webnovel

Lost in Lust

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?

ecmendoza · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
17 Chs

Chapter Fourteen

LULUGO-LUGO si Lana nang umuwi. Habang nasa biyahe, paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang naging tagpo sa comfort room.

Sari-sari ang mga emosyon na lumulutang sa kanyang isipan. Ngunit ni minsan ay hindi sumingit ang humiliation.

Wala siyang madamang pagkapahiya.

Disappointment. Frustration. Need…

Higit sa lahat, ang pagnanasang hindi natighaw. Her desire remained simmering. Sa susunod na sindihan, tiyak na magliliyab na naman.

Niyapos ni Lana ang sarili.

Natatakot siya.

At nasasabik din…

May bisita si Baldo nang dumating siya. Isang masayang kuwentuhan ang nahinto nang buksan niya ang pinto.

Sa panauhin siya napatitig. Pamilyar ang mukha nito. Lalo na ang mga mata.

"Ikaw ang…" Hindi niya maituloy ang sasabihin. Biglang naumid ang dila niya.

"Siya ang mama mo, Lana. Mrs. Esguerra, ang iyong anak." Si Baldo na ang nagpakilala sa kanilang dalawa.

Tumindig ang may edad na babae. Bumuka ang mga bisig.

"A-anak…"

Napahakbang ng isa si Lana. Kapagkuwa'y tumakbo siya palapit sa ina. Yumakap siya nang mahigpit.

Hindi namalayan ang mga sandaling nagdaan. Basta't ang mahalaga ay natighaw ang kalungkutan na bumalot sa kanila magmula nung nagkahiwalay.

"Anak, patawarin mo ako. Kailangang ilayo kita sa kapahamakan kaya ko nagawa ang iwan ka." Humihikbi ang ina sa pagpapaliwanag.

"Huwag n'yo na pong isipin 'yon. Nandiyan po si Daddy Baldo na nag-alaga sa akin." Luminga si Lana sa kinaroroonan ng nagpalaki sa kanya.

Sumenyas siya na lumapit ito sa kanila.

"Daddy Baldo, maraming salamat sa pag-aruga n'yo sa akin."

Sumisigok na yumakap na rin sa kanila si Baldo.

"Ang akala ko'y mawawala na sa akin si Val—este, Lana pala."

"Hindi ko babawiin si Lana, Baldo. Kayong dalawa ang isasama ko. Magsasama-sama tayong tatlo," ang masayang pahayag ni Laliana Esguerra.

Nung gabi ring iyon, nagsimula ang bagong kabanata sa buhay ni Lana.

Sumama na siya sa kanyang ina. Si Daddy Baldo ay nagpaiwan. Aayusin pa raw ang mga gamit nila at makikipag-usap pa sa kanilang kasera.

Pero ang tutoo ay binibigyan sila ng pagkakataong mapag-isa ng tunay na ina.

Para kay Lana, isang munting palasyo ang bahay. Napakalawak. Halos sampung laki ng kuwarto nila ang kakasya sa salas.

Ang hagdanan ay animo abaniko ang hugis. Maluwang sa ibaba at papakipot pagdating sa itaas.

Ang koridor ay sanga-sanga. Sa gawing kanan sila lumiko.

Isang nursery room na kumpleto sa gamit pang-baby ang una nilang pinuntahan.

"Ito ang kuwarto mo nung sanggol ka pa. Malimit ako dito kaya nandito ang ilang gamit ko."

Ang katabing silid ay tila sa isang prinsesa. May sariling banyo. May shower at may bathtub pa.

"Dito naman ang magiging silid mo, anak."

Isang walk-in closet ang sumunod na nilapitan nila.

"May mga bestida dito na binili ko para sa iyo. Nung eighteen ka, ito ang gown mo sana sa debut party mo. Ito ang sapatos na katerno. Ang mga handbags, accessories, at mga alahas mo."

Dinampot ng ina ang isang kahita mula sa hilera ang mga kahon na iba-iba't ang laki.

"Narito ang kuwintas, mga hikaw, at singsing na binili ko nung bente anyos ka na. Umasa akong matatagpuan ka na."

