MAINGAT na sinalinan ng babaeng alipin ang kopita ng alak na hawak ng hari ng kadiliman. Masarap ang upo ni Lucas sa kanyang malaking trono sa unahang gitna ng malaking bulwagan. Gawa ito sa bungo at kalansay ng tao na kinulayan ng itim na pintura. Ang kulay nito na sumisimbolo sa kaitiman ng kanyang budhi.
Laid back na nakaupo si Lucas habang dahan-dahang sumisimsim ng mapait na alak habang kabilaan ang babaeng alipin na nakatayo sa kanyang gilid at nagpapaypay gamit ang malaking abaniko na gawa sa balahibo ng peacock, samantalang may isa pang nakaluhod sa kanyang paanan na may hawak na tasa ng prutas, ito ang pumipitas ng ubas upang isubo sa kanya.
Lumapit ang isang lalaking Lethium demon ang yumuko at lumuhod sa harapan niya, "Panginoon, nahuli po namin ang Nephilim at ang tatlo pa nitong kasama. Natagpuan namin sila na lumabas ng dungeon sa second wing at ang isang lobo naman sa first wing."
Tumaas ang sulok ng bibig ni Lucas, inaasahan na niya ang pagdating ng kanyang mga bisita, "Dalhin niyo sila sa'kin."
"Masusunod po Panginoon," tumayo ang demon at naglakad palayo.
Ilang sandali pa at dumating ang mga kawal na demons hila-hila si Lexine, Elijah, Miyu at Orgon habang nakagapos ang mga kamay gamit ang umiilaw na tali na hindi nila basta-basta masisira dahil mayroon itong demon spell. Tinulak ng mga kawal ang apat at pinaluhod sa tapat ni Lucas.
Ubod ng dilim at talim ang mga mata ni Lexine nang tignan ang nag-iisang nilalang na kinamumuhian niya sa mundong ito. Sinalubong naman ni Lucas ang kanyang mga mata habang naglalaro ang mala-demonyo nitong ngiti sa labi. Maaring malaki ang pagkakahawig ni Night sa ama nito, lalo na at iisa sila ng mga mata, pero ang mata ni Lucas ay walang buhay at nababalot ng kasamaan na walang kahit sinong makakapantay.
Tila ba tumitingin siya sa isang malalim at madilim na pinaka-kailaliman ng dagat. Wala kang makikita o mararamdaman na kahit na ano maliban sa lamig at kawalan. Hindi ka makakahinga at maninikip ang iyong dibdib. Sapat na ang mga tingin nito, para manginig ka sa takot na tatagos sa'yong buto.
Pero kahit ito pa ang pinakananatakot na halimaw sa mundong kinagagalawan gagawin ni Lexine ang lahat upang tapusin ang kasamaan nito. Ipinapangako niya na hindi matatapos ang gabing ito na hindi niya nakukuha ang puso ng hari ng kadiliman..
"Ilabas mo ang asawa ko," sa wakas at matapos ang mahabang pakikipagtitigan ay nagawa niyang magbitaw ng salita.
Umismid si Lucas matapos isubo ang ubas na inabot ng alipin, "Huwag kang masyadong magmadali Nephilim, malapit mo nang makita ang asawa mo, pero bago ang lahat, let me first express my hospitality to all of my lovely visitors."
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Pumitik si Lucas at agad kumilos ang mga kawal upang bitbitin sila at kaladkarin papunta sa apat na upuan na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng trono nito.
Nagkatinginan ang magkakaibigan. Ano na naman ang pakulo ng hari ng kadiliman?
"I wasn't able to send my gift on your wedding, Alexine. Hindi pa naman huli ang lahat. That's why I prepared a special treat for my daughter in law."
Nagtiim baga si Lexine sa pagkamuhing nararamdaman. Gusto niyang sumuka ng dugo nang tawagin siya nito sa ganoong pangalan. Kinasusuklaman niya na maging father in law ito. Never in her wildest dream he will accept this horrendous evil monster to be her family.
