webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
213 Chs

Offer

"Huwag!"

"Huwag mo akong lapitan!"

Nagsisigaw si Roland ng makita ang mukha ng matandang nasagasaan nya noon, nakangiti ito sa kanya na parang nanginiis.

Nilapitan nito ang guwardya.

Roland: "Guard! Guard! Palabasin nyo ko dito! Parang awa mo na, ayoko ng makipagusap!"

Guard: "Araw araw kang nagtatanong ng dalaw, ngayon may dumadalaw sa'yo ayaw mo na?"

Nagtatakang tanong ng guwardya.

Roland: "Hindi! Ayoko na, ibalik mo na ko, alisin mo na ako dito! Pakiusap!"

Kaya walang nagawa ang guwardya kungdi ibalik na si Roland sa selda na ipinagtataka ni Issay.

Issay: "Anyare dun?"

Nagtatakang tanong ni Issay.

Pagkatapos na dalawin sya ni Issay hindi na ulit naging normal ang pagtulog ni Roland. Lagi na itong binabangungot at kung minsan ay madidinig na umiiyak pa sa gabi. Nagmamakaawa na lubayan na sya.

Pagkaraan ng isang linggo, si Garry Perdigoñez naman ang bumisita sa kanya kasama ang abogado nito at abogado nya.

Gaya ng inaasahan ni Issay, interesadong bilhin ng Perdigoñez Corp. ang kompanya ni Roland. Sayang naman kung mapapabayaan ito at mapupunta sa iba, pero wala syang plano na bilhin ito sa mataas na halaga.

Nang makita ni Garry si Roland nagulat ito sa itsura nya. Mukha na itong naglalakad na patay.

Garry: "Roland, narito ako para bilhin ang kompanya mo sa presyong limang milyon!"

Nitong mga nagdaang araw pagkatapos syang dalawin ni Issay, sobrang gumulo ang isip nya pero hindi ibig sabihin hindi nya naiintidihan ang sinabi ni Garry sa kanya. Biglang naginit ang ulo nito ng madinig ang presyong ibinigay ni Garry.

Roland: "Anong limang milyon?"

"Pwede ba wag mong insultuhin ang kompanya ko! Saka hindi ko yun pinagbibili!"

Garry: "Oonga naman tama ka, bakit nga ba limang milyon ang presyo ko e wala na nga palang halaga ang kompanya mo..."

"Sige baka sabihin mo masyado akong mayabang sa offer ko kaya bababaan ko na lang, Isang milyon! Tapat na yan!"

Lalong nanlaki ang mga mata nito sa galit at hindi makapaniwala sa sinabi ng kausap.

'Lintek na 'to anong tingin nya sa kompanya ko pipitsugin? Hmp!'

Roland: "Hindi ko nga binibenta ang kompanya ko! Makakalabas din ako dito at mababawi ko din ang lugi ng kompanya!"

Ipinakita ni Garry ang dala nitong dyaryo sa araw na iyon.

Garry: "Ayon dito malapit ng mag file ng bankruptcy ang kompanya mo, isang hibla na lang!"

Napatingin si Roland sa abogado nya.

Roland: "Totoo ba ito?"

Atty.: "Totoo Mr. Ledesma at wala akong magawa dahil mabilis kumilos si Rowena!"

Roland: "Bwisit na babaeng iyon, talagang iniinis ako!"

Garry: "So mamili ka Roland, ikaw ang magbebenta ng kompanya mo sa akin o si Rowena na anak mo?"

Roland: "Pano mo...?"

Garry: "Matagal ko ng alam! At may ebidensya din akong magpapatunay na sya ang gumawa ng pagsabog!"

Tila nabuhayan si Roland sa narinig.

Roland: "Asan? Asan yung ebidensya, bakit hindi mo pa ibigay para makalaya na ko dito?!"

Garry: "Bakit ko naman ibibigay sa'yo na wala akong mapapala? Hindi ako charity, Roland!"

Naiintindihan nito ang ibig sabihin ni Garry. Bibilhin nya sa mas murang halaga ang kompanya kapalit ng ebidensya.

Roland: "Hindi! Hindi ko kailanman ibibigay sa mga Perdigoñez ang kompanya ko!"

Mataas ang pride ni Roland at dahil sa nakaraan kaya hindi nya gusto na mapupunta sa mga Perdigoñez ang kompanya.

Garry: "Alalahanin mo ang mga empleyado mo Roland, wala ka bang pakialam sa kanila? At saka... matanda ka na Roland, malapit ka ng mag senior citizen, gugustuhin mo bang manatili dito hanggang dumating ang oras na yun?"

Roland: "Pasensya na Mr. Perdigoñez, pero hindi ko pwedeng ibenta ang kompanya sa'yo! Tapos na ang usapang ito, makakaalis ka na!"

Alam ni Garry na tatangi ito dahil sa hindi magandang relasyon ng pamilya nya at mga Perdigoñez pero naniniwala syang makukuha nya rin ito.

Garry: "Pagisipan mo pa rin mabuti, Roland. Bukas pa rin ang offer ko anytime!"

Pagkaalis ni Garry kinausap nya ang abogado nya.

Roland: "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganitong nangyayari sa kompanya?"

Atty.: "Sinabi ko sa'yo nung huli tayong magusap, pero parang wala ka sa sarili mo!"

Roland: "Paano nagagawa ito ni Rowena?"

Atty: "Hawak nya lahat ng mga director dahil hinayaan mo syang mag appoint nun! Puro dummy nya lang lahat ng iyon at sya talaga ang kumilos magisa tango lang ng tango sila!"

Roland: "Kailangan maka isip ako ng paraan para maisalba ang kompanya!"

Atty: "Pero tama ang sinabi ni Mr. Perdigoñez, mas mabuting ibenta ito. Pwede naman tayong humingi ng mas mataas na halaga!"

Roland: "HINDI!!!"

Mas gugustuhin ko pa na ibigay na idonate na lang kesa ibenta sa mga Perdigoñez!"

Atty.: "Pero wala na po tayong oras para maisalba ang kompanya!"

Napaisip si Roland.

Roland: "Gumawa ka ng kasulatan na nagsasabing, isinasalin ko ang lahat ng pagaari ko kay Isabel Saavedra delos Santos, bilang pambayad sa lahat ng utang ko sa kanya!"

Nagulat ang abogado nya. Hindi nya akalain na magdesisyon ito ng ganito.

Atty.: "Sigurado ka ba?"

Roland: "Oo at sana patahimikin na ako ng konsensya ko sa ginawa ko sa nanay nya!"

Hindi na nagtanong ang abogado, ginawa na nya agad ang sinabi nito at pinapirmahan at saka nagpunta kay Issay para ibigay ang dokumento na ikinagulat naman ni Issay.