webnovel

Ika-apat na Kabanata

Taimtim kong pinaglalaruan ang kutsara sa tasang may lamang lugaw. Hindi ito lumilikha ng kahit anong ingay dahil gawa lang ang mga 'yon sa clay katulad ng mga palayok. Ewan ko ba kung bakit 'di ko man lang magawang sumubo kahit pa lumipas na ang oras ng hapunan.

"Tila wala kang gana kumain. Sigurado ka bang ayos lang ang iyong pakiramdam?" Naramdaman ko ang kaniyang pag-upo sa aking kama at nag-aalala sa pagtatanong ang monghang nag-alaga sa 'kin kanina. Mabagal lang akong tumango.Hindi na siya nagsalita at nanatili lamang sa aking tabi. Kinuha niya na ang tasa ng lugaw sa akin at inilapag iyon sa isang bedside table sa gawing kanan ng aking kama. Binigyan niya rin ako ng isang basong tubig at agad ko 'yong ininom.Kanina, nang bumalik ako sa ospital ay yumakap lang ako sa kaniya at umiyak. Kita ko ang gulat sa kaniya, gano'n na rin ang iba pang mga madre. Sino ba naman kasing hindi mabibigla na ang pasyenteng naghihikahos sa pagtakbo palabas ng ospital kanina ay babalik na lang dito at iiyak na parang bata. Dahil hanggang ngayon, ayokong paniwalaan ang nangyayari sa akin. Na nandito ako sa panahong 'to. Imposible talaga."Siya nga pala, ito ang iyong kasuotan kahapon nang ika'y matagpuan namin. Ipinalaba na namin yan sa katuwang ng aming ospital," pinutol niya ang pagmumuni-muni ko para iabot ang nakatiklop na kulay kremang baro, asul na saya, tapis na checkered at alampay na kulay krema rin. Ang kaibahan nito, may ka-elegantehan ang damit na ibinigay sa akin katulad sa mga dalagang nakasalubong ko sa isang kalye. Masusing pagbuburda ang ginawa sa baro at ang hitsura ng saya ay mukhang bago. Sa ibabaw ng mga damit na 'yon ay isang rosaryong kwintas na kayumanggi ang kulay. Isang kwintas na ginto ay may bilog na pendant at sa pinakagitna niyon ay kulay luntiang bato. Tinanggap ko ang mga damit at ipinatong 'yon sa aking hita.Napailing na lang ako sa narinig. Sa pagkakaalam ko ay naka-t-shirt at naka-maong na pantalon ako nang mga sandaling nasagasaan ako. Kaya naman ay lubos ang pagtataka ko kung bakit ganito ang damit na ibinigay niya sa 'kin at sinasabi ng mongha na itong baro't saya ang suot-suot ko."Binibini, may mga katanungan lang sana ako sa iyo kung ako'y iyong pahihintulutan," maingat niyang pagtatanong sa 'kin. Hindi na lang ako umimik at tumango na lang ulit. Ang inaasahan niyang responde ko."Base sa aking hinuha mula sa iyong kasuotan, pati na rin sa iyong kwintas na tamborin, sa tingin ko'y ika'y isang principalia, isang dalaga na galing sa mayamang pamilya," panimula ng mongha. Salubong ang kilay ko nang marinig ko ang suspetya niya. Dahil kahit ako mismo ay nahihiwagaan kung bakit nga ba ako nandito, lalo na itong mga kwintas at damit na sinasabi niyang pagmamay-ari ko raw."Binibini, ano ba ang iyong ngalan? Saang bayan ka nagmula? Maaari kitang matulungan upang makabalik ka sa iyong pamilya," dagdag nito. Bumaba ang aking tingin sa kumot na nakatakip sa aking hita at pinaglaruan 'yon.Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kung sino ako. Na ako si Eremielle Bailen, eighteen years old, at nakatira sa distrito ng Caridad.Napailing na lang ako dahil wala akong salitang mapulot. At isa pa, iniisip niyang taga-dito ako sa panahong 'to kahit hindi naman talaga.Napatigil siya. Hindi siya gumalaw o nagsalita man lang. Mukhang may malalim na iniisip."Ikaw nga ay magtapat sa 'kin, wala ka bang maalala? Ang iyong pagkatao, pinagmulan, at nakaraan ay hindi mo naaalala?" Ang kaniyang mukha ay puno ng pagtataka, gano'n na rin ang kaniyang tono nang siya ay magtanong. Lalo pang nagsalubong ang kilay ko. Iniisip niya bang may amnesia ako?"M-mukhang gano'n na nga po," iyon na lang ang nasabi ko. At kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko, hindi ko alam. Ayokong sabihing oo pero ayoko rin namang hindi ang isagot. Nagpakurap-kurap na lang ako habang sinasalubong ang tingin ng mongha."A-ang iyong ina, naaalala mo ba siya? Kanina'y hinanap mo siya. Ano ang kaniyang ngalan?" nangilid ang luha sa aking mga mata. Umiling ako. "S-sa mukha ko lang siya naaalala," pagsisinungaling ko."Dios mio! Isa itong malaking suliranin!" Napahilamos na lang siya ng mukha.Hindi ko man gustong magsinungaling lalo na sa harap pa ng isang madre ay wala akong magagawa. Sana ay patawarin ako ng Diyos kung nanonood man siya sa 'kin. Kaysa gumawa ng sariling pagkakakilanlan, mas mabuti na 'yong mapagkamalan niya akong walang maalala. Dahil sa panahong 'to, hindi ko alam ang dapat kong gawin.Nang mahimasmasan siya ay muli siyang tumitig sa akin at hinawakan ang mga kamay ko."Ikaw ay mamahinga na. Gagawa ako ng paraan upang ika'y aking matulungan," nakangiti niyang tugon sa akin. Tumayo na siya sa gilid ng aking kama. Kinuha na ang tasa na nasa bedside table at hinayaan lang ang isang baso at pitsel ng tubig na naroroon, gayon na rin ang isang lampara na nagbibigay liwanag sa amin.Bago pa siya makalayo ay tinawag ko ang kaniyang atensyon."Binibining mongha," pagtawag ko na kaniyang ikinalingon at hinarap ako."May kailangan ka pa ba, Binibini?" Tanong niya. Umiling ako at sinambit na ang gusto kong sabihin."Maraming salamat po sa inyo," anas ko. Lumawak ang kaniyang ngiti at nakikisama rin ang kaniyang mata dahil hindi ko na ito makita."Walang anuman. Hindi mo na kailangang magpasalamat dahil ito ang aking tungkulin," nakangiti niyang sagot. "Magandang gabi sa 'yo at nawa'y maging mabuti ang iyong pagtulog," dagdag ng mongha saka tuluyan akong iniwan.Napatingin ako sa lamparang iniwan niya. Patuloy ang pagsayaw ng hangin sa loob. Inasikaso kong diskubrehin ang pagbukas sa lampara at hindi nagtagal ay nagawa ko rin ito. Hinipan ko na ang mitsa saka humiga at pinatulog ang sarili kahit naninibago at nahihirapan.NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na akin mismong naaaninag nang sumapit na ang umaga. At nang mapadilat ako at tinuon ang tingin sa bintana ay naroroon ang monghang nag-aalaga sa 'kin."Magandang umaga, Binibini. Naging mabuti ba ang iyong pagtulog?" nakangiti niyang tanong sa akin. Dalawang beses akong tumango. Nanatili akong tahimik hanggang sa umupo ako mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman niya ako."Naghanda ako ng almusal. Kumain ka na muna," aniya sabay abot ng tasang may lamang champorado.Pinagmasdan ko ang buong ospital at kagaya ko, may iilang pasyente rin na kata-katabi ang iilang madre dito bilang pansamantalang tagapag-alaga."Salamat po talaga," biglaang usal ko. "Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang pagtulong mo po sa 'kin," dagdag ko pa at muli siyang nilingon.Nakatitig lang siya sa 'kin at sa halip ay ngumiti muna."Kumain ka na muna at mamaya ay may darating kang bisita," anas na lang niya at inalalayan pa akong kumain."Maaari ba muna kitang iwanan nang saglit? May kukunin lamang ako sa ikalawang palapag," paalam ng mongha sa 