•••
"Paano ka napunta kung saan natutulog si Ryouhei?"
Iyan ang mga tanong na hindi ko rin alam kung paano sasagutin. Dahil una, wala akong maalala, pangalawa... ang namumulang mukha lang ni Ryouhei ang huli kong nakita bago siya tumakbo papuntang banyo.
Hindi ko alam na may cute side din pala si Ryouhei.
"Yuki," napatingin akong muli kay Veronica na nakatitig pala sa akin.
Bigla naman akong nahiya.
"Hindi ko rin alam, wala akong maalala." Iyon na lang ang tangi kong nasagot bago kami tuluyang lamunin ng katahimikan.
Uminom ako ng tubig sa basong nasa harap ko, palihim kong tinignan si Ryouhei na nakaupo sa harap ko. Inalis ko rin ang tingin sa kaniya dahil bigla ko na lang naisip ang mga nangyari kanina.
"Pero maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito na hindi na inabala pang balikan ang nangyari kanina.
Tumingin muna ako kay Veronica bago ko pakiramdaman ang sarili ko. I am okay, I don't feel something inside of me. Basta ang alam ko lang talaga okay na ako.
"If you're not still okay, I'll stay here." Parehas kaming napatigil ni Veronica ng magsalita na si Ryouhei sa gitna ng pananahimik niya.
Hindi siya tumingin sa akin, nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa basong nananahimik sa harap niya. Nakaramdam akong muli ng hiya, ang ginawa ko kanina ang hindi ko maipaliwanag. Kasi nakakahiya.
"Ryouhei, hindi pwedeng nandito ka lang palagi kasi---"
"Kung hindi ko man ito nasabi kagabi... pwes ngayon sasabihin ko na." Sambit nito sa isang seryosong boses saka ito bumaling sa akin na ipinagtaka ko.
"Hindi ako aalis dito, hindi ako uuwi, hangga't hindi pa tuluyang gumagaling si Yuki."
"Ryouhei---" naputol ang sasabihin ni Veronica ng tumunog ang telepono niya na nakapatong sa lamesa.
Tinignan niya kaming dalawa bago bumuntong-hininga, kinuha ang telepono niya at nagpaalam na sasagutin ang tawag na 'yon, saka siya naglakad palabas ng apartmet ko. Nang mawala siya sa paningin ko ay bigla akong napapikit.
The smell of their blood still lingered to my senses. And it's so disgusting.
"Yuki..." Napadilat ako at agad na dumako ang tingin ko sa nag-aalalang mukha ni Ryouhei.
"Are you really okay? Wala na bang masakit sayo? Or something?" Pag-aalalang tanong niya.
Sa totoo lang... ayokong mag-alala sila sa kalagayan ko dahil una, labas si Ryouhei sa kung ano ako, sa kung sino ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan na iba ako sa kaniya, magkalayo kaming dalawa. Kaya bakit siya mag-aalala ng ganito sa akin? Pangalawa, mas malakas ako kaya alam kong kaya ko.
Ngumiti ako dito at tumango. "Yeah, nakapaghinga na din naman ako kaya wag ka ng mag-alala pa sa akin." Sagot ko naman dito.
Inaasahan ko na sasabihin niya na *"mabuti naman kung ganun."* O 'di kaya'y *"maayos! Pwede ka na rin sigurong pumasok kinabuksan."* Pero lahat ng iyon ay hindi tumugma ng makita ko ang ekspresyon sa mukha niya.
*Bakit para siyang balisa at... para bang kinakabahan?*
"Ryouhei? Okay ka lang?" Tanong ko dito pero bigla siyang napapikit at biglang umiling.
Iniinom niya ang tubig na laman ng basong nasa harapan niya at muling nagsalita.
"I need to stay here, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pa tuluyang gumagaling. Iyon na ang desisyon ko."
Magsasalita sana ako ng marinig ko ang boses ni Veronica.
"Hajime, called me," parehas kaming napalingon ni Ryouhei sa pinto ng pumasok muli si Veronica sa loob ng apartment ko.