"M-mama, I'm sorry. Pinaghintay kita." Niyapos ni Lana ang ina.

"Ang mahalaga ay nandito ka na sa piling ko," ang nakangiting wika ni Laliana.

"Halika, tingnan mo ang hardin." Binuksan ng ina ang dalawang pintuang salamin patungo sa balkon. May lamesang yari sa bakal at salamin, at dalawang silya.

May nakahaing pagkain sa lamesa.

"Dito ako nagpahain ng hapunan. Bukas mo na libutin ang ibang silid," ang nakangiting wika ang ina. "Halika, kumain na tayo."

Humahalimuyak ang mga bulaklak na naiilawan ng mumunting spotlight sa paligid.

Sa ibaba ay may mga punong namumunga at marami pang uri ng mga bulaklak.

"Mahilig si Daddy Baldo sa paghahalaman. Tiyak na matutuwa siya kapag nakita niya ang hardin," ang masiglang wika ni Lana.

"Talaga? Aba'y magkakasundo pala talaga kami. Mahilig din ako sa mga halaman. Ako ang nagtanim ng mga orkidyas na 'yan," pagmamalaki ng ina.

Lalong sumaya ang pakiramdam ni Lana. May puwang pala sa bagong mundo niya si Daddy Baldo.

Iniwan siya ng ina matapos ituro ang pagpapaandar ng power shower at jacuzzi. Masyado palang kumplikado ang mga ito.

"Subukan mo ang jacuzzi, anak. Nakaka-relax. I'm sure makakatulog ka agad."

Kalahating oras siya nagbabad sa maligamgam na mabulang tubig. Unti-unting natunaw ang paninigas ng mga kalamnan niya. Nang umahon siya, naghihikab na.

Pagdating sa kuwarto, isang damit pantulog ang nakalatag sa malawak na kama. Pang-apat na katao ang laki ng higaan.

A, sana ay makatulog siya!

Tila doon nga ang tunay na tahanan. Dahil hindi pa natutuyo ang buhok na iniyangyang sa unan, nahihimbing na siya.

Hindi na niya namalayan ang muling pagsungaw ng ina. Pinagmasdan siya sandali. May ngiti sa mga labi.

Nang sumapit ang madaling-araw, nagising si Lana na nag-aapoy ang pakiramdam. Init na init siya.

Nang pumikit siya, si Devlin ang kaulayaw niya. Pasisid na hinahalikan ang kanyang mga labi. Ang mga kamay ay sinasaliksik ang lahat ng kanyang sikretong kiliti.

Nakatulog uli siya. Nananatiling uhaw...

Kinabukasan, laking gulat niya nang isang tsuper at isang kotse ang naghihintay sa kanya. Ihahatid daw siya sa opisina.

"Mama, marunong po akong magmaneho. Hindi ko po kailangan ng driver."

"Ay, oo nga pala. Pasensiya na, iha. O, sige, iyan na ang kotse mo. Ingat sa biyahe."

Humalik ang ina sa pisngi na anak.

Lana was touched. Iba pala ang mayroong ina. Humalik din siya sa pisngi ng mama niya.

"Bye, Ma." Kumaway siya kay Laliana matapos paandarin ang kotse.

Dahil maaga pa, madaling nabagtas ni Lana ang NLEX. Di nagtagal, nasa parking area ng opisina na siya.

Huminga muna siya nang malalim bago umibis sa sasakyan. Nasasabik siya na makitang muli si Devlin ngunit nangangamba rin.

A, nakakatakot ang obsesyon niya sa lalaki!

Pagpasok sa opisina, may mga panauhin si Devlin. Nang makita siya, sumenyas agad ng kape para sa kanilang lahat.

Mula sa malaking bintanang salamin, nabilang ni Lana ang mga okupante ng silid.

Siyam na lalaki at dalawang babae. Pawang seryoso ang mukha. Maging ang dalawang palabiro na nakasabay niya nung unang araw niya ay wala ring kangiti-ngiti.

"Ah, coffee! Magkape muna tayo, mga kasama."

