webnovel

Why not him?

I only witness the cold corpse of my sister. My mom hugged me when I when I went home that day. She always crying everytime she remember my sister. It's so hard on my part because I never see her before she left us. Sumisikip ang dibdib sa tuwing matatandaan ko ang mga bagay na iyon. Ang sakit sakit parin.

Hindi ko pinapakita kay mama at papa na sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari samin .Natatakot ako na ipakita sa kanila na mahina ako. I want them to see that I'm strong. Ayaw kong mag alala din sila sa akin.

"Did you eat already?" Felix asked me when he entered the terrace. I just gave him a smile. "Don't be like that Iza. You didn't have a good meal since three days. Baka ikaw naman ang magkasakit." Dugtong niya pa. Simula nang hinatid ako ni Jared dito sa bahay. Hindi na siya nagpaparamdam sakin. Ang mga kaibigan ko lang at si Felix ang palaging nandito. Hindi ko din natatanong sa mga kaibigan niya dahil wala din akong oras.

He promised that he won't leave me. Bakit ngayon pa siya wala kung saan sobra ko siyang kailangan. Finally, I realized that I was never asking for too much. I was just asking the wrong person.

"I'm okay." Tipid kong sabi.

"You are not okay." Pagmamatigas niya.

I saw Megan walking towards us. She sat beside Felix and trying to figure out what's going on. She is looking to Felix and me. Palagi na silang nag aalala sa akin simula nang nakauwi ako dito sa Pilipinas.

"Hindi padin ba siya kumakain?" Megan asked. Umiling naman si Felix sa kanya.

I heard Megan sigh. "Bakit hindi ka pa kumakain Alexandra?" Tanong niya. Tumingin lang ako sa kanya.

Lumapit sakin si Megan. Kinuha niya ang binabasa kong libro at hinawakan ang mga kamay ko. "Please Iza. Don't let yourself to eat by sadness. It's not good for you. It's not good for the baby." Humihikbi siya habang sinasabi niya iyon.

I just knew it three days ago and that is the third week since my sister died. I don't know what to do. All of my friends know about it and I beg them not to mention anything to Jared. They agree with it.

Hindi ko din alam kung anong gagawin ko. "Hindi ko din naman hinahayaan ang sarili ko Meg." I smile at her. She wiped her tears and tap the shoulder of Felix before she left us.

"Here, eat this." He gave me the cereal he made. Unti-unti ko namang kinain iyon kahit sa totoo lang ay wala parin akong ganang kumain. "Thank you." I said to him. Nasilayan ko naman ang dalawa niyang dimples sa mukha. He resembles Jared's face so much.

"Why don't you tell him?" Tumingin ako sakanya.

"Tell him what?" I asked.

"About the baby. He is the father of your child. May karapatan din siyang malaman."

"Hindi ko na kayang madagdagan ang sakit na nararamdaman ko Felix. It is already too much. Paano kapag nalaman niya at hindi niya tanggapin yung bata? Ano nalang yung sasabihin ko?" I sounds selfish but I'm just thinking the sake of my child. Ayaw kong itaboy siya nang tatay niya.

I think he get my point. Lumabas muna si Felix para kumuha nang tubig. Kinuha ko naman yung phone ko at dinial yung number ni Jared. Matagal iyon bago nakasagot. Nagbabakasali lang naman ako.

"Hello." Sabi nang nasa kabilang linya. It's a girl. Tiningnan ko yung cellphone ko kung kay Jared ba talaga yung tinawagan ko. Its his number.

"Sino yung tumatawag?" Narinig ko ang boses ni Jared. "I don't know. Hindi siya nagsasalita." Sabi nang babae. As I can remember parang boses iyon ni Jane.

Binababa ko agad yung tawag at hindi parin makapaniwala sa nangyayari ngayon. Bakit hindi nakasave sa cellphone ni Jared yung number ko? Did he deleted it? But why? Wala naman akong kasalanang nagawa sa kanya.

