webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
340 Chs

Battle within ourselves

ENORMITY and darkness are within any human being living in the Universe. In the most abysses of our existence hides a tiny little monster, whispering in our consciousness, as though a persistent mosquito wanting to take a bite on our skin and sip our blood, leaving a mark that itches like hell, temping us to scratch it even though how hard we try not to touch them.

At kung mahina ka, madali para sa mga demonyo na mapasunod ka sa mga bulong nila, kakamutin mo ang kagat ng lamok hanggang sa humapdi ito at magkasugat ng malalim at manatiling nakamarka sayong balat.

Now, how can we resist these devils within ourselves? Tayong mga nilalang na pinagkalooban ng buhay mula sa Bathala, ano ang kakayahan nating lumaban? Kaya ba natin itaboy ang mga makukulit na bubuyog na bumubulong sa ating mga tenga? O, tuluyang magpapa-akit sa matatamis nilang salita hanggang sa malugmok sa apoy ng kasalanan?

It's a consequence of choice but most of all, it's what you firmly reckon. What your heart and consciousness believe is what will manifest in your life. Mag-isip ka ng masama, tutubo ang mga masasamang bagay sa buhay mo. Maniwala ka sa kabutihan at pag-ibig, magagandang bagay ang uusbong sa paligid mo.

Can we really fight our own demons? The answer is…

Humigpit nang husto ang pagkakakapit ni Lexine sa hawak niyang espada habang nakatayo sa tabi ni Cael at hindi binibitawan ang nag-aapoy na mga mata sa nilalang—na higit pa sa dagat ng apoy ang pagliliyab ng buong katauhan—dahil sa kasamaan na tinataglay nito.

"Pinapahanga mo ako sa katapangang pinapakita mo Nephilim. Totoo nga na anak ka ng isang Arkanghel," malamig pa sa yelo ang mga mata ni Lucas.

"Nagustuhan mo ba ang surpresang inihanda ko? Lovely isn't it?" the devil itself slightly curved the corner of his lips showing a faint smile and eyes that mirrored a vast of veilness.

Mas tumigas ang bagang ni Lexine, bawat salitang binibitawan ni Lucas ay nadadagdagan ang matinding panginginig sa bawat kalamnan niya sa katawan.

"Napakasarap pakingan ng mga iyak at sigaw ng mga naghihirap na kawawang nilalang. Napakagandang pagmasdan ang bawat dugong umuulan at tumutulo sa lupa. Look!" binuka ni Lucas ang dalawang braso, "This is the world that I will conquer! Beautiful isn't it?" nakakakilabot itong ngumiti, na tila isang baliw na pintor at tuwang-tuwa sa kanyang obra-maestra.

The destruction is his art, and the blood is his paint.

Nanatiling hindi umiimik si Lexine habang kumikinang ang mga mata dahil sa mga luhang namumuo at pilit niyang pinipigilan.

Tumawa si Lucas at nagpatuloy, "Pain, misery, torment, these are the things I like seeing the most in every little human being breathing in this planet. The sight of death and annihilation gives me more thrill and felicity and I truly can't wait for the day that I will finally rule the entire Universe."

Napailing si Lexine sa mga naririnig na litanya ni Lucas. Hindi niya maisip kung hanggang saan pa ang kayang marating ng kasamaan ng demonyong nasa harapan niya. Wala itong katulad. Isa itong siraulong nilalang na nababaliw sa kasakiman sa kapangyarihan. Hindi sapat ang salitang "baliw" para ma-describe ang buong pagkatao nito.

Hindi na nakatiis si Cael na manahimik, "Kung iniisip mo na magtatagumpay ka sa pagsakop sa buong mundo, nahihibang ka na Lucifer. Alam natin pareho na kahit kailan ay hindi mo matatalo ang Ama."

Mabilis na nagdilim ang mga mata ni Lucas, "Matabil ang dila mo anghel," nagseryoso ito, "Winter," tawag nito sa demon na katabi.

