BUONG umaga siyang nagdikta sa sekretarya para makalimutan ang pagkainis.
Nang maubos na ang ididikta, saka lang nakakawala ang pobre.
"Okey, you can have your lunchbreak now," wika niya habang kinukuha ang carkeys sa drawer ng office desk.
"I'll be out for lunch. Mamayang four na ako babalik uli dito. Just take all my telephone messages while I'm out. Is that clear?"
"Yes, sir," said the worn-out girl.
Devlin stopped himself from smiling.
Tiyak na nenerbiyusin lang ang babae kapag nginitian niya ito bilang paghingi ng dispensa.
VAL was humming a bawdy tune under her breath while driving the big truck.
Kahit na maalinsangan ang panahon, nagagawa pa rin niyang pumitu-pito sa kanyang pagmamaneho.
Inaaliw kasi niya ang sarili. Ang tutoo, naiinip na siya sa trabahong ito.
Inililihim niya ang pagkabagot na nadarama. Hindi niya sinasabi sa kinikilalang magulang ang tunay na nadarama.
She often had this feeling of being suspended from something.
Para bang may naghihintay na sorpresa sa kanya palagi...
She shook her head forcefully. Hindi niya nakawilihan ang mangarap ng mga bagay na imposible.
Ngunit bakit malimit siyang managinip nitong mga huling gabi? tanong niya sa sarili.
"Nagiging malikot ang imahinasyon mo, Val Guerra!" panenermon niya habang nakakunot ang noo.
"Kulang ka na siguro sa alak!"
Tama! Magpapakalasing siya pagdating niya sa bahay.
Itinuloy niya uli ang pagpito. Magaling siyang mag-aliw sa sarili dahil lumaki siyang mag-isa.
May dapat rin siyang ipagpasalamat kay Daddy Baldo, dahil natuto siyang maging matapang at matatag kahit na nung bata pa siya.
Bagama't patpatin siya nuong maliit pa siya hanggang sa maging dalagita, hindi naman siya basta-basta natatalo ng mga nakakaaway.
Marunong siyang magtanggol sa sarili.
She was in midtune of a popular novelty song when she heard a loud clapping noise from above.
"Aba! Napakalakas namang kulog n'on!" bulalas niya habang sumusulyap sa itaas.
"Parang gustong mabiyak ng langit, a!"
Nakuha na niya ang magaspang na punto ni Daddy Baldo, bagama't nasa kanya pa rin ang natural na pagka-paos ng boses.
Marami ang nagsabi sa kanya na maganda raw ang tinig niya.
Parang sa isang edukadang tao...
"Nangangarap ka na naman nang gising, Val," paalala niya sa sarili.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho ngunit hindi na muna siya kumanta.
Pamaya-maya nga, bumuhos na ang malalaking patak ng ulan.
Napilitan siyang huminto dahil hindi makaya ng dalawang wipers ang paglilinaw ng salamin.
"Bente uno pa lang ini," bulong niya habang pasadsad na humihinto sa malapad na highway shoulder.
Kinuha niya ang lalagyan ng inumin upang tumungga ng ilang lagok.
Pagkatapos, pinunasan niya ng tuwalyang nakasabit sa batok ang mukha at leeg.
Napatitig siya sa paulit-ulit na mosyon ng wiper.
"Hanggang kailan kaya ako makakatiis sa ganitong klaseng buhay?" tanong niya sa sarili.
Hindi na niya maikubli ang pagka-diskuntento.
"Ayaw kong tumanda sa ganitong sitwasyon," patuloy niya, halos wala sa loob.
"A-ayokong matulad kay Daddy Baldo..."
Napakurap siya nang marinig ang pag-amin.
Babawiin pa sana niya ngunit napahinto siya at napailing na lang.
"Tutoo namang ayaw mo sa buhay na ito, hindi ba, Val?" panghahamon niya sa sarili.
"Bakit hindi mo pa aminin?"
Pumiksi siya at nagtangkang tumakas sa mga magugulong isipin.
Kahit na umuulan, umibis siya sa trak.
In just a matter of seconds, her thick clothes were wet and clinging to her skin.
Kailangan niyang magsuot ng makapal upang hindi makatawag-pansin ang kanyang katawan.
She was endowed by nature of a curvaceous body. She might be slender but her curves were all on the right places.
Kaya palagi siyang naka-jacket kahit na tag-init.
Ang mukha na lang niya ang hindi magawan ng paraan ni Daddy Baldo.
"Alam mo ba kung ano'ng klaseng mukha meron ka, 'Day? 'Yan ang mukhang magtutulak sa mga lalaki na tumalon sa bangin ng kasalanan!"
Paulit-ulit niyang narinig ang mga salitang ito mula sa matandang tomboy.
Ngunit naunawaan lang niya nung maging ganap na dalaga na siya.
Walang gaanong privacy sa bodega, kungsaan halos isang daang pamilya na ang nakatira at namumuhay sa malawak na compound.
