webnovel

Long time ago

Before and after

DaoistJjRZTN · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
3 Chs

Prologue

Takot na takot si karol sa mga oras na to, humihikbi sa takot habang tumatakbo sa kagubatan hawak hawak ang malaking tyan na siya nuoy limang buwang buntis. Hindi alam kung saang diriksyon siya patungo pero tuloy pa din ang pagtakbo niya, hinahabol siya ng mga tao na may dala dalang sibat na handang iiataki sa mga mababangis na hayop pero sa oras na to hindi hayop ang hinuhuli nila kundi siya. Tuloy ang takbo niya hangang makakita siya ng mapagtataguan sumiksik siya sa mga malalaking bato na ngayon niya palang nakita.

" nakikita niyo pa ba?"tanong ng isa sa mga kalalakihang humahabol sa kanya.

"hindi ko na siya makita, walang mga bakas dito, duon tayo!" pasigaw ng isa pa sa kasamahan nito

Nakahinga ito ng maluwag at napaupo sa lupa habang humihikbi, punong puno ng mga luha ang kanyang mga mata, sa subrang lito na hindi niya alam ang nangyayari. Hindi niya din alam kung nasaan ang asawa kung buhay pa ba ito o patay.

Sa mga sandaling yon bigla siyang natauhan naramdaman niyang hindi lang siya nag iisa duon sa pinagtataguan niya.

Bigang mag nakatutuk na ispada sa kanyang leeg at suminyas itong tumayo siya. Tumayo siya at saka nito namukhaan kung sino ito.

" f - ford, anong ginagawa mo!" nalilito nitong tanong rito

" umalis kana sa bayang ito karol!" wika nito na matamlay, " kung hindi ka aalis wala akong ibang pagpipilian kundi patayin ka!" malamig nito sabi pa

Nang hina ng lalo si karol sa mga oras na yon, hindi niya alam ano ang gagawin.

" sabihin mo saakin ano ba ang nangyayari?! Nasaan ang asawa ko, saan niyo sila dinala! " galit nitong wika

" ilang araw nalang matatangal na sa truno ang asawa mo. Bibitayin na siya! Bumagsak na ang lahat ng lupain dito sa batoria lumayas kana dito at magpangap bilang ibang tao kunin mo to at umalis kana! " sabay hagis sa isang bag na maliit at. Tumalikod na ito saka umalis. Kinuha niya ang bag saka pumikit at umiyak.

" kung ganun para sa aking anak. Aalis ako! Aalis tayo ng hindi kasama ang iyong ama " sabay hawak sa tyan nito at pumikit ng mariin .