webnovel

LANTIS (COMPLETE)

It all started with a dog named Fujiku, a dirty grave and one broken glass jar. Dahil sa mga iyon ay nagkaroon ng bagong housemate si Ember-si Lantis Arcanghel. He was hot, he was beautiful, he was a little persistent and above all, he was dead, Ito ang may ari ng puntod katabi ng puntod ng parents niya. Oh yes! Multo ang bagong housemate ni Ember ngunit ayaw nitong magpatawag na "multo". Phantom daw ito. At may kailangan sa kaniya ang panty-este phantom. Gusto na nitong tumawid sa linyang naghihiwalay sa mundo ng mga buhay at yumao na at si Ember ang masuwerteng nilalang na napili ni Lantis na tutulong dito. "P-Paano kung...kung ayoko?" tanong ni Ember sa mumu. Inilagay ni Lantis ang kamay sa isang tabi ng ulo niya, pagkatapos ay ang kabila na naman. Na-trap siya sa mga braso nito, na-sandwich sa pagitan ng bookshelf at katawan-este kaluluwa nito. "Then I guess you have to get used to my presence," sabi nito sa boses na hindi niya mawari kung nag-uutos, nanunudyo o nananakot. "Titira ako sa bahay mo. I'll watch you sleep, watch you bathe. I'll watch you dress and undress...I'll talk to you when you're in public places, I'll shout in your ears, I'll follow you anywhere you go...I'll embrace you, I'll sleep beside you...in short, I'll haunt you. Hindi. Kita. Patatahimikin." Anak ng tipaklong! Ito na nga ang may kailangan, ito pa ang may ganang pagbantaan siya! Walang choice si Ember kundi tulungan si Lantis. Magtagumpay kaya siya? O forever nang mananatili ang guwapong multo sa tabi niya?

Cress_Martinez · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
33 Chs

17

NAPAHINTO si Ember sa pagprito ng lumpia at lumingon kay Lantis. He was on his favorite place in her house, doing his favorite position—sa ibabaw ng breakfast counter, naka-lotus position, katabi si Fujiku. Hindi pa rin siya makapaniwala na naroon na ulit ito. Okay na ang hitsura nito. Naalala niya kanina, pagpasok nito sa bahay niya, iginala nito ang tingin sa paligid na para bang ina-absorb iyon ng mga mata nito. Pagkatapos ay ngumiti ito, nasa mukha ang satisfaction, at sinabing, "I'm home."

Nakakataba ng puso na malamang itinuturing ni Lantis na tahanan ang bahay niya. 'Kuwento pa nito, noon daw na nasa "kawalan" ito, isa ang bahay niya sa mga naalala nito. Sa gaya ni Lantis na ang memorya ay daig pa ng sa isang matandang nag-uulyanin na, malaking bagay na iyon. Ibig sabihin ay mahalaga na rito ang bahay niya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo. Naaalala mo na ang nangyari noong mamatay ka?"

"Naalala ko rin na pinuntahan ako no'n ni Mommy."

Tuluyan nang nawala ang atensiyon niya sa piniprito. Pinatay niya ang kalan, ipinatong ang hawak na siyanse sa tabi ng mga nilutong lumpia at lumapit kay Lantis. Umupo siya sa stool na nakaharap dito.

"Pero 'di ba...wala na ang Mommy mo nang mga panahong 'yon?"

"Oo. Siguro bumalik siya para sunduin ako. I don't know. Nakipag-usap pa siya sa akin pero hindi ko maalala ang pinag-usapan namin. Naalala ko lang na tinawag niya ako using my pet name. Little Rascal."

"Little Rascal?"

Ngumiti si Lantis. Ganoon lagi ang ngiti nito tuwing ang ina ang pinag-uusapan. "Nakuha niya iyon sa title ng isang Hollywood movie. The Little Rascals. I love watching it when I was a kid. Mga paslit na car racers ang bida. I think doon nagsimula ang pangarap ko na maging car racer. Si Mommy lang ang tumatawag no'n sa akin."

"I see. Iyong bahay mo, naaalala mo na ba ang exact location?"

"Sa subdivision sa Pasay City."

"Ano na sa tingin mo ang nangyari sa lupang kinatatayuan no'n? Naibenta na kaya?"

"I don't know. As far as I remember, wala akong last will so hindi ko naibilin kung kanino mapupunta ang properties ko. By right, sa kapamliya ko mapupunta ang mga iyon."

"Kapamilya...sa lolo o kapatid mo?"

"Baka naibenta na rin iyon. I don't care. Ang concern ko ay nasa basement ko."

"Basement?"

"May secret basement ako sa bahay na ako, ang yaya ko at isang kaibigan ang nakakaalam. My most treasured things were there including my newest formula car and my mom's portrait. Kung napatayuan ng bagong bahay o gusali ang lupa, hindi imposible na may nakadiskubre na sa basement. For all I know, my mother's portrait was now hanging on some strangers's wall. Maliban na lang kung naisalba agad iyon ni Migz o ni Yaya Ida."

