webnovel

Lost With You (Tagalog BL)

Sumabog ang sinasakyang cruise ship nina Cyan at nang lalaking pinangalanan niyang Red—nagkaamensia ito matapos makaligtas sa trahedya—na papuntang Japan. Kapwa sila nangangapa sa pagsubok ng survival sa isla. Magkatuwang sila sa paghanap ng pagkain, tubig at matutuluyan upang mabuhay habang naghihintay ng tulong. Lumipas ang mga araw, ang dating magkakilala ay napalapit sa isa't isa, kasabay nito ang pagtayo nila ng sarili nilang kastilyo sa paraisong sila ang namumuno. Bumuo ng pangako sa isa’t isa na ang isla ang tanging saksi. Dumating ang tulong na dati’y inaasam nila—pero ngayo’y kinakatakutan na nila. Bumalik din ang mga alaala ni Red, at natuklasan nilang pareho na nakatali na pala ito sa iba. Paano na ang mga pangakong binuo nila? Paano na ang pagmamahalan nila?

xueyanghoe · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

LOST: CHAPTER 6

Busog na busog si Cyan sa kinaing Lansones. Mukhang pwede na siyang hindi mananghalian sa sobrang kabusugan. Ngayo'y nakaramdam siya ng uhaw. Biglang naalala niya ang sinabi niya kay Red na magkaniya-kaniya nalang sila. Ibig sabihin nun, siya na rin ang kukuha ng buko para may mainom siya. Bumagsak ang balikat ni Cyan sa isiping iyun.

Naalala niya bigla ang batis na pinagkuhanan niya ng maiinom na tubig noong unang araw nila ni Red sa isla. Kaya agad agad din niyang tinungo ito. Mabuti na lang at magaling siyang magmemorya ng direksyon.

Agad binagtas ni Cyan ang daan patungo sa batis. Kabisado na nga niya ang kagubatan. Anupa't nasuyod na niya ito noong hinahanap niya si Red. Lahat ng dapat daanan at dapat iwasan ay alam niya. Pati ang lugar kung saan maraming buhay-ilang ay kabisado na din niya, kulang na lang ay gawan niya ng mapa ang buong isla.

Nararamdan niyang malapit na siya sa batis nang marinig niya ang mahinang lagaslas ng tubig. Nagmadali siyang maglakad dahil nauuhaw na siya at gusto niyang magtampisaw sa tubig.

Natanaw na nga niya ang batis at nang papunta na siya roon, nakita niya ang isang pantalon sa ibabaw ng puno ng kape. Kay Red ito, malamang.

May nangyari kayang masama dito? Ginala niya ang paningin sa paligid. Nang may kung anong bumagsak sa tubig na malaking bagay kasabay ang isang sigaw. Nandilat ang mga mata ni Cyan. Kung tama ang hinala niya, si Red ang naliligo ngayon sa batis na kakatalon lang, at nakasuot lamang ito ng brief. O maaaring wala?

May kung anong pwersang humatak kay Cyan na magtago sa isang punong-kahoy upang panoorin ang naliligong lalaki. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki, nasa may bewang ang tubig. Humarap ang lalaki pero hindi parin nito wari na nanood lang si Cyan mula sa kagubatan.

Natanaw na nga ni Cyan ang katawan ni Red, at kahit ilang beses na niya itong nakita at humahanga parin siya sa perpektong pakakahulma nito. God must exerted a lot of effort to it.

Cyan was rooting for what's beyond; under that crystal clear water. Napailing siya sa naisip. Hindi niya makakailang nauuhaw siya sa nakikita. Is it because of the flowing fresh water or the fresh Red in the water? Napalunok siya nang wala sa oras.

Patuloy sa paglanggoy ang ginawa ni Red na hindi lingid sa kaalaman na nasa likod ng puno si Cyan at pinapanood ang paligo niya sa batis.

