webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
97 Chs

CHAPTER 46 - Acute

CHAPTER 12 - Acute

NO ONE'S POV

"Mauuna na ako," paalam ni Pristine pagkapasok niya ng kwarto.

Eksakto namang kakatapos lang ni Natalie makipag-usap gamit ang kaniyang cellphone. Napalingon siya kay Pristine bago nagmadaling umalis sa kaniyang kama at kinuha ang kanina pang nakahanda na mga underwear.

"No, I will go first. Matagal ka e."

Tumungo si Natalie sa bathroom ng kanilang kwarto. Hindi naman nagpatalo ang isa at nakipag-unahan papasok dala ang mga gamit niyang pang ligo.

"Ako nga sabi," ani Natalie nang magsiksikan sila ni Pristine sa pinto. Tinulak siya ni Pristine dahilan para halos mapasubsob siya paloob.

"E di ikaw na. Baka gusto mo mauna ka na rin paimpyerno," banat ni Pristine sabay irap.

Napangitngit si Natalie pero minabuti niyang huwag ng pumatol. Aminado naman siyang may mali rin siya't ginusto niyang makipagtalo kay Pristine.

Alas otso na nang gabi at nakaugalian ng kambal na maligo bago sila matulog. Pinihit ni Natalie ang shower valve at sa tuwing bumubuhos ang tubig nito sa kaniya ay iyon ang pagkakataon na nakakapag-isip siya ng payapa. Marami siyang concern sa buhay pero mas nangingibabaw ngayon sa kaniya ay ang tungkol sa nangyari nitong umaga.

Iniisip ni Natalie si Charles. Hindi man niya matanto ay sigurado siyang may kung ano na tumatakbo sa utak nito.

Tumingala si Natalie at sinalubong ang tubig. Payapa niyang dinama ang likidong galing dito hanggang sa mapatay niya ito ng di oras. Halos malunod kasi siya dahil sa biglaang pagpasok sa diwa niya ng naging tanong ni Charles.

Naiirita siyang napaubo at umubo pa hanggang sa lumuwag ang kaniyang hininga.

"Ganoon ba ako kadaling ipamigay?"

Napalitan ang kaniyang iritableng ekspresyon nang isang malungkot na reaksyon. Lumingon siya sa tabi at nakita niya ang kanyang hubad na pigura sa shower enclosure. Tinignan niya ito ng maigi bago napabuntong hininga.

Pagkalabas ni Natalie ng bathroom ay naabutan niya si Pristine na tulog na sa kama nito. Balak niya sana itong gisingin pero minabuti niyang huwag na itong istorbohin. Marahil dahil sa dami ng inaasikaso sa JFEvent ay napagod ito.

Nagbihis si Natalie at sinimulan ang kaniyang ritual. Umupo siya sa tapat ng kaniyang vanity mirror at nagsimulang mag-blower at magpahid ng kung ano-ano sa kaniyang mukha. Habang naglalagay siya ng moisturizer ay napadaan ang kanyang daliri sa kanyang labi. Agad ay may pangyayaring pumasok sa kaniyang isipan dahilan para mamula siya.

Napalunok si Natalie at napa-isip.

Muli ay marahan niyang dinapo ang kaniyang kaliwang hintuturo sa labi. Tinitignan niya ang sarili sa salamin habang marahang dinadampi ang natural na mapula niyang asset. Parang kumawala ang mga paro-paro sa kaniyang puson habang inaalala ang ginawa niya. Malinaw itong rumehistro sa utak niya't dahilan para uminit ang pakiramdam niya.

Napangisi si Natalie.

It was a secret. What she did that one morning is a secret she will keep for the rest of her life.

Tinignan ni Natalie sa salamin ang repleksyon ni Pristine na natutulog bago mapagdesisyonan ang sagot sa tanong na iniwan ni Charles.

"No, you're not. It's just that I didn't love you enough. I am still in love with someone else and someone loves you more than I do."

Ito ang nais niyang isagot kay Charles ngunit hindi niya masabi dahil nag-aalala siya sa maaaring isunod na tanong nito.

♦♦♦

Pangatlong araw ng JFEvent at mag-isang hinatid si Natalie sa kaniyang eskwelahan. Si Pristine kasi, bilang presidente ng SNGS ay nasa NIA para makilahok sa summit na nagaganap doon.

Tumigil ang van na sinasakyan ni Natalie sa tapat ng kanilang school gate. Saktong pagkababa niya ay tumambad naman sa paningin niya ang isa pa sa mga concerns niya sa buhay.

