webnovel

Chapter 5

Chapter 5

________

NAPAPADYAK ako habang naglalakad. Yung ibang nakakapansin sa akin ay naweweirduhan na. Ako rin naweweirduhan na sa sarilj ko. Ni hindi man lang ako nakakain ng maayos. Natigilan ako ng ang isang lalaking tahimik na kumakain sa isang bleachers.

Eh? Nerd siguro ito. Halos lahat ng estudyante eh may mga kasamang kumain ito eh.

"Hi!" Sabi ko. Tinignan ako nito sabay kuha ng lunch box niya at akmang aalis na pero pinigilan ko. Kumunot ang noo ko sa ikinikilos niya. O baka ayaw niya lang sa akin, baka nagsosolo lang.

"Sorry uhmm mukha kasing nagkita na tayo dati, wait kilala ba kita?" Oo. Mukha kasing namumukhaan ko siya. Hindi siya nag-aaral dito sure ako.

"A-ahh ehh...H-hindi ko alam ang sinasabi mo-----" hinawakan ko ang braso niya.

"Teka! Nanginginig ka. Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sa iyo?" Umiling-iling siya at umalis. Hinayaan ko na. Nakakatakot baka mamaya anong mangyari sakaniya?

Nacurious ako kasi bigla siyang huminto sa paglalakad at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at iginayang umupo. Kumunot ang noo ko.

"U-um-umalis ka na rito. Hindi ka ligtas dito."

"Ha? Ano bang sinasabi mo riyan?" Inalis ko ang kamay ko na nakahawak sakaniya. Naweweirduhan na ako. Ano bang sinasabi niya?

"Makinig ka sa akin. Lumayo ka na rito. Layuan mo siya----."

"Aalis na ako-----." Natakot na ako kaya naman napagdesisyunan kong umalis na kaagad. Grabe bigla akong kinabahan.

*PLANNNNNNKKKKKKKK*

Nagulat nalang ako ng may nanghampas ng kung anong bagay sa likod ko. Hindi ko namalayang nawalan na pala ako ng malay.

N-nasaan ako?

Ayokong imulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang presensya ng ilang mga tao sa paligid ko. Kinakabahan.

Eto na naman.

Eto na naman iyong pakiramdam na iyon.

"Hoy!" Nagulat ako ng sipain ng lalaki ang upuan kung saan ako nakaupo at nakatali. Nanginginig ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at tinignan ng masama itong lalaking nasa harapan ko. Nakagapos ang paa at kamay ko kaya wala akong takas. Ang bibig ko naman ay may telang nakatali.

"HAHAHAHA" Nagtawanan sila nang makita akong gising.

Ayoko ng pakiramdam na ganito. Pamilyar ito. Nasasaktan ako, nanginginig Ang buo kong pagkatao. Naiiyak ako ngunit walang lumalabas na luha. Bakit ako narito. Anong kasalanan ko. Sinong may gawa nito. Kuya, mama tulungan niyo po ako. Ayoko rito. Parang a-awa niyo na.

K-khadi...T-tulungan mo ako.

Pumatak ang luha mula sa mata ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto kong kumawala ngunit hindi ko alam kung paano.

"Simulan niyo na." Gusto kong umatras nang may nagtangkang lumapit sa akin. Hinila niya ang buhok ko at napapikit nalang dahil may flash na tumapat sa mukha ko.

"Mukhang hindi pinahirapan." Tumango ang isang lalaki sa kasama niya.

*PAAAAAAAKKKKKKK*

Nabuo ang galit sa loob ko nang may sumampal sa akin. Sobrang sakit, ayoko na rito. Please tulungan niyo ako.

Nagmakaawa na ako sa isip ko. Pero alam kong walang darating. Hindi nila alam. Walang may alam.

"Ngayon simulan na natin." Inalis niya ang telang nakakabit sa bibig ko pero tikom pa rin ito.

"Christine Lei. Hindi ba ikaw iyong babae ni Mill? HAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Inangat ko ang ulo ko. Anong kinalaman ni Khadiliman dito?

"Alam mo kase. Hindi ka sana madadamay pero...Wala kaming choice. Hindi ba nag transfer ka noon?' inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nanginginig ang bibig kong nilabanan ang titig niya. Sinasabi ng mga mata kong pakawalan na niya ako. "Pipi ka ba!!!!!" Sigaw niya kaya napapikit ako. Hinawakan niya ang mukha ko at takot na takot akong inilayo iyon.

"Alam mo...Kung sasagot ka lang sana ay mabilis tayong matatapos dito." Hindi ko nga magawang maikibo ang bibig ko!

"Ganito nalang. Pakakawalan ka namin. Pero sa isang kundisyon."

"A-anong kundisyon?" Halos ma paos ako sa pagsasalita. Mabuti nalang at nagawa ko iyon.

"Kailangan naming makuha si Tczhillman!" Kumunot ang noo ko.

