webnovel

Please, remember me...

•••

"Halika na," narinig ko na banggit ng isang malamyos na boses.

Naramdaman ko na lang ang biglang pag-angat ko galing sa pagkakahiga sa sahig. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko o makapag-isip man lang ng maayos dahil sa hilong nararamdaman ko.

"Kailangan mong magpahinga," dagdag niya.

Nagsimula kaming maglakad, inihakbang ko ang isang paa ko ngunit kasabay niyon ay ang biglang pagsakit lalo ng ulo ko at ang hilong kanina ko pa nararamdama. Tuluyang bumukas ang mga mata ko.

Nawalan ako ng balanse sa pagkakatayo, napaluhod sa basang kalsada at doon ko isinuka ang hilong nararamdaman ko. Pakiramdam ko lahat ng kinain ko kaninang umaga ay naisuka ko na.

"Yak! Bakit siya dyan sumusuka?!"

"Hey! Buhusan niyo yan kapag natapos siyang sumuka! Mga walang respeto sa sarili!"

"Dito tayo sa gilid! Wag tayo dyan dumaan!"

Wala akong narinig sa mga bibig ng mga taong dumaraan sa gilid namin kundi pandidiri.

*Anong masama sa sumuka?!*

Naramdaman ko na lang ang paghagod ng isang kamay sa likod ko.

"Sige lang, isuka mo lang lahat." Rinig kong banggit niya.

Dahil doon ay agad akong napalingon, dahil sa sinag ng araw sa likod niya ay hindi ko man lang makita ang mukha niya pero dahil rin doon mas lalong umikot ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

--

**Hajime's POV**

HINIHINGAL at kinakabahan akong kumatok sa pintuan ng apartment ni Yuki. Halos hindi ako makapag-isip ng maayos ng makatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman kaya kahit na may klase pa ako ngayon, dumeretso na ako agad ngayon papunta dito.

"Yuki! Yuki! Buksan mo!" Sigaw ko habang patuloy na kinakatok ang pinto ng apartment niya.

Pero hinawakan ko bigla ang doorknob at ng malaman kong bukas ito ay mabilis akong pumasok doon. Pagpasok ko ay isang babaeng nakatayo sa kusina ang nakita ko, saglit lang ang nangyaring 'yon bago ko naramdaman ang kakaibang lamig na bumalot sa akin.

*T-Those... she's not normal!*

"W-Who are you?!" Sigaw ko at agad na umatras dahil sa kakaibang lamig na nararamdaman ko mula sa kaniya.

Otomatikong umalpas ang pangil sa labi ko ng makaramdam ako ng panganib. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at sa pagkakataong 'yon, parehas kaming nagulat ng makita namin ang isa't-isa.

"Veronica?!"

"H-Hajime?!"

"The fuck?! Wag mong ngang ilabas kakayahan mo!"

"I never thought na ikaw si Hajime!" Sigaw niya pabalik sa akin.

Nang wala na akong maramdaman ay mabilis akong bumagsak sa sahig. Hindi ko talaga kayang labanan ang kung anong meron si Veronica, I'm pure blood but not a first rank.

Mabilis niya akong dinaluhan sa sahig at panay ang sorry sa akin dahil hindi niya daw akalain na ang Hajime na naka-save sa cellphone ng lalaking iniligtas niya at ako ay iisa.

"Oh? Uminom ka muna. Pasensya ka na talaga, akala ko kasi ibang tao 'yon eh."

"Kanina ka pa humihingi ng pasensya, Veronica." Sambit ko na ikinatahimik niya.

Pagtapos ko uminom ng tubig ay ikinalma ko ang sarili ko saka lumingon sa kaniya.

"Kamusta siya?"

"Not okay,"

"Why? Why not okay?"

"I don't think he can overcome the bite of a Rebel Vampire."

"What?!" Napatayo na ako sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Nahuli ako ng dating. That motherfucker, bite him. Nagawa kong patayin siya bago pa muling sumikat ang araw pero nahuli akong iligtas siya. I'm sorry."

"Then what are we going to do now? I don't think this is the right time..." Muli akong napaupo at napahawak sa noo ko.

This is too dangerous for Yuki, hindi siya pwedeng uminom ng dugo ng tao. Dahil kapag ginawa niya 'yon, hahanap-hanapin niya ang lasa ng likido na 'yon.

Baka... hindi na rin siya muli pang makatakap sa mundo ng mga tao kapag nangyari 'yon.

"Anong gagawin natin?" Kinakabahang tanong niya sa akin.