Umahon at naglakad si Red patungo sa mababaw na parte. At habang papalapit ito ay unti-unti namang nakikita ang ibabang bahagi ng katawan nito. Agad siyang napabalikwas at sinandal ang likod sa puno. Hindi kaya ng mga birhen niyang mata ang makakita ng ganoong bagay. Dahil kahit sa malayuan, batid niyang walang saplot sa katawan na naliligo si Red.

Hindi siya tumatakbo pero kung makahingal siya ay parang ginawa niya nga iyun. Umahon na si Red, paano kung mahuli siya nitong nagnanakaw ng tingin?

Tinignan uli ni Cyan ang direksyon kung saan naliligo si Red, pero kasabay noon ang pagbagsak nito sa tubig at nagulat siya sa biglaan nitong pagtalon. "Ay kabayo!" Napalakas niyang wika. Natumba pa siya dala ng pagkaout of balance.

Nakuha nito ang atensyon ni Red. Napalingon ito sa kaniya at nagulat. Nakahinga ng maluwag si Cyan nang makitang nakaloblob ang katawan nito sa malalim na parte.

Makahulugan ang tinging pinukol nito sa kaniya. Agad nag-isip ng i-aalibi si Cyan para hindi mapahiya. Inayos niya ang tindig. "Iinom sana ako ng tubig, because I think malinis. It turned out hindi. May kung anong lumulutang. Wag na lang." Wika niya sa hangin. Nilakasan niya iyun para marinig talaga ni Red.

Tinignan niya ito at batid niyang nawala ang sigla sa mukha nito matapos niyang sabihin ang alibi niya. Tumalikod siya at umalis. Uhaw na uhaw man ay tiniis niya. Hindi kasi nakakain o naiinom ang Pride.

GABI NA. Nasa may dalampasigan siya nagiihaw ng isda. Natuwa pa na siya nang makahuli ng isda. Kaharap niya ang malawak na karagatan na minsa'y nagtangkang agawin ang kaniyang buhay.

Napatingin siya sa kalangitan. Walang ulap na nagbabadyang uulan pero wala ding bituin o buwan. Puro kadiliman. Napabuntong-hininga siya. Bigla niyang naalala ang kantang isinulat niya noon na pinamagatan niyang "Will you cry?"

Naisulat niya ang kantang ito isang linggo matapos i-crimate ang katawan ni Skyrus. Bilang nagpakamatay ito, at hindi pinayagang bigyan ng misa ng simbahan kaya naisipan ng pamilya Elecierto na i-crimate na lang. Ang kantang iyun ay para sa magulang niya at mga taong nakapalibot sa kaniya. Bunga iyun ng mga katanungan sa kaniyang isipan na kung mamamatay siya, may magluluksa kaya?

Nakakita ng bao si Cyan, at gagamitin niya ito bilang drums. Gamit ang dalawang patpat, magsisilbi naman itong mga drumsticks. May pagka-rock kasi ang kantang naisulat niya. At walang kahit sino ang may alam na sumusulat siya ng kanta. Kahit pa si Skyrus. Ito ang bagay na kahit sino, walang nakakaalam.

"It's something I always thought,

If ever I'll be gone,

And my life on earth is done,

Will you miss me?

And now I'm confused,

Will you be sad, pained or broked?

I'm dying to know.

All of these questions in my head,

Were like blood in my veins.

What if tomorrow I won't wake,

Then next week I'll be sent down to my grave,

What if I die, baby, will you cry?

What if it's really my fate,

Then everything I guess it's too late,

What if I die, baby, will you cry?

It's something I'm afraid of,

The final lap of mine,

And the two paths after-life

What is it like?

And now I'm dazed,

Will you be lost, wrecked or bruised?

I'm dying to know.

All of these questions in my head,

Were like blood in my veins.

What if tomorrow I won't wake,

Then next week I'll be sent down to my grave,

What if I die, baby, will you cry?

What if it's really my fate,

Then everything I guess it's too late,

What if I die, baby, will you cry?

When I die...

