ATHENA
Nagtataka akong nakatingin sa kanilang lahat pero nakangiti lang sila. And suddenly, a music plays. Nakakunot parin ang noo ko ng bigla akong hawakan ni Lenia sa kamay. I looked at her. "Anong nangyayari?" I said, confuse.
"It's a pre-wedding, Jade. Plan by your beloved soon to be husband."
I froze. "A-Ano?"
Natawa siya sa reaksiyon ko at nagsimula ng maglakad. "Be happy, bestfriend. Wag kang bitter. Sige na, pinaghirapan to ni Mark."
Blanko parin ang utak ko pero nagsimula na rin akong maglakad. Inalalayan niya ako dahil halata sa aking hindi ko parin ma digest ang nangyayari.
Pre-wedding? Ibig sabihin parang magprapractice kami ni Cyril ng kasal namin? Oh my gosh! Hindi nga?!
Tumingin ako sa harapan at hinanap ng mata ko si Cyril. He's looking at me softly. An amazing smile is visible on his lips. Hindi niya inalis ang tingin sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya.
Nagsimulang tumulo ang luha ko. It may just be a pre-wedding but it's still a wedding. At si Cyril ang lalaking naghihintay sa akin sa altar.
Nanginginig ang kamay ko sa kaba habang patuloy na tumutulo ang luha ko. My heart is beating so fast. Parang gusto nitong kumawala sa katawan ko. Nakatingin lang ako kay Cyril habang papalapit ako ng papalapit sa kaniya.
I didn't expect this. Akala ko ng sabihin niyang may sorpresa siya sa akin, akala ko simpleng breakfast lang yun. I didn't expect it to be a pre-wedding. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na ang cold at masungit na Cyril ay gagawin sa akin to.
The way he looks at me, the way he smiles and cares for me, hindi na talaga ako nagulat na minahal ko ang masungit na lalaking to. He may look tough outside but the truth is, he's a softie. And I know that because he's been so good to me. Napagtitiisan niya ako kahit minsan ang sungit sungit ko, kahit minsan may hindi kami pagkakaintindihan, kahit binabalewala ko siya minsan, andiyan parin siya. He never left me. He's always there for me, protecting me and making me smile.
Napakagat labi ako. I still can't believe what's happening right now. From being enemies to lovers, how cliche. Parang sa mga movies ko lang nakikita ang mga to tapos ngayon nagyayari na sa akin. Cliche man pero totoo eh, I fell inlove with my cold and emotionless fiance.
Walang tigil ang pagtulo ng luha ko hanggang sa tuluyan kaming makalapit sa kaniya. Kinuha niya ako mula sa pagkakahawak ni Lenia.
"Take care of my bestfriend, Mark. Wag na wag mong sasaktan yan dahil sakin ka malalagot, naiintindihan mo?" Lenia said.
Ngumisi si Cyril. "I won't hurt her. I promise."
Saakin naman bumaling si Lenia. "Oh tumahan ka na sa pag iyak. Baka pumangit ka at iwan ka niyan, bahala ka sa buhay mo."
Pinunasan ko naman ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Baliw. Kahit umiyak akong umiyak, maganda parin ako." I answered, confidently. Napairap naman siya. "Ewan ko sayo!"
Lumayo siya sa amin. "Sige, iwan ko na kayo. Baka hindi pa ako makapagpigil at mabigwasan ko si Jade." tanging sabi niya at lumapit kila Joan. Tumingin naman ako kila Joan at Gary. Nakangiti si Joan habang si Gary naman ay umiiyak.
"Let's go?" nalipat ang tingin ko kay Cyril tsaka sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Nakangiti kung tinanggap yun.
We walked near the altar. Si Brent ang nakatayo doon at nakasimangot. Siya lang yata ang nakasimangot dito.
He sighed before he speak. "Okay everyone, let's start this wedding. At dahil hindi naman ako pari at wala akong planong magpari, I'll do this in my way."
Inunat niya ang kamay niya. Pinipigilan ko ang sariling matawa dahil sa ginawa niya. Hindi niya bagay maging pari.
"Do you, Jade Athena Lee, take this man as your lawfully wedded husband? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"
Humarap ako sa kaniya and he hold my both hands. My tears starts to fall again. "I do."
