webnovel

Chapter 11

Chapter 11

___________

____

"NASISIRAAN ka na ba?" Pinalo-palo ko siya sa balikat pero tumawa lang siya ng malakas. Humagalpak na sa kakatawa.

"Shhhhh." Pagbabawal ng Librarian. Kami lang dalawa ni Kenji dahil may klase. Napanguso ako, isa na akong escaper *pout*

"HAHAHAHA." Tumigil siya sa kakatawa at biglang sumeryoso.

"Wala akong kaibigan." Panimula niya. Nakinig akong mabuti, ano kayang drama nito?

"She...left me. She broke up with me." Nakalapit ako ng bahagya sakaniya kaya napa-atras ang likod ko. "That's bullsh*t, sobrang sakit hshshshshshs." Bumungisngis siya.

"Tara libre kita." Umalis kami ng school at dinala ko siya sa isang ice-creaman, pero hindi nakunteno pumunta kami sa karaoke bar at doon niya inilabas ang sama ng loob niya.

"Joooopaaayyyy! Kamusta ka naaaa! Gustooo kitaaaaa na makitaaaa!!!" Mali-mali na nag lyrics, pati tono ay nawala na.

"Huwagkanang ma-walaaaa!!! Huwag kanangmawaaaalaaa!!! Ngaaaaaaa---yoooonnnn!" Napa-iling ako. Hindi pa siya lasing niyan huh.

Umupo siya sa tabi ko at tumahimik. Iniwan ang dalawa pang naka standby na kanta niya.

"I'm sorry if I didn't tell." Tumango ako at umiwas ng tingin dahil umiiyak siya. "She's from another school. She cheated...And leave me." Tumawa siya at kabay 'non ay ang pag-iyak. Nanginig ang balikat niya at tinakpan niya ang namumula niyang mukha.

"H-h-huhuhuhuhuhu." Lumapit ako sakaniya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Mawawala rin iyan. Hindi ngayon pero soon." I murmured.

Napapikit ako dahil hanggang sa paglabas namin ay nagwawala siya.

"Hoy ikaw!!!!! H-hindi!! *Huk* Ako l-lasing!!! Ahhhhhh Huhuhuhu b-bakit mo ako in-iniwan!! Hahahahaha ako! I-iniwan---!!" Wala akong nagawa kundi tumawag ng isa sa member ng JaxkeiLJ.

"Wendyy!!!" Iyak niya. Napahawak ako sa ulo ko.

Napagalitan ako ni Johann. Nakaupo lang ako sa couch na parang pinapagalitan ng nanay.

"...Then you ditched in class! This is not you, tch!" Umupo siya sa harap ko at sinamaan ako ng tingin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagplay ng kung anong mapipindot kong games.

Pinapahiya ba niya ako? Hays

Parang bata, ganon lang naman eh.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Johann.

"Si Kenji." Walang prenong sabi ko. Napalingon ako sakaniya. Natahimik siya. Sila Jeno, Luhan, Vince, Aaron, Isaac, Xyrone, Yorf at Espino. Halos lahat pala sila ay nandito. Kasama si ano...Hindi ko siya pinapansin. Wala, ayoko lang.

"Bakit mo kasama iyon?" Umiling ako.

"Bakit mo kasama iyong ugok na iyon?" Biglang nagsalita si Khadi. Tumingin ako sakaniya at dumukot ng chips sa tsitsirya sa lamesa.

"Wala."

"Bakit mo nga siya kasama?" Inis na tanong niya at inalis ang headphone na nakakabit sa kaniya.

"Wala namang masama na kasama ko siya hindi ba? We're friends---" Natunganga ako nang bigla siya siyang umalis. Si Khadi. Anong problema 'non? Hindi ko maintindihan. Sa inis ko ay sinundan ko siya. Nagsasalita pa kaya ako tapos bigla siyang umalis.

"Hoy!!!"

