webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
340 Chs

Family reunion

ISANG babae na nakasuot ng itim na balabal ang dahan-dahang naglalakad patungo sa harapan. May bitbit ito na tinatago sa puting tela. Pakiramdam ni Lexine hinila ang puso niya palabas sa kanyang dibdib nang tuluyang makarating ang babae sa tabi ni Lucas at humarap sa kanila.

Silver na buhok at pamilyar at gray eyes, nakilala niya ang babaeng si Winter. Pero tuluyang nadurog ang puso niya matapos makilala kung sino ang sangol na hawak nito.

"Ayesha!" agad siyang tumayo.

"Oops! Stay there my dear," tinaas ni Lucas ang isang daliri.

Nahinto si Lexine sa pagkilos. Alam niya na sa mga sandaling ito kailangan maging maingat siya sa mga susunod na hakbang dahil kaligtasan ng anak niya ang nakasalalay.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili, walang maitutulong kung magpapalamon siya sa emosyon, "Huwag mong idamay ang anak ko dito," madiin at maingat niyang turan.

Nang marinig ni Night ang salitang anak ay agad itong ttumayo, "Anak?" hindi makapaniwala na pinagmasdan nito ang munting anghel na natutulog sa bisig ni Winter.

Namumuo ang mga luha sa mata ni Lexine nang alalayan ang asawa na makatayo, "Si Ayesha, ang anak natin Night," bulong niya.

Sa kabila ng lahat nang paghihirap na pinagdaanan at sa katotohanang hindi maganda ang sitwasyon nila ay 'di napigilan ni Night ang isang mainit na pakiramdam na bumalot sa puso niya habang pinagmamasdan ang anak sa malayo.

As though there's rainbow that emerged in the gloomy sky after the massive storm, his dreary days became vivid again.

He wants to embrace, kiss and touch her. Ang anak niya, ang bunga ng pagmamahalan nila ni Lexine ay abot kamay na niya. But his warm heart was quickly wrapped with coldness.

"Lucas," his brown eyes turned dark and violent like pointed knife ready to kill, "Tayo ang magtuos, huwag mong idamay ang anak ko."

Naninigas nang husto ang bagang niya habang nagkukuyom ang dalawang kamao. Ramdam ni Lexine ang matinding panginginig ng asawa.

Lumapit si Lucas kay Ayesha at gamit ang likod ng kamay ay marahan na hinaplos ang maliit at malambot nitong mukha, "Such a lovely little creature, he looks exactly like you, Alexis," tumingin ito kay Night.

Nanatiling walang imik ang mag-asawa.

''Ah… aren't the two of you delighted? Finally, we are a complete and happy family. We should celebrate this wonderful moment in our lives," nilahad nito ang dalawang braso sa harapan at muling tumawa na parang nahihibang.

"Anu ang alam mo sa salitang pamilya?" Night gritted his teeth, "You never treated anyone as your family. You killed my mother, you used Lilith like a fucking sex slave, and you ruined your only son," his eyes were burning of intense hatred that he only feels solely for him.

When Night was a little boy, he used to dream to meet his father. Pero iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali niya. Dahil nang unang beses na nakilala niya ito, sinira na ni Lucas ang pag-asa niya na makapiling at mahalin ng isang tatay.

"Wala kang kwentang Ama," namumuo ang mga luha sa kanyang mata. Sa tuwing naalala niya ang lahat ng kahayupan na ginawa nito sa pamilya nila ay sumisiklab ang malaking apoy sa kanyang dibdib at kailanman ay hindi na ito huhupa pa.

"Hinding-hindi ko hahayaan na sirain mo ang buhay ng anak ko na tulad nang ginawa mo sa'kin."

Tama na ang impyernong dinanas niya sa piling nito. Pinangako ni Night sa sarili na kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya ipaparanas sa anak nila ni Lexine ang masasamang bagay na pinagdaan niya sa kanyang Ama.

Umismid lang si Lucas na tila hindi man lang naapektuhan sa mga binitiwang salita ng anak nito.

"Ahh, bakit ba masyado kayong melodramatic? I hate this. Why don't we play something fun to lighten up the mood, hmm?" pumalakpak si Lucas.