'kin."Sige lang po. Kaya ko naman kumain nang mag-isa," nakangiti kong tugon. Umalis na siya sa kama ko at tinungo ang hagdan paakyat sa taas.Natagalan ang mongha sa taas. Nasimot ko na ata ang laman ng tasa pero hindi pa rin siya dumarating. Iginilid ko na muna 'yon sa ibabaw ng bedside table at tumayo. Lumakad ako sa kaliwang parte ng ospital para sana pumunta sa banyo nang hinarangan ako ng isang matandang madre na umaalalay sa isang batang pasyente."Hija, saan ka naman pupunta ngayon?" Nag-aalala niyang pagtatanong sa 'kin. Natuod ako sa gulat."S-sa banyo lang po sana," kinakabahan kong sagot.Tumango ang madre nang masiguradong hindi ako lalayas—at wala rin akong balak umalis sa ganitong sitwasyon ko."Kung gayon ay magpatuloy ka. Nasa kaliwang pinto ang palikuran," instruksyon niya sa 'kin.Agaran akong umiwas sa madre at nagdire-diretso sa banyo. Nang kumatok ako at makumpirmang walang tao ay pumasok na ako.Kahit papano ay may kalakihan ang palikuran ng ospital. Sa kanang sulok ay naroon ang mga sisidlang hanggang baywang ko ang tayog at may katabaan pa. Sa tingin ko'y gawa sa mga clay ang mga 'yon. May iilang timba rin ang may laman at may isang pansalok o tabo. Naroon ang isang bangkitong parisukat na nakahilera sa mga 'yon. Sa gawing kaliwa naman ay inidoro at ilang metro mula doon ay ang lababo at salamin na nasa gilid ko.Nagdesisyon akong kumuha ng isang salok ng tubig at ipinatong 'yon sa gilid ng lababo. Pinagmasdan ko ang sarili pagkarating doon at habang nakatitig sa sariling repleksyon ay halos gusto ko nang mahiya sa hitsura ko.Naroong magulo ang buhok ko at ang mukha ko ay masiyadong oily. Kagabi naman ay nagpunas lang ako at hindi naman ako tumapak sa banyong 'to. Napabuntong hininga na lang ako.Kung sa paano nga mamuhay sa panahong 'to ay promblemado na ako, ano pa kaya kung paano ko aayusin ang sarili ko para maging presentable?Sinimulan ko na lamang maghilamos na tubig lang ang gamit. Inayos ko rin ang aking buhok sa pamamagitan ng pagsuklay gamit ang mga daliri.Nang kahit papano ay na-satisfy na ako sa aking hitsura ay lumabas na ako ng palikuran at bumalik sa aking kama.Sa aking pagbabalik ay agad kong napansin na nakabalik na ang monghang nag-aalaga sa akin at agad niya akong sinalubong ng salita."Akala ko'y nawala ka na naman at tumakas. Ang sabi ni Madre Hermosa'y nasa palikuran ka raw, totoo ba iyon?" Nag-aalala niyang tanong. Napayuko ako sa hiya dahil naalala ko ang pagtakas kahapon."O siya, ikaw ay maupo na muna sa iyong kama," aniya. Inalalayan niya pa rin ako hanggang sa akyatin ko ang kama kahit pa kayang-kaya ko ang sarili.Matapos noon ay umupo siya at mukhang may kinukuha sa lapag. Gano'n na lang ang gulat ko nang mamataan ang dalawang magkapatong na hugis parisukat na sisidlang gawa sa hinabing buri na kaniyang buhat-buhat. May kalakihan iyon at sa tingin ko ay may mga laman."Gaya nga ng iyong inilahad kagabi, kung lalabas ka ng ospital ay wala kang maalala tungkol sa iyong pagkatao. At aking napagtanto na wala ka man lang pag-aari maliban sa iyong mga suot noong nakaraang araw kaya minabuti kong ibigay sayo ang dalawang tampipi na ito na naglalaman ng ilan sa aking mga lumang kasuotan," anas nito kaya hindi ko napigilang mapanganga sa sinabi niya."Saglit lang po. Masiyado na hong maraming bagay ang naitulong—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang buksan niya ang isang tampipi at kumuha ng kung ng panloob, baro, saya, alampay