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa non si Felix. Nang makalapit siya sakin ay agad ko siyang niyakap. Nakasandal ako sa mga dibdib niya. I really need someone to comfort me because the one who promised that he won't leave was already gone.

"Felix." My voice cracked.

"It's okay. You can cry. " He tap my back. I heard his singing. It's just a low voice but its perfect.

"Broken all the pieces I've been shaping lately

Focused on the things that didn't make no sense

Guess that growing up was never meant to be easy

Yeah, I got used to doing everything sideways

Didn't really care about how everyone felt

Hiding my emotions down in different ashtrays." His voice was calm and soft. The song really hit me so hard.

"Oh, but what is lost ain't gone

No, you can't just let go

'Cause it's a part of you that will make you strong

Embrace your flaws." Sinusuklay na niya ngayon yung buhok ko gamit ang mga daliri niya. Ito palagi ang ginagawa ni Jared sakin. He always brush his hand unto my hair.

"I'm not gonna fight back what I've become

Yeah, I've got bruises where I came from

But I wouldn't change if I could restart

I ain't gonna hide these beautiful scars

I've been going way too hard on myself

Guess that it's the reason that I'm feeling like hell

But I wouldn't change if I could restart

I ain't gonna hide these beautiful scars."

I don't want to close my eyes even I want too. Because I don't want to miss him for second. It's weird, I must loved him so much.

"I want to take away your sadness, your pain Iza." I heard his soft voice wind my ears. His hug help me to ease the pain that I felt.

"Kahit siguro sabihin kong sanay na akong masaktan. Masakit parin pala." Tumawa ako. Dinadaan ko nalang lahat sa tawa yung sakit na nararamdaman ko. Ayaw ko talaga kasing makita nila na mahina ako.

That moment when you burst into tears in you room and you realize that there are still some people know how unhappy you are.

"You are strong Iza. We all know that it takes a strong heart to love but it takes an even stronger heart to continue to love after it's been hurt." Kumalas ako sa pagkayakap niya.

"You know what? Parang ganyan din ang sinabi sakin ni Jared." Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. "The heart was made to be broken." I murmered. " I will stop wasting my time on a person. Who is not sure in me." I added.

May kumatok sa pintuan ko. Nakita ko naman si mama na pumasok.

"Anak, nandito na ang mga kaibigan mo." Tumayo naman ako at lumabas, sumunod naman sakin si Felix. Nakita ko na nakaupo silang lahat sa dining table. Si Shane, Faith, Lorraine, Megan, Patrick, Zem, Princess at si Kuya Zac. I smiled at them. Last day nadin kasi ni ate kaya marami nang mga tao dito at mga kamag anak namin.

Nagsitayuan naman sila at yumakap sakin.

"Sa wakas. Kumpleto na tayo." Rinig kong sabi ni Patrick.

I look at Zem and Princess. Nandito din pala sila. "Niyaya na namin si Zem at Princess. Gusto din nila kasing makapunga dito. " Sabi ni Kuya Zac.

Umupo naman kaming lahat doon sa dining table at mabuti naman at kasya naming kaming lahat doon. Nagkwentuhan lang kami doon. Mabuti naman at napapawi din ang sakin ko kahit papaano. Si Faith at Lorraine naman ay naghanda nang makakain sa kusina.

"Why is Jared not here?" Nagulat naman mami sa tanong ni Princess. Natahimik naman ang lahat. Sinuko ni Zem nang mahina si Princess. "What?" Nasabi nalang ni Princess.

"Don't mention his name." Shane frowned.

"He is busy." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Yung totoo?" Sabat ni Patrick.

"Zem went to Jared after going here. But apparently, he didn't even open the door." Princess stated. Sumakit naman bigla ang dibdib ko.

"Let's not talk about him." Si Felix na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Naghanda ako nang masarap na meryenda." Masayang sabi ni Faith habang bitbit ang try na may mga oagkain.

"Baka may lason ya ha. " Sabat naman ni Patrick. Agad naman siya dinilaan ni Faith.

"E'di wag kang kumain. Mahirap ba yon? Don't even try to eat my food. Baka hindi lason ang makakapatay sa iyo." Banta ni Faith sa kanya.