"I had prepared a wedding gift for both of you. It's better late than never," naglakad si Lucas pabalik sa trono nito, umupo saka ngumiti.

Naramdaman ng magkakaibigan ang isang nakakakilabot na pwersa sa kanilang likuran. Sabay-sabay silang lumingon. Madilim ang parteng iyon. Ilang sandali pa at naramdaman nila ang mabibigat na yabag na nagpayanig sa sahig.

Mula sa anino unti-unting lumitaw ang isang nilalang. Namumutok ang tila bato sa tigas at laki nitong katawan habang lumilitaw ang malalaking ugat. Wala itong suot na saplot maliban sa pantalon na sira-sira dahil sa namumutok nitong binti. Naglalagas ang buhok nito at kita na ang anit. Nakasuot ito ng metal na maskara na tumatakip sa buong mukha.

Ang parte ng kaliwang balikat nito kasama ang dibdib hanggang sa buong braso at kamay ay gawa din sa metal. Makikita ang mga wires ng machine na nakadikit sa balat nito. Habang ang kanang kamay nito na nanatiling katawan ng tao ay may bitbit na higanteng baril na nakapatong sa balikat. Isa itong 'Cyborg' o kalahating tao at kalahating robot.

"Enjoy my gift," saad ni Lucas.

Ito ang naging hudyat ng Cyrbog upang mabilis silang sugurin. Gamit ang malaki at futuristic nitong baril, agad sila nitong pinaulanan ng bala.

Maliksing tumalon ang magkakaibigan palayo.

BRATATATATATATATATAT!

Tumatalsik ang mga debris sa bawat tatamaan ng sandamakmak nitong bala. Agad nagtago si Miyu, Elijah at Olive sa likuran ng pinakamalapit na higanteng pilar sa kaliwang bahagi ng bulwagan, ganoon din si Lexine akay-akay si Night sa katapat na pilar na pinagtataguan ng tatlo.

Muli silang pinaulanan ng Cyborg ng bala.

BRATATATATATATATATAT!

Halos isiksik nila ang mga katawan sa likuran ng batong pilar. Napapikit sa takot si Olive habang nagtatakip ng tenga gamit ang dalawang kamay.

"We need to dispose his weapon," bulong ni Miyu kay Elijah.

Nagkatinginan si Elijah at Lexine. Sa pamamagitan ng tingin ay alam na nila ang gagawin. Muling humarap si Elijah kay Miyu.

"I'm going to distract that metal guy, once he let down his guard, aim his machine."

"Okay, mag-iingat ka," mahigpit na hinawakan ni Miyu ang kamay niya.

Pilyo siyang ngumisi, "Good luck kiss naman diyan babe."

Nagbuga ng hangin sa ilong si Miyu pero agad niya din kinabig sa batok si Elijah at binigyan nang mabilis ngunit madiin na halik.

"Wow! I feel so energized I'm ready to kill Terminator!"

Muling sumilip si Elijah sa kinaroroonan ng Cyborg. Ang pilar na pinagtataguan naman nila Lexine at Night ang pinauulanan nito ng bala. Sinamantala niya ang pagkakataon na hindi ito nakatingin sa kanilang direksyon.

Kasing bilis na hangin na tumakbo siya palapit sa Cyborg at tinalon ito. Lumanding ang mga paa niya sa malapad nitong balikat at sinakal sa leeg gamit ang dalawang braso. Natigil ito sa pagbaril sabay hinablot si Elijah sa buhok at malakas na hinagis. Pero nakabawi agad si Elijah sa ere at umikot. Kasing gaan ng papel ang pag-landing niya habang nakatukod ang isang palad sa sahig. Nanlisik ang pula niyang mata at lumabas ang matutulis na pangil.

"Sssssssss!" the vampire angrily hissed, equipped and ready for another kill.

The best talaga si Elijah, he’s one of my favourite character that I’ve been enjoying to write! Bet niyo ba ang paglitaw ng Cyborg? Hahaha! Naisip ko lang maglagay ng something “futuristic” syempre, finale na ito, kaya bobongahan na ni Author. Ang sarap sumulat ng action scenes! I hope ya’ll enjoying it too! :-)

AnjGeecreators' thoughts