Alam kong natatakot din si Veronica sa pwedeng mangyari kay Yuki, pero hindi... kailangan may gawin kami. Kailangan kong makaisip ng paraan.

"Saan mo nakita ang bampirang kumagat sa kaniya?"

"Sa isang saradong bakery shop."

"Nasaan na siya ngayon?"

"2nd District."

"2nd District? Bakit parang ang layo niya?"

"Hajime, nasa kuta sila ng mga bampira ngayon. Nandoon siya, sila. Madami sila... naghihintay." Nanlaki bigla ang mga mata ko.

"Paano... paanong... may iba pa? Marami?" Muli kong tanong na tinanguhan niya.

"Kapag nagsimula na silang lumusob... baka hindi natin sila makayanang pahintuin. Malalaman na ng mga tao... na hindi aksidente ang mga nangyayari, planado, at ang walang ibang sisisihin dito... kundi tayo."

Wala akong nagawa kundi ang manahimik sa isang tabi. Walang umimik sa aming dalawa ni Veronica, parehas kaming lunod sa mga posibleng mangyari o sa mga posibleng magiging kahantungan ni Yuki.

Rebeldeng bampira... akala ko patay na silang lahat. Ngunit hindi pa pala.

"Sa ngayon, bantayan mo muna si Yuki dito, may kailangan lang akong asikasuhin."

"Teka? Wag mong sabihing pupunta ka doon?"

"Hindi ako pupunta, may kailangan lang akong kausapin." Sambit ko at saka tumayo.

Dumeretso ako sa kwarto ni Yuki at nakita ko siya sa kama niya na nakahiga at tila ba parang natutulog lang. Maya-maya ay naamoy ko na lang ang masangsang na bagay na nanggagaling sa kaniya.

Humigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamao ko. Gusto ko silang patayin gamit ang mga kamay ko... pero hindi ito ang tamang panahon para doon.

"Veronica,"

"Bakit?"

"Kapag may pumuntang lalaki dito na nagngangalang Ryouhei, papasukin mo siya."

"Hindi ba siya mapanganib?" Lumingon ako kay Yuki. "Hindi, pero kapag nagpumilit siya na siya na ang bahala kay Yuki, tawagan mo ako kaagad." Tumango ito bilang sagot sa sinabi ko.

Naglakad na ako para lumabas ng Apartment ni Yuki, pero pagbukas ko palang ng pinto ay... siya na agad ang nakita ko doon. Pawis siya at tila ba galing sa pagtakbo.

"A-Anong ginagawa mo--"

"Kung gusto mo siyang makita, pumasok ka na sa loob. Pero kung gagawin mo ang gusto mo, hindi pu-pwede 'yon." Matapos kong sabihin sa kaniya 'yon ay malakas niya akong tinabig sa gilid ng pinto.

Wala na akong narinig pagtapos 'nun, tumingin akong muli may Veronica na nakatayo na sa pagkakaupo niya.

"Ikaw na ang bahala." Tumango naman ito bilang sagot sa akin.

Umalis ako doon ng may tiwala kay Ryouhei, kung maghahanap ko man ang isa sa kanila ngayon, sigurado akong hindi ako magtitimping paslangin silang lahat.

---

**Ryouhei's POV**

HINIHINGAL man ay nakarating ako sa Apartment ni Yuki ng ligtas. Matapos kong matanggap ang text mula sa kaniya ay hindi na ako nag-abala pang mag-isip ng kung ano-ano.

Tumakbo na ako papunta rito ngunit... iba ang nadatnan ko. Isang seryosong mukha ni Hajime, noong una bigla akong nagtaka dahil bakit siya nandodoon... kinabahan ako at magtatanong na sana ng bigla niyang sagutin agad ang tanong na nasa isip ko palang.

"Kung gusto mo siyang makita, pumasok ka na sa loob. Pero kung gagawin mo ang gusto mo, hindi pu-pwede 'yon." Matapos niyang sabihin 'yon ay malakas ko siyang tinabig sa kaliwang balikat niya.

Hindi niya ako pwedeng utusan sa kung anong dapat at hindi ko dapat gawin. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Yuki at hindi na pinansin ang babaeng nakatayo sa gitna ng sala.

Pagkita ko palang kay Yuki na nakahiga sa kama ay abot-abot na ang kabang naramdaman ko. May ginawa ba si Hajime sa kaniya? Bakit ganito? Bakit natatakot ako?

"Yuki, yuki... nandito na ako. Gumising ka na, marami ka pang sasabihin sa akin eh." Bulong ko habang nakatitig kay Yuki.

Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, nanatiling tikom ang bibig niya, nanatiling tahimik ang kwarto kung nasaan kami.

