webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
33 Chs

FINALE

WALANG tiyak na hugis ang usok, walang tiyak na timbang. It's a collection of tiny solid, liquid and gas particles. Some smokes were dangerous, some were harmless. The smoke that was filling the floor was among the latter.

Nagambala ang usok nang magsimula ang prosisyon. Isang kulay brown na chihuahua na binihisan ng puti at pink na gown ang unang naglakad sa aisle. Napuno ng palakpakan at magiliw na tawanan ang simbahan. A woman wearing a beautiful white gown walked last. Nasa harap ang tingin nito, sa lalaking nakatayo sa dulo ng aisle. Ngumiti ito, kababakasan ng tensiyon at labis na kasiyahan ang anyo.

The ceremony started, the smoke swirled lazily on the floor. And then a voice boomed.

"You may now kiss your wife."

Humarap ang lalaki sa babae, iniangat ang belo. His eyes were full of love and admiration as he looked at her, his wife.

"You're so beautiful, Ember," bulong nito.

"And so are you, my beautiful phantom."

He laughed, grabbed her waist and kissed her like there's no tomorrow.

Kung may bibig ang usok, makikihiyaw ito sa mga bisita. Kung may mga kamay ang usok, papalakpak ito. Kung may puso ang usok, mararamdaman nito ang pag-ibig at kaligayahan na pumupuno sa paligid.

Alas, it was just a smoke. Sometimes it's harmless, sometimess it's dangerous.

But today, the smoke was beautiful and enchanting as it enfolded Lantis and Ember—the new Mister and Misis Arcanghel.

•••WAKAS•••