Kasabay ni Arianne si Aldred at pareho silang masayang nagtatawanan. Nagsimulang mabuo ang selos sa loob niya. Iniwas niya ang kaniyang tingin at pumikit. Inalala niya ang pangako sa kaniya ni Arianne. Iyon ang kaniyang naging solusyon.

Kagabi ay tumawag kay Natalie si Monique. Masaya itong nagkwento sa mga na-experience niya sa JFevent at sa positive reaction niya sa play nila. Masaya ang dalawa na nag-uusap sa phone hanggang sa mabatid ni Monique ang tungkol sa paghingi nang tulong sa kaniya ng kanyang kuya.

"I'm sorry Ate Nat… I like you so much for Kuya but I'm his sister and he asked for my help," nahihiyang saad ng nakakabata.

Imbis na magalit katulad ng nasa isip ni Monique ay nangiti lamang si Natalie. Sa totoo kasi ay natutuwa talaga siya sa asal ng batang kaibigan. Mahal nito ang kaniyang kapatid at nakakahanga iyon sapat para maintindihan niya ang aksyon nito.

"Don't say sorry, I understand you. Huwag mo akong alalahanin," aniya saka humugot ng hininga, "I will do my best to show to your brother how deserving I am. That he should stop loving Arianne…" Natalie bit her inner cheek, "and let her go," dagdag niya.

"But what if Ate Arianne starts to fall for him too?"

Napatigil si Natalie. Napakagat siya sa kaniyang labi bago tumugon, "Don't worry I— I believe she will not," pagsisigurado niya ngunit hindi maitatago ng tono niya ang pag-aalangan.

"Huh? How can you tell, Ate?"

Naalala ni Natalie ang pag-uusap nila ni Arianne at dahil doon ay naging sigurado ang sagot niya.

"Because I trust her."

Like Natalie said, naniniwala siya kay Arianne.

♦♦♦

"I trust her more than anyone else," kasalukuyang banggit ni Natalie sa sarili. Malalim siyang humugot ng hininga upang mawala sa isipan niya ang mga bagay na hindi niya kailangan. Nang luminis ang pag-iisip niya ay dumilat siya at muling lumingon sa direksyon ng kaibigan. Nagkasalubong sila ng tingin dahilan para saglit na matigilan si Arianne.

"Good morning," masayang bati niya sa dalawa.

Napamilog ang mga mata ni Arianne nang makita niya si Natalie. Tila ba may pumukpok sa kaniya at naging isang paalala ang dating ng pagbati nito. Napatitig siya sa kaibigan at napalunok bago nakapag-react.

"G—Good morning din N—Nat," ani Arianne na may hilaw na ngiti sa kaniyang labi. Lumikot ang kaniyang mga mata sa paligid bago parang tinulak siya ng kanyang isip dahilan para bahagya siyang lumayo kay Aldred.

♦♦♦

Mabilis na lumipas ang oras at katulad ng normal na school hours ay tumunog ang bell ng NIA at SNGS noong pumatak ang alas dose ng tanghali. Sa NIA kung saan nagaganap ang summit ng VGOCs ay naglabasan ang mga officials sa kani-kanilang meeting rooms. Kabilang doon sina Pristine at Ryan James Bartolome na kapwa student council president ng SNGS at NIA. Kasama rin nila si Jerome na representative ng NIA sa nagaganap na JFEvent.

"Maiwan ko na kayo Miss Pristine," paalam ni Ryan bago siya lumingon kay Jerome.

"Ikaw na ang bahala sa kanya Jerome."

Agad umalis si Ryan dahil kailangan niyang ihanda ang mga papers ng NIA na gagamitin sa presentation kinabukasan. Nakatingin si Jerome sa papalayong pigura ng kanilang student council president nang simulan ni Pristine na maglakad. Agad siyang sumunod dito.

"Let me walk with you," nakangiting sabi ni Jerome.

Nagpanggap naman si Pristine na walang narinig at binilisan ang kaniyang lakad. Nangiti at napakamot na lang si Jerome sa kaniyang batok saka sinabayan ang kasama.

"Do you hate me?" Diretsong tanong ni Jerome na nagpatigil kay Pristine. Itinutok ni Pristine ang walang gana niyang paningin kay Jerome saka nagkibit balikat bago dumiretso maglakad.

Sumunod si Jerome sa kaniya.

"May I ask a question?"

Nagbingi-bingihan muli si Pristine.

"I don't want to meddle in your life but by any chance, do you hate guys?"

Tuluyang napatigil si Pristine. Mabilis nagbago ang kaninang ekspresyon niya at bumalik siya sa default pure and refined Maria Clara aura niya.

Ngumiti si Pristine kay Jerome, "Yeah, I hate your kind but, do not worry because I hate Natalie and she is a girl. I hate my mother who is a woman. I hate my dad, my grandmother, those who do not know the differences between biodegradable and non-biodegradable, those who love romance shit, those who are pabebe, those who believe in forever, those people who lacks common sense…" saglit na nakakabinging katahimikan ang pumagitna sa kanila bago muling magsalita si Pristine, "in short, I hate people," nananatiling nakangiti na pagbubuod niya.

Natawa si Jerome, "Why?"

Tinignan lamang siya ni Pristine at hindi sinagot. Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad. Nakalabas na sila ng NIA at naglalakad sa pathwalk papuntang streetbooths nang mapansin ni Jerome na tila may sumusunod sa kanila. Sinabi niya ito kay Pristine dahilan para mapalibot siya ng tingin sa paligid.

Agad namang nahalata ng kahina-hinalang mga pigura na napansin na nang kanilang subject ang pagsunod nila rito. Mabilis silang nakihalo sa ibang tao na naglalakad at umaktong isa lamang silang normal na sibilyan.

"Huwag ka magpahalata na napakiramdaman na natin sila," sabi ni Jerome saka kinuha ang kamay ni Pristine. Natural na naglakad ang dalawa. Hindi alam ni Pristine ang plano ni Jerome pero napansin niyang dinadala na siya nito patungong street booth na labis niyang iniiwasan sa ganitong oras.

Napakunot ang kilay ni Pristine, "Where are we going?" mahina niyang tanong pero bago pa man siya masagot ni Jerome ay nasagot niya na ang sarili niya. Alam niya ang daan na ito at kakagaling lamang niya rito kahapon.

Saktong pagdating nila sa labas ng booth ng 3-A ng NIA ay lumabas ang taong pinakainiiwasan ni Pristine. Kung kahapon ay sinwerte siyang hindi makita ito ay ngayon ay ngiting-ngiti ito nang madatnan siya.

"Carlo pwede bang pakipasok muna si Pristine sa loob."

Nagtaka si Charles ngunit agad niya ring kinuha ang kamay ni Pristine na iniabot ni Jerome. Mariin namang umapela ang isa.

"No, hindi na kailangan," sabi ni Pristine at inilayo ang kamay niya. Tinignan niya ng masama si Charles.

"Bakit? Ano bang meron?" tanong ni Charles.

"I noticed someone is following her," tugon ni Jerome dahilan para agad tapunan ni Charles si Pristine ng tingin. Walang patumpik-tumpik ay hinila niya si Pristine papasok nang kanilang booth. Nagulat naman si Jerome sa naging aksyon ng kaibigan.

Habang hatak-hatak ay napatingin kina Charles si Aldred at ang iba pang tao sa loob nang kanilang booth. Agad nagbulong-bulongan ang mga nakasaksi lalo na't kahapon lamang ay may balitang kumalat kung saan involve si Charles at ngayon naman ay siguradong may panibagong konklusyon na mabubuo sa utak ng mga nakakita sa aksyon niya.

Dinala ni Charles si Pristine sa loob nang kanilang staff room na ang tanging separator lamang mula sa mga costumer ay isang pula na kurtina. Kasalukuyang walang tao roon dahil lunch time at ang iba ay kumain sa ibang booth, yung iba naman ay naga-assist sa kanilang café.

"Sino 'yon?" madilim ang aura na tanong ni Charles. Hindi naman siya sinagot ni Pristine at umiwas lang ito ng tingin.

"Sino nga 'yon?!" Inis at medyo napalakas na pag-uulit ni Charles dahilan para marinig sa labas ang boses niya. Nagtaka si Aldred at si Jerome na kakapasok pa lamang ng booth. Tumungo sila sa staff room at sumilip.

"Hindi ko alam."

Naabutan nila ang sagot ni Pristine. Mahina ang pagkakasabi at nakayuko siya sa harap ni Charles. Naguluhan ang dalawa sa nasasaksihan.

"Is there a problem?" tanong ni Aldred sa kanila bago tuluyang pumasok sa staff room. Masinsinan niyang tinignan ang dalawa.

"Someone's following Pristine."

Si Jerome ang sumagot kay Aldred.

Nagulat naman si Aldred, "Are you sure?" tanong niya kay Jerome pero iba ang sumagot dito.

"I'm sure," sagot ni Charles na ipinagtaka ng dalawa niyang kaibigan. Sa tono kasi ng pananalita niya ay parang kilalang-kilala niya si Pristine. Taliwas sa una niyang sinabi noong nasa Tree Garden sila.

"Paano ka nakakasigurado?" nakakunot noong balik ni Aldred.

Napakagat si Pristine sa kaniyang inner cheek habang pinagmasdan naman ni Charles ang kaniyang mga kaibigan. Humugot siya ng hininga para kumalma.

"I have this gut feeling," sagot ni Charles na nagpangisi kay Pristine.

"You're thinking too much," sabi niya at mahinang natawa. Naglakad siya patungo sa itim na kurtina.

"Where are you going?"

Napatigil si Pristine saka lumingon sa nagtanong sa kaniya.

"Saan pa e di sa St. North."

Alam ni Pristine na totoo ang sinasabi ni Charles. Mismo siya ay nakaramdam na may nagmamasid sa kaniya ngunit kahit ganoon ay ayaw niyang magpalamon sa takot sa mga ito. Hindi niya hahayaang masira ang araw niya dahil lamang sa mga taong sumusunod sa kaniya.

"Call your bodyguards then and I will let you," ma-awtoridad na utos ni Charles na ikinagulat ng dalawang kaibigan niya. Ngayon ay sigurado na sila na nagsinungaling ito sa kanila.

♦♦♦

Nagtaka sila Arianne noong dumating sa kanilang booth si Pristine na may kasamang mga security. Hindi ito normal dahil ito ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang eskwelahan lamang ang itinuturing ni Pristine na lugar kung saan siya nagiging malaya kaya hangga't maaari ay hindi niya pinahihintulutan na pati rito ay may mga nakabantay sa kaniya.

Lahat ng mga mata nang mga tao sa paligid ay nakatuon kay Pristine. Agad namang lumapit sina Arianne at Bianca sa kaniya.

"Pristy, anong meron?" nakasalubong ang kilay na tanong ni Bianca. Umiwas ng tingin si Pristine sa kaniya at napabaling pababa ng tingin.

"Someone is following Miss Pristine," seryosong sagot ni Irene.

Natigil sina Arianne at Bianca at napatitig sa kaibigan.

"Oh my gosh, are you okay Pristy?" shock at nag-aalalang tanong ni Bianca. Tumango naman si Pristine sa kaniya bilang tugon.

"Nahuli niyo po ba?" tanong naman ni Arianne kay Irene. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Sa kasamaang palad hindi po Miss Arianne, naka-receive lang kami ng tawag mula kay Sir Charles kaya nalaman namin." Nagulat ang dalawa sa sagot ni Irene lalo na sa binanggit niyang pangalan.

Bilang mga kaibigan ni Pristine ay matagal ng alam nina Bianca at Arianne ang mga ganitong eksena sa buhay niya. Kumbaga na-orient na sila. Alam nilang mahirap ang katayuan ni Pristine. Puno na nga siya ng responsibilidad ay marami pang nagtatangka sa buhay niya.

"Hey," hinawakan ni Arianne ang braso ng kaibigan. Naagaw niya ang atensyon nito saka bahagyang ngumiti sa kaniya.

Alam nilang pareho na dati ng nalagay sa peligro ang buhay ni Pristine. Naikwento sa kanila ito ni Irene. Napag-alaman din nilang umabot pa nga ang pagtatangka sa punto kung saan nagbuwis ng buhay ang previous headbodyguard ng kanilang kaibigan.

Hinabilin ni Irene si Pristine sa mga kaibigan nito bago sila nagpaalam ng mga kasama niya. Nilingon nila Arianne at Bianca si Pristine. Bagsak na bagsak ang aura nito.

Dahil tanghalian na ay kumain na ang grupo. Pumunta silang tatlo sa kanilang Secret Spot at umupo sa berde at sariwang mga damo rito. Nilabas ni Arianne ang lunchbox na binaon niya sapat para sa kanilang tatlo at iyon ang pinagsaluhan nila. Kahit papaano'y napangiti nito si Pristine at na-lift nito ang mood niya.

Habang kumakain ay sumusulyap si Arianne sa kaibigan. Gusto niyang masigurado kung ayos na ito. Nananatili pa rin naman itong tahimik pero hindi na katulad ng kanina. Tila ba may malalim lamang itong iniisip.

♦♦♦