webnovel

Kung Buhay Mo Ay Ako

MABUHAY LANG AY HINDI SAPAT

Rustom_Basig · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Chapter 4

-Isang araw sa loob ng skwelahan

"Garete, anong ginagawa mo?" mausisang tanong ni Kate sa akin

"Gumagawa ng project"

"hmmmm"

Biglang natahimik si Kate at maya maya ay niyaya nya akong pumtunta sa canteen

"Garete, pasama naman sa canteen oh" mahinhin na pagkakasabi ni Kate sa akin

"May ginagawa pa ako eh, sa iba ka nalang magpasama"

"Ayaw ko sumama sa iba eh" makulit na pagkakasabi ni Kate sa akin

"Ano ba yan" sabi ko sa kanya

"Sge na naman Garete oh"

"Tatapusin ko lang to saglit"

"Okey" sabi nya sakin sabay ngiti

Pagkatapos ng ilang minuto

"Natapus din"

"Ano tara na?" sabi ni Kate sa akin na biglang sumulpot sa likoran ko

"Hindi ka pa pala pumunta sa canteen?" tanong ko sa kanya

"Hinihintay kase kita" sabi nya sakin

"Diba sasamahan moko?" dagdag pa nya

"Teka teka samahan kita pero ililibre mo ba ako?" tanong ko sa kanya

"Walang problema ako bahala sayo" sabi nya sakin sabay ngiti

"Sinabi mo sana kaagad sakin kanina ede kumakain na sana tayo ngayon"

"May ginagawa kapa kasi kanina, ayaw ko lang maka disturbo" sabi nya sakin (ayaw daw maka disturbo eh sobrang kulit nge eh)

"Sabihin mo lang kasi ang magic word na LIBRE para madali kita maintindihin"

"Puro ka talaga kalokohan" sabi nya sabay ngiti sakin

"Tara na nga" dagdag pa nya

Habang kami ay naglalakad papuntang canteen ay nakasalubong namin ang mga kaibigan ni Kate at napatigil kami sa paglalakad kasi hinarangan nila kami

"Kaya pala ayaw sumama sa amin" sabi ni Cherry kaibigan ni Kate

"Ano ba yan Kate? Alam na ba to ng nanay mo?" sabi ni Charisse kaibigan Kate

Tumahimik lang ako, walang imik

"Pinagsasabi nyo?" sabi ni Kate sa kanila

"Ah teka lang Kate" sabi ni Cherry

"Sure ka na ba talaga dyan Kate?" mausisang tanong ni Cherry

Natahimik lang si Kate

"Tigilin nyo nga yan" sabi ni Ellies

"Binibiro lang naman namin si Kate eh" sabi ni Charisse sabay tawa

"Hahahaha" tawa ni Cherry

May sinisenyas si Kate sa mga kaibigan nya at ang ibig nyang pakahulugan sa senyas nya ay (lumayas kayo) namumula mula na ang pisngi ni Kate dahil nga sya ay nahihiya kay Garete

"Oy Garete ingatan mo yang si Kate ha?" sabi ni Cherry sa akin

"Ha?" Ha nalang ang nasagot ko kay Cherry sapagkat ako ay nalilito kung ano ang nangyayari

Lumapit sa akin si Cherry sabay palo sakin sa balikat, tas may ibinulong pa sya sa akin "mag ingat ka dyan kay Kate" paalalang sabi niya sa akin at nagpatuloy nga sila sa paglalakad mag babarkada habang nakatayo lang kaming dalawa ni Kate, tumingin ako kay Kate pero wala ako masabi, iwan nalilito pa din kasi ako.

"Wag mo nalang silang intindihin" sabi ni Kate sa akin pero hindi sya nakatingin sa akin

"Tara na" dagdag pa nya

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at napaka awkward talaga pero inisip ko nalang na wala lang nangyari

"Ano nga pala binulong ni Cherry sayo kanina?" tanong nya sa akin habang papalapit na kami sa canteen

"Wala lang yun" sabi ko sa kanya sabay tawa ng pilit at nakarating na nga kami sa canteen

Sobrang daming studyante na bumibili ng pagakain sa canteen kaya nag antay nalang kami hanggang sa nag antay pa din