Tulak-tulak ni Lana ang mismong coffee trolley. Ngayon niya naintindihan, kaya pala napakalaki ng coffee maker.

Si Lana mismo ang naghatid ng kape ni Devlin. Ngunit hindi man lang sumulyap ang lalaki sa kanya.

Nasaktan siya ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon niya. Wala bang halaga dito ang nangyari sa kanila kahapon?

Sa unang sandali ng pagmulat ng mga mata kanina, natitiyak na niya na gusto niyang maging lover si Devlin.

Pero ngayong malamig ang pakitungo ng lalaki, nalilito siya. Paano kung hindi na siya gusto ni Devlin?

Matagal ang meeting. Kada kalahating oras kung mag-inspeksiyon si Lana sa coffee trolley.

Tinawagan niya si Nellie.

"Hello, Nellie. Si Lana ito. Kumusta ang preparasyon mo sa kasal?"

"Oh, Lana! Ikaw pala. Hi hi! Maayos naman. Kaunti na lang ang gagawin. Pupunta ka, ha?"

"Oo naman. Natanggap ko na pala yung invitation mo." Ngayong umaga niya nakita ang wedding invitation sa gitna ng desk. "Salamat, ha?"

"Kahapon ko dinala diyan. Nakauwi ka na pero si Sir nandiyan pa."

"A, oo. Maaga naman natapos ang trabaho ko…" Napagtanto niyang iniwasan lang siya ng lalaki.

Ipinilig ni Lana ang ulo.

"Um, may nagaganap na meeting ngayon. Ano ba ang expected na gagawin ko? Nagpasok na ako ng kape."

"Mga agent sila ni Sir. Tumawag ka sa 'refreshments'. Nandiyan sa phone book. Kapag inabot ng alas onse, tumawag ka naman sa 'lunch'. Order ka kung ilan sila."

"Salamat, Nellie!" Medyo nakahinga siya. Hindi puwedeng kape lang ang inumin ng mga nagmi-meeting.

Nang dumating ang refreshments: biscuit, pastries, at sandwiches, ipinasok niya agad iyon. Pati ang mga juice at softdrinks na nasa loob ng icebox.

Hindi na siya lumapit kay Devlin para ihain ang malamig na juice at sandwich.

Tila di na naman napansin ng lalaki ang ginawi niya.

Nang dumating ang mga packed lunch, tahimik na naman niyang ipinasok ang mga brown bags.

Nang sumapit ang lunch break, lumabas siya. Tinawagan niya si Daddy Baldo.

"Nasaan po kayo?"

"Ahahay, sinundo ako ng Mama mo. Nandito kami sa gitna ng mga rosas. An'dami! May dilaw, may asul!"

Napangiti si Lana sa narinig na kasiglahan ng nakilalang ina.

"Nasaan po si Mama?"

"Pumasok sandali. Kinukuha ang family album n'yo. Ikaw? Nasaan ka ngayon?"

"Nagla-lunch break. May mga ka-meeting si Sir."

"O, nandito na ang Mama mo. Si Val—este, Lana pala. Kuu, hindi pa ako nasasanay."

Ilang sandaling nag-usap si Lana at ang ina niya.

"Maayos pa bang imaneho ang kotse mo? Bago 'yan pero dalawang taon na nung binili ko."

Matulin ang sasakyan. Maliit lang dahil parang pambabae ang modelo.

"Bago pa rin naman hanggang ngayon, Mama. Mamaya, gusto ko rin pong makita ang family album, ha?"

"Aba, oo, iha. Nahakot na rin namin ang mga gamit n'yo ni Baldo. Sa gawing kaliwa ang napili niyang silid."

"Oo, para kitang-kita ang mga rosas na iba-iba ang kulay. Hahaha!"

Narinig niya sa background ang kumento ni Daddy Baldo.

Napapangiti si Lana dahil sa pagkagiliw ng dalawang may edad na babae sa isa't isa. Magiging mabuting magkaibigan ang dalawang ito.

Creation is hard, cheer me up!

ecmendozacreators' thoughts