Mas matigas pa sa yelo ang mukha ng babaeng demonyita na walang kahit anong uri ng emosyon na pinapakita. Bahagyang yumuko si Winter, senyales nang pag-oo nito sa utos ni Lucas at dahan-dahang naglakad papunta kay Lexine at Cael.

Napangiti si Lucas, gusto niya munang maglaro ng kaunti. Mabilis naman na hinarang ni Cael ang katawan kay Lexine.

"Cael…"

"Dito ka lang Alexine, ako ang lalaban sa kanya," mariing habilin ni Cael at hinanda ang espada.

Huminto si Winter ilang metro ang layo sa kanila. Bitbit nito ang itim na payong. Hawak niya ang handle at tinuktok ng tatlong beses ang dulo ng payong sa sementadong sahig. Sa gulat ng dalawa, biglang naging yelo ang buong concrete at mabilis na gumapang papalapit sa kanila.

"Lexine!" agad na binuhat ni Cael si Lexine sa bewang gamit ang isang kamay at lumipad sila upang makaiwas sa atake ni Winter. Tinamaan ng kapangyarihan nito ang malaking truck na nasa likuran nila at mabilis itong nanigas at binalot ng yelo.

Gulat na gulat si Lexine, hindi niya inaasahan ang kakaibang kapangyarihan ng demon. Lumapag sila ni Cael sa sidewalk.

Ngumisi si Winter, simula pa lang ito. Tinaas niya ang payong, binuksan sabay pinaikot-ikot at tinutok sa dalawa. Sunud-sunud na lumabas mula sa payong ang mga matutulis at maninipis na ice needles na parang mga butil ng ulan sa dami.

"Cael!" napasigaw si Lexine.

Mabilis na kumilos si Cael, hinarang niya ang likod sabay niyakap niya si Lexine. Pinagalaw niya ang nagliliwanag na pakpak sabay sumarado ang mga ito sa itaas nila at nagsilbing shield laban sa mga tumatalsik na ice needles.

"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Cael habang nakatago sila sa loob ng pakpak niya.

"Hindi Cael, mapanganib ang kapangyarihan niya. Paano natin siya lalabanan?" nababahalang tanong ni Lexine.

Patuloy silang pinapaulanan ni Winter ng sunod-sunod at sandamakmdamk na ice needles. Kailangan nilang makaisip ng paraan para mapatigil ito.

Sa kasamaan palad ay mahihirapan silang kumilos dahil sa sandaling buksan ni Cael ang mga pakpak siguradong matatamaan sila ng ice needles.

"Ano nang gagawin natin Cael?"

Sa isip ni Cael ay kailangan niyang maprotektahan si Lexine. Pinagmasdan niya ang paligid. May nakita siyang nakatabinging sasakyan ilang dipa mula sa kanila. Maari itong maging silbing proteksyon ni Lexine.

"Ako ang haharap sa kanya, kailangan mong magtago para hindi ka masaktan," mariin niyang turan. Kumuha si Cael ng magandang buwelo at mabilis na tumalon patungo sa sasakyan nang hindi binubuksan ang mga pakpak.

Sa isang iglap ay nasa likuran na sila ng sasakyan, "Dito ka lang Alexine."

"Cael sandali," pinigilan siya nito sa braso, "Please, mag-iingat ka."

Ngumiti si Cael at mabilis na hinalikan si Lexine sa noo, "Pangako, babalikan kita."

Mabilis na lumipad si Cael sa himpapawid. Sinundan ni Winter kung saan patungo si Cael at patuloy na nagpapalabas ng mga ice needles gamit ang payong. Nahihirapan si Cael na maka-sugod. Panay sanga ng pakpak niya sa mga atake nito habang umiiwas at palipad-lipad sa itaas.

Heto na ang inaabangan ending ng Book 2 (Touch of Death)

Ready na ba kayo mga besh? Ihanda ang popcorn at tissue! I warned you! Hohoho

Enjoooooy!

Thank you for your powerstones, comments and reviews! Hope ya’ll enjoy the chapters! :)

Join our FB group: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts