapatid ko kahit papano. Alam kong mahal na mahal ka noon at di niya magagawang iwanan ka. She was so excited to be engaged with you,"

Sumara ang elevator at pababa na ito.

Carl asked Brielle, "What should I do then? Maraming tao ang naghihintay sa baba. They are expecting this announcement,"

"Kumalma ka lang, sabihin mo sa kanila na may emergency lang at sumama ang pakiramdam ng kapatid ko. Huwag kang mag-alala hahanapin ko si Denise,"

Carl nodded. After a while, the elevator stopped at the floor level, where the engagement party was being held. Naghiwalay sila ng landas ni Brielle paglabas nila ng elevator. Patungo si Brielle sa main lobby habang si Carl naman sa mismong function hall na pinagdausan ng party nila.

Palihim siyang lumapit sa ama at bumulong rito.

"Dad, can you come with me for a while, please?"

Napalingon si Erick sa anak, "Carl, what is it?"

Sa halip na sumagot, hinila na muna niya si Erick palayo sa mga kausap nito. Sumunod na rin si Aya sa mag-ama niya ng mapansing hinila ni Carl ang ama.

"What wrong, son?" boses ni Aya habang sumunod siya sa mga ito.

Nilingon ni Carl ang ina at mapait na ngiti ang ibinigay niya rito. His eyes showed gentleness, yet it was covered with a fit of sadness. Aya could feel that there was something going on.

Maging si Erick ay napuna rin ang hindi magandang ikinilos ng anak. Hindi na siya nakatiis at agad na tinanong ito.

"Carl, what is it? Why do you look bothered?"

"Dad, Mom, nawawala si Denise," walang gatol na tugon ni Carl sa magulang.

Shocked was written to his parent's faces. Unang nakabawi si Aya kaya't agad itong nagtanong.

"Nawawala si Denise? Paano nangyari? I mean...what's going on?" halos mamula ang mukha nito sa galit.

"I don't know. Nagpaalam lang po siya kanina na aakyat muna sa accommodation namin para magpalit ng damit at di na bumalik," nag-aalalang tugon ni Carl.

"Honey, relax, maybe Denise is just around. Huwag muna tayong magalit. Teka, tatawagin ko lang si Brent," agad na tumalikod si Erick at lumapit kay Brent.

Bumulong ito sa matalik na kaibigan at huminto naman sa pakikipagkwentuhan si Brent sa mga business partner nito. Sumunod kay Erick at bumalik sila sa harapan ng mag-inang Carl at Aya. Sumunod na rin si Shantal ng mapansing umalis si Brent.

"Buddy, may problema tayo, di mahanap ang anak mo. Magsisimula na sana ang engagement party pero biglang naglaho si Denise," agad na tugon ni Erick dito.

"What?!" sabay na bulalas nina Brent at Shantal.

"How does it happened? Diba kanina magkasama pa kayong dalawa Carl?" boses ni Shantal.

"Saglit po siyang nagpaalam kanina tita, sabi niya magpapalit lang siya ng damit. Pagsundo ko po sa accommodation namin wala po siya roon,"

"Teka tatawagan ko ang cellphone niya," tarantang tugon ni Shantal.

"Tita huwag na po, tinawagan ko na ang cellphone niya. Nandoon sa tabi ni Ivana ang shoulder bag ni Denise. Inilapag niya kanina bago lumapit sa akin. Si Ivana ang sumagot sa cellphone ni Denise ng tinawagan ko," Carl said.

Shocked was written on Shantal's face. Napansin niyang puno ng galit ang mga mata ni Aya ng mga sandaling ito. "Brent, hanapin natin si Denise, baka may masamang nangyari na sa anak natin,"

Brent frowned and said, "Love naman, huwag ka ngang ganyan. Pinapakaba mo naman ako. Baka nasa paligid lang ang anak natin, nasaan nga pala si Brielle?" anito ng mapansing wala sa loob ng venue ang panganay na anak.

"Nagpunta po sa main lobby. Kakausapin daw niya ang management na titingnan ang CCTV camera," Carl replied.

"Humph, kung alam ko lang na ipapahiya tayo rito sana di nalang natin itinuloy ang engagement party na 'to," parinig ni Aya.

"Teka nga, bakit ka nagagalit? Anak ko ang nawawala ah, at parang sinisisi mo si Denise, Aya?" maanghang na tugon ni Shantal at di ito nakatiis sa pagtataray ni Aya.

