webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
340 Chs

The War

ANG DIGMAAN sa pagitan ng mga anghel mula sa Paraiso ng Eden at mga demonyo mula sa kadiliman ay nangyayari sa bawat dumadaang siglo. Matapos ang halos isang siglo mula noong World War II–– kung kailan huling beses na nagkaroon ng labanan—ngayon ay muling magsisimula ang isang panibagong malaking digmaan. Isang digmaan na kasing tanda ng kalawakan.

"Handa ka na ba Alexine?" tanong sa kanya ni Cael. Kasalukuyan silang nasa himpapawid, lumilipad patungo sa magiging lugar ng malaking giyera. Buhat-buhat siya ni Cael. Buti na lang at mainit ang katawan nito na nagsilbing kanyang proteksyon laban sa matinding lamig ng hangin.

"Handang-handa na," aniya. Tahimik na binubuo ni Lexine sa sarili ang lahat ng lakas ng loob na kakailanganin upang kalabanin ang reyna ng kadiliman. Ang gusto niya ay siya mismo ang papatay rito.

"Alexine, hindi mo na kailangan pang gawin ito. Maari kitang dalhin na lamang sa mas ligtas na lugar at huwag mo nang ilagay ang `yong sarili sa kapamahakan."

Kanina pa siya pinipigilan ni Cael na huwag nang sumama pero wala nang makakapagpabago ng isip niya For all the dreadful things that happened to her today, she no longer recognize the word fear.

"Cael, ayoko nang magtago. Sawa na `kong iasa ang kaligtasan ko sa iba. Ako ang gusto ni Lilith, ako ang punot-dulo ng lahat, kaya ako rin mismo ang tatapos sa digmaang ito."

Huli na ang lahat upang pigilan pa siya nito. Nanalantay sa kanyang dugo ang pagiging isang Arkanghel at sa mga kamay niya mismo magtatapos ang kasamaan ng mga kaaway. Sinasabi ng propesiya na isa siyang natatanging Nephilim. Sige, tutuparin niya ngayon ang propesiya na `yon.

Napaliligiran sila ng libo-libong mga anghel na kasabay nila patungo sa labanan. Para silang nasa gitna ng malaking pulong ng malalaking ibon na lumilipad sa madilim na kalangitan. Bawat pakpak ng mga anghel ay kumikinang nang husto sa ilalim ng liwanag ng buwan. Totoong nakakamamangha ang ganda ng mga nilalang na gawa sa liwanag. Walang katulad sa buong mundo. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Lexine na kalahati ng kanyang pagkatao ay nagmula sa mga ito.

Katulad kay Ithurielle, ang kasuotan ng mga mandirigmang anghel ay puting body suit. Nababalot din ang mga ito ng golden armors na may disenyong katulad ng hibla ng mga pakpak. Ang karamihan sa mga ito ay may dala-dalang mga lumiliwanag na espadang gawa sa clear crystals na katulad ng kay Cael. Mayroon din ang mga ito ng ibang armas katulad ng: bow, spear at shield. Lahat ay gawa sa ginto at crystals. Bawat isa sa mga mandirigmang anghel ay hindi nagpapakita ng kahit anong uri ng takot; mapababae man o lalaki. Talaga namang nilikha ang mga ito upang sumabak sa digmaan upang ipagtanggol ang kabutihan laban sa kadiliman.

Ilang minuto pa ang kanilang nilipad bago isa-isang bumababa ang mga anghel sa malawak na kapatagan na malayo sa siyudad. Isa `yong dating hospital na nasunog at hindi na muli naipaayos ng gobyerno. Malawak ang mahigit isang hektarya ng abandonadong property. Sapat ang laki niyon para sa mangyayaring labanan.

Lumapat ang mga paa ni Lexine sa malamig na lupa pagkababa mula sa pagkakapangko ni Cael. Habang nakapaligid naman sa kanilang dalawa ang buong hukbo. Maya-maya pa at may isang makisig na lalaki ang lumapit sa kanila. Unang tingin pa lang ni Lexine, alam na niya kung sino ito. Sa kulay ginto pa lang nitong pakpak ay sapat na upang makumpirma niya na isa itong Arkanghel.

Lumuhod si Cael gamit ang isang tuhod nito at agad yumuko sa harapan ng Arkanghel. "Pinunong Michael."

Tumungo ito bilang pagtanggap sa pagbigay pugay ng Tagabantay.

Halos lumuwa ang mga mata na pinagmasdan ni Lexine ang kaharap. Totoo nga na walang katulad ang pakpak ng isang Arkanghel na tila tubig sa linaw at binabalot ng dilaw na liwanag. Higit na mas malaki rin iyon kumpara sa ordinaryong anghel. Nakapusod ang itim at mahaba nitong buhok. Kumpara sa ibang mandirigma, ang suot nitong body suit ay kulay ginto. Tila nililok sa bato ang malaking pangangatawan nito. Masisilayan sa abo nitong mga mata ang `di mabilang na digmaan na pinagdaanan nito mula sa panahon na walang makakapagsabi kung gaano katagal.

Lumipat ang atensyon sa kanya si Michael, sa gulat ni Lexine ay nagbigay galang ito sa kanya na katulad kung paano nagbigay galang si Cael. She immediately felt awkward lalo na at alam niyang isang kagalang-galang na pinuno ang kaharap niya. She felt so small compared to this holy giant.

"Itinakdang mortal, ikinagagalak kitang makilala," saad nito. Para sa isang higante ang boses nito ay tila huni ng hangin, mababaw at magaan sa pandinig.

Dahil sa ginawa ni Michael, ang buong hukbo ng mandirigmang anghel ay sabay-sabay na ring lumuhod sa kanya. Napanganga si Lexine. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagpupuri. This was too extreme for her, and she felt her cheeks warming like the heat of the sun.

"Err… nice meeting you too," aniya na may tabinging ngiti.

Tumayo si Michael at tipid na ngumiti pabalik sa kanya.

"Nandito na sila," saad ni Cael habang nakatingin sa malayo. Pumihit ang ulo ng lahat sa kinaroroonan ng tingin nito.

Sa kabilang panig ng malawak na property sabay-sabay na naglalakad patungo sa kanilang direksyon ang higit na mas malaking hukbo. Mga lethium demon na nakasakay sa mga ravenium demon. Marami rin ang lumilipad na halimaw sa himapapawid at bawat isa sa mga ito ay may sakay-sakay na demonyo. Sa pinaka gitna ng malaking hukbo matatagpuan ang kanina pa hinahanap ng mga mata ni Lexine.

"Lilith…" Tila sumabog ang bulkan sa loob ng dibdib niya sa simpleng pagbanggit lang ng pangalan nito.

Walang bakas sa mukha nito ang pinsala nang pakikipaglaban kay Night. Ni wala itong galos o kahit na anong sugat. Nagsusumigaw ang angkin nitong kagandahan na lalong nagpatindi sa nadarama niyang poot.

Muling dumaan sa isipan ni Lexine kung paano nito kinitil ang buhay ng lalaking minamahal. Humapdi ang kanyang mga mata. Nagkuyom ang dalawa niyang palad at ang sakit sa dibdib niya ay tila gasolina na lalong nagpapaliyab ng apoy sa kanyang kalooban. Isa iyong kamay na tumutulak sa kanya na tuparin ang nag-iisa niyang hangarin sa gabing ito: ang patayin si Lilith.

Naputol ang mainit na pagtitigan nila ng reyna ng kadiliman nang biglang umihip ang napakalakas na hangin. Nasundan `yon ng malalaking pagguhit ng kidlat mula sa madilim na kalangitan na sinundan ng malakas na kulog. Tumingin ang lahat sa itaas. Nagtatakang tumingala si Lexine. May bagyo bang paparating?

Tumama ang isang napakalakas na kidlat sa lupa dahilan upang yumanig ang buong paligid. Halos matumba si Lexine sa lakas ng lindol. Napahawak siya sa balikat ni Cael. "Ano'ng nangyayari?" tanong niya.

Pero bago pa man makasagot si Cael ay muli na naman kumulog nang malakas at sa pagkakataong ito, tumama na ang kidlat sa kanilang harapan. Tila isang malaking metorite ang bumagsak sa lupa at nag-gawa ng malaking pinsala. Kasunod niyon ang pagsabog ng isang nakasisilaw na liwanag. Nabulag silang lahat.

Ilang sandali bago nalusaw ang liwanag na agad pinalitan ng makakapal na usok. Pumailanlang ang kakaibang huni. Isang tunog na ngayon niya lamang narinig. Malamig ang maliliit na tinig na maihahantulad sa mga batang umaawit sa loob ng simbahan. She cannot ascertain the precise words to define the unworldly sound. It was coming from up above the sky.

Nanatili ang mga mata niya sa parte kung saan tumama ang kidlat. Lexine's chest was pounding in laborious rhythms as her lips started to dry and taste like paper. Ilang sandali pa at tuluyan nang naglaho ang mga usok at sa likod niyon unti-unti niyang nasilayan ang nakatayong bulto.

Sabay-sabay na nagsiluhuran ang lahat ng anghel na naroon kasama si Cael, Ithurielle at maging si Michael ay nagbigay-pugay rin. Si Lexine lang ang naiwang nakatayo habang hindi inaalis ang mga mata sa bagong dating.

Napipi siya. Nanigas. Natulala.