webnovel

Chapter 5

"Ha?! You like me???" nag panic ako ka agad sa sinabi nya. If you could only see the blush on my cheeks.

"As a friend" she chuckled "Jeez, James" pilit nitong pinipigilang tumawa.

"Ahhh okayy" bigla naman gumaan ang pakiramdam ko, akala ko gusto nya talaga ako eh.

Humilata naman ako ka agad sa kama pagkatapos, ang bibigat naman kasi nung kahon. Well, i insisted naman kaya ako rin may kasalanan.

"So, how long are you going to stay here?" tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan.

"fourteen" tipid nitong sagot.

"Fourteen what? fourteen years? fourteen months? Fourteen weeks?" Tinad-tad ko sya ng tanong.

"months" sagot nito.

"Bakit ang unti mo naman sumagot, hindi ka ba interesadong kausapin ako??" sambit ko ulit dito.

"James" banggit nya "Who would spend 14 years in highschool? mag isip ka nga. Tsaka kung 14 weeks para akong nag sayang ng pera para magbakasyon dito" biglang nag backfired sakin lahat ng tinanong ko.

Seryoso naman nito kausap, hindi lang ako sanay na may kasama sa kwarto eh.

"Ahh eh bakit ka nandito?" tanong ko naman ulit sa kanya.

"Malamang para mag aral, ano ba tawag dito diba eskuwelahan"

Kainis to ah lahat ng sagot puro sarcastic. Di pala sya nagkamali sa pag introduce nya kanina.

Di ko naman kasalanan kung machika akong tao. Titigil nalang ako mangulit baka magalit pa to eh.

Nag aayos sya ngayon ng mga gamit at nilalagay bawat damit sa closet namin. Iisa lang ang closet dito kaya magkahati kami. I get to see what she normally wears, im not ashamed of my style. We practically dress the same style naman ata base sa observation ko sa mga damit nya. She likes to wear hoodies, napakarami.

Malapit na mag lunch at tapos na din naman sya mag ayos ng gamit, aalukin ko sana sya kaso naunahan nya ako.

"James" tawag nito sakin

Biglang napabaling ang tingin ko sa kanya.

"You hungry?" napakagat naman ito sa labi nya bago i angat ang tingin sa akin.

She looks stunning, that messy bun fits her well. Bat naman pag sakin mukha akong pagod na labandera.

"Hey" she snaps her finger making me snap back to reality.

"Oh, uhm yeah. I was about to ask you" balik ko sa kanya. "Are you hungry?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito sabay pout ng labi nya. Gawd xd b4k1t n4maN 4nG cuT3.

Napangiti naman ako at hinatak sya palabas habang nag aayos pa sya ng buhok. Nakita ko na nainis to pero sumama naman ka agad sa akin.

"Dito yung field" turo ko sa harapan ng corridor namin. "Dyan nagaganap yung mga activities sa school, theres not much activities since its a strict catholic school."

Tumatango tango naman ito.

"Sa gym pag may events or misa, bawat corner ng building may cr tapos ang katabi nuon ay ang hagdan pataas at pababa"

Nang makarating kami sa baba ay nandun ang canteen. Tamang tama gutom na ako.

Wala pa masyadong napila kasi lahat may ginagawang chores or activities. Kaming dalwa lang natira since inutusan ako ni Sir Alcantara ilibot si Kathe.

"Ano gusto mo?" tanong ko sa kanya. Pinapili ko sya ng pagkain, wala naman masyadong pag pipilian kaya di sya mahihirapan.

"Ikaw"

Agad kumunot ang noo ko at namula ang mga pisngi ko, nahalata nyang na confuse ako.

"Ha?"

"I mean ikaw, ano gusto mo?" pilit nitong pinipigilan ang ngumiti.

"Ahh, Kare kare usually ulam ko tapos tubig lang" sambit ko.

Tumango ito at yun na din ang binili, Pumili na kami ng mauupuan at kumain. Nagkwentuhan naman kami ng konti, masaya din naman pala to kausap sarcastic lang talaga minsan.

Maya maya naman ay dumami na ang mga studyanteng kumakain, nagkatinginan kami ni Gwen habang hinahanap nyako. Sinenyasan nyako na mag save ng seat habang pumipila pa sya.

Patapos na kaming kumain nang makarating si Gwen sa upuan namin. Sabay kaming tumayo ni Kathe nang maramdaman kong hinatak ako paupo ni Gwen, napatingin naman si Kathe sa aming dalwa.

"Teka lang!! To naman oh nang iiwan sino kasama ko kumain?" pasigaw nitong sinabi hanggat sa humina nang makitang may mga madre.

Napatingin ako kay Kathe, tumango naman sya at umalis as a sign na samahan ko muna daw si Gwen.

Nakangisi ako ngayong bumalik sa pagkaupo.

"Sino ba yun?? nagtanim lang ako pinagpalit mo na ka agad ako ah"

Nasamid naman ako sa iniinom kong tubig.

"Pinagsasasabi mo?? Inutusan kaya ako ni Sir Alcantara na ilibot sya"

Mukhang hindi nito pinaniwalaan ang sinabi ko.

"Sus, sabihin mong gusto mo rin naman" patawa tawa pa tong ugok na ito.

Binatukan ko naman ito sa likod at muntikan nang masamid. Dali dali kong tinatpik tapik si Gwen nang makitang may napatingin na madre sa direksyon namin at umaktong nagmamalasakit ako sa pagkasamid ng kaibigan kong ugok.

Inintay ko naman matapos kumain si Gwen at saka ibinalik ang platong ginamit namin. Nagpa intay naman si Gwen at bibili pa daw ng tinapay.

Bumalik na kami at kipit kipit nito sa braso ang tinapay para itago.

"Kala ko ba bawal magdala pagkain sa kwarto??"Tanong ko dito.

"Yaan mona, pag gutom may paraan"

Sambit nito habang unti unting kumukutil ng piraso sa tinapay.

Hinatid ko naman ito sa harap ng kwarto nya at pagbukas ng pinto'y nakita kong tinuro ni Gwen ang tinapay na kipit kipit nya para ipakita sa kasama nya sa kwarto.

Patay gutom squad.

Me? not included.

Nakarating naman ako sa kwarto namin at nakitang nakahilata lang si Kathe habang nilalaro ang rubix cube nya. Bawal kasi kami magdala ng gadget sa school kaya no communication from the outside. Hindi rin kami binibisita ng mga magulang, kapag may nangyare lang sa amin na masama ay saka pa malalaman ang kalagayan namin.

Ibinagsak ko naman ang katawan ko sa kama sabay labas ng malalim na hinga. Kinuha ko nalang ang notebook ko, dito ko sinusulat ang mga naiisip ko tuwing 2 am nuong wala pa akong kasama sa kwarto.

I took a glance sa corner ni Kathe. She was innocently laying there habang naglalaro ng rubix, Its like everything she does, it never failed to amuse me.

She look wonderful even while doing nothing.

I wrote all of this while the song Electric Love by borns was playing in my mp3 quietly but could be heard by the both of us.

Ibinalik ko ang tingin ko sa isinusulat ko at nang ililipat ko ulit sa kanya ay laking gulat ko nang malapit na pala sya at nakatingin sa sinusulat ko.

Ps. I suggest you listen to the song Electric Love. It gives me the urge to run away from home with the person i like lol.