"Teka lang. Nasunog ang buong bahay mo, so malamang pati ang basement at lahat ng bagay na naroon ay nasunog din."

Tipid na ngumiti si Lantis, may kakaibang ningning na naglalaro sa mga mata nito. It was pride. "Hindi ordinaryong basement ang basement ko. It was fire and flood proof. It was like a big metal box burried underground. May standby generator ang basement na kayanag mag-supply ng kuryente sa loob ng isang taon. I have my own fridge, bed and computers there. Kung sakaling magka-zombie apocalypse, puwede kang magtago ro'n. No one's going to eat your brain down there." He chuckled. "The door that leads to the basement was intruder-proof. May alarm at passcode. Pagkatapos ng tatlong attempt na pagpasok ng maling passcode, magbubuga iyon ng gas. The gas will made you temporarily blind and paralyzed."

Na-impress si Ember. Malamang na milyones ang halaga ng protection ng basement. Ganoon kahalaga ang mga nakatago ro'n para kay Lantis. "Oh 'yon naman pala. Hindi mo kailangang mag-worry. Well-protected ang basement mo."

"Well-protected, yes, but not impregnable. Puwede pa rin iyong pasukin kung gugustuhin. You can plant a bomb at the door, you can use some drilling equipments..." Bumaba ng breakfast counter si Lantis at nagpalakad-lakad sa harap niya. "When someone tries to open it, the door will automatically send a warning on my phone and computer. Ano'ng gagawin ko? Pupuntahanan agad ang bahay ko o kung nasa malayo man ako ay tatawag ako ng pulis o security at ipapadala ro'n. Pero paano ko gagawin iyon ngayon? Paano magpapadala ng warning sa akin ang pinto? Kasama sa nasunog ang cellphone at computer ko. Kasama ako sa nasunog." Itinuro nito ang dibdib. Na-gets agad ni Ember ang gustong tumbukin ni Lantis. It was like calling the emergency hotline but the policemen were all out and no one will be there to rescue them. "Kapag may nakadiskubre sa trap door, hindi imposible na susubukan nilang buksan iyon. Given iyon sa nature ng tao—ang maging curious. When we see a road, we follow it and wonder where it leads. When we see a door, we open it so we can see what's behind it. When we see a well-guarded door, our curiousity will kick harder. What could be hidden inside the door? Golds? Jewelries? Piles of human bones? A portal that will take us to Atlantis? Some wild beast? Those questions will kick and poke and hit us until we give in. We will let curiousity control us—even if it kills us."

Napatanga si Ember kay Lantis sa loob ng ilang sandali, hinayaan na mag-sink in sa isipan ang mga sinabi nito. Kapagkuwan ay ikiniling niya ang ulo at pinagmasdan ito. "Sigurado ka bang racer ka at hindi philospher?" Bumuga siya ng hangin at tumayo. "Okay, so what's your magic door's passcode?"

Halatang naguluhan si Lantis. "What?"

"Pupuntahan natin ang bahay mo, ang basement mo. Ililigtas natin ang mga kayamanan mo."

"Look, I'm not asking you to do this for me, Ember. Marami ka nang naitulong sa akin. Ako na lang ang pupunta ro'n."

"Hindi mo nga hiniling na gawin ko. Kaya nag-o-offer ako na gawin iyon. At saka pagkatapos ng mga sinabi mo, 'tingin mo uupo na lang ako rito at ibabaon iyon sa limot? Curious din ako sa hitsura ng hight-tech basement mo."

Napangiti at napailing si Lantis. "Kakasabi ko lang na curiosity can kill, 'di ba?"

"Scientists are one of the most curious kind of people. Most of the great scientists were dead now pero hindi ang curiosity ang pumatay sa kanila. Curiosity was one of the factors that made them great, actually."

Si Lantis naman ang napatunganga sa kaniya. Ngumiti ito kapagkuwan, sinundot ang ilong niya. "December," sabi nito.

"Hmm?"

"That's my passcode."

"P-Pangalan ko ang passcode mo?" Paano nangyari iyon? Pinagloloko ba siya ni Lantis?

Lumawak ang ngiti ni Lantis. "Nope. Birth month natin. Pero puwede nating ipagpalagay na pangalan mo nga ang passcode ko." Kumilos ang kamay nito papunta sa gilid ng mukha niya, sa ilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakapusod ng buhok niya. Siyempre, hindi nito nahawakan iyon pero masaya na siyang isipin na kahit alam ni Lantis na hindi siya nito kayang hawakan, sumusubok pa rin ito. That his current state won't prevent him from doing what he wanted to do. "That's much better, right? Ikaw ang susi papunta sa mga kayamanan ko." Sinundan ni Lantis ng pagkindat ang sinabi.

Nakagat ni Ember ang loob ng bibig. Kung nakakamatay ang kilig, malamang nang mga sandaling iyon, nakatayo na siya katabi ni Lantis at pinagmamasdan ang katawang lupa niya na nangingisay sa sahig.