"Yung dalawang love birds nag aaway na naman." Sabat ni Shane na kakalabas lang galing sa kusina.

"Wag nga kayong pahalata." Pang aasar ni Lorraine sa dalawa.

"Hayaan mo na sila. Di na tayo magugulat kapag nalaman na natin na nagdadate na ang dalawang iyan." Narinig kong sabi ni Megan.

"Walang magdadate. Asawa nalang agad." Rinig naming sabi ni Patrick. I saw Faith rolled her eyes to Patrick.

Natawa naman kaming lahat. Puro bangayan lang ang halos naririnig ko sa kanilang lahat. Nang malapit na maggabi ay bumili nang alak yung mga boys namin sa bayan. Kami namang mga babae ang naghanda nang nga pagkain para sa mga bisita. Nandito din kasi ang iba kong mga tita. Mas lalo ding dumami ang mga tao ngayon.

"Okay lang ba sayo na nandito ka Princess. Baka kasi may trabaho ka." Nilapag muna ni Princess ang dala niyang tray sa mesa at hinawakan ang mga balikat ko.

"We are already friends and besides I'm already here." She smiled.

"Thank you for helping."

"Ano ka ba naman Iza. Parang hindi tayo magkaibigan." She winked at me before going.

Tiningnan ko naman ang mga busy kong kaibigan. Si Megan, ayon kausap yung mga iba kong tita kasama si mama. Si Shane naman nagbibigay nang mga pasta sa mga tao. Si Princess din ang nagbibigay nang mga juice doon sa mga katrabaho ni ate. Tapos si Faith at Lorraine naman ang nag aayos sa kusina. I'm very thankful to have this friends. Sa kabila nang lahat nang sakit na naramdaman ko ay nandiyan sila para sa akin.

"We are back!" Sigaw ni Patrick nang makapasok sa pintuan. Agad naman siyang pinalo ni Kuya Zac. Agad naman niyang sinarado yung bibig niya gamit ang mga kamay niya.

"Ang ingay." Tumingin ako kay Faith na nagsasalin nang kawali. Natawa naman ako.

"Iakyat niyo nalang sa taas yan." Sabi ko sa kanila.

"You need help?" Tanong sakin ni Felicpx at nilapag ang mga binili nilang mga pagkain. Mga pera din nila yung ginamit nila kaya kahit piso ay wala akong nagasto.

"No ,I'm okay." Kinuha naman niya yung dala kong tray at siya na yung nagbigay kay Princess doon sa sala na binibigay sa mga kasama ni ate sa trabaho.

Umakyat na kami sa taas pagkatapos nang mga gawain sa baba. Si mama at papa na daw bahala sa mga bisita. Doon kami sa rooftop nang bahay pumwesto.

"It's so refreshing up here." I heard Zem's voice. Gabi na kasi kaya mas maganda ang view dito sa taas nang bahay namin. Mahilig din kasi kaming tumambay nang ate ko noon dito.

Tumabi sakin si Felix at inaabotan niya ako nang juice. Tinanggap ko naman iyon dahil medyo nauuhaw na rin ako. Yung iba naman ay nag umpisa nang uminom. Kami lang ni Felix ang umiinom nang juice. Bawal din naman kasi sakin ang alak.

Napapansin ko naman si Lorraine at Kuya Zac na dumidistansya sa isa't isa. Pero nahahalata ko si Kuya Zac na palaging tumitingin kay Lorraine. Hindi din kasi namain napag usapan ang mga bagay na nangyari nang gabing iyon.

"Do you know what is more beautiful in stars at night?" Felix asked me. I look at him and guessing what he is saying.

"Alin?" Sabi ko naman.

"Your smile."

I look at him. Felix is also good looking. He has good voice and nice attitude. He is gentleman. He is nice with everybody. Marami ang nagkakagusto sa kanya pero sabi niya sakin may iba siyang gusto.

Bakit hindi nalang siya?

I wish I could turn back the time where everything was perfect.