MAIGING sinusundan ni Miyu ang hawak na student guidebook. Ngayon ang first day niya sa bagong university na papasukan. Dahil siya ang tipo ng tao na mabilis ma-bored kung kaya ang huling kurso niyang engineering ay pinagsawaan niya rin agad matapos ang dalawang semester. Now she's back at being a freshman unfortunately, she ended up as an irregular student dahil nalate siya sa pag-enroll at panget nang mga natirang available classes niya. Mayroon siyang classes sa iba't ibang department. Hindi bale na at ang mahalaga ay hindi siya nalate sa pagpasok ng first semester of this new school year.
Isa pa sa dahilan kung bakit gusto ni Miyu na umuwi ng Pilipinas dahil namimiss na talaga niya ang kanyang mommy. Bihira lang sila magkita ni Winona simula nang tumira siya sa Vancouver kasama ang pangalawang pamilya ng kanyang daddy.
She wanted for them to have more bonding together. Mabait naman ang Tita Cecille niya na pangalawang asawa ng daddy niya pero hindi pa rin niya mapigilan ang pait sa dibdib sa tuwing nakikita ito at ang mga step siblings niya. Tita Cecille might be a good stepmother, but she'd always be a better mother. Hindi man nito sinasadya pero nararamdaman niya pa rin na mas pinapaburan nito ang mga anak nito kumpara sa kanya which is a thing that she clearly understands. That is why she wanted to stay here in the Philippines. She wanted to feel the genuine mother's love and care, and only Winona could provide that to her.
May kinse minutos na siyang naglalakad pero hindi niya pa rin mahanap ang classroom para sa kanyang first subject. Naka-ilang tanong na siya pero sadyang mahina si Miyu sa direksyon.
"Naliligaw ka ba?"
Agad pumihit si Miyu sa malambing na boses mula sa kanyang likuran. Isang magandang mukha ang bumati sa kanya. The girl has a fair complexion that illuminates under the natural light coming from the windows. Her almond-shaped eyes were so expressive. She has a cute and pointed nose, a small face, and rosy cheeks. Unang tingin pa lang alam na niyang wala itong make up na suot maliban sa liptint. Hindi nagkakalayo ang katawan at tangkad nila but since she's a wearing a three inches boots kaya mas mataas siya rito. The girl is smiling at her and for a moment, Miyu thought that she's seeing a real angel.
"Ah… yeah, actually I'm just new here. I'm looking for room 206 B Building," sagot niya pagkuwan. Mas lalong nagliwanag ang mukha nito. Wow! She's really speechless with her beauty.
"Sakto pala, kasi roon din ako pupunta. Magkaklase tayo."
"Oh, cool."
Naglakad ito palapit sa kanya. "By the way, my name is Samantha, but just call me, Sammie." Nilahad nito ang isang kamay.
Pinagmasdan ni Miyu ang naka-abang nitong palad. Unang minuto pa lang niya itong nakakausap, gusto na agad niya ang babae. Sa ugali ni Miyu, mahirap siyang pakisamahan dahil bukod sa pagiging short tempered ay may pagka-bitch din ang personaliyu niya. Kaya bihira siya magkaroon ng kaibigan sa dati niyang school noon because she can't tolerate pretentious and entitled people. However, looking at the girl in front of her, she can feel the genuineness radiating from her smile.
Napangiti siya. Inabot niya ang palad dito. "Miyu." Mabilis siyang nanigas nang mahawakan ito.
***
NAPAKUNOT ang noo ni Sammie nang biglang natulala ang bagong student na nakilala niya. Bahagyang dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Uhm… Okay ka lang ba?"
Napakurap-kurap si Miyu at bumalik ang atensyon sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bahagyang naka-uwang ang bibig. Nailang si Sammie kaya binitawan na niya ang kamay nito. Pinagmasdan niya lang ito at nantatiling tahimik. What's wrong with her? Bakit ganyan siya makatingin sa `kin?
Matapos ang ilang sandali ay nakarecover si Miyu. Tumikhim ito at ngumiti. "W-wala, s-sorry meron lang kasi akong biglang naalala na importanteng bagay na nakalimutan kong gawin," anito na sinundan pa ng maliliit na tawa.
"Ahh." Tumungo-tungo na lang si Sammie. Magaan ang loob niya kay Miyu kaya pinasawalang bahala na lang niya ang weirdness nito. Baka talagang makakalimutin lang ang babae. "Tara? Para hindi tayo ma-late. May pagkamahigpit kasi sa oras si Mrs. Dimaculangan. Naging professor ko na siya last semester sa Communication Research and trust me, hindi mo gugustuhin na malate sa klase niya unless na gusto mong magisa sa kumukulong kawali."
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Miyu. "Cool. Sounds familiar to me. I had this one professor in my previous school and he was exactly what you just described right now."
Sabay silang naglakad ni Miyu patungo sa kabilang building. Kakagaling lang ni Sammie sa isang subject nang makita niya itong naliligaw. Pansinin ang babae dahil sa buhok nitong matingkad na asul. Nakasuot ito ng black leather leggings, high heeled boots, at white sando na pinatungan ng faded maong jacket. Flashy rin ang sandamakmak na earrings nito sa magkabilang tenga. Makapal din itong mag-make up. Miyu is wearing black eyeliner and shocking fuchsia pink lipstick. Pero kahit weird ang fashion style nito. There's something about her that makes her feel at ease.
Nag-kwentuhan pa sila ni Miyu hanggang sa makarating sila sa classroom. Nalaman niyang sa Canada ito lumaki at kaka-enroll lang last week. Kakasimula pa lang naman ng prelims kaya tumatanggap pa ang university nila ng mga late enrollees. Halos karamihan ng subjects niya ay magkaklase sila. Unang meeting pa lang nila ni Miyu pero naramdaman agad ni Sammie na magiging mabuti silang magkaibigan
Hey yah cupcake family! Happy mid-week! Hope ya’ll having a productive week.
Pls don’t forget to keep voting using your powerstones to keep our rankings in Filipino Category!
So here it is, enjoy the new updates!
For the new UD schedules it would be:
Every 5pm of (M-W-F) 5 chapters per updates
I know namimiss niyo na si Lexine, me too, medyo slow pacing muna tayo sa susunod na chapters.
So we could have the chance to get to know the old and new characters of MBIAGR! Enjoy!