at tapis. May hinila rin siya sa loob ng bedside table at lumabas na tuwalya iyon. Isa pang paghila ang ginawa niya sa ibabang parte ng bedside table at isang box ang inilabas niya. Lahat ng kinuha niya ay iniabot niya sa 'kin at pati ako ay nabigla."Mabuti munang maligo ka dahil darating ang isang taong malapit sa 'kin na siguradong makakatulong sa 'yo," utos nito. Nakapameywang ito kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa banyo.Aaminin kong ang paraan ng pagligo ko ay mahirap. Nakakapanibago. Simula sa proseso hanggang sa mga gagamiting sabon at kagamitang pangkatawan ay naiilang ako. Pati pagtitipid sa tubig ay kailangan. Sanay ako sa moderno kaya hindi ko alam kung paano ko matatagalan ang lahat.Kung sana ay nanaginip lang ako at magigising sa ilusyon na 'to. Kaso ay hindi. Nandito pa rin ako nang imulat ang mga mata ko. Wala akong magagawa.Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin at naninibago ako sa isinuot. Mabuti na lang at kahit papano ay nakakasuot ako ng mga ganitong damit tuwing buwan ng wika kaya alam ko ang dapat gawin. Hindi ko pa naisusuot ang alampay sa balikat dahil walang butones o kahit man lang pardible para isabit 'yon sa 'kin kaya lumabas akong hindi man lang suot-suot 'yon.Pagkabalik sa kama ay naroroon pa rin ang mongha at nakangiti sa 'kin. Ang kaibahan lang, may kasama na siyang isang matandang babae ngayon. Nakaupo silang dalawa at nang makita ako ay pareho silang tumayo."Binibini, mabuti naman ay nakapag-ayos ka na," bungad niya sa 'kin. "Siya nga pala, ito si Nanay Conchita, naninilbihan siya sa Casa Real at sa tingin ko ay matutulungan ka niya," dugtong nito."Nanay Conchita, siya nga po pala ang binibining aking tinutukoy sa inyo," narinig kong pagkausap ng mongha sa matanda. Hindi ko naiwasang obserbahan ang ale. Gaya ng inaasahan, nakapusod ang puti na nitong buhok. Simple lamang ang kasuotan niya pero presentable. Pinanliitan niya ako ng mata hindi para laitin ako pero para makita ako. Siguradong may kalabuan na ang kaniyang mga mata."Binibini, siya naman si Nanay Conchita Calinawan."Bilang paggalang, hiningi ko ang kamay ni Nanay Conchita kung tawagin ng mongha para magmano. Hindi naman ito nag-iwas at sa halip ay mukhang natuwa pa siya."Napaka-galang na dalaga. Katulad na katulad ka ni Rosanna nang siya'y una kong makadaupang-palad. Ano nga ba ang iyong ngalan?" Tanong nito na nagpatigil sa 'kin. Katulad ng kahapon, nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw.Napatingin ako sa direksyon ng mongha. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang masiguradong walang nanonood ay may ibinulong siya kay Nanay Conchita. Alam niya ang rason na siya mismo ang nag-isip. Malamang ay 'yon ang sinabi niya.Gumuhit sa mukha ng ale ang pagtataka at pagkagulat. Gusto ko mang makosensya sa pagsisinungaling ay huli na para bawiin 'yon. Hindi lang ang mongha ang naniniwala ngayong wala akong alaala, pati na rin si Nanay Conchita."Hi-hija, sigurado ka bang hindi mo matandaan kahit man lang ang iyong pagkakakilanlan?" pabulong na tanong ni Nanay Conchita. Wala akong maisagot kundi pagtango.Inilahad rin ng mongha ang mga suspetya niya tungkol sa akin kaya napaupo na lang ang ale sa kama. Hinila niya ako sa kaniyang tabi."Kung gayon, ano ang maaari nating gawin para sa kaniya?" Muli niyang tanong sa mongha. Halatang namomroblema si Nanay Conchita sa kalagayan ko. Nanatili naman akong tahimik dahil sa pagkakataong 'to ay wala naman akong magagawa."Maaari niyo po bang ipag-alam sa Alcade Mayor ang kaniyang kalagayan? Kilala ko si Don Sergio, may mabuti siyang puso lalo na sa mga nangangailangan. Nasisiguro kong matutulungan niya ang Binibining ito," nakikiusap ang tono ng mongha. Napaiwas ng tingin ang ale at nag-isip. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa, naghihintay sa kung ano ang maisusuhestyon nila.Lumipas ang ilang sandali at nanahimik sila. Mukhang kahit sila ay wala ring naiisip. Hindi pwedeng iasa ko na lang sa kanila ang magiging takbo ng buhay ko dito. Siguro nga ay mayroon akong dapat gawin."K-kung magtrabaho na lang po muna ako?" Panimula ko kaya agad silang napatingin sa 'kin. "N-nawalan man ho ako ng alaala ay kaya ko naman po ang sarili ko. A-ayokong maging pabigat sa inyo," nauutal ko pang dagdag. Nang mapayuko ako ay sakto namang huminga ng malalim ang mongha. Umupo siya upang mapantayan ang mga tingin ko."Binibini, maaari tayong humingi ng tulong sa mga kinauukulan upang ika'y makabalik sa inyo dahil malaki ang posibilidad na ika'y taga-Maynila. Sasamahan ka ni Nanay Conchita sa harap ng alcalde," pangungumbinsi pa nito. Kusa akong umiling.Sa lugar na 'to ako gumising. Kung dito pa nga lang sa lugar na 'to ay halos magkanda-ligaw-ligaw na ako at nangangapa, paano pa kung ako mismo ay nasa Manila?"H-hindi naman po ako makakaalala. S-sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. Hindi ko po alam ang dadatnan sa lugar na sinasabi niyo at dito po sa lugar ninyo ako nagkamalay." Nahihiya na talaga ako sa harap ng monghang nag-aalaga sa 'kin. Kung iisipin ay sobra-sobra na ang itinutulong niya. At ngayon ay balak niya pa akong iharap sa alcalde para ibalik daw ako sa Maynila kahit na ang totoo, taga-dito naman talaga ako.Tinitigan niya ako hanggang sa mahuli ang mga mata ko."Kung iyon ang iyong pasya ay wala akong magagawa," halata sa boses niya ang pagtutol pero ayaw na rin nitong makipagtalo. Tumingin rin siya sa aleng katabi ko."Nay Conching, may alam po ba kayo na pwede niyang pasukan at pwede niya ring tuluyan?" Baling ng mongha kay Nanay Conchita. Ngiti ang iginawad ng ale."Maswerte ang dalagang 'to dahil nagkaroon ng bakante sa Casa Real. Umalis ang isang nangangamuhan doon kaya ako at ang dalawa pang naninilbihan doon na lang ang natitira. Sinabi naman ng alcalde na maaari akong mag-imbita nang sinumang nais mamasukan basta't ihaharap ko sa kaniya," sagot niya sa mongha. Nilingon niya ako at hinaplos ang kamay kong nakapatong sa aking hita."Huwag ka nang mag-alala, hija. Naririto si Nanay Conchita para gabayan ka. Wala rin akong balak sabihin ang iyong kasalukuyang sitwasyon upang ika'y hindi tanggihan," masaya niyang saad. Nakahinga ako ng maluwag sa nalaman."Siya nga pala, Rosa hija," tawag niya sa atensyon ng mongha kaya bumalik ang kaniyang tingin kay Nanay Conchita. "Anong pansamantalang pagkakakilanlan ang pwede niyang gamitin habang naririto siya sa Puerto?" Kunot-noong tanong nito. Ang atensyon ng mongha ay muling lumipat sa akin."Sa tingin ko Nay ay babagay po sa kaniya ang pangalang Monica. Monica del Rosario," sambit nito. Hindi nawawala ang kaniyang ngiti, gano'n na rin ang pagtigtig sa 'kin. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko dahil sa sinambit ng mongha.Kung gano'n, sa panahong 'to, hindi ako si Eremielle Bailen. Kailangan kong isaisip na ako si Monica del Rosario gaya ng suhestyon ng mongha.