"Do you, Mark Cyril Romero, take this woman as your lawfully wedded wife? To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"
Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. He smiled at me before he answered. "I fucking do."
Natawa ako sa pagmumura niya. "Hoy, yang bunganga mo nga! Ikakasal ka na't lahat lahat, nagmumura ka parin." galit na saad ni Brent. Nilingon naman siya ni Cyril at tinignan ng masama. "Just go on." matigas na saad nito at muling tumingin sa akin ng may ngiti na sa labi. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
Muling napabuntong hininga si Brent bago siya magsalita. "Say your vows to each other. Jade, you go first."
I sighed and smiled lovingly at him. "First of all, I want to ask if this is really real? Ang hirap kasing paniwalaan nitong mga nangyayari. Parang kailan lang, lagi tayong nag aaway at nag sasagutan. Walang oras na hindi tayo nag aaway. Parang dati lang, ayaw na ayaw kung nakikita yang pangmumukha mo." I chuckled. "Parang dati lang, kumukulo yung dugo ko pag nakikita ka. Tapos ngayon, tignan mo naman, tsk tsk tsk! Nahulog na talaga ang magandang tulad ko sayo." sumimangot siya dahil sa pinagsasabi ko kaya mas lalo akong natawa.
"Pero seryoso, I love you Cyril. Natutunan na kitang mahalin. Sinong mag aakala na mahuhulog ako sayo, diba? A drop dead gorgeous like me fell for you? Hahaha! You should be proud!" may pagmamayabang sa boses ko kaya mas lalo siyang napasimangot.
"Well, kidding aside, I love you so much, mahal ko. I promise that I will stay by your side forever and I will take care of you for richer and for poorer. No one can take you away from me, pangako yan. Dadaan muna siya sa sexy na body ko bago ka niya makuha sa akin. At kahit masungit ka at magalitin minsan, hindi parin kita iiwan. I will try to understand you with all I can do. So don't you ever think of letting me go too dahil kahit mas malakas ka at mas makakatakot ka sa akin, sasapakin parin kita pag sinaktan mo ako. Understand?!" dahan dahan siyang napatango.
"Again, I love you and I will stay by your side till death do us part."
Nakita ko kung paano unti unting bumalik sa labi niya ang ngiti at kung paano mamasa ang mga mata niya. Told you, he's a softie.
"Jade Athena Lee is the name of the woman that I also love so much. Inaamin kung sobrang naiinis din ako sayo nung una kitang makita. You're so full of yourself. But then, you also impressed me because you can protect yourself from others. Nung una, gusto lang kitang protektahan, I just want to keep you safe, no more no less. Until the day came that I become so much protective of you, na kahit makipag usap ka lang sa ibang lalaki ay ayaw kung mangyari, seeing you talking and be happy with other men makes me angry. I thought it's just because I want to protect you but I was wrong, I am mad because I'm jealous. Na realize ko na habang tumatagal ng tumatagal, hindi lang kita gustong protektahan, ayaw na rin pala kitang mawala sa buhay ko." he held my hands tighter.
"I'm so scared that I will lose you, that you will hate me because of my attitude, that you won't be happy with me. That time, I realize that my heart starts beating for you. The barricade that I put around my heart slowly melted because of you. Namalayan ko na lang na ikaw na yung hinahanap hanap ko. My whole system wants you and I can't stop myself from wanting you."
"Magulo ang buhay na mayroon ako, Athena. But I promise to myself na proprotektahan kita. Someday when you get to know me more, I don't know if you will hate me or not but I will still make you safe. Hindi ko hahayang masaktan ka hangga't nabubuhay ako. Hindi kita pipigilan kung balang araw ay iwan mo ako pero ipinapangako ko sa sarili kung aalagan parin kita at babantayan. I'll try to beg to for you to stay pero kung ayaw mo and letting you go is the best thing to do, then I won't think twice to do it. Kahit mahirap, kahit masakit. If that's the only choice to make you safe then I'll do it in a heartbeat."
Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. What does he mean by that?
"I will always think about you first and I will always love you. Only you. Because you are mine and mine alone, until death do us part."