webnovel

Dagat ng Pag-ibig

-jethteronomy-

Hindi mo na kailangan pang bumalik, kase ang sabi mo hindi ka naman aalis.

Ang sabi mo hindi na ako dapat mangamba at matakot sa mga taong lumilisan pagkat hindi ka ganyan.

Ang sabi mo pa na ikaw ang pinakamasaya noong sinagot kita, noong binanggit ko ang mga katagang mahal rin kita.

Ang sabi mo pa nun, sabay nating haharapin ang mga hamon.

Ang mga sakit at lahat nang mga inggit.

Ang sabi mo pa, sabay nating sasaluhin ang mga bato ng paninira, na hindi ako dapat mabahala sa sakit ng mga salitang ibabato sa atin pagkat sabay tayong magdurugo.

Ang sabi mo pa nun, magiging masaya tayo.

Ang sabi mo patutunayan nating may forever.

Mahal ngayon nasaan na ang mga sinambit ng iyong bibig.

Nasaan na ang mga pangako mo

Mahal napapagod na akong hanapin ang mga binitawan mong salita.

Natatakot na akong maghanap

Baka kase kung saan saan ako mapadpad.

At kung sino sino ang aking makilala at makalimot ang puso ko.

Baka makalimutan na kita.

Pero hindi, hindi dapat akong matakot, yan ang sabi mo.

Hindi dapat akong mangamba pagkat sasabayan mo akong maglayag dito sa dagat ng pag ibig nating dalawa.

Kayat sige magpapatuloy ako sa paghahanap.

Magpapatuloy ako hanggang sa mahagkan kong muli ang mga pangako mo.

Isa, dalawa, sige lakad pa!

Sinisilaw ang bawat sulok, ang bawat parte ng dagat hanggang makakita ng tanglaw.

Sige sipatin mong mabuti ang bawat parte.

Hanggang maging klaro na ang mga imahe.

Ang imahe ng pagibig na iisa lamang ang tumaya.

Ako lang.

Ako lang ang tumaya.

At mahal mukhang ako rin ang magiging talo.

Pero sige, lalakarin ko pa ang kawalang ito hanggang, ayun nga may nakita na ako!

Nakita ko hindi ang mga pangako mo,

Iba ang nakita ko.

Nakita ko ang sarili kong sirang sira na sa pagmamahal sayo.

Bakit humantong sa imaheng ito ang iyong mga pangako?

Mahal nasaan kana?

Sa paghahanap ko sa mga pangako mo, akala ko kasama kita.

Akala koy hawak hawak mo pa ang aking mga kamay.

Akala ko magkahawak pa tayong naglalakbay.

Pero hindi na pala.

Kawawa naman ang imahe ni ako.

Nagpakatanga sa pag-asa sa mga pangako mo.

Kawawa naman ako.

Heto umaasa pa rin sayo.

Naglalakbay na akala'y kasama ka

Ngunit ako'y iniwan mo na pala

Masakit dahil sa dagat ng pagibig nating dalawa.

Sumakay ka pala sa ibang bangka.

Ako pala'y nagiisa na.

Mahal, malabo na ba talaga?

Mahal, bumalik ka na sa aking bangka.

Mahal, mahal na mahal parin kita.