"Sigurado ka bang nandito ang Monarch Spirit Grass?" Sumimangot si Zhang Xuan.
Ang spatial rift na nasa kanyang harapan ay higit na mas nakakatakot kaysa sa anumang nakita niya dati. Sa ilalim ng nakakatakot na spatial turbulence, lahat ng pumasok dito ay nadurog at naging aurora na may pitong kulay.
Kahit ang mga Conferred God King ay hindi makakapasok ng madali sa ganitong klaseng lugar. Dahil sa ang Monarch Spirit Grass ay isa lamang halamang gamot, posible ba talaga na mabuhay ito sa ilalim ng mga kondisyong ito?
"Sigurado ako dito!" Tumango si Ao Feng. "Ito ang ika-apat na beses na naganap ang Flood of Spiritual Energy, at ito rin ang ika-apat na beses na nandito ako. Matagal ko nang sinusuyod ang lugar na ito, kaya't pamilyar pa rin ako sa lupain dito. Ito rin ang dahilan kung bakit nagawa konh magdala ng mga tao deretso sa Condensed Earth Essence."
Tumango si Zhang Xuan.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com