"Hoyyy!" Sigaw ko pero dere-deretso lang siya kung maglakad. Ang haba kasi ng bias niya kaya hindi ko siya maabutan.

"Yahhhh!!" Sigaw ko. Huminto siya at tinignan ako. Nakakunot ang kilay.

"What?" Sigaw niya pabalik.

"Bakit ba?"

"Ano?"

"Bakit ka...ano"

"Ano??"

Ano ba ito, bakit wala akong masabi.

"Ba-kit...Bakit ka ba galit?"

"Heh? Hindi ako galit!" Pasigaw na sabi niya. Ang layo ng agwat namin sa isa't-isa. Nakakainis din itong isang 'to. Pero bakit ganon. Ngayong kausap ko siya, bakit parang...Parang...Parang kinikilig ako?

"Galit ka eh."

"Hindi."

"Weh, galit ka!"

"Hindi nga sabi..." Tapos ay nakapamulsa siyang naglakad papalapit sa akin.

"G-galit k-ka----" natigilan ako at napa atras ang katawan na hindi sinasama ang paa. Ni hindi ko maikilos ang mga paa ko.

"Hindi ako galit."

Halaaa! Pakiramdam ko tuloy namumula ako!!!

"Blushing huh?"

"H-ha a-ano...Hindi-" Lumayo ako at balisang kumilos. Dinedenay ang pagkapula ng pisngi ko. Tumahimik kaming dalawa. Hindi mapalagay ang katawan ko, kapag nakatigil lang ako sa paggalaw ay nanginginig ako. Kinakabahan at sa hindi ko malamang dahilan, nakakainis!

"A-ano...." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"K-kaibigan ko si Kenji...N-nagbreak sila ng girlfriend niya---."

"Uh! Hindi mo naman kailangan mag-explain." Pagtigil niya sa sasabihin ko.

"Kay Lila, tomorrow 1 pm." Biglang sabi niya pagkatapos ay tinalikuran ako. I'm so confused. What to do now?? M-magkikita ba kami? Doon? Bakit?

Lila, tomorrow 1pm

Lila, tomorrow 1pm

Lila, tomorrow 1pm

Walang ibang nasa isip ko kundi ang sinabi ni Khadi. Napahawak ako sa ulo ko. Palaging nagrereplay ang sinabi na iyon ni Khadi.

"Ano bang nasa isip mo?" Tanong bigla ni Luhan. Malamya siyang kumilos habang ginagawa ang project na nasa table namin. Magkagrupo pala kami sa isang group project. Bali tag-dalawa lang kada group. Nalungkot ako bigla dahil wala pa akong naitutulong. Palagi kasing nag rereplay sa utak ko si Khadi. Ngumiti ako ng hindi nakikita ang mga mata tsaka nag peace sign.

"Sorry, Luhan."

Bakit pati sa pag-uwi ay iyon ang nasa isipan ko. Naitagilid ko ang ulo ko at ngumuso habang naglalakad pauwi na sa amin. Umiling ako at pinilit na ialis iyon sa isip ko.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Janelle at Kuya. Nagtatawanan sila. Kumunot ang noo ko. May namamagitan kaya sakanila? Hindi ko pinansin ang tanong sa utak ko (meron pala ako nun? Hehehehe) nginitian ko lang si Janelle na kaedad ko lang at hindi nginitian si Kuya, ano siya, hello?

Pagpasok ko sa kuwarto ko ay pumunta kaagad ako sa closet, bakit ba excited ako? Ihhhh makikita ko siya bukas. Nag-aaya ba siya ng date? Hahahahaha grabe, ang layo ng narating ko. Napakarupok ko!!! Umiling ako! Hindi ako marupok!

Tumingin ako sa bintana bago matulog at sinilip kung may dadaang shooting star. Alam ko mamang wala! Madalang lang iyon at hindi ko palagi naaabutan.

"Hmmm...Goodnight!" Sabi ko nalang at saka mahimbing na natulog.

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzz

Zz

Kinabukasan ay nalate ako ng gising. Nakalimutan kong I-on ang alarm na inoff ko pala kahapon! Napagalitan tuloy ako kay Mama at sa Teacher ko. Double kill!

"Christine Lei!!" Tawag ng kung sino. Napatingin ako sa pintuan. Si Kenji.

"Oh? Napadaan ka?" Sumandal siya sa railings tsaka ako tinignan. Nasa harap lang kami ng classroom namin at ang mga utchusera kong kaklase ay nakatingin at nakaabang sa tsismis na makakalap mula sa 'min.

"Sorry, nakita mo pa yung kalat ko." Bulong niya, malapit sa taynga ko. Tumawa ako at saka siya pinalo sa balikat.

"Hahahahaha wala iyon no! Parang 'di kaibigan." Lumapit ako sakaniya para bumulong sa taynga niya. Tinakpan ko ng palad ang bibig ko para hindi marinig o makita ng mga nakakakita ang sasabihin ko.

"Oo, nakalimutan ko na nga eh...Wendy." Tumawa ako nang manlaki ang mata niya. Pero nawala agad iyon dahil nakita ko si Khadi na nakatingin sa amin. Ngumisi siya.

"Ehem." Biglang umubo si Kenji tsaka ako inakbayan. Ginagantihan ako dahil binully ko siya sa pangalang 'wendy' nakita rin niya si Khadi.

"Hoy----" Pero nakita ko si Khadi na nagsalita gamit lang ang bibig.

'1pm'

Hindi na ako kumain. Pumunta lang ako sa likod ng Campus at pumasok sa parke. Pinuntahan si Lila. Napangiti na naman ako. Ang laki na talaga niya.

Anong oras palang.

Habang umiikot-ikot ako rito ay iniisip ko kung anong sasabihin ni Khadi. Napahinto ako. What if sabihin niyang layuan ko na naman siya? Umiling ako. Pero pumapasok pa rin iyon sa isip ko kahit alisin ko. Napangiti ako ng malungkot.

Hindi ko napansin ang oras at nakatitig lang ako sa paglubog ng araw. Dumaan ang simoy ng hangin. Ang huni ng ibon na lumilipad sa langit. At ang mga sumasayaw na dahon sa puno.

"Maghihintay ako rito."

Ang malamig na gabi.

Ang simoy ng hangin. Nakayuko lang ako sa upuan ko at tsaka tumingala.

"Walang bituwin." Pagkasabi ko 'nun ay biglang may pumatak sa mata ko kaya napapikit ako.

"Um---Umuulan?" Sabi ko sa sarili ko at ini-angat ang kamay.

Basang-basa ang buong mukha ko. Ang uniform ko ay basa na rin. Nanginginig na ako sa lamig. Sobrang lakas ng ulan. Pero naghintay pa rin ako. Kahit anong mangyari, maghihintay pa rin ako.

"M-maghihintay pa rin ako." Humalukipkip ako at niyakap ang sarili sa may upuan.

N-nasaan ka na?

Humikbi ako at hinawakan ang mukha kong puno ng tubig ulan. Hindi ako iiyak.

B-bakit ba niya ginagawa ito? Niloloko niya ba ako? N-natatakot akong umalis. Baka kasi pumunta siya. P-pero.

"Huhuhuhu" Hindi ko napigilan. Umiyak ako kasabay ng buhos ng ulan. Halos wala akong marinig kundi ang ulan at ang pagtibok ng puso kong sobrang sakit.

"H-huhuhuhuhu *Sniff* *sniff* *Huk*" Pinunasan ko ang tubig na galing sa mata ko. Tumingala ako at humiga sa may upuan. Dinama ang buhos ng ulan.

Bakit ka ganyan kasama sa 'kin ha, Khadi.

Hinayaan kong tumigil ang buhos ng ulan at sa palagay ko 'y alas dose na ng madaling araw. Hindi ko kayang umuwi ng ganito at siguradong pagagalitan ako. Kunot ang noo ko at sumisibi kapag naiisip ko si Khadiliman! Isa talaga siyang lagim! Siya ang nagbibigay ng dilim sa buhay ko. Ayoko na.

Inayos ko ang sarili at tsaka tumayo. Siguro kay Kenji nalang ako tutuloy at magbibihis bago umuwi. Hindi naman siguro masama iyon hindi ba? Kaibigan ko siya. At wala akong paki-alam sa Khadiliman kahit ikagalit pa niya iyon. And speaking of the devil.

Natigilan ako sa paglalakad at blankong tumingin sakaniya.

Dumating siya

Humahangos na naglakad siya palapit sa akin.

"Lei---" Pumatak ang luha ko at napa-atras ako. Nakayuko lang ako habang namumuo pa ang luha sa gilid ng mata ko.

"A-anong ginagawa mo rito."

"I'm sorry." Pumikit ako at tuluyan na ngang bumuhos ang luha ko. "I'm late. I'm sorry." Napa-atras ulit ako nang hahawakan niya ako.

"Gag* ka!" Sigaw ko. Nanginginig ang boses. "Bakit dumating ka pa! Anong balak mong gawin!"

"Lei."

"Sana hindi ka na dumating. 1pm---SERIOUSLY!" Magsasalita pa sana siya pero tinulak ko siya at pinalo-palo sa dibdib habang umiiyak. "Gag*o ka!!! Hindi na kita gusto! Hindi na kita gugustuhin! Pipilitin ko ang sarili kong kalimutan kita! Sobra mo akong sinasaktan! Isa kang Kadiliman ayoko sa 'yo---" Hindi pa ako tapos sumigaw ay hinugot niya ang braso ko at pinalapit ako sakaniya. Magkalapit kami sa isa't-isa.

"Hindi mo gagawin iyan."

"Gagawin ko. Kaya ko. Alam kong kaya ko!" Hinugot ko ang braso ko at tumalikod na sakaniya. Umingay ang iyak ko. Walanang ulan kaya maririnig na ang iyak ko. Gusto ko pang maglabas ng sama ng loob pero hindi ko na siya kayang harapin. Mas lalo lang akong nasasaktan.

*HUK*

Natigilan ako nang may braso---yumakap sa akin.

"I-I'm really sorry!" Bulong niya sa taynga ko. Hindi ako makagalaw. Mahigpit ang yakap niya. At naramdaman kong nanginig ang braso niya. U-umiiyak ba siya?

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!---" Inalis ko ang braso niyang nakayakap sa akin at hinarap siya.

"Iyan lang ba ang kaya mong sabihin? Ha! sorry?" Natigilan ako sa pag-iyak ng makita kong umiiyak din siya. Tinignan ko ang kabuuan niya.

"H-huhuhuhu." Tinakpan niya ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito umiyak. Anong nangyari sa 'yo!

Lumapit ako sakaniya at saka inalis ang kamay niyang nasa mukha niya. Ayoko siyang makitang umiiyak. Pinunasan ko iyong mukha niya gamit ang daliri ko.

Hindi ako makatingin sakaniya. Galit ako, Oo! Pero kailangan kong malaman kung bakit. Bakit niya ako pinaasa ng ganoon.

"Sabihin mo sa akin." Panimula ko. Nakanguso siya at nakayuko. Ayaw ipakita ang mata niyang namamaga sa iyak.

"You don't have to kno----"

"Gag* ka ba! Kailangan kong malaman! Panagutan mo ako! Hindi mo ako sinipot!" Natigilan kaming dalawa. Napalingon siya sa akin. Ako rin ay naguluhan sa sinabi ko. May meaning ba iyong sinabi ko? Wala noh!!!

"Magdate tayo." Nanlaki ang mata ko at lumingon sakaniya.

"Ha! Ano bang sinasabi mo." Umiwas ako ng tingin. Lumapit siya sa akin at saka tumabi sa inuupuan ko.

"Mag date tayo, Christine Lei!"

_________________________________

Next