"G-ganon ba kalaki a-ang galit niyo Kay Kha-Mill?"

"HAHAHAHAHA buti naman at magsasalita ka na. Oo!!" Sigaw niya sa huli. "Sobrang laki ng galit ko sa lalaking iyon alam mo kung bakit?" Sinabunutan niya ang buhok ko kaya napapikit ako. Pang-ilan na ito wala na ata akong buhok.

"Dahil pinatay niya ang kapatid ko." Napatitig ako sakaniya. Umiling-iling ako.

"Hindi iyan totoo! Hindi magagawa iyon ni Mill." Mahinang wika ko. Hindi ko alam ang iisipin ko. Masyadong magulo ang nangyayari. Anong pinatay? Sino? Bakit?

"AHAHAHAHAHAHA Talaga lang huh!---"

Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Nararamdaman ko ang sakit sa boses niya. Pero hindi ako dapat na magpadala. Sigurado akong hindi totoo ang sinabi niya.

"Bakit ka umalis sa paaralang iyon dati? Hindi ba 't isa ka sa mga pinaglaruan ng An*mal na iyon? Kaya ano pa 't tumutunganga ka riyan. Hindi ka ba gagawa ng paraan para makaganti? Makabawi?"

Natawa ako sa sinabi niya. Natatawa naman ako ngayon. Nababaliw na ata ako.

"Kinuha niyo ako rito para makianib sa inyo? Ano! Para maghiganti? HAHAHAHA nakakatawa kayo. Nakakatawa kayo-----" Sinampal niya ako at binigyan ng masamang tingin.

"Katulad ng sinabi ko sa iyo. Pinatay niya ang kapatid ko. Sa tingin mo ba ililigtas ka niya rito mula sa amin? Hindi. Dahil wala siyang kwenta! At isa ka lang laruan para sakaniya."

"Tama ka! " Sigaw ko. Ang sakit na ng mga sinasabi niya. Hindi na ako makahinga. "Kung ganong laruan niya ako bakit niyo pa ako kinuha at dinala rito!!"

"Para gamitin. Laban sakaniya." Madiin niyang wika.

Napayuko ako. Hindi naman niya ako ililigtas dito. Ano pa bang gagawin ko kundi ang iligtas ang sarili. Wala siyang gagawin para sa 'kin at wala siyang magagawa para sa akin. Inangat ko ang tingin at dumako iyon sa pulso niya. Nakita ko ang---ang----leon.

"S-solomon?" Wika ko. Gumalaw ang panga niya at galit na tumitig sa akin.

Ngayon naiintindihan ko na.

"I-ikaw nga..." Wala sa sariling sambit ko habang inaalala ang nakaraan. Hindi ko siya kilala sa pinasukan kong public school noon. Pero nabalitaan kong Isa siyang miyembro ng gang at may kapatid nga siya, naaalala ko. Namatay iyon.

Nakapag-isip na ako.

"Pakawalan mo ako." Wika ko "Dadalhin ko siya sa inyo." Madiin na pagtutuloy ko.

Wala akong mapapala rito kung tutunganga lamang ako. Kailangan kong gumawa ng paraan. Para sa sarili ko.

"Hmm...Ibalik niyo na siya sa school." Wika ni Solomon at madaling sumunod naman Ang dalawang lalaki at tinanggal na ang tali sa akin. Blanko ang isip ko. Hindi ko na rin alam kung ano Ang mga lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ngayon ay natatakot ako. Takot na takot.

Ipinasok nila ako sa isang van at doon ay tulala lang akong nakatingin sa kung saan man kami dadaan. Pagkarating sa school ay ibinaba lang nila ako pagkatapos ay umalis na sila.

Magulo ang buhok ko, siguradong mapula rin ang pisngi ko dahil sa sampal na natamo ko. Dahil dito kaya siguro ako pinagtitinginan ng ilang estudyanteng dadaan sa paligid ko.

Umiyak ako. Hindi ko man lang magawang maigalaw ang mga paa ko. Anong gagawin ko! Takot na takot pa rin ako hanggang ngayon. Para akong pinapatay nito. Bakit kailangang ako pa? Ano ba ang ginawa kong kasalanan sa inyong lahat!

Lumihis ako ng daan at dumiretso ako kaagad sa bahay. Pagkarating doon ay kaagad kong niyakap si mama na nagtatakang nakatingin sa akin.

Alas kuwarto na pala ng hapon. Pagkatingin ko sa orasan na nasa pader.

"M-mama" humikbi ako at umiyak sa kandungan niya.

"A-ano bang...Anong nangyari, Lei?" Hindi ko siya sinagot. Inigaya niya akong maupo sa couches at hinimas ang buhok ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at ramdam ko pa rin doon ang palad ng mga lalaking iyon.

"Christine Lei? Sinong may gawa nito sa 'yo! Nasaan ang kuya mo! Sagutin mo ako!" Napahikbi ako at napakagat sa labi. Si kuya...Hindi niya ako nagawang iligtas.