"Garete ano gusto mo?" tanong ni Kate sa akin

"Wag kang mahiya pumili ka lang" dagdag pa nya

"Ikaw nalang bahala, kung anong ibibigay mo sa akin ay tatanggapin ko" sabi ko sa kanya

Bumili na nga si Kate ng makakain at kumain kaming dalawa ng sabay

"Garete, pwede humingi ng pabor?" alanganing tanong nya sa akin

"Sabihin mo lang" sabi ko sa kanya habang kumakain (munch munch munch)

"Ahmmm... hindi pa kasi ako nakakagawa nung project sa Arts eh" mahinhing sabi nya sa akin

"Alam mo na, mahina ako sa drawing" dagdag pa niya

"So gusto mo drawingan kita?" tanong ko sa kanya habang kumakain (munch munch munch)

"Hindi naman sa ganun" sabi nya sa akin

"Masyado naman akong demanding pag nagpadrawing pa ako sayo" dagdag pa nya

"So ano ba gagawin ko?" tanong ko sa kanya habang kumakain (munch munch munch)

"Ah eh nakakahiya" sabi nya sakin habang namumula ang kanyang pisngi

"Ano ba kasi ibig mo sabihin?" sabi ko sa kanya habang kinakagat ang plastic ng ice candy

"Ganto kasi" sabi nya sa akin

"Usto ko kasi matuto mag drawing" mahinhin nyang pagkakasabi

"Tapos magaling ka mag drawing" dagdag pa niya

"Paturo sana kung paano mag drawing" nahihiyang sabi niya pero medyo napasigaw

"Maliit na bagay" sabi ko sa kanya

"Tuturuan lang naman pala kita kung paano mag drawing eh" dagdag ko pa

"Madali lang naman mag drawing" proud na sabi ko sa kanya

"Kailangan mo lang naman ng confidence sa sarili at malawak na pag iisip" sabi ko pa sa kanya

May talento din naman talaga ako sa paguguhit kaya madali lang sa akin sabihin na madali lang mag drawing. Bumalik na kami sa aming silid para turuan si Kate mag drawing.

"Garete, andito na lahat ng kagamitan sa pagguhit" sigaw ni Kate sa akin sa likod habang akoy nakikipag usap kay Katsu

"Katsu, tuturuan ko muna sa pagguhit tong si Kate" sabi ko kay Katsu

"Usap nalang tayo maya" dagdag na sabi ko kay Katsu

"Sge bro" sagot ni Katsu

Pumunta ako sa likod ni Kate at tumayo habang si Kate naman ay nakaupo lang sa kanyang upuan

"Sge ganto, naka handa naba lahat ng gamit?" tanong ko kay Kate

"Oo" sagot ni Kate

"Ano ba gusto mong iguhit?" tanong ko kay Kate

"Mukha ng lalake nalang siguro" sabi nya sa akin

"Okey sge"

"Una, gamit ang iyong lapis ay gumuhit ka ng malaking bilog dyan sa bondpaper pagkatapos mo dyan sa bilog ay ganto tas ganto at gumamit ka din ng ruler para magkapantay ang lahat" turo ko sa kanya

"Bat ang hirap" sabi nya

"Bagohan ka pa lang kase kaya normal lang yan" sabi ko naman sa kanya

"Gabayan mo nalang kaya kamay ko Garete para mas madali ako matuto" sabi nya sa akin

"Okey sge, wag kalang malikot" sabi ko sa kanya

Hinawakan ko kamay ni Kate para gabayan sya sa pag guhit, ang lambot ng kamay ni Kate, medyo malapit pa yung mukha ko sa mukha nya, ambango pa ng kanyang buhok.

"Garete" mahinang pagkakasabi ni Kate

"Oh bakit?" mahinang pagkakaaabi ko sa kanya habang para syang nakikiliti

"Wag ka masyado mag exhale at magsalita mapalit sa tenga ko" mahina nyang pagkakasabi

"Sensitibo kasi tenga ko eh" dagdag pa niya

Nagpatuloy lang ako sa pagtuturo kay Kate sa pagguhit hanggang sa malapit na itong matapos at hinayaan ko nalang syang sya mismo ang tumapos ng biglang lumapit sa akin si Cherry at bumulong ito sakin "diba sabi ko sayo mag ingat ka dyan kay Kate" at bumalik ulit sya sa kanyang upuan