"Anong sinabi niya?"
Tinitigan niya muna ako ng matagal na siyang ipinagtaka ko. Bigla siyang bumuntong-hininga at nagsalita.
"Packed your things, we need to get out of here... as soon as possible."
Hindi na ako hinintay pa ni Veronica na makapagsalita dahil mabilis niya akong nahila papunta sa kwarto ko. Binuksan niya iyon at agad akong pinapasok doon.
"I give you 5 minutes." Seryosong saad niya at walang sabi-sabing isinara ang pinto sa harap ko!
Aba't! Ano bang problema niya?! Sinagot lang naman niya yung tawag ni Hajime pero bakit pati ako nadadamay?! Bakit kailangan kong mag-impake para saan? Atsaka... nasa labas pa si Ryouhei!
"Veronica!---"
"The time is running, Yuki! Go packed your things right now!" What?! Bakit niya ba ako sinisigawan?!
Wala na akong nagawa kundi ang magimpake ng mga gamit at damit ko kahit hindi ko alam kung anong nangyayari?! Halos mapuno na ng ilang damit ang bag ko ng biglang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Sa lakas ay halos mapatalon ako sa pagkakaupo ko kama habang nasa mga hita ko ang bag kong namumutok na sa sobrang daming damit na nakalagay. At si Veronica lang naman ang nagbukas ng pinto at walang sabi-sabi na namang hinila ako gamit ang braso ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, sa lakas niya ay nahila na naman niya ako palabas ng kwarto ko, mabuti na lang at nahablot ko ang bag ko gamit ang isa ako pang kamay. Paglabas namin ay napansin kong wala ng tao sa kusina at ang nakabukas na lang na pinto ng apartment ko ang nakita ko.
*Nasaan na si Ryouhei?*
Hindi na ako muling nakapagtanong sa kaniya dahil patakbo kaming lumabas doon ni Veronica at patakbo ring bumaba ng hagdan.
"T-teka lang! Yung apartment ko bukas!" Sigaw ko dito ng makapunta na kaming dalawa sa lobby. Paglabas namin ay may humintong sasakyan sa tapat at si Hajime lang naman ang nakita kong nagmamaneho 'nun!
*Ano bang nangyayari?*
"Sakay na!" Sigaw niya sa amin.
At halos lumipad na kami ni Veronica para lang makatakbo at makapasok sa loob ng kotse niya. Hila-hila ako ni Veronica at malakas na itinulak papasok sa backseat!
"Aray naman!" Sigaw kong balik dito dahil sumubsob lang naman ako sa upuan saka ibinato sa akin ang namumutok kong bag!
Ano bang problema nila?! Pumasok naman siya sa sa passenger seat sa tabi ni Hajime. Umayos ako ng upo at lumingon sa apartment ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makitang nakabukas nga pala ang pintuan ng apartment ko!
Bwiset!
"We need to go."
"Sandali!" Sigaw ko na nagpatigil at nagpakunot sa noo ni Hajime.
"What the? Ano bang problema, Yuki? Kailangan na nating umalis!"
"Yung pintuan ng apartment ko! Bukas!" Turo ko sa apartment kong kitang-kita sa kung nasaan kami. "Kapag may nanakaw dyan, ako ang sisihin---" napatigil ako dahil sa isang kisapmata lang ay nakita ng pares kong mga mata ang malakas na pagsara nito.
*Teka?*
"Bilisan mo na, Hajime!" Sa sigaw ni Veronica ay doon lang humarurot ang kotse ni Hajime.
*Paano nagsara 'yung pinto ng apartment ko?!*
Ilang minuto na ang nakalipas pero nasa sasakyan pa rin kami. Tahimik ang loob ng kotse at mukhang walang balak mag-salita. Pero ako? Kanina ko pa gustong magsalita dahil ilang minuto na kaming nasa gitna ng kalsada at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Inaalala ko yung pag-aaral ko, namin ni Hajime, at ang trabaho ko sa convenient store? Si Ryouhei? Saan ba kami pupunta at pinagimpake pa nila ako? Magbabakasyon ba kami? Kaso hindi naman ito ang tamang panahon para magbakasyon? Nasa kalagitnaan na ng semester, tapos biglang may surprise vacation?
