XEÑA🎯
Masaya kaming naglalaro ni Ate Zy sa garden ng archery nang bigla kaming tawagin ni Dad. Pareho kaming napakunot-noo ni ate nang mapansin ang kasama nitong batang babae.
"Mga anak, I want you to meet Ryzza Castor, anak ng kaibigan ko. Dito muna siya sa atin kapag weekdays at kapag weekend ay uuwi siya sa parents niya. Masyado kasing busy ang mga iyon na hindi na natutukan itong si Ryzza. Kaya Zyrille, Xeña, pakisamahan niyo siya na para bang isang kapatid na," tugon ni Dad na siyang nagpangiti sa amin ni Ate. Masigla kaming lumapit dito at si Dad naman ay nagpasiyang iwanan kami.
"Hi Ryzza. Ako nga pala si Zyrille at ito naman si Xeña. Masaya kaming makilala ka," pakilala ni Ate.
"Masaya dahil may bago na kaming kalaro. Sawa na kasi akong kalaro si Ate," pabiro kong sagot.
"Aba, talaga lang, ha," hahabulin sana ako nito pero bigla akong tumago sa likod ni Ryzza.
"Ryzza, oh. Si Ate, inaaway ako."
"Hey, ginagawa mo na agad siyang kakampi ah."
Biglang napahagikgik si Ryzza. Natigilan kami ni Ate. Tumigil ito at masiglang ngumiti sa amin. "Masaya akong makilala kayo, Zyrille, Xeña."
~~
"Hey, mga ate. May ipapakita ako sa inyong trick," masigla kong sabi kina Ate Zy at Ate Ry habang hinihila ko sila papunta sa garden. Tinatawag ko na ring ate si Ate Ryzza nang malaman kong magka-edad pala sila ni Ate Zy. Kaso nga lang, pagdating sa schooling, pareho kami ng grade level. Sa ngayon ay tatlong buwan na namin siyang kasama, lumipat na rin ito sa school namin kung saan classmate ko siya. Sa tatlong buwan na yun ay mas lalong lumalim ang ugnayan namin.
"At ano namang trick yan ha, Xen?" Tanong ni Ate Zy.
"Watch and learn, mga ate. Sisiguraduhin long mapapabilib kayo," sagot ko at matamis na ngumiti sa kanila. Kinuha ko ang pana at tatlong palaso. I inserted the three arrows in a bow and as I pulled the string, it hit the board in its center with four-meter distance from me. Bullseye!
Narinig ko ang palakpakan nilang dalawa at nang mapatingin ako sa kanila ay nakita ko kung gaano sila manghang-mangha sa akin.
"Wow, Xen. Amazing ka talaga," puna ni Ate Ry.
"Oo nga. Mas lalong nadagdagan yung pagiging Xeñatics ko," sabi naman ni ate Zy. She always proclaimed herself as a fan of mine.
"Hindi lang ikaw ang Xeñatics dito Zy," komento ni ate Ry.
Napangiti ako sa sinabi nila.
"Thank you, mga ate. I promise, araw-araw ko kayong pabibilibin sa archery. I will make you shout my name in every competition I will be joining, I will never disappoint my two greatest fans as I will not let you leave the fandom you had founded," I said by giving them a sweet feeling as they both hugged me.
~~
Lumabas ako ng gymnasium na umiiyak matapos sabihin ng mga judge na si Ate Zy ang pinipili nila. Naabutan kong nakaabang pala si Ate Ry sa labas.
"Oh, Xen. Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.
Bigla akong yumakap sa kanya at mas lalo pa akong napahagulgol. Hinimas nito ang likod ko para patahanin ako.
"They chose ate instead of me. Bakit ganon? I thought mas magaling ako sa kanya...pero bakit siya ang pinili? Ate Ry, it hurts...that...that I don't want to play archery anymore."
~~
"Ate? May letter na naman?" Tanong ko kay Ate Ry nang maabutan kong nakatayo ito sa harapan ng locker ko habang may hawak na red paper at kasalukuyang binabasa ang laman nito. Dalawa kasi ang hinahawakan naming mga estudyante na susi ng locker namin. Kaya ang isa ay ipinagkatiwala ko kay Ate Ry matapos hingin nito ang isa sa akin simula nang makatanggap ako ng letter na ang nakasulat ay di ko maintindihan na para bang isang palaisipan. Noong una ko yung matanggap ay hindi ko na binigyan ng pansin pero nang sabihin ko yun kay Ate ay labis itong nagtaka kaya ayun, simula nang kay Ate Ry na ang isang susi, sa tuwing bumubukas ako ng aking locker ay wala na akong naaabutang letter.
Mabilis iyong tiniklop ni Ate at isinilid sa kanyang bulsa at ngumiti sa akin. "Ah, yes. A letter again na siyang hindi mo dapat pansinin. Nga pala, ba't ka pinatawag sa opisina?"
"As usual, forcing me to be the representative for archery contest," tamad kong sagot.
Napabuntong hininga ito. "Are you really going to ignore archery now?"
"Ate, matagal na akong tumigil sa larong iyan. And I already told you, I don't want to be involved with it anymore," explain ko.
"And it's still because of your Ate Zy," she said and I just ignored it.
"Xen..." Tawag nito pagkatapos ay niyakap ako. "Birthday ko na next week oh. Can I wish for my gift?" Napatingin ako sa kanya na siyang naabutan kong nakangiti.
"What, Ate?"
"Play archery again."
Bigla akong napaalis sa yakap niya. "Ate naman!" Maktol ko pero todo pa rin ito sa kakangiti.
"Please, Xen. Gustung-gusto talaga kitang makitang nag-aarchery. I still remember na nag-promise kang araw-araw mo kaming pabibilibin sa paglalaro niyan," saad niya at umiwas ako ng tingin.
"But..."
"Please no buts," saad nito habang inilagay nito ang hintuturo sa labi ko para patigilin ako. Then she cupped my face. "Right now, just think of it as a gift for me that I really wanted and wished to have. A gift which can make your Ate Ry so happy as if she have felt the heaven."
"Ate..."
"Xen, archery is one of your happiness. And seeing you being in a fully happy state is also my happiness. So Xen, I'm pleasing you, go back to your happiness and reach your dreams. Ipakita mo ulit sa amin kung gaano ka kagaling, kung gaano mo kami pinapabilib sa paglalaro ng archery."
Napaluha ako sa mga sinasabi niya. "Do you really want me to play it, ate? Does it really your wish?"
Tumango ito habang pinupunasan ang luha ko. "Yes Xeña, it is. So please go back there and grant my wish."
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko. Hinawakan ko ng mariin ang pana at tatlong palaso tsaka tuwid na tumayo. Tumitig ako sa board na nasa 5 meters ang distansiya pagkatapos ay inilipat ang paningin sa hawak ko. Sinimulan ko ng ilagay ang tatlong palaso sa pana na siyang pinuwesto ko at itinutok sa board. I let my focus on it as I assured that it will be hitting the center. When I thought it was ok, I slowly pulled the string then released it.
And for the nth time, tears went fall again. I looked up at the sky as if I'm seeing something there, or should I say someone.
"Ate Ry, ang daya mo. I had not even granted your wish that will make you happy...but how come you're already in heaven?" sambit ko at pinunasan ang luha ko. "But then, even if your happy now, still, let me add more happiness to you," I forced myself to smile. "Ate Ry, I'm sorry... I'm so sorry that... I made you wait for a long time..."
I withdrew my gaze there and shifted it to the board wherein the three arrows hit the bullseye. And then, I turned back and runned away from that place, runned towards the starting point of fulfilling Ate Ry's wish.