"Tumigil nga kayong dalawa, ngayon talaga kayo magtatalo? Hindi nakakatulong iyan," sita ni Erick sa dalawang babae.

"Siya ang pagsabihan mo!" sabay na bulalas nina Shantal at Aya.

"Love, naman, manahimik kana. Halika na nga, umupo ka muna doon sa tabi ni Ivana. Kami na ni Erick ang bahalang maghanap kay Denise," tugon ni Brent sabay hila sa asawa niya.

"Honey, huwag kana kasi magparinig din, daig niyo pa mga batang dalawa ni Shantal. Umupo kana roon sa table natin. Ikaw naman Carl, umakyat ka muna sa stage at sabihin mong masama ang pakiramdam ni Denise kaya baka kamo i-re-schedule nalang natin ulit ang engagement party," tinapik ni Erick ang balikat ng anak.

Tumango si Carl at umakyat sa stage. Inanunsyo niya na payo ng ama. Nagbulungan ang mga bisitang naroon. Habang sina Aya at Shantal kapwa masama ang tingin sa isa't-isa. Magkahalong lungkot at pagkapahiya ang naramdaman ni Carl ng makita niya ang reaksyon ng mga bisita nila.

"Mom, nag-aalala ako kay Denise," pukaw ni Ivana sa atensyon ni Shantal.

"Ako rin, abot-abot ang kaba ko. Hindi natin alam kung nasaan siya. Sumasabay pa itong si Aya, kaya nanggigigil talaga ako," anito.

"Huwag niyo nalang pong pansinin si Tita Aya, normal lang ang reaksyon niya dahil napapahiya nga naman sila," Ivana said.

"Bakit sila lang ba? Pati rin naman tayo ah, at biglang naglaho ang hipag mo. Who knows Denise was in danger right now," mangiyak-ngiyak nitong tugon.

Hinawakan ni Ivana ang kamay nito, "Kumalma lang po kayo, baka naman nasa labas lang si Denise. Saka kumilos naman po kaagad sina Brielle,"

Shantal didn't answer, and she just keeps on praying through her mind that Denise will be found soon. Samantala, ilang saglit lang kasama na ni Brielle ang ilang security personnel ng Hotel at mismong manager. Nasa loob na sila ng security room, checking the CCTV footage on fifteen floor.

Nakita nilang pumasok sa loob ng elevator si Denise at may umakay ritong lalaki.

"Hotel staff niyo ba iyan?" kinakabahang tanong ni Brielle.

"Hindi po namin masiguro sir, kasi marami po kaming hotel staff. Though he wore our hotel staff uniform but looking at his face closely from the CCTV monitor, it seems he's not an employee here," tugon ng manager.

"Are you sure?" tanong ulit ni Brielle.

"Opo, dahil kahit papaano kilala ko na halos lahat ng employees namin dito,"

Nakita nilang bumukas ang elevator at inakay ng lalaki ang kapatid niya patungo sa kabilang kwarto, hindi sa mismong kwarto na laan para kay Denise. Ilang saglit lang paglabas ng dalawa nakapagpalit na ng damit ang kapatid niya ngunit halatang wala ito sa tamang huwisyo dahil akay pa rin ito ng lalaki hanggang maisakay sa mismong kotse nito. Dahil madilim ang bahaging pinaglagyan ng sasakyan nito hindi nila maaninag ang plate number ng sasakyan.

Nanlulumong napatitig na lamang si Brielle sa screen. He knew an unknown person had abducted his sister. Bumukas ang pinto ng security room at magkasunod na pumasok sina Erick at Brent.

"Brielle, have you checked the CCTV camera?" agad na tanong ni Brent.

Tumango lamang si Brielle ngunit di makatingin sa ama. He doesn't know how to tell his Dad that Denise was kidnapped.

"Brielle, have you seen your sister?" si Erick naman ang nagtanong.

"Yeah….but…."

"But what?" iritableng tanong ni Brent.

"Someone took her away," Brielle said.

Halos mawalan ng panimbang si Brent ng marinig ang sinabi ni Brielle, ngunit mas maagap na inalalayan siya ni Erick na nasa likuran niya.

"Buddy, hey, take it easy. Mahahanap din natin ang anak mo," Erick tried to console him.

"Buddy, I...why now? Why all of a sudden, these things had happened again?" naiiyak na tanong ni Brent.

"Dad, I'm sorry. I failed to protect my sister," tanging nasabi ni Brielle sa ama. Naaawa siya rito ng makita ang takot sa mukha nito.