Nagkakaalaman na ang mga tagaroon sa bawa't likaw ng bituka ng mga kasama.
Kaya marahil nawawalan na rin minsan ng pakialam.
Minsan, papauwi na sila sa kanilang kuwarto nang may madaanan silang isang pareha na nagpapalipas ng init sa isang tagong sulok.
Dati-rati, inilalayo agad siya ni Daddy Baldo kapag may mga ganoong eksena na.
But that day, she was forced to watch a sexual act at its coarsest form.
Napuwersa siyang manood sa dalawang nilalang na tila mga hayop na nagtatalik sa lantad na lugar.
Wala ng delikadesa. Hindi na alam ang malaswa at ang mali.
"Gusto mo bang maging katulad ng babaeng 'yan, anak?"
Natatandaan niyang umiling siya nang sunud-sunod noon.
"Sa sandaling pumayag kang magpahipo sa isang lalaki, masahol ka pa sa babaeng 'yan, Val," ang seryosong pahayag nito.
May dahilan naman pala ito sa pagpapakita sa kanya ng dapat sana ay pribadong tagpo.
"Tatandaan ko po 'yan, Dad," pangako niya rito.
Kaya nga siguro parang naging blangko siya pagdating sa kanyang damdamin.
Hindi siya lesbian, pero hindi rin naman siya babae. Tomboy lang siya. Neutral lang kumbaga.
Pero gusto mo bang maging ganito habang buhay? ukilkil ng maliit na boses sa likod ng utak.
Ipinilig niya ang ulo nang makaramdam ng kakatwang pagtutol mula sa kaibuturan.
She had hidden desires unknown even to her!
Binilisan niya ang mga hakbang kahit na mabibigat na ang mga kasuotan.
Her rubber shoes were wet and swishy with mudwater.
Huminto na ang ulan. Ni hindi nga niya namalayan na nagliwanag na naman ang paligid na makulimlim kani-kanina lang.
Nilinga niya ang iniwanang trak. May ilang metro pa lang ang layo niya rito.
Bumalik siya sa sasakyan upang isusi lamang ang pinto. Nais niyang maglakad-lakad pa.
Habang humahakbang uli palayo, kinakalas na ng mga daliri niya ang mga butones ng suot na maong jacket.
Isinampay niya sa isang braso ang hinubad na pang-ibabaw, habang patuloy sa paghakbang.
Papalayo na siya nang papalayo, ngunit hindi pa rin siya humihinto.
Para bang may humihila sa kanyang magpatuloy lang sa paglakad.
Mabuti na lang, naulit ang malakas na pagkulog at pagkidlat.
Napapitlag siya.
And she was suddenly hurled back to reality.
Umuulan na naman nang magtatakbo siya pabalik sa pinanggalingan.
This time, napakalayo na niya sa trak.
Nagtataka siya kung bakit nagkakaganito siya.
Ngayon lang nangyari ang magkaganito siya! Hindi kaya siya namamatanda?
Pinihit niya ang ignition key matapos isuksok iyon nang dali-dali.
Napuna niya ang isang malaking punongkahoy sa di-kalayuan habang nagmamaniobra.
"Napakasarap sigurong magpahinga sa lilim ng punong 'yon," bulong niya sa sarili.
Ilang ulit na siyang nagdaraan sa lugar na ito ngunit ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang naturang puno.
Muli, halos wala na naman sa sarili, inihinto ni Val ang trak.
Nakatutok ang mga mata niya sa mayabong na luntian habang umiibis siya sa ikalawang pagkakataon.
Humakbang siyang palapit doon. Hindi niya mapigil ang pagkabighaning nadarama.
Para bang may kung anong magneto ang lugar na ito sa kanya.
Inilatag muna niya ang jacket na basa sa damuhan bago siya naupo nang pasalampak. Kuhang-kuha niya ang kilos ni Daddy Baldo.
Bumubuhos pa ang ulan ngunit halos walang makalusot na patak sa kakapalan ng mga dahon at sanga sa itaas.
Mahihiga na sana siya sa nakausling ugat, nang may mamataang lalaki na tila papalapit sa kinaroroonan niya.
Agad na sumimangot si Val habang tumutuwid sa pagkakaupo.
"Ang malas ko naman!" bulong niya sa sarili.
Padaskol siyang tumindig upang iwan na ang silong ng punongkahoy.
Nakakailang hakbang na siya palayo nang makalapit ang lalaki.
"Sandali lang, boss," pigil nito kay Val.
"Nasiraan ako, e. Maaari bang manghiram ng katala? Kahit pang-diyes lang."
Kumpleto sa sukat ng mga liyabe-katala ang toolbox ng trak ni Val, kaya alam niyang meron siya ng ganoon.
Ngunit parang andap siyang pahiramin ang estranghero.
There was something dangerous in his deep voice...