"Ah... guys?" Mahina kong tanong sa dalawang nasa harap. Hindi naman sila sumagot sa tanong ko kaya umusog ako para mas makalapit at makausap ko silang dalawa.
"A-ano bang nangyayari? Bakit parang kinakabahan kayo tapos balisa? May something ba? Kasi pati ako nadadamay?" Tanong ko sa kanila pero parehas nila akong hindi man lang sinagot.
Natahimik ako at hindi na nagsalita. So wala silang balak sabihin sa akin kung ano ba talagang nangyayari? Dahil ba sa ginawa ko? Dahilan para mawalan ako ng malay at... mangyari sa akin iyon? Hindi ko naman sinasadya eh, hindi ko rin naman alam.
Pero kung mayroon mang nangyayari na hindi ko alam o may kinalaman ako sa nangyayari, hindi ba dapat sabihin nila sa akin para alam ko? Hindi iyong ngayon lang ako nagising, bigla akong pagiimpakehin, aalis sa apartment ko ng walang dahilan tapos sasama ako sa kanila papunta sa kung saan tapos hindi ko alam?
As in... wow?
Lumingon na lang ako sa bintana sa tabi ko. Nakakainis. Nakakaramdam ako ng init sa dibdib ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.
"Yuki... hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sayo," Rinig kong sabi ni Hajime. "Pero hindi kasi ito 'yung tamang pagkakataon para ipaliwanag sayo ang lahat. Kailangan nating makalayo." Dagdag niya na nagpalingon sa akin.
"Anong makalayo? Bakit tayo lalayo?" Doon na ako kinabahan, doon na ako natakot.
Bakit kami lalayo kung saan ang buhay ko? Kung saan ako namuhay ng ilang taon ng ako lang mag-isa?
"Yuki, sana maintindihan mo---"
"Maintindihan?! Paano ko maiintindihan ang lahat kung naguguluhan ako dito dahil hindi ko alam kung anong nangyayari?!" Napasigaw na ako dahil sa walang kwentang rason ni Hajime. "Sige nga?! Sabihin mo nga sa akin, Hajime? Bakit tayo lalayo? Ano bang nangyayari?! Sabihin niyo sa akin!"
Pero imbis na sagutin ay bumilis lang ang takbo ng sasakyan at muli siyang natahimik na mas lalo kong ikinainis. Ano bang problema nilang dalawa?! Bakit? Bakit kami aalis?
"Veronica? Ano bang nagyayari? Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari!" Sigaw ko na bigla niyang ikinagulat. Pero kagaya ng response na nakuha ko kay Hajime, iyon rin ang nakuha ko mula sa kaniya.
Bwiset talaga!
"Ihinto mo ang sasakyan!" Sigaw ko kay Hajime na ikinalingon niya sa akin ng ilang sandali bago bumalik ang tingin niya sa daan.
"Nababaliw ka na ba? Hindi tayo pwedeng huminto sa gitna ng daan!" Tarantang tanong niya sa akin.
"Wala akong pakialam! Ilalayo mo ako sa buhay ko? Ikaw ang nababaliw sa ating dalawa Hajime!" Naiinis kong balik dito at bubuksan sana ang pinto pero naka-lock ito.
Napapikit ako... napahigpit ang hawak ko doon at nanginginig ako sa galit. Gusto kong saktan si Hajime dahil sa pangingialam at pagdedesisyon niya sa buhay ko.
"Buksan... mo ang... pinto... Hajime." Mahinang bulong ko dahil hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari.
"I'm so sorry, Yuki... but your safety is my priority right now." After he said that naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
Wala na akong sunod na narinig pa dahil tuluyan ng pumikit ang mga mata ko, at tuluyang nakalimutan na ang nangyayari sa pagitan naming tatlo sa loob ng kotse na 'yon.
•••