"W-walang kasalanan si kuya mama. Hindi naman nila alam ang nangyari...A-ayos lang po ako. Kailangan ko lang ng pahinga----" aalis na sana ako pero hinila niya ako at sinamaan ng tingin.

"Hindi puwede! Sabihin mo sa akin anak sinong may gawa nito sa 'yo, ang gulo ng buhok mo, may pasa ka pa sa pisngi. Ano pang ibang ginawa nila sa 'yo!" Nanginig ang boses ni mama kaya niyakap ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"N-n-nadapa po kasi ako kaya nagkaron ng pasa ang pisngi ko" hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Huli na pala para magrason. "Ahh m-may nakaaway Po kasi ako. Alam niyo naman...Hehe babae sa babaeng away." Sinikap kong hindi mabasag ang boses at umiyak na naman.

"B-bakit ka umiiyak anak. Hindi ka iiyak ng ganiyan kung walang nangyari o problema."

"Mama...Ayos lang po ako. Alam niyo po naisip ko lang kasi these past few days na ang suwerte ko kasi may mama akong kagaya niyo." Ngumiti si mama at hinimas ulit ang buhok ko tsaka ako niyakap.

"Hayy ang baby ko, dalaga na." Tapos ay tumawa kaming pareho. Nagpapaalam na akong umakyat ako sa itaas para magpalit at magpahinga.

Sinarado ko ang pintuan at inilock ito. Hinayaan ko ang katawan kong mapadausdos sa likod ng pintuan at mapahikbi hanggang sa tuluyan nang tumulo ang luha mula sa aking mata.

"A-anong gagawin ko??"

Natatakot na akong lumabas. Paano kung maulit muli? Paano kung mangyari ulit? Paano kung, paano kung sa susunod hindi na ako makaaalis ng buhay doon? Paano kung....

Sa dinami-rami ng naiisip ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising akong tulala pa rin at hindi makarecover sa nangyari. Walang mangyayari sa buhay ko kung ganito ang gagawin ko. Ano, magmumukmok nalang ba ako?

Nagpunta ako sa cr at tsaka naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako. Naabutan ko si Johann na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape. Ayoko siyang kausapin, sana wala munang away ngayon. Anong oras na ba? Napalingon ako sa orasan.

"7:43 pm"

Dederetso sana ako sa kusina pero eto atang kapatid ko ay gusto pa ng away.

"Bakit ka absent?" He asked. Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na sa kusina. Kumuha ako ng puwedeng makain. Umupo si Johann sa harapan ko. Iniwan pa nga ang binabasa sa sala.

"Kinausap ako ni Mama. Nakipag-away ka raw?" Napasibi ako ng bahagya, hindi naman siguro nahalata ni Johann. Gusto ko na ngang kalimutan pero eto, siya pa ang gumagawa ng paraan para maisip ko ulit iyon. Sabagay, wala naman siyang alam.

"Ahh oo, pero wala iyon Johann. Simpleng away lang-----."

"Ginagawa mo ba akong t*nga ha Lei?" Ngumisi ako at hindi na kumibo. Ayokong makipag-away. Sumubo nalang ako ng pagkain.

"Tell me. Hindi ka naman basta-bastang nakikipag-away right? And I know you. Hindi ka marunong makipag-away. Tapos madadapa ka, seriously? "

" Puwede ba Johann. Stop acting like you know me. I am not your sister anyway, right? A year's ago? So why acting like you care? Huh! Pathetic! " Inismiran ko siya at tsaka iniwan ang pagkain. Umakyat na ako sa kuwarto ko at doon umakyat.

Yung pagkain koooohhhh!!!

Nakakainis siya kahit kailan!!!

Buong araw akong nagkulong sa kuwarto at hindi pumasok sa school. Naiinis din ako sa sarili ko. Ke bago-bago kong estudyante hindi ako pumapasok. Hindi ko kayang humarap sakanila. Sakanilang lahat lalo na kay...

Nag-init na naman ang mga mata ko.

*tok* *tok* *tok*

"Anak? Kumain ka muna ng lunch. Hindi ka kumain kanina. Halika na." Napatingin ako sa pintuan. Bakit ko rin ba dinedeadma si Mama. Namiss ko na ang mga luto niya sa pang araw-araw. Oo, siya nalang ang mayroon ako.

Inayos ko ang sarili ko, naligo at bumaba para kumain. May nakita pa akong sticky note sa may pintuan ko dito sa labas.

"Kumain ka ng marami para makabawi ka anak, kung ano man iyang dinaramdam mo malalampasan mo rin iyan. I am always be here for you, I love you!"

-Mama

Napangiti nalang ako sa hangin at saka kinuha ang sticky note. Pumasok siguro si Mama sa work. Pumasok ako ulit sa kuwarto at saka itinago ang sticky note.

______________________________

Next