Pumainlanglang ang tugtog ng tambol at kalansing ng mga bells. Isa-isang pumasok ang mga babaeng nakasuot ng itim na veil na tumatakip mula sa ilong hanggang sa ibabang parte ng kanilang mukha. May suot silang gold na mga burloloy sa ulo, dibdib at bewang na kumakalansing sa bawat kilos. Itim din ang maninipis na tela na tumatakip sa kanilang mga katawan. Pumuwesto ang mga babae sa gitna at nagsimulang sumayaw ng 'belly dancing' habang sumasabay sa tugtugin.
Sa kanilang apat, si Elijah lang ang nasisiyahan sa mga nangyayari, hindi maalis ang ngisi niya habang nanonood sa mga seksing mananayaw. Lalo pa at umaalog ang malalago nilang dibdib. Ang pinakanasa sentro na mananayaw ay nakipag-eye-contact sa kanya. To his surprise ay kumindat pa ito. Tahimik siyang napasipol.
Napansin ni Miyu ang nakakalokong ngiti ng nobyo at inis itong siniko sa dibdib.
"Ouch! Babe, why?"
Tinaasan niya ito ng kilay sabay pinandilatan ng mata, "Saya mo?"
Tumikhim si Elijah at inayos ang sarili, "Hindi ah, ang papanget nilang sumayaw kaya natatawa ako sa kanila," palusot pa nito.
Naningkit ang mata ni Miyu at matalim na tumingin sa mananayaw na nasa gitna. Hmp! Pag nakawala siya sa pagkakagapos, uunahin niyang kalbuhin ang babaeng iyon.
Pasimpleng bumulong si Lexine kay Orgon na nakaupo sa kanan niya, "Nasaan si Olive?"
Lumikot sandali ang mata ni Orgon at nang masigurong walang malapit na bantay na maaring makakarinig sa kanila ay saka ito yumuko, "Hinanap niya ang Tagasundo sa first wing, maaring sa mga sandaling ito ay nailigtas na niya si Night."
Humugot ng malalim na hangin sa dibdib si Lexine, "Sana nga."
Matapos ang peformance ng mga belly dancers ay naghatid naman ng sandamakmak na pagkain at inumin ang mga alipin na tila may fiesta.
"Enjoy the feast my lovely visitors," tinaas ni Lucas ang hawak na kopita ng alak habang nakatingin sa kanila.
Inutusan nito ang isang Lethium Demon na tangalin ang tali sa kanilang mga kamay. Pero nanatiling hindi kumikibo si Lexine. Hindi niya maatim na kumain ng kahit na ano gayong nag-aalab ang dibdib niya. Matalim lang siyang tumingin kay Lucas na prenteng nakaupo sa trono nito.
Sa kanilang apat si Elijah lang ang nagsimulang sumubo ng pagkain na nakahanda sa lamesa. Sa inis ni Miyu ay binatukan niya ang bampira.
"Ouch, babe, anu na naman? Pati pagkain bawal?" angal nito habang sapo ang tinaamang batok.
Nanlalaki ang butas ng ilong niya, "Nagagawa mo pa talagang kumain? At may gana ka pa sa sitwasyon natin ngayon?"
"Come on babe, gutom na ako. Besides, mapapalaban tayo mamaya, kaya kailangan ko ng carbs para marami akong energy," nakangusong dahilan ni Elijah. Bukod sa dugo ay kumakain din naman siya ng pagkain ng tao.
Hindi naman makapaniwala si Miyu sa dahilan nito.
Napansin ni Elijah na may kulang sa hapag kaya tinawag niya ang isang alipin, "Pwede mag-request ng fresh human blood with ice please?"
Napaungol sa inis si Miyu at umikot ang mga mata. Napailing na lang si Orgon sa tabi na katulad ni Lexine ay hindi din ginalaw ang pagkain.
Yumuko ang alipin, "Masusunod po."
"Ah, wait!"
Natigil ang alipin, "Kung merong type AB plus, I prefer it," anito sabay kindat.
Gusto nang ingudngud ni Miyu ang mukha ng nobyo niya sa plato.
HAPPY HALLOWEEN CUPCAKE FAMILY!
Ito na po ang pinaka-inaabangan FINALE ng MBIAGR! I-ready ang popcorn, ikabit ang seatbelt. Enjooooooy the ride!
Sakto sa undas kaya ‘wag kayo magbasa ng madilim at mag-isa! Cheret!!!
Have fun until the END!