Will you yelp, or just cry,

With a tears in your eyes as you say 'Good bye'

Or will you smirk, or just hide a smile,

Simply 'coz I died

What if tomorrow I won't wake,

Then next week I'll be sent down to my grave,

What if I die, baby, will you cry?

What if it's really my fate,

Then everything I guess it's too late,

What if I die, baby, will you cry?

And that's I always thought"

Matapos niyang ibagsak ang huling nota, bigla niyang naalala ang mga panahong sinusulat ang bawat linya ng kanta. Ngayong kinanta niya ay nagbabalik ang sakit na ibinuhos niya sa tulang binigyan ng himig.

"Oo naman, iiyak ako." Boses mula sa likuran niya. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang may-ari nun. Dalawa lang naman sila sa isla.

Hindi siya sumagot. Ramdam niyang nasa likuran niya ito nakatayo. Tumabi ito sa kaniya sa pagkakaupo. Hindi niya ito liningon.

"Malulungkot ako pag nawala ka," wika nito. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang tinititigan siya nito. Walang reaksyon niyang tinignan ito.

"Talaga? Parang mas gusto ko atang malungkot ka." Sarcastic na banat niya.

Napayuko ito. "P-pasensya na kung dumistansya ako sa--" Hindi na niya tinapos ang sasabihin nito. Tumungo siya sa dagat. Hindi niya alam kung bakit, biglang dinala siya nang mga paa niya patungo dito.

"Cyan, 'wag!" Sigaw nito. Naramdaman niyang hinabol siya nito kaya tumakbo din siya. Nababad na sa tubig ang mga paa niya, binilisan niya ang paglakad sa tubig. Dinig na dinig naman niya ang sigaw ni Red para itigil ang binababalak niya.

Nang biglang nakaapak siya nang kung anong matulis na bagay. Napaatras siya, at namamanhid ang parteng nakaapak. Halos matumba siya sa sobrang sakit, pero nasalo siya ng mga bisig ni Red.

"Ah, shit!" Reklamo niya. Hindi niya maramdaman ang paa niya. Ano ba ang naapakan niya?

"A-anong nangyari, Cy?" Nag aalalang tanong nito. Hindi niya ito sinagot. Dinala siya ni Red sa buhangin. Agad nitong sinuri ang parteng naakaapak.

Nandilat ang mga mata ni Cyan. "Puta! Sea urchin!" Hula pa niya. Napatingin siya sa markang naiwan ng bagay na naapakan niya.

"Anong sea urchin?" Inirapan niya ito. "Please, Cy! Sorry na! Promise di ko na uulitin." Di niya parin ito tinitignan.

Sobrang pamamanhid na ang nararamdaman niya sa parteng iyun. Naalala niyang kwento ng yaya niyang si Nana Sally, ang ikinamatay ng tatay nito ay ang sea urchin na minsang naapakan noong naliligo sila sa dagat.

"Puta, argh!" Napagulong si Cyan sa sobrang sakit at papamanhid nito.

"A-anong gagawin ko, Cy! Sumagot ka, please. Kahit ngayon lang. Kahit di mo na ako pansinin mamaya, o bukas, o kahit kailan. Please, sumagot ka." Nagpapanic na wika nito. Nakaramdam siya na ng sinseridad sa boses nito.

"Ihi," tanging naitugon niya dahil napahiga siya sa sobrang pamamanhid niyon. Ikwenento din kasi ng Nana Sally niya na ihi ang paunang lunas dito.

Nakaramdam siya ng mainit na tubig na dumadaan sa parteng naakaapak. O mas tamang sabihing: ihi? Nandilat ang mga mata niya at napabangon ng wala sa sarili. At bumungad sa kaniya ng mga mata ang pag-ihi ni Red sa parteng iyun. Nagtagpo ang mga mata nila, pero siya pa tuloy ang nahiya sa ginawa nito.

Napatakip siya sa mga mata niya, pero alam niyang nakita niya iyun at hindi na mawawala sa kaniyang isipan.