Bigla akong napakuyom at napayuko. Kung hindi sana ako nagpakain sa kung anong nararamdamam ko, siguro hindi ito mangyayari sa kaniya.

"Kahit na anong tawag mo sa kaniya, hindi siya magigising." Napatigil ako ng marinig ko ang boses ng babae sa labas.

"Kung nandito ka para kay Yuki, lumabas ka muna para masabi ko sayo kung anong meron sa kaniya."

Narinig ko na lang ang papalayo niyang presensya mula sa akin. Napabuntong-hininga ako, ibinaba ko ang bag ko sa gilid ng kama niya at muling hinaplos ang pisngi niya. Tahimik akong lumabas sa kwarto at nakita ko na lang ang babaeng nakaupo sa isang silya sa harap ng lamesa.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya, ibinigay niya sa akin ang isang tasa na may lamang...

"Tea yan, para medyo kumalma ka." Sagot niya kaya agad akong nagpasalamat sa kaniya.

Nang makainom ako ay medyo naginhawaan ang pakiramdam ko. Pero hindi naalis ang kaba at takot na lumulukob sa akin habang naiisip ko si Yuki.

"Kung tatanungin mo, ako si Veronica. Isa ako sa kasamahan ni Yuki sa trabaho. May nangyari lang na hindi maganda sa convenient store kung saan kami nagtatrabaho." Sagot niya at sabay tingin sa akin.

"Ako na ang nagpresintang ihatid siya dito, mabuti na lang ay mabilis kong--"

"Pero anong ginagawa ni Hajime dito?"

"Hajime?"

"Oo."

"Magkakilala kayo?"

"Oo. Magkakilala kami."

"Oh, nag-send ako ng text message sa kaniya o sa mga kakilala ni Yuki, baka kasi may ka-roommate siya dito at baka magulat na lang kasi nandito ako." Sagot niya.

"Wala siyang roommate."

"Ah, oo nasabi nga ni Hajime."

"Ano bang nangyari sa kaniya?"

"May tumamang mabigat na bagay sa ulo niya, kaya bigla siyang nawalan ng malay." Sagot niya na ikinatingin ko sa kaniya.

"Ganun ba, pero bakit dito mo siya dinala imbis na sa ospital?" Tanong ko sa kaniya.

Nakatitig lang siya sa akin ng ilang segundo bago siya yumuko at mapa-buntong hininga.

"Nawala sa isip ko na ipunta siya sa ospital, pero... maayos naman na siya." Sagot niya.

Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero dahil nandito na siya at may nakatulong kay Yuki... siguro mapapanatag na ako at hihintayin ko na lang siyang magising.

"May tanong ka pa ba?"

"Pwede bang ako na lang ang mag-alaga kay Yuki?" Tanong ko ngunit umiling lang siya.

"I'm sorry, Ryouhei right? Hajime told me na hindi kita pwedeng payagan."

"Sleep over?"

"Huh?"

"I want to sleep over here."

"Are you sure?"

"Yeah."

Tumango siya sa sinabi ko at agad rin n nagpaalam dahil kukuha lang daw siya ng pampalit niya at babalik din dito agad. Ngumiti na lang ako dito at hanggang sa makalabas siya ng apartment ni Yuki at matira ako dito mag-isa.

Napabuga ako ng hangin at napahawak sa noo ko. Iba ang pakiramdam ko pero isinantabi ko 'yon at muling tinignan ang bukas na pinto ng kwarto ni Yuki. Nandoon siya nakahiga at ako naman nandito... walang magawa para sa kaniya.

Parang nangyari na ito, kabaligtaran nga lang ang nangyari ngayon. Sa ngayon hihintayin ko munang maging maayos si Yuki bago ko itanong sa kaniya kung ano ba talagang totoong nangyari.

Nanatili ako sa loob habang nag-iisip. Napakuyom bigla ang kamao ko ng maisip ko si Hajime, ang lakas naman ng loob niyang pumasok dito sa apartment ni Yuki, siya pa talaga ang may ganang mag-sabi sa akin ng ganun. Simula ng pumasok siya sa kung saan kami pumapasok, simula ng mag-transfer siya ay doon na siya nag-simulang lumapit-lapit kay Yuki.

Nakakabanas, oo. Pero ayoko namang sabihin kay Yuki 'yon, ayokong sabihin sa kaniya na iwasan niya ang lalaking 'yon para sa akin, dahil baka imbis na iwasan niya, ay baka ako naman ang iwasan niya. Iyon ang hindi pwede.

Nandito na ako sa tabi ni Yuki, gagawa pa ba ako ng dahilan para mapalayo siya sa akin? Hindi pwede.

*Oo gusto ko siya. Simula pa 'nung una.*

Napatingala ako at bumuntong-hininga. Dumating naman agad si Veronica at naghanda siya ng magiging hapunan namin. Gusto ko sanang magpresinta pero hindi ko na nagawa, pumunta na lang ako sa kwarto ni Yuki at umupo sa tabi ng kama niya.

Pinagmasdan ko siyang muli... lihim akong napangiti, hindi ko alam na may pagtingin pala ako sa kaniya tapos nito ko lang nalaman. Ngayong alam ko na ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya iyon o hindi.

Dahil alam ko naman na kapag sinabi ko at inamon ko 'yon sa kaniya, hindi naman siya maniniwala at ang nakakatakot lang doon ay baka iwasan niya na ako ng tuluyan kapag nangyari 'yon.

Ilang oras ang nakalipas ay nagkwentuhan lang kami ni Veronica habang kumakain. Nagtanong-tanong niya about kay Yuki, kung saan ito nag-aaral at kung paano kami nagkakilala at ng kung ano-ano pa.

Nang matapos kaming kumain ay tinanong niya ako kung saan ko gustong matulog. Dahil lalaki ako ay sa sala na lang ako matutulog at siya naman ay doon sa loob ng kwarto na katabi ni Yuki. Gusto ko sanang dito na lang rin sa kwarto, pero dahil babae siya at lalaki ako, ay nagpresinta na lang ako na dito na lang sa sala.

Nang mailatag ko na ang kutsyon isang unan at isang kumot na nakuha niya sa loob ng kwarto ay mabilis ko na ring pinatay ang ilaw. Nang makahiga ako ay doon ko lang napagtanto na... malamig pala dito. Pero hindi ko na pinansin 'yon.

Bukas... sana magising na si Yuki, gusto ko rin sanang mag-sorry sa kaniya at makipag-ayos na rin, kapag kasi pinatagal ko pa ito, baka mas lalong hindi na maayos. Ayokong layuan ako ni Yuki, hindi ko kaya.

Kaya sana kinabukasan... maging maayos na siya.

HINDI ako makahinga at para bang may mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib ko. Kaya papikit-pikit akong dumilat dahil inaantok pa ako, hindi ako nakatulog agad ng maayos kagabi dahil sa lamig na bumabalot sa akin.

Pero ngayon... bakit mabigat? Bakit may mabigat na nakapatong sa akin?

Nang tuluyan ko ng idilat ang mga mata ko at tignan kung anong meron sa ibabaw ko ay halos magtaka ako... dahil isang malambot na buhok ng tao ang nasa harap ko.

Pumikit akong muli at ikinusot ang mga mata ko upang makita ng mas malinaw kung ano ito. Kasi baka namamalikmata lang ako. Pero ng makita mismo ng mga mata kong muli ang bagay na nasa ibabaw ko ay nanlaki bigla ang mga mata ko.

*Shit? Sino 'to?! May nakapasok ba kagabi ng hindi ko namamalayan?*

Bigla akong napalingon sa pinto na malapit sa akin, pero nakita kong walang bakas na may pumasok doon ng pwersahan. So... saan nanggaling ang... ang...

"Hmm..." Rinig kong ungot niya at naramdaman ko ang pag-galaw niya sa ibabaw ko.

Hindi muna ako gumalaw sa kinahihigaan ko kahit na halos hindi na ako makahinga. Hinintay kong tumingin siya sa akin... pero ng tumingin ang inaantok niya pang mukha sa akin ay kusang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Y-Yuki?" Bulong tawag sa pangalan niya.

"Hmm..."

"A-Anong---"

"B-Bakit may matigas na bagay akong natatamaan?"

At halos umusok ang ulo ko sa kahihiyan at mamula ako ng maramdaman ko ang hita niyang kusa na lang tumatama sa gitna ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad kong inalis si Yuki sa ibabaw ko at agad na tumayo.

Halos mahilo ako dahil doon. At dahil na rin sa pagmamadali, natamaan ng paa ko ang isa sa paa ng upuan ng makapunta ako sa kusina, kaya naglikha iyon ng malakas na ingay. Hindi na ako lumingon pa at dumeretso na sa banyo.

Pag-sara ko ng pinto ay sumandal ako dito, hindi ko napigilang hindi mapatampal sa noo ko sabay tingin sa ibabang bahagi ko.

*That thing is up!*

The hell?! Because it